Kabanata 19
Kabanata 19
Father
Pagkatapos ng araw na binisita ko si Gino we both burst into tears. Lalo na noong inamin kong wala na akong trabaho ngunit hindi ko sinabi ang totoong naging trabaho ko sa loob ng ilang buwan.
Gino keeps reprimanding himself for what happened but I still manage to alleviate him and evade blaming himself because it was not his fault.
At dahil hanggang 10:00 pm lang ang visitor time para sa mga cancer patient at umuwi na rin ako pagkatapos namin makapag-usap at kumain ng sabay. Hinintay ko muna siyang makatulog ng malalim bago ako tuluyang umalis.
"Ate Maeee!" malakas na sigaw mula sa labas ng mansiyon ang naririnig kong umaalingawngaw na boses babae kaya mabilis akong lumabas mula sa sala upang silipin iyon.
"Naida? Nika? Kayo na ba iyan?"
Nakangiti akong sinalubong sila at hindi maitago ang pagmahanga nang nakita silang dalawa.
They're both grown pretty faces. At hindi nga nakakapagtaka n pinag-aagawan sila ng mga kalalakihan dito sa aming barrio.
Si Naida na may pagkamorena ang kulay ng balat, matangos ang ilong, mapula-pula ang manipis at mahugis na labi. May pagkakulitot ang dulo ng kaniyang buhok. Idagdag pa ang kaniyang makapal na kilay ay bilugan ang maningning na mga mata.
Si Nika naman ay mala porselana ang balat balat. Singkit ang mga mata. Maliit ngunit matangos ang ilong at mapula-pula din ang manipis na labi. Unat naman ang kaniyang buhok na halos umabot sa baywang.
Halos magkasing tangkad lang din sila. They look fine ladies now. At hindi mo aakalain na bata pa ang kanilang edad dahil sa kanilang panlabas na pangangatawan.
They are not siblings nor blood related but they were treating each other as one.
"Ate, Ikaw nga!" gigil na sigaw ni Naida at mabilis akong niyakap.
Nika was a bit shocked while staring at me as I handed my arms to her to give a hug.
“Ate, we miss you! Akala namin hindi kana babalik dito. Palagi kaming sumisilip sa mansiyon na ito baka sakaling bumalik kayo ni Kuya Gino,” mahabang salaysay ni Nika.
Mahina akong natawa at madamdamin silang niyakap ng mahigpit bago bumitaw.
I then looked at them both with my eyes twinkling.
“Ang laki-laki n'yo na pareho. Parang kailan lang ang liliit n'yo pang dalawa,” komento ko. “Ang gaganda n'yo pa,” dagdag ko.
“Syempre naman po mana kami sa inyo,” halos sabay nilang sinabi kaya muli akong natawa.
"Oh, tara pasok na tayo," pagyaya ko. Niluwagan ko ang bukas ng gate at hindi maalis ang tingin sa kanila.
Kaygandang mga dalaga.
"Ate Mae, ang ganda ganda mo lalo," saad ni Naida.
I smiled. "Thank you, Naida. Kayo rin ang gaganda ninyong dalawa…"
Nagkatinginan sila at sabay na napahagikhik.
Napangiti ako.
"Teka nga, kumain na ba kayo?" tanong ko nang tuluyan kaming nakapasok.
"Opo tapos na. Pagkasabi pa lang ni Nanay na nandito ka nagpaalam na kaagad kami na pupunta dito at matutulog. Okay lang po ba?" ang daldal na rin ni Naida kaya mahina akong natawa.
Mukhang nahawa kay Nika.
I immediately nodded. "Aba syempre naman, kayo pa ba?"
Nagtilian ang dalawa at bahagya pang nag-apir ng mga palad.
"Tabi-tabi na lang tayo sa kuwarto ko huh? Hindi pa kasi nalilinis ang ibang kuwarto kaya maalikabok pa," sabi ko.
“Omg! Ate gusto namin 'yan! Na-miss ka po namin sobra!" muli nilang tili pareho at muli na naman nila akong dinamba ng yakap.
Napailing na lang ako. Napakalambing pa rin na mga bata.
Habang nasa kuwarto at nag-aayos ako ng ibang gamit. Panay ang kanilang kuwento tungkol sa mga nobyo nila. Tama nga si Nanay nakahiligan ang makipag-relasyon sa murang edad.
