Kabanata 7

Kabanata 7

Problem



"Bad mood?" bungad ni Anna nang makapasok ako sa staff room.

I just shrugged my shoulders at her. I'm not in the mood right now to talk to anyone.

Pagkatapos ko magpalit ng damit agad akong nag-serve ng mga order na hindi man lang ngumingiti kahit kanino.

"Krizza!" 

Napaigtad ako dahil sa tawag ni madam.

"M-Madam..."

"What happened?" nangunot ang noo niyang tumitig sa akin.

"N-Nothing madam..." I then smiled slightly.

She sighed. "I know you have a huge problem. Pero huwag mo naman sana idamay ang trabaho mo, Krizza. Mawawalan tayo ng customer!" mariin niyang paalala. 

This is the first time na nasita ako sa trabaho. Tumungo ang ulo ko at nakaramdam ng hiya. 

"I-I'm sorry, Madam... I won't do it again,"

Ilang beses kong natarayan ang ibang customer at may mga ilan pang nilalagpasan ko kahit na tinatawag ako

"If you're not feeling well today. You can go home. Tatawagan ko na lang si Mika para pansamantalang ipalit sa'yo."

"Okay lang Madam, tatapusin ko lang 'tong trabaho ko… pasensya na ho," paumanhin ko.

She stared at me intently trying to figure out what's going on, yet she just slowly nodded as soon as she turned her back on me and walked away. 

Tinapos ko ang oras ng trabaho hanggang sa natapos ang buong oras ko. Hindi na rin ako nag over time. Lupaypay ang katawan ko nang nakauwi sa bahay ng maaga.





Nagising ako dahil sa malakas na pagtunog ng cellphone ko kaya agad ko itong hinagilap sa loob ng bag ko at sinagot ang tawag ng hindi tinitingnan ang caller.

"Mae."

Agad akong napabangon mula sa kama dahil sa boses na 'yon.

"Mr. Suarez..."

"How are you?" tanong niya mula sa kabilang linya.

"I-I'm fine Mr. Suarez... kayo ho kamusta?" I asked back.

"I'm good too. What about Gino? How is he?"

Malalim akong bumuntong hininga bago sumagot. "He's fine but sometimes he can feel—"

"Mae! You're running out of time! You need to do it as soon as possible..." he said worriedly.

"Yeah I know, Doc... I'm already doing everything for him..." I replied casually.

"You know, Krizza, I can help you with that or else you can approach Mr. Vioko to help you..."

My eyes suddenly closed as I gritted my teeth. I will never ask him for help! Not even to you.

'“Don't worry, gagawa ako ng paraan bago pa mahuli ang lahat,” I swallowed. “Without his help…”

I responded and quickly ended the call.

Argh! Gagawan ko 'to ng paraan at para kay Gino... gagawin ko ang lahat ng hindi humihingi ng tulong sa inyo.

"Honeybee? Have you woken up already?"

Gino knocked first before he opened the door. I just smiled at him as I tapped the space in the bed beside me. Agad naman siyang umupo sa tabi ko. He leaned his head on my shoulder.

"I made your favorite breakfast," he chuckled. "Bread with bacon…"

I smiled. How could I let go of this sweetest man I'd know? I note to myself.

I slowly wrapped my arms on his waist as I hugged him tightly. 

"Have you eaten, already?" I asked.

"Not yet, I'm waiting for you... gusto ko sabay tayo mag breakfast..."

I can't help but smile widely with my teary eyes.

"Pagod ka na ba dahil sa akin?" he suddenly asked.

Parang tinutusok ang puso ko dahil sa sinabi niyang iyon.

Umiling-iling ako.

"Hindi, Gino… hinding hindi ako mapapagod sa'yo..." marahang sinabi ko.

"Thank you honeybee for sacrificing your life for me..."

I moved my head to see his face and I saw his eyes moistened. I tenderly touched it using my thumb finger. 

"Ang buhay mo ay buhay ko rin, Gino..." sabi ko ngunit bigla siyang humagalpak ng tawa at iniling-iling ang ulo sa akin.

"Tara na nga, ang aga ng dramahan natin..." aniya.

Napakamot ako ng ulo at inayos ang mahabang buhok.

"Ikaw lang kaya 'yon..." sabi ko habang siya'y tumatawa.

"Whatever," he chuckled.

Tumayo na kami pareho ngunut saglit akong natigilan sa pahabol niyang sinambit.

"Honeybee… ako lang muna ang lalaki sa buhay mo ah?"

Agad naman akong nagulat sa sinabi niya at napalunok sa sariling laway. Ngumiti pa rin ako kahit na kinakain ng konsensya ang sistema lo.

"O-Of course, ikaw lang..." I chortled as I tickled him.

