Kabanata 3

Kabanata 3

Save 

Mabilis na lumipas ang mga araw. Halos isang linggo na mahigit ang lumipas at wala paring pagbabago. 

Madalas parin ang pag-aalala ni Gino sa tuwing papasok ako sa trabaho.

It was also the same with Trevious, I always saw him on the clubhouse with his friends pero hindi niya naman ako kinakausap kahit madalas na nagkakasalubong ng tingin ang mga mata namin. 

Napansin ko rin na hindi na siya madalas mag-ukupa ng VIP room, isa sa mga bagay na ipinagtataka ko.

Sometimes I can't help but to think, how's the feeling of massaging his back again inside that room? Having a slight conversation with him? Pero sa tuwing iniisip ko 'yon ag kakaibang pakiramdam ang nabubuhay sa kalamnan ko kung kaya'y pilit kong itinaboy sa isipan ang lahat.

"Honeybee, don't go to work today please. I wanna be with you the whole day. Let's go out, my treat," Gino pleaded again. 

I hate seeing him begging for my time. But I couldn't let it happen. Bawat oras ko sa trabaho para sa akin at mahalaga. Gusto kong makasama si Gino ngunit gusto ko ring makaipon para sa kaniya. Para sa aming dalawa. 

I sighed as I gazed at him. "You know Gino, I can't garuantee you that…" I whispered. 

Umiwas lang siya ng tingin sa akin. Panigurado na nagtatampo na naman ito. 

"Please, Gino, do understand me. I'm doing this for you, too. Promise kapag marami na akong ipon lahat ng oras ko sa'yo na," malumanay kong paliwanag.

Mas lalong nalungkot ang mukha niya na bumaling sa akin. "You always think about me, Krizza… you always put me above your top priority," nahihiya niyang wika.

I just grinned. "It's because I love you... I'm willing to do everything for you, Gino. Kaya sana intindihin mo muna ako sa ngayon," sabi ko sabay yakap sa kaniya.

Sumimangot siya "Kung hindi lang sana tayo—"

Lumapit ako sa kaniya at agad kong nilagay ang daliri sa bibig niya upang mahinto ang kaniyang akmang sasabihin.

"Don't mention it Gino, we can do this both, okay? Trust me..." I asserted.

He shyly beamed as he slowly nodded at me. But I could still notice his eyes telling that… he's blaming himself.

Niyakap ko na lang siya ng mas mahigpit upang mabawasan kahit paano ang bigat sa kaniyang dibdib.


_____

"Miss, can I have my drinks, please!"

"Miss, miss, serve our orders now!"

"Miss! We need your help!"

'Ahh! Puro kayo Miss! Sandali lang mahina ang kalaban.' Naiinis na maktol ko sa isipan. 

Kanina pa 'to, e. Bakit kasi dumoble ang dami ng customer ngayon kumpara noong mga nakaraan. Mas lalo tuloy akong hindi magkandaugaga sa trabaho.

Ang malas naman ng araw na ito lalo na at konti lang kaming mga waitress ang naka-duty ngayong gabi. 

Lumapit ako sa lamesa ng mga kalalakihan habang bitbit ang tray ng alak. 

"I'm sorry mga Sir… Ito na po ang mga order ninyo..." sabi ko at nilapag ang order nila sa ibabaw ng lamesa.

Tumango lang ang mga ito sa akin. Ngunit ang mga kasama nilang mga babae at parang papatayin ako sa sama ng tingin kaya napatungo na lang ang ulo ko. 

"Miss, 'yong order namin!" sigaw naman sa kabilang table. 

Mabilis akong lumingon doon at tumango. Dali-dali kong kinuha ang order na nakahanda na sa bar counter at mabilis na sinerve. 

"K-Krizza, sorry late ako. Magpahinga kana muna at ako muna ang bahala," hinihingal na bungad ni Anna nang makarating. 

Sumimangot ako.

Nahahapo akong umupo sa gilid ng Bar counter at tumango sa kaniya.

"Ano Kriz, kaya pa?" 

Bumaling ako kay kuyang bartender at tipid na ngumiti. “Kaya pa.”

