Kabanata 18

Kabanata 18

Hospital


“Here. Drink this,” Dr. Suarez handed me a bottle of water. Tinanggap ko iyon at tipid na ngumiti sa kaniya.

 "Thank you, Doc," sabi ko bago binuksan at uminom sa tubig na inabot niya.

"Don't mention it." He said as he sat down beside me. "So, mind explaining everything to me?"

I licked my lips as I closed the mouth of the bottle. Tinitigan ko pa iyon. I then sighed heavily as I glanced at him.

"Hmm. I'll tell it some other time, Doc. Just not now," mahinang saad ko at tipid siyang nilingon at nginitian.

He just slightly nodded at me as he rested his head on the headboard as he slowly closed his eyes. Sinandal ko rin ang ulo sa upuan at dahan-dahan pumikit.

I smiled bitterly while thinking about the shocking things revealed. Hindi ko inaasahan ang lahat. I thought Trevious was only offering me a job for an in-depth reason or  just to fulfill his need as a man by making me his fake wife but… I'm wrong.

My head suddenly spinning as my heart skipped again.

I immediately shook my head as I avoided thinking more about everything. But despite all the truth that was already revealed behind his contract… I couldn't easily withdraw my feelings for him. 

Muli kong winaglit ang nasa-isipan at pilit pinahinga ang pagod na katawan at isipan ngunit kahit anong taboy ko na huwag isipin ang lahat ay hindi ko magawa.

I keep thinking and thinking about him and Fiona.

Mariin kong pinikit ang mga mata upang pigilan ang mga luha na nagbabatya na naman lumabas. I can't burst into tears right now even if I want to. I can't let this despair defeat my sanity. 

After a couple of hours passed when we finally arrived at the Cebu airport sabay na kaming bumaba ni doctor Suarez.

"So, Where are you going, now?" he inquired while holding one of my luggage.

I lifted my gaze to him and smiled slightly at him. 

"I don't have a choice but to go back to our old mansion," I uttered.

Yeah. We have an old Mansion here in Cebu. But not as huge as Trev's family house or mansion. They are still wealthier than us.

"Okay. I will just drop you first there before I go home," he insisted and made me feel uneasy.

I blinked my eyes as I shook ny head. "H-Hindi na Doc. I can commute—"

"Nah, It's fine with me, May. I won't leave you in this situation," he seriously articulated. 

Wala na akong nagawa nang dumating ang sasakyan niyang minamaneho ng driver nila. Sumakay na agad ako sa kotse niya at ganoon din siya kaya nag-umpisa na rin itong umandar paalis.

After an almost hour, nang nakarating kami sa mansyon. Tinulungan niya ako na ibaba sa kotse ang mga dala kong maleta at direktang pinasok sa loob ng lumang mansyon ang mga gamit.

Sumunod ako sa kaniya at bahagyang nauna upang mabuksan ang gate ng mansiyon.

Pagkapasok namin ay sumalubong ang kulob na amoy at madilim na bahay sa amin. Naglakad ako patungo sa gilid ng pader kung nasaan ang switch ng ilaw at agad lumiwanag ang mansiyon.

Mabuti na lang at hindi nawalan ng kuryente iyon kahit ilang taon ng hindi nauuwian. 

"Thank you ulit, Doc..." bahagya pa akong tumikhim. “I'm sorry, I don't have anything to offer,” sabi ko nang humarap sa kaniya.

I smiled shyly.

He let out a small chuckle. "No, no. It's fine. Kailangan ko na rin umalis. I still have my client that I'd need to meet tonight then I have to go back to the hospital to check my patient. Hinatid lang talaga kita, Mae," paliwanag niya 

Napatango ako sa kaniya at muling nagsalita.

"Are you sure, Doc? Hindi kana magpapahinga?" I asked.

"No, need. My client is already waiting. You know they want a private doctor." He chuckled again as his brows furrowed.

Mahina akong natawa dahil sa reaksyon niya.

Inayos niya ang sariling damit bago tuluyang nagpaalam na aalis na. I just smiled at him as I look out to the open door. Nauna na siyang humakbang palabas at sumunod ako.

“Salamat ulit, doc. Uh, huwag n'yo muna sabihin kay Gino na nandito ako, huh? I want to surprise him,” pakiusap ko.

“Sure, you don't have to worry,” tugon niya.

Tipid na ngiti ang huling naging paalam namin sa bawat isa bago siya tuluyang naglakad paalis.

Hinintay ko lang siyang makasakay pabalik sa kotse bago pumasok sa loob ng mansiyon.



Pinagpagan ko ang malapad na sofa na medyo maalikabok na rin bago ako umupo roon.