"Stop it, Krizza...." he said as he made his face palm while blocking my hands.

I shook my head and I just continued tickling him not until I saw his jaw slowly tightening kaya tumigil na rin ako. 

Baka magalit na.

Sabay na kaming bumaba. Ngunit napahinto muli ako dahil sa biglaan niyang sinabi.

"Paano kung bumalik siya? Tapos kunin ka niya ulit?" 

I instantly shook my head.

"Stop thinking, Gino. Hindi ako sasama sa kaniya." I assure him

Dire-diretso kaming lumabas ng silid at diretsong umupo sa hapag kainan.

Habang kumakain nakatitig lamang ako sa kaniya habang tahimik na kumakain.  

He may look fine outside but I know he's vulnerable inside. I sight lowly while licking my lips. I'll never ever leave you, Gino... I promise.




Days passed. I always work overtime and I also accept customers to table me. But I didn't let them touch me anywhere.

Kahit na nagtatrabaho ako sa ganitong lugar, nagtitira pa rin naman ako ng respeto para sa sarili ko.

I just accompany them to their table and drink the wine they're offering and have a small talk.



And another week has passed. I never saw Trevious anymore coming into this club, not even his shadow… and it's like I was incomplete.

There's a part of me that was feeling peaceful. It somehow helps me to forget the last thing that happened to us but I can't deny the fact that I'm still hoping that he could reach me again… after what happened to us.

"Krizza, Table 25 requested you, on the second floor!" 

Bigla kong inayos ang sarili ko bago mabilis na pumanhik sa second floor.

When I arrived there I saw the two men at one table while holding their glass of wine. Naglakad na ako palapit sa kanila kahit na sobrang bilis ng kalabog ng dibdib ko.

"H-Hi..." I greeted them when I reached their table.

The two men glanced at my direction and I could see they were a bit shocked while staring at me intently. 

Yumuko ako kaya mahina silang tumikhim. 

"Oh, you must be a K-Krizza, right?" 

"O-Opo," sagot ko.

I heard one of them heavily breathing.

"Sit down, F—Krizza..."

The voice that suddenly interrupted was familiar to me kaya agad akong lumingon sa likuran ko kung saan ito nanggaling.

"Luke!" gulat kong sambit.

He chuckled as he smiled. "Yeah, you look so happy to see me… you miss me that much?"

Naglakad siya palapit sa akin kaya agad ko naman siyang pabirong pinalo sa braso ngunit ngumisi lang siya at inaalalayan ako makaupo.

"By the way, meet them... Zoren and Alex, a friend of mine."

I slowly look at the two men wearing their broad smile. 

"Hi, I'm Krizza..." I intorduce myself as I stretched my hand.

Nag-aalinlangan pa sila sa pag-abot ng kamay kong nakalahad ngunit sa huli ay tinanggap din nila ito.

Pagkatapos makipag kamay sa kanila at hindi ko mapigilan ang mapatitig sa mga lalaking kasama ko. 

May mga lalaki ba talagang ganito ka gwapo at kakisig.

Bigla ko naman na winaksi ang ulo ko ng biglang pumasok ang imahe ni Trevious sa isipan ko.

"So, you're working here?" tanong no'ng Zoren yata. 

Napalunok ako at saglit lang na tumingin sa kaniya. Napaka seryoso ng awra niya kaya hindi ko matagalan ang tingin sa kaniya 

"Y-Yes, sir..."

"Drop the Sir, F—Kriza. Just call me handsome," he chuckled.

"Hey dude fuck off! If you don't want to get killed," Luke interrupted as he laughed.

Ngumisi lang si Zoren habang nakatitig sa akin bago muling sumimsim sa alak niya.

"This is really your job... now?" tanong naman ng Alex. Singkit at bughaw ang mga mata nito at mukhang may lahi. 

He's cute, though.

"Hindi, I was a former cashier in my previous job..." I replied.

"What happened now?" Luke asked with his curious tone.

"I don't know. When Gino stopped working there in a restaurant... they fired me weeks after." I then shrugged my shoulders.

"So, are you okay with your job here?" Zoren asked again while roaming around.

Napalabi ako at tipid na ngumiti. 

"O-Okay lang din. Medyo malaki naman ang sinasahod ko rito kumpara sa pagka-cashier."

"It's because you're showing too much skin, F—Kriz..." Alex pointed out.

Nahihiya naman akong napayuko. Pero hindi mawala sa pandinig ko ang bahagya nilang pagkautal sa tuwing binibigkas ang pangalan ko.

"Hey dude watch your words, you might have offended her," sita ni Luke kay Alex.

"O-Okay lang sanay na rin ako," nakayukong wika ko.