Tumango ito pero umiling-iling din. 

"Kung sana kasi nagpapa-table kana lang, doble pa ang kikitain mo at hindi ka pa masyadong magpapagod," wika nito. 

Napangiwi ako.

"N-Naku kuya, okay na 'ko sa pagwi-waitress," agap ko.

Umiling-iling ang ulo nito habang patulpy na nagtitimpla ng alak ang mga kamay.

"Ang hirap mo ngang mapapayag," dagdag niyang komento.

Hinayaan ko na lamang siya at napatitig sa ginagawa niya. 

Namamangha ako sa tinitimpla niyang alak dahil ang bilis ng bawat galaw ng mga kamay niya kahit na halo-halo ang nakalagay na uri ng alak.

Bigla kong naramdaman ang panunuyot ng lalamunan at parang gusto kong tikman iyon.

"Kuya—"

"Alam ko ang mga tinginan na 'yan," bigla niyang sinabi habang nakangisi sa akin. 

Napangisi ako at muling pinanood ang ginagawa niya.

"Gusto mong tikman? Pero baka hindi ka sanay uminom. Hindi pa kita nakikita na uminom ng kahit anong inumin dito. Halos sila Anna lang ang madalas tumikim," aniya.

Napangiti naman ako bigla. Halos lahat yata alam ang galaw ko. "Can I have one kuya?" I asked to kuyang bartender. 

Wala trip ko yata uminom ngayon. 

Bigla naman siyang kumuha ng baso at sinalinan iyon mula sa tinitimplang inumin sabay lapag sa harap ko ang isang maliit na basong may laman na likidong kulay orange na parang juice lang naman. 

"Tikman mo 'yan, Krizza. Sinarapan ko talaga ang timpla diyan..." sabi niya.

Tumango lang ako at hindi na nagsalita pa. Lumapit ako sa bar counter sa harap ng maliit na baso.

Napalabi ako at agad na dinampot iyon nilagok ang lamang ng maliit na baso. 

Gumuhit sa lalamunan ko ang lasa nito.

Oo nga parang juice lang. Pero sa bandang huli naramdaman ko ang init at kaonting pait na humagod sa lalamunan ko. 

"Ano masarap?" nakangiting tanong nito.

Tumango lang ako at humingi pa ulit ng isa. Binigyan niya naman ako bago muling inasikaso ang ibang order.

Naiwan ako sa gilid ng bar counter at patuloy na uminom hanggang sa hindi ko namalayan na nakarami na pala ako. 


"What the heck, Krizza? Ang dami mong nainom!" gulat na saad ni kuyang bartender. 

Napangisi ako at napakamot ng ulo. Hindi niya ako napapansin kanina dahil busy siya masyado sa kakatimpla ng mga sunod-sunod na order. 

"H-Hindi naman po, sakto lang. Nasarapan nga ako eh," parang batang sambit ko. 

"Ikaw talaga," napailing ito sa akin at nagpatuloy na sa ginagawa. 

"Krizza!"

Pumungay ang mata ko at bumaling sa taong tumawag sa akin. Si Anna.

"Okay kana ba? Tulungan mo muna ako mas dumami pa lalo ang customer na pumapasok," hinihingal na imporma niya sa akin. 

Tumango ako sa kaniya at agad akong tumalon paalis mula sa high chaur ngunit muntik na akong matumba buti na lang ay naalalayan agad ako ni Anna. 

"Teka, lasing ka ba?"

Namumungay ang mga mata kong tumingin sa kanya sabay iling ng ulo.

"H-Hindi..." nahihilo lang.

Tinitigan niya pa ako mula ulo hanggang paa kaya tumayo ako ng diretso at bumungisngis sa kaniya.

“Hindi ako lasing, tumikim lang,” paninigurado ko.

Ayaw niya pang maniwala sa akin kaya hinila ko na siya.

Sa huli napipilitan na lang siyang tumango at sabay na kaming naglakad at nag-serve ulit ng mga orders. 

“Sabi mo, eh.”

Halos hindi na nga kami makapagpahinga dahil sa dami ng tao sa club. Pagod na kami pero pinagpatuloy pa rin namin ang trabaho.