Pero sana alam pa rin nila ang kanilang limitasyon sa ginagawa nila At alam ko naman magsasawa rin ang mga ito at darating ang panahon ay magseseryoso rin sila kanilang relasyon.
***
Kinabukasan maaga akong nagising upang malinisan ang ibang parte ng mansiyon. Kukuha na lang ako ng makakatulong sa paglilinis dahil hindi ko makakaya lahat mag-isa.
Umuwi muna sina Naida at Nika at babalik na lang daw sila mamaya.
Habang naglilinis bigla kong naalala ang sulat ni Mommy. I immediately went up to her room to check what she was talking about and good thing, I was holding our mansion key set.
Pagkapasok ko sa loob ng kuwarto ni mommy ay maayos pa rin naman ang laman sa loob medyo maalikabok lang dahil sa tagal ng panahon.
Pinagpagan ko ang alikabok na nasa pintuan ng cabinet at mabilis kong binuksan iyon. Luma na rin ito ngunit halatang matibay pa rin.
Pagkabukas ko ay bumungad sa akin ang magkakapatong na durable clear boxes at naaninag ko agad na may mga laman ito sa loob.
Isa-isa ko muna itong nilabas mula sa loob ng cabinet at nilapag sa sahig bago sunod na sumalampak sa sahig at 'di alintana ang malamig na papag.
Una kong binuksan ang box na may takip na asul at bumungad sa akin ang mga lumang larawan doon ng babaeng hindi ko kilala pero… parang pareho kami ng mga mata?
Teka.
Kasama ito ni mommy sa mga pictures at parehong masayang magkayakap at magkaakbay. They look like best friends and are very close to each other.
Naghahanap pa ako ng ibang photos. Not until I saw lots of baby pictures.
"Siguro kami 'to noong mga bata pa kami ni Gino…" bulong ko at hindi mapigilan ang mapangiti.
Hanggang sa inilipat ko pa ang tingin ko sa ibang letratong nandoon. Ngunit biglang gumulo ang isip ko dahil sa nakita.
My heart skipped a bit for a moment while intently staring at the pictures.
I saw my daddy hugging my mom's friend? What is this? I was curious.
Hinalungkat ko pa ang ibang litrato subalit puro mga pictures na iyon ni daddy kasama ang kaibigan ni mommy na masayang magkayakap.
What the hell are these? Maybe this was the reason why mommy took us away from here? Kaya ba binalaan niya akong huwag lalapit kay daddy noon o kahit humingi ng tulong? Napasinghap ako.
Mabilis na nag-init ang bawat sulok ng mga mata ko, nangilid ang luha sa mga maya hanggang sa tuluyan nang bumagsak pakonti-konti ang butil butil na luha dahil sa mga natuklasan.
Kaya ba iniwan kami ni daddy dahil karelasyon nito ang kaibigan ni mommy? Pinagpalit niya kami dahil sa babae niya? Sunod-sunod na pumatak ang panibagong luha sa mga mata ko.
Oh my goodness! Tuloy-tuloy lang sa pag-agos ang luha mula sa mga mata ko kasabay nang paninikip ng dibdib.
Hindi ko na kayang malaman pa ang lahat kaya mabilis kong niligpit ang mga larawan na iyon. Binuksan ko naman ang isang box kahit nanghihina, nanginginig ang mga kamay.
Bumungad naman sa akin ang Diary? Kaninong diary 'to? Ang daming nabuong katanungan sa isipan ko.
Imbis na basahin iyon ay minabuti kong dalhin ito sa kuwarto ko kasama ang iba pang mga papeles na nakita ko sa pang-huling box.
Inayos ko muna ang mga kalat sa kuwarto ni mommy bago napagdesisyunan na lumabas na ng silid na iyon at dumiretso sa silid ko.
Iniwan ko lang sa ibabaw ng kama ko ang nahalungkat kong diary. Maybe I can read that If I have some free time. Hindi ko pa mahaharap sa ngayon dahil ang dami ko rin kailangan ayusin dito.
Ilang minuto ang pinalipas ko bago naisipang bumaba sa kusina para sana magluto.
Subalit ganoon na lamang ang gulat ko nang nakitang humahangos si Nika at Naida nang pumasok sa loob ng mansiyon.
"Ate! Ate!" sigaw ng mga ito.