Matagal na rin mula nang bumisita kami rito. It's been almost 10 years if I'm not mistaken. Simula noong umalis kami rito na kasama si mommy ay hindi na kami napadpad dito. Hanggang sa namatay na lang ito sa Manila dahil sa sakit na cancer at dahil din doon at unti-unting naubos ang mga ari-arian namin.

Isa rin sa mga dahilan kung bakit hindi na rin ako nakapagtapos sa pag-aaral. Mas pinili kong mag trabaho na agad para rin kay Gino upang matustusan ang mga pangangailangan niya sa kolehiyo.

Hindi naman nasayang ang pagsasakripisyo ko dahil nakapagtapos ng maayos si Gino.

At hanggang sa itong mansyon na lang ang natira sa amin at ang bahay namin sa Makati. Before my mom died she told us that no matter what happens, huwag kaming babalik dito, hangga't wala pa kami sa legal age.

I was 13 years old at that time and now I am turning 23 years old by next month.

Hanggang ngayon palaisipan pa rin kung bakit ganoon na lang kami pagbawalan ni mommy na bumalik dito. Not until I saw her letter in her closet telling that when the right time comes if we go back here, I'd have to check her jewel box in her old cabinet.

I'll just check it later kapag unakyat na ako. 

Dahan dahan akong humiga sa malapad na sofa at mulu na naman nanumbalik sa isipan ang nangyari bago ako tuluyang sumama kay Dr.  Suarez palipad ng Cebu.

When the revelations happened, mabilis akong bumalik sa bahay namin sa Makati to get all the important papers para madala ko sa Cebu just in case na kakailanganin ko.

And I carried all the decent clothes and bags na pwede kong ibigay kila Naida.

While checking all my things, I saw my shoulder bag na gamit ko noong gabing kasama ko siya sa private resort niya sa Tagaytay. Mabilis kong sinama ang bag na iyon sa luggage ko ngunit may maliit na papel na nahulog mula sa bulsa nito kaya mabilis kong binasa ang nakasulat. 

It was handwritten. 

'I know you won't accept my payment if I hand it in front of you as a payment for giving up your virginity last night. I will pay you the amount of hundred thousands and I hope this amount would help you to buy whatever you want, and I want you to resign from your work and start with a new life. I can't sleep peacefully knowing that you are working in that place while all men's eyes are all on you.'

After reading his letter, mabilis ko itong pinunit kasama ang cheke na nakapangalan sa akin na may perma niya kasabay nang pagragasa muli ng luha sa aking mga mata.

Simula palang ng una kilala niya na talaga ako bilang bayarang babae.

Napabalikwas ako sa kinahihigaan ng may sumigaw mula sa labas ng gate namin. Agad akong bumangon at binuksan ang bintana at sumilip. Napangiti ako nang makita kong si Aling Dina iyon kaya nagmadali akong lumabas at pinagbuksan siya ng gate.

"Magandang umaga, Miss. Nakita ko kasing bukas ang Mansyon ng mga Cloropio," bungad niya.

"Magandang umaga rin. Nanay Dina," nakangiti kong bati pabalik sa kaniya.

Bahagya pa itong natigilan sa sinabi ko at pinagmasdan ako mula ulo hanggang paa. Ilang segundo ang lumipas nang nagbago ang reaksyon ng kaniyang mukha.

"M-Mae?" her eyes widened in surprise.

Mabilis akong tumango sa kaniya habang nakangiti.

"Ay jusko! Ikaw na ba talaga iyan? Abay hindi kita nakilala!" gulat niyang komento.

"Opo, Nay."

Nilakihan ko pa ang bukas ng gate upang papasukin siya. Hindi na siya nagdalawang isip na lumaput at pagkuwa'y sabay na kaming pumasok sa loob.

"Naku, Mae. Pasensya kana at hindi na kami nakakapaglinis dito tuwing linggo. Halos isang beses na lang namin ito nalilinis sa isang buwan," she explained.

Tumango ako. "Ayos lang po, naiintindihan ko."

"Medyo matanda na rin kasi ako at hindi na kayang magtrabaho pa araw-araw," dagdag niyang sabi.

"Okay lang po nay huwag ninyong isipin iyon. Eh, kayo po kumusta naman? Si Tatay po?"

Napansin ko agad ang biglang paglungkot ng kaniyang mukha.

"Wala na si Tatay Tino mo. Namayapa na siya tatlong taon na ang nakalipas."

Lumungkot ang mukha ko at agad na niyakap ang ginang. 

I didn't know.

"I'm sorry, Nanay. H-Hindi ko po alam."

"Ayos lang, Mae. Nand'yan naman si Naida at Nika na kasama ko sa bahay kaya kahit paano ay hindi ako nag-iisa,." Bahagya pa itong ngumiti subalit mababakas pa rin ang lungkot na nakaukit sa kaniyang mga mata.