May dumagdag na rin sa mga waitress na kasama namin subalit si Anna naman ang nawala. Napakagat ako ng labi nang nakita ko siyang may kahalikan na naman. 

Napapailing na lamang ako habang pabalik sa bar counter. Pero hindi pa man ako tuluyang nakakarating ng may tumawag, sa'kin...

"Miss!" 

Kahit malakas ang tugtugin sa loob ng club ay narinig ko pa rin ito dahil medyo malapit sa akin ang boses na 'yon.

Agad akong nag palinga-linga sa paligid at nakita ko ang grupo ng kalalakihan na parang may mga tama na ang mga ito. Ayokong maging bastos kaya lumapit ako sa kanila.

"Good evening, Sir," magalang na bati ko.

"Hi, if you don't mind. Can you stay here with us for a while?" sambit ng mistiaong lalaki sabay lahad ng kabilang sofa.

"Sorry po sir pero marami pa po akong ise-serve na order. Magpapatawag na lang po ako ng pwede n'yong i-table," magalang na sagot ko.

Nakita ko naman ang pagdilim ng mukha nito habang nakatitig sa akin kaya kinabahan ako bigla.

"No, I want you here. Beside me!" matigas na wika niya. 

Napalunok ako at napatingin sa mga kasamahan niyang nakangisi lang habang nakatitig sa katawan ko. Sa dibdib ko at pababa sa hita ko. 

I was wearing a black skirt hanggang hita lang kaya litaw ang maputi at mahaba kong legs na pinaresan ko ng white tube na pantaas at medyo litaw ang cleavage ko.

Ganito kasi pinapasoot sa amin ni Madam kahit waitress lang kami.

"S-Sorry po—"

Bahagya pa akong napaigtad sa gulat ng hilain niya ang braso ko palapit sa kaniya at diretsong napaupo sa kandungan niya. 

Pinipilit kong umalis subalit mas hinihigpitan niya ang hawak sa kamay ko. 

Sobrang kabado na ako. 

"Choosy ka pa, Miss..." bulong nito. 

Shit! 

Hanggang sa maramdaman ko ang kamay niyang humahaplos sa baywang ko. Napakuyom ang kamao ko at agad ko siyang naitulak ng pwersahan kaya nakawala ako sa kaniya. 

"What the fuck?!" galit na sigaw nito sa akin.

"S-Sorry po talaga, S-Sir..." kinakabahan na sambit ko.

Agad akong tumakbo palayo sa kanila hanggang sa may nabangga akong malapad at matigas na pangangatawan.

Pamilyar ang nalanghap kong pabango mula sa taong iyon ngunit hindi ko na 'yon pinansin pa at dumiretso akong naglakad patungong washroom at doon mabilis na sumuka. 

Hindi ko alam kung saan ako nasuka. Sa ininom ko bang alak o doon sa lalaking nambastos.

Mabilis akong naghugas ng mukha at tinitigan ang mukha sa harap ng salamin.

Ah! Napasabunot ako sa sariling buhok. I've never been this before. Wala pang namimilit sa'kin ng ganoon. Ngayon pa lang!

Nanatili ako sa loob ng washroom ng ilang minuto at pilit kinakalma ang sarili bago lumabas upang ipagpatuloy ang trabaho.


***

Lumipas ang ilang oras at sa wakas ay tapos na ang trabaho ko. Palabas na ako ng club at diretsong nag-abang ng taxi ngunit may kalalakihang humarang sa daraanan ko. 

"There you are!" 

Lumukob ang kaba sa dibdib ko habang nakatingin sa mga lalaking nakangisi sa akin.

Sila 'yong grupo ng lalaki kanina sa loob ng club. Nagpalinga-linga ako sa paligid baka sakaling may mga tao pa… ngunit wala na.

"A-Anong kailangan ninyo?" nangangatog na tanong ko.

"Miss, alam mo namang ikaw ang kailangan namin," wika ng isa lalaki na mukhang uranggutan habang nakangising nakatingin sa dibdib ko. 

Tsk, manyak!