Kumunot ang noo ko kaya dumiretso akong tumungo sa malawak na sala upang salubungin sila imbis na sa kusina.
Hinihingal silang habang nakaharap sa akin kaya natawa ako sa mga itsura nila. Subalit unti-unting napawi ang ngiti ko sa labi nang napansin ang takot na mababasa sa kanilang mga mata.
"Teka, kumalma muna kayo. Ano bang mayroon? Anong nangyari sa inyo?" mahinahon kong tanong.
Pero hindi pa man sila nakakasagot ay may mga nakaitim na mga kalalakihan ang sunod-sunod na pumasok sa loob mansiyon na walang permiso mula sa akin.
Agad na lumumob ang kakaibang kaba sa dibdib ko.
"Anong ginagawa ninyo dito? Sino kayo?!" sigaw ko habang nagpapanik na rin dahil sa namumuong takot sa dibdib.
Agad naman nagtago si Naida at Nika sa likuran ko at mababakas din ang labis-labis na takot sa kanila.
"Miss, we're here to take you," pormal na sinabi ng isang lalaki na nakakatakot ang boses dahil sa lalim at lamig nito.
"S-Sino ba kayo?!" I shouted to them even though I'm trembling. Ngunit ni isa sa kanila ay walang sumagot sa akin.
Napalingon kaming lahat sa gilid dahil sa malakas na tunog ng cellphone ng isa sa mga lalaki na nanloob sa amin.
"Boss? Yes, She's here," rinig kong sinabi ng isang nakaitim na lalaki at may kausap sa cellphone.
"They're all tree," anito at tumingin pa ito sa aming tatlo nina Naida at Nika.
Anong tatlo? Anong pinagsasabi nito?
I was about to say something but suddenly they ransacked the entire mansion which made my whole system even angrier.
"What the hell are you doing?!" I shouted so loud and my loud voice thundered around the mansion.
Everyone's shocked. Even me because I'd never done this before. Ngayon lang. Ngayon lang ako sumigaw at nagalit ng ganito.
"Tauhan ba kayo ni Trevious?!" ulit kong tanong sa nanggagalaiting tinig.
In this kind of moves. Hindi ko alam kung bakit siya ang unang lumabas sa bibig ko.
Nonetheless, they looked so confused.
"Sumagot kayo!" muling sigaw ko.
"Ma'am, we're just obeying. Mr. Figueroa's order..." sagot ng isang lalaki.
Figueroa? Wait...
"Is that—"
"Yes Ma'am. Your father ordered us."
Mabilis akong natawa sa nalaman.
"So, after all these years? He still looking for us? After he cheated on my Mom?!" sigaw ko kasabay nang pagbagsak ng butil ng luha mula sa gilid ng mata ko.
"A-Ate..."
Nilingon ko si sina Naida at Nika sa likuran ko at ngitian ko lang sila sabay hinarap muli ang mga nakaitim na lalaki.
Naramdaman ko pa ang pagbitaw ng yakap sa akin ng dalawang dalaga.
"Tell him that I won't come with you. Maayos na kami ni Gino kahit wala siya! Maayos ang buhay namin at hindi namin siya kailangan!" galit kong singhal sa kanila kasabay ng mahinang paghikbi dahil sa sama ng loob sa kaniya.
Makalipas ang ilang segundo ay naramdaman ko na lamang ang mga malaking bisig na yumayakap mula sa aking likuran.
"Princess..."
I was stunned for a moment when I heard his deep voice. I want to push him away. Pero may parte sa akin na gustong damhin ang yakap niyang iyon.
I bit my lower lip and stayed silent as my tears continued streaming down my cheeks not until my phone loudly interrupted.
Mabilis akong kumawala sa yakap niyang iyon bago dinukot ang cellphone mula sa bulsa ng suot kong pantalon at aligagang sinagot ang tawag ng hindi tinitignan ang caller.
"H-Hello?" pumiyok ang boses ko.
"Mae."
Napalunok ako. "Oh, Dr. Castor Suarez..."
I could hear him hoarsely breathing. "Mae, si Gino—"
Agad namilog ang mga mata ko sa kaba at hindi na siya hinintay pang magsalita.
"P-Papunta na ako..."
Pinutol ko ang linya at mabilis na hinarap ang dalawang dalaga.
"Naida, Nika, kayo muna ang bahala rito, huh? Pupuntahan ko lang si Gino sa hospital. I-lock ninyo ang gate kung lalabas kayo?" habilin ko.