"You should go back to Trevious. Just explain to him everything and for sure he will understand you. And so that you'll be fine again… stop pretending…"

Kumunot ang noo ko sa pagtataka dahil sa sinabi ni Alex. Mahina lang 'yon pero kahit paano ay narinig ko.

"Alex."

Biglang sumakit ang ulo ko dahil sa tatlong lalaki na kaharap ko. Hindi ko alam kung anong sinasabi nila.

"Madalas ka bang magpa-table?" Zoren asked again kaya napa-angat ako ng tingin sa kaniya na nakataas ang isang kilay sa akin.

Agad naman akong umiling ng ulo sa kanila. 

"Hindi naman. Halos isang Linggo pa lang. Pumayag lang akong magpa-table… b-because I need m-money," I said honestly.

Sabay silang nagkatinginan at kalaunan ay sabay-sabay na tumango.

"You mentioned Gino a while ago. Who's him anyway?" tanong ni Luke na magka salubong na ang kilay.

Naglipat-lipat ang tingin ko sa tatlo. Nakita ko si Zoren na nagtitipa sa cellphone niya habang si Alex at Luke ay nakatingin sa akin, naghihintay ng sagot ko.

"G-Gino is my—"

Naputol ang akmang sasabihin ko dahil humahangos si Anna nang lumapit sa akin. 

"K-Krizza!" hinihingal na tawag niya.

"Bakit? Para kang hinabol ng aso," natatawang sinabi ko.

Halata naman kasing nagmamadali talaga siyang pumunta sa'kin. Gulo gulo pa ang buhok at hinihingal.

"Hey, Miss, calm down." Alex said casually.

Nag inhale, exhale naman si Anna bago tumitig sa akin na hindi maipinta ang mukha bago muling magsalita.

"K-Krizza... si Gino—"

Agad namilog ang mga mata ko sa kaba kasabay ng malakas na pagpintig ng dibdib ko.

"W-What happened to him?" I asked nervously.

Lumapits si Anna sa akin at bigla siyang may binulong sa'kin kaya mabilis akong tumayo.

"I-I'm sorry mga sir, but I have to go..."

Paalis na ako ng biglang hinawakan ni Alex ang kamay ko dahilan para matigilan ako at dahan-dahang napatingin sa kamay niyang nakahawak sa akin.

Agad naman niya itong tinanggal at nag-iwas ng tingin  "I'm sorry..."

Tumango lang ako at nagmamadaling lumabas ng club ng hindi nagpapaalam.





"Are you okay? I told you not to stress yourself!" sermon ko.

"I'm sorry honeybee, I'm just bored so I went out…"

"And then?" I raised my eyebrow.

"Hindi ko napansin na may paparating na sasakyan ng tumawid ako… buti na lang—"

"Buti na lang ano?"

Singit ko. Hindi pa rin humuhupa ang kaba sa dibdib ko.

"May tumulak sa akin palayo kaya siya ang nabangga..."

"W-What?!"

Tumango lang ito at nag-iwas ng tingin.

"Nasaan na siya? The one who save you?"

He shrugged his shoulders. "I don't know… after the incident happened. May mga kalalakihan ang bumuhat sa kaniya."

Sana naman safe 'yong tao. Pero paano kung balikan niya kami at singilan dahil sa damage na nangyari sa kaniya? Naku, huwag naman sana.

Buti na lang talaga may nagmalasakit na dalhin sa clinic si Gino malapit sa pinangyarihan ng insidente kaya agad na nagamot ang tinamo niyang gasgas sa braso.

"Are you sure okay ka lang? Eh 'yong ulo mo masakit ba?"

Bigla naman siyang umiling at ngumiti. "Ayos lang ako honeybee. You see? I'm look fine."

Tinaas niya pa ang dalawang braso niya para ipakita na walang masakit sa kaniya.

"Kapag may sumakit sa'yo. Don't hesitate to call me okay?"

"Yes, Ma'am!" saludo niya.

Hindi na ako bumalik sa trabaho pagkatapos sunduin si Gino kahit na may apat na oras pa akong natitira.

Inubos ko na lang ang oras ko sa pagliligpit at paglilinis sa bahay nang nakauwi kami. 

It's been 10 years mula ng mawala si mommy. At itong bahay lang dito sa Makati ang naipamana niya sa amin. 

Habang nagliligpit. I suddenly saw our family picture frame together. Pinunasan ko ito habang hinahaplos ang masayang larawan.

"Mommy… miss na miss na po kita..." mahinang bulong ko.

'Mommy... pagod na po ako sa lahat sa totoo lang pero alam ko na binabantayan ninyo kami… kaya kakayanin ko po para na rin kay Gino.'

I whispered as my tears slowly streamed down my cheeks.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top