"W-Wala kayong makukuha sa akin. Uh… I'm not a virgin anymore!" sigaw ko sa kanila.

Narinig ko silang sabay-sabay na tumawa. 

Nakakatakot na tawa. 

"Mas gusto namin 'yon miss, May experience..." wika ng isa na mukhang asong ulol. 

Napaatras ako ng bigla silang humakbang palapit sa akin. Ramdam ko na ang panginginig ng buong katawan ko. 

"H-Hindi ako masarap… maalat ako! I… I mean mapait— Ah!"

Napasigaw ako ng malakas nang hawakan ako ng isang lalaki sa kamay. 

"L-Let me go!" I hissed at them.

Pero parang wala silang naririnig at mas lalo pang ngumisi.

"Miss, isa lang. Papakawalan ka rin namin." 

"N-No!" sigaw ko at buong lakas na inagaw ang kamay at mabilis na kumawala sa kanila at kumaripas ng takbo. 

"Help! Help!" 

Sigaw ko habang naiiyak na. Pero wala man lang katao-tao rito sa paligid. 

Napalingon ako sa likuran ko at nakasunod pa rin ang tatlong lalaki sa akin.

Mas lalo akong nawalan ng pag-asa nang nakita ang dalawang iskinitang maliit na lang ang matatakbuhan ko.

Agad na namasa at nangilid ang luha sa gilid ng mga mata ko ngunit pinilit ko pa ring iginalaw ang nangangatog na mga tuhod.

'Help, Please!'

Muli akong tumingin sa likuran ko at malapit na sila sa akin.

"Miss, wala ka ng mapupuntahan. Pagbigyan mo na kami. Bayaran ka naman, eh. Babayaran ka namin sa halagamg gusto mo kay huwag kang mag-alala!" sigaw pa nito.

Mas binilisan ko pa ang takbo at lumusot sa kaliwang eskinita. Hanggang sa may biglang humila sa akin sa madilim na parte. 

Mas lalong kinain ng takot ang dibdib ko at akmang sisigaw na sana ako nang takpan nito ang bibig ko. 

"Shh. It's me..." he whispered.

Agad na kumalma ang buong sitema ko nang makilala ang pamilyar na boses na iyon.

Dahan-dahan niyang tinanggal ang kamay sa bibig ko kaya lumingon ako sa kaniya. Muling nanubig ang mga mata kong pinagmasdan siya na seryoso ang mukha.

Marahan niyang pinunasan ang luha sa mata ko pagkatapos ay mabilis na inalis ang tingin sa akin. Napatitig ako kalahating bahagi ng mukha niya at napansin ko ang walang ekspresyon niyang mukha.

Bumuga siya ng marahas na hangin bago ibinalik ang mata sa akin.

Nag-igting ang panga niyang pinagmasdan ako mula ulo hanggang paa bago muling iniwas ang tingin sa akin.

"T—Trev…" nanginig ang boses ko.. 

Hinawakan niya ang kamay ko at marahang pinisil ang palad na unti-unting nagpapakalma sa sistema ko. 

Akala ko magtatago lang kami ngunit dahan-dahan niyang binawi ang kamay sa akin. 

"Stay here." Malamig na sambit niya.

Tatango na sana ako pero nagulat ako dahil lumabas siya mula sa pinagtataguan at nagpakita sa tatlong ulupong.

Sumilip ako mula sa pinagtataguang pader.

"Hey, who're you looking for?" 

Kinabahan ako sa sobrang lalim at lamig ng boses niya na kahit sino siguro ang makakarinig ay mangangatog sa kaba. 

Nakita kong mas lumapit siya sa mga ito na komportableng nakapamulsa ang dalawang kamay.

"Ikaw?" bumukas ang gulat sa mga mata ng tatlong lalaki.

"Should I repeat my question?!" 

His cold voice sent shivers into my spine. And this is the first time I saw him in this audacious expression, unlike when we first met.

"Ah, 'yong babae kanina sa club. May utang sa amin tinakasan kami at tinakbuhan kaya hinahabol namin." Bakas ang kaba sa boses ng lalaki na nagpalinga-linga sa paligid.

