Kabanata 15

Kabanata 15

Friends


I felt like my head was spinning. 

Mahina akong napadaing dahil sa sakit ng aking ulo. I slowly opened my eyes as I stared directly to the ceiling. Ramdam ko ang hapdi sa ibabang parte ko.

Last night was definitely wild between Trevious and I. We explored something unique, we tried different positions which brought us into being uncontrolled. 

At kahit may bagay pa kaming hindi napag-uusapan, nalilinawan sa bawat isa ay pakiramdam ko pagdating na sa kama ay maayos kami. 

I admit, I feel like I'm addicted to his glances, his every single touch, every small kiss. And above it all, in his presence.

Patuloy ako sa pag-iisip sa mga nangyari kagabi ngunit naagaw ang atensiyon ko dahil sa malakas na ingay ng tawanan na nagmumula sa labas ng kwarto. 

Nangunot ang noo ko.

Dahan-dahan akong pupungas-pungas na bumangon mula sa kama at napansin ko agad ang bakanteng espasyo sa gilid ko sabay lingon sa orasan na nakapatong sa side table niya. He woke up early.

Napalabi ako at diretso nang nagtungo sa banyo upang ayusin ang sarili.

Nagtagal ako ng ilang minuto sa CR dahil nalulutang pa rin ako sa mga nangyari sa pagitan namin ni Trevious. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Kung totoo ba lahat ang nasa isipan ko o nag a-assume lang ako sa imposibleng bagay. 

Napangat ang mukha ko sa harapan ng salamin. Biglang nag-init ang mukha ko at habagyang pumula ang mga pisngi ng maalala muli kung gaano kami nawala sa sarili.

Bumuntong hininga ako at inayos ang sarili bago naisipan na lumabas na ng banyo. 

Habang nasa hagdanan at maingat na humahakbang pababa unti-unti ring lumalakas ang iba't-ibang mga boses na nagtatawanan na nagmumula sa sala kaya naisipan kong doon dumiretso dahil sa kuryusidad.

Nakababa na ako sa huling baitang ng hagdan at diretsong nagtungo sa sala na bahagyang nakatungo ang ulo ngunit agad kong napansin ang mga nagtatawanan na boses na biglang tumahimik. 

Napakunot ang noo ko kaya umangat ang tingin ko sa kanila na hindi ko namalayan na nasa bungad na pala ako ng sala na halos lahat ng mga nakilala kong kaibigan ni Trevious ay nakatingin sa gawi ko. 

Lumipad ang tingin ko sa gawi ni Trevious sa bandang gilid ng narinig ang malakas na tikhim nito kasabay nang pag-iwas ng tingin ng mga kaibigan niya sa akin at nag kanya-kanyang dukot ng cellphone sa kanilang mga bulsa. Ang iba naman ay sumisipol-sipol pa sa kawalan.

"Damn fuckers, stop staring at her!" Trevious cold voice boomed around the living room. 

Gusot ang noo ko ng tingnan ko muli si Trevious na biglang naglakad palapit sa direksyon ko habang seryoso ang ekspresyon ng mukha na nakatingin sa gawi ko. Umigting ang panga niya hanggang sa tuluyang nakalapit sa kinaroroonan ko.

Nagulat ako ng bigla niyang hinubad ang puting tee shirt na suot at ipinatong iyon sa harapan ko. He glared at me when our eyes met. Lumapit ang mukha niya sa akin at inilihis ito patungo sa tainga ko at mahinang bumulong. 

"Wear decent clothes, Krizza." Kalmado niyang sinabi ngunit bakas ang riin sa tinig.

Namilog ang mga mata ko sa gulat nang napagtanto ang lahat. I slowly lowered my gaze and straightly looked at my body.

Oh shit! I was wearing a plain white seamless sleeveless without wearing a bra!

Bigla akong pinamulahan at nag-angat ng mukha kay Trevious. 

"N-Nakalimutan ko..." nahihiyang sambit ko.

Lumabi siya at marahang tumango, bumalik na sa normal ang ekspresyon ng mukha niya bago ako hinawakan sa dalawang magkabilang balikat at mabilis akong tinalikod. 

"Go back to our room, wear a bra and decent clothes. That's only mine, Krizza..." mahinang bulong niya sa likod ng tainga ko.

Muling nag-init ang mukha ko dahik sa sinabi niya at pakiramdam ko nangangamatis na ako dahil sa kahihiyan. Malalaki ang hakbang ang ginawa ko pabalik ng kwarto at mabilis na nagbihis ng maayos.

Napahilamos ako ng mukha bago muling bumaba at diretsong nagtungo sa kusina. Muli kong narinig ang mga tawanan nila. Naglakad ako palapit sa fridge at binuksan ito. 

"Kailangan ko yatang magluto ang dami niyang mga bisita..." bulong ko sa sarili.

Napangiti ako nang nakitang kumpleto ang rekado sa kusina kaya naisipan kong magluto na lamang ng adobong manok dahil mas gamay ko ang putaheng iyon.

Habang nagluluto ako ay hindi ko mapigilan ang mapangiti dahil sa muling naalala ang nangyari kagabi. 

"Was he really jealous? May gusto na ba siya sa'kin?" tanong ko sa sarili.

Mula kanina at hanggang ngayon hindi pa rin mawaglit ang lahat sa isipan ko. Ngunit unti-unting napawi ang ngiti sa labi ko nang maalala na naka kontrata lang ang buhay ko sa kaniya. Kontrata lang ang nagkokonekta sa aming dalawa.

Nakaramdam ako ng paninikip ng dibdib ko. Iniisip ko pa lang na matatapos na ang ilang buwan sa amin ay parang... nasasaktan akong umalis. 