"O-Opo ate."
I tapped their both head and I nodded. Akmang lalabas na ako ng may biglang humawak sa braso ko kaya napalingon ako sa taong iyon.
"P-Princess—"
"Not now, please! Not now..." iling kong sinabi sa kaniya.
Subalit mabilis niya na akong hinila palabas ng mansiyon at dire-diretsong sinakay sa loob ng itim na SUV van at mabilis itong pinaandar paalis.
Natahimik ako.
"What hospital?" he asked.
"C-Cebu Perpetual Hospital..."
"What?!" gulat niyang reaksiyon.
"Bilisan mo na!" I said, instead.
God Please. Not Gino please! Pumikit ako dahil sa halo-halong kaba ang nararamdaman habang matulin ang takbo ng sasakyan.
Habang nasa biyahe ay tahimik akong nagdarasal na sana maayos na lagay si Gino. I can't lose him. I love my twin brother so much… siya na lang ang mayroon ako.
Please God, save him. I'm begging you not him, please...
I can't afford to lose him.
I cried silently as soon as I heard my daddy clearing his throat.
"P-Princess... What happened to Gino?" he asked softly.
Dahan-dahan akong nagmulat at napatingin ako sa kaniya ng seryoso. Kahit gusto ko siyang sigawan at sumbatan ngayon dahil sa pag-iwan niya sa amin ay hindi ko magawa.
Hindi ko maikakaila ang katotohanan na nananabik pa rin ako sa kaniya bilang ama ko. Nananabik pa rin ako sa bawat yakap niya.
I'd never tried living with him even before.
My eyes watered, "M-May sakit siya..." malat kong sinabi.
Nakita ang mabilisang sakit na bumalatay sa kaniyang mga mata.
"W-What ill? Since when?" his voice broke.
"One year ago. When he got diagnosed with a brain tumor..." I uttered, trying not to break down.
"Why didn't you contact me so I can help my son?" nahihirapang niyang sinabi.
Muling bumagsak ang mga luha sa mata ko kasabay nang pagkuyom ng kamao ko habang mariin na nakatitig sa kaniya.
"Really, Dad? After you cheated on mommy? After you left us? May lakas ka pang sabihin iyan?" hindi ko mapigilan ang isumbat sa kaniya.
Bumakas ang gulat sa mukha niya na para bang naguguluhan.
"Who told you that?" he asked calmly yet confused.
"Mommy, told us..." tipid kong sagot at hindi naitago ang pait sa tinig.
"Y-You're with her?" takang tanong niya habang nakakunot ang noo.
I teared up. "Yes, but she died 10 years ago when you left us because of your mistress!"
Mabilis na nagpreno ang sasakyan. Mabuti na lang ay naka-seatbelt ako kaya hindi ako na salubsob sa harapan.
Hinarap ako ni daddy at matamang tinitigan at hindi mapigilan ang pagmasdan siya pabalik.
Kahit medyo matanda na ay makikita pa rin sa mukha niya ang taglay nitong kagwapuhan at kakisigan.
Mababakas rin sa mga mata niya ang pagod, pangungulila at hinagpis at hindi ko alam kung para saan ang lahat ng iyon.
I could see his reddened eyes and slowly teared up. "Princess... Who's your mom?"
Dahan-dahan napakunot ang noo ko at bahagya pang natawa dahil sa tanong niya. Napailing ako dahil sa pagkadismaya.
He failed as my mother's husband and he failed again as our father!
Pero nang nakita ko siyang nasaktan sa inasal ko ay ako rin ang nasaktan.
"Please, Princess... answer my question," he then suddenly held my hands tightly.
Dad? Bakit mo nakalimutan si mommy? Kasabay nang pagbulusok ng luha ko ay ang siyang pagbuka ng bibig ko.
"V-Vienna. Vienna Cloropio..." I uttered.
Ngunit bigla na lamang tumulo ang luha ni daddy na ipinagtaka ko. Napasinghap siya at pinahinto ang minamanehong sasakyan bago niya ako kinabig at niyakap ng mahigpit.
"Princess... She's not your mother. She's not my wife..." Daddy whispered weakly.
Nagulantang ako sa narinig mula sa kaniya. And I was about to ask something because it was confusing but suddenly my senses slowly went black.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top