"Kumusta naman po sila? Marami po akong dala na pasalubong para sa kanila," pag-iiba ko ng usapan upang mawala ang lungkot sa mukha ng ginang.

"Ay naku, mga dalaga na ang mga batang iyon. Problemado nga ako sa mga iyon dahil ang daming manliligaw. Tapos paiba-iba pa ng nobyo," pailing-iling na kuwento ng ginang.

Bigla akong natawa sa nalaman. Ganoon nga siguro talaga kapag teenager.

“Ngayon lang po iyan, Nay. Darating din ang panahon mare-realize nila na hindi dapat ginagawang laro ang relasyon,” sabi ko.

"Sana nga, Mae. Nga pala, napabisita ka yata rito? Ikaw lang ba? Nasaan si Gino? Dito na ba ulit kayo maninirahan?"

Sunod sunod niyang tanong sa akin at lumikot ang paningin sa buong mansyon na wari'y may hinahanap.

Napalabi ako bago sumagot.

"N-Nasa hospital po, Nay..."

"Ay, jusko! Anong nangyari?!" gulat niyang reaksyon at binalik ang atensiyon sa akin.

"Uh, sa ngayon po nag u-undergo po siya ng theraphy dahil sa brain cancer na tumubo sa ulo niya," saad ko.

"Jusko, anak! Ang dami palang nangyayari sa inyo. Hayaan mo ipagdarasal kong maging maayos na ang lagylay niya," pampalubag loob niyang sinabi.

"Salamat po..."

Marami pa kaming napag kwentuhan ni nanay tungkol sa mga nakaraan namin at kung saan masaya pa kaming naghahabulan dito sa mansyon.

"Ay nga pala Mae. Lagi kong napapansin na may naghahanap sa inyo ni Gino dito. Kapag sinabi naman namin na wala kayo ay umaalis din sila agad," imporma ng ginang sa akin.

Napakunot ang noo ko. Sino kaya iyon? Sa pagkakatanda ko walang ipinakilala si mommy na kamag-anak niya. 

Naging sekreto pa nga ang identity namin ni Gino dahil iyon ang gusto ni mommy.

"Hayaan n'yo na po iyon baka may kailangan lang."

Ilang oras pa lumipas nang natapos kong linisin ang kwarto ko na tutulugan ngayong gabi. 

Dahil maaga pa naman ay napagdesisyunan kong puntahan na rin si Gino sa hospital upang bisitahin.

"Nay, salamat po sa tulong."

"Walang anuman, anak. Bukas na bukas din papupuntahin ko rito sina Aida at Nika para may kasama ka. Panigurado na matutuwa ang mga bata na iyon," nakangiting saad ng ginang.

Tumango ako.

"Asahan ko po iyan, Nay."

Sumapit ang ilang oras nang nagpaalam na si Nanay Dina dahil baka hinahanap na siya ng mga apo niya.

Niyakap ko muna ang ginang bago kami tuluyang naglakad palabas ng mansyon.



Habang papasok ng hospital kung nasaan si Gino ay hindi ko maiwasan ang ipalibot ang paningin sa buong paligid kung saan nagkalat ang mga pasyente.

Ang iba'y masayang nagtatawanan, nag-uusap at nagkukulitan na para bang wala sila iniindang sakit sa katawan. 

This hospital is for cancer patients.

Nakakatuwa silang pagmasdan. Nagagawa parin nilang tumawa at magsaya sa kabila ng kanilang sakit.

Sa sobrang libang ko sa pagmamasid sa kanila ay hindi ko namalayan na nasa tapat na pala ako ng silid ni Gino. Humugot ako ng hangin bago dahan-dahan pinihit pabukas ang doorknob at binuksan ang pintuan.

Kumibot ang labi ko, lumungkot ang mga mata nang tuluyang nakita ang nakahigang si Gino, walang malay.

Dahan-dahan akong humakbang palapit sa kaniya at diretsong umupo sa tabi niya sabay hinawakan ang lupaypay niyang kamay. Hanggang sa hindi ko na napigilan ang pamamasa ng mga mata at mapaluha habang nakatitig sa payapa niyang mukha habang nakapikit.

Halatang namayat ito. Maingat kong hinaplos ang pisngi niya habang patuloy na bumabagsak ang butil-butil na luha sa mga mata kasabay nito ang unti-unting pagdilat ng kanyang mapungay na mga mata.

"H-Honeybee?"

Mabilis kong pinalis ang naiwan sa luha sa mga mata bago tumango sa kaniya habang nakangiti. Maingat siyang bumangon kaya agad ko siyang inalalayan at sumandal sa headboard ng kama bago ako niyakap ng mahigpit.

"You're here! I miss you, Ate honeybee..." he whispered softly at the back of ear as my tears burst out again. 

I miss you too, Gino. My twin brother.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top