"Really?" saad ni Trevious sa mas malalim at mas malamig na boses.

"Oo—"

Nakaramdam ako ng inis dahil inaakusahan nila ako. Kaya bigla akong lumabas sa pinagtataguan ko at naputol sa ere ang sinasabi ng lalaki.

"Hoy, mga manyak! Wala akong utang sa inyo ni pisong duling. Kayo 'tong humahabol sa akin!" malakas na sigaw ko sa kanila.

"Oh, bro, kasama mo pala iyan?"

"Yeah?" 

Ngumisi ang tatlong lalaki at tumingin sa pwesto ko. "Baka pwede nating pag-usapan. I-share mo naman—"

"Ah!" napasigaw ako sa gulat ng bigla niyang sinuntok sa kaliwang mukha ang lalaki kaya natumba ito sa lupa. 

"Oh, pare, nagdadamot kana yata? Babae lang iyan, titikman—" 

Muli niyang sinuntok sa mukha ang isa pang lalaki kung kaya't natumba rin ito.

2 downs. I chuckled.

"Nice bro, nagbago na pala ang taste mo. Bayarang babae na ang gusto mo ngayon?" 

Nakaramdam ako ng insulto sa sinabing 'yon ng lalaking mistiso. Ngunut ng muling dumapo ang kamao ni Trevious sa mukha ng isa pang lalaki at muli akong napasigaw. 

Tatlo na silang nakaupo sa sahig habang sapo sapo ang sariling mga mukha.

"You will pay for this, assholes!" malamig na ani Trevious habang masamang nakatingin sa tatlong lalaki. "For insulting my girlfriend!"

“Girlfriend?” ramdam ko ang kaba sa boses ng lalaki.

“Yes, so… goodluck to your businesses, assholes.”

Pagkasabi ni Trevious no'n ay dahan-dahan siyang bumaling sa gawi ko ngunit agad niya rin akong inirapan at nilihis ang ulo.

Pinagpagan niya ang sarili bago naglakad palapit sa akin. Bumuntong hininga siya sa harapan ko bago niya hinawakan ang nanginginig na kamay ko at mabilis hinila paalis. 

"Sandali..." pagpipigil ko.

Napahinto siya sa paghakbang at mabilis na bumaling sa akin na magkasalubong ang makapal na kilay. 

"What?!"

Bumitaw ako sa kanya at mabilis na naglakad pabalik, palapit sa tatlo.

"Krizza!" rinig kong pigil niya sakin. 

Pero lumapit pa rin ako sa tatlo at mabilis silang sinampal isa-isa. Nakita ko pa ang gulat sa mga mukha nila. 

"Kahit kayong tatlo na lang ang natitirang lalaki sa mundo. Hindi ako papatol sa inyo. Over my dead sexy gorgeous body!" I yelled to them.

Dumilim ang mga mukha nilang nakatingin sa akin. Inirapan ko sila at mabilis na tumalikod sabay rampa paalis.

Diretso akong napatingin sa gawi niya at agad napansin ang matalim niyang tingin sa akin kaya mabilis akong lumapit sa kanya at bahagyang napatungo ang ulo. 

Huminga siya ng malalim at mabilis niyang hinagilap ang kamay ko at hinawakan sabah hila paalis sa lugar na iyon. 

Napakagat ako ng labi at hindi mapigilan ang malakas na kabog ng dibdib.

Nang nakarating sa harap ng kaniyang sasakyan ay nagdadalawang-isip pa akong pumasok ngunit nang buksan niya ang pinto sa front seat ng sasakyan ay napilitan na akong sumakay.

Sinarado niya ang pinto ay mabilis na umikot sa kabilang side at sumakay sa driver seat. Lihim akong napatitig sa kaniya.

I owe my life to him. Kung hindi siya dumating baka kung ano na ang nangyari sa akin.

Dumiretso ako ng upo at pagod na sinandal ang ulo sa backrest ng upuan. I slowly closed my eyes as I felt my eyes moistened.

'Thank you so much Lord for sending Trevious to save me.' I silently mumbled.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top