Napaigtad ako sa gulat ng may biglang pumulupot na pares ng matigas na braso paikot sa makurba kong baywang. I smiled immediately when I recognized that it's him. I know his manly scent, I memorize his every move. 

"Hmm. Ang bango naman..." bulong niya sa tainga ko at dahan-dahang ipinatong ang ulo sa kanan kong balikat.

"Nang niluluto ko?" nangingiti kong tanong pabalik.

He chuckled. "Yeah, pero mas mabango ka..." he whispered again as he quickly pecked a small kissed on my neck kaya agad ko siyang naitulak palayo sa akin.

"Baliw!" natatawang singhal ko. 

He chortled a bit as he slowly removed his arms on me. Bumaling ako sa kaniya na umupo sa bakanteng upuan sa kusina. Tumingin siya sa akin at tipid na ngumiti. 

"How's your sleep? D-Did I hurt you that much?" he asked and I could feel how his voice trembled a bit.

Muli na naman akong pinamulahan kaya bahagya kong binaba ang ulo. "Hindi naman..." ang wild lang...

Mahina siyang bumuntong hininga na para bang nakahinga ng maluwag. I slowly lifted my gaze and looked at him as I saw him smiling slightly while staring at me.

"Did you like it?" he asked while seductively biting his lower lip. 

"Oo..." tugon ko.

Mabilis akong tumalikod sa kaniya at hinarap ang kalan, dahil sa simpleng ginawa niyang pang-aakit na parang bibigay na agad ako. 

He chuckled nonchalantly like he won something. He then cleared his throat. "Anyway, why did you cook?"

Dahan-dahan muli akong napalingon sa kaniya at napatitig sa mukha niyang nakanguso at nakapangalumbaba na ngayon habang nakatingin sa akin.

"... ano kasi may bisita ka..." 

Tumaas ang kaliwa niyang kilay sa akin at mas lalong sumimangot ang mukha. Pinaningkitan niya ako ng kaniyang mga mata bago nag-iwas ng tingin. And those simple movements of his gestures make me secretly smile. Cute.

"They can buy their own food, Krizza. You don't have to cook for them..." nakasimangot na sambit niya.

I chuckled and scanned him for a couple of minutes as I shook my head. Dahan-dahan akong naglakad palapit sa kaniya ngunit mabilis niya akong hinila sa kamay. Napaupo sa kandungan niya na naka side view.

"Trevious!" 

Tumawa lang siya at mabilis na pinaikot ang braso payapos sa baywang ko. 

'Anong trip nito ngayon?' naguguluhan na tanong ko sa sarili. 

Dumukdok ang ulo niya sa leeg ko ngunit gumalaw paangat ang isa niyang kamay at mabilis niyang sinuklay ang unat at mahaba kong buhok gamit ang kanyang mga daliri. 

He sighed as if he was carrying something heavy. 

"I—I'm sorry, Krizza..." he uttered. "I'm very sorry for what I've done last night..." he apologized out of the moon. 

Mabilis gumalaw ang mukha ko at lumingon sa kaniya. Umangat na rin ang mukha niya kaya nagtama ang mapungay namin na mga mata.

"Trevious—"

“I didn't mean to hurt you that way. I didn't mean to be violent to you. It's just that…” he paused for a minute as if he was trying to control himself from saying something.

Malakas na tumambol ang dibdib ko habang hinihintay ang susunod niyang sasabihin, ngunit…

 “C-Can you forgive me? Can you give me another chance? I won't do it again, Krizza... I'm very sorry..." he whispered again.

I could see his broadened brown eyes, pleading and asking for forgiveness. But the strange emotion from his eyes seemed to be struggling with something I can't figure out.

Ngumiti lang ako at tumango, gustuhin ko man na tanungin kung anong nangyari sa kaniya subalit narealize ko na wala ako sa posisyon. Wala pa rin akong karapatan dahil sa pekeng papel.

At parang may maliit na karayom ang tumutusok sa didbib ko habang iniisip ang bagay na iyon.

"It's fine, Trevious. Wala naman ako sa lugar para mag reklamo, 'd-di ba?" I smiled a bit. 

“Ssh…” he put his fingers on my lips to stop my words. “Don't say that, please.”

Mabilis na yumakap ng mahigpit ang mga braso niya sa akin. 

"Is not that what I mean..." he mumbled. "I can't explain it now to you but I'm truly sorry for being harmful... I promise, I promise I'll never do it again." 

Tumango-tango ako sa kaniya. Kahit paano, he was sorry for what he had done.

"By the way, malapit na mag anim na buwan. Baka gusto mo na akong bayaran sa kulang?" natatawang biro ko pero kahit huwag na dahil maayos na si Gino habang tumatagal. 

And since Gino is getting better day by day, I want to find some decent work before this fake marriage contract ends.

Lumipas ang ilang minuto, nabalot kami ng nakakabinging katahimikan sa loob ng kusina nang basagin niya ito.

"C-Can we end the contract?" he asked as he tenderly touched the side of my cheeks.

"W-Why?" gulat na tanong ko.

End? It means... hindi ko na siya makakasama? 

But instead of answering my query he suddenly sealed me with an aggressive kiss while his palm slowly massaging my breast and it made me moan a little. 

"Oh, Fuck! May porn! May porn!"

Namilog ang mga mata ko sa gulat at mabilis na tumambol ng malakas ang puso ko dahil sa gulat. Mabilis akong napatayo at umalis sa kandungan ni Trevious dahil sa kahihiyan at lumingon sa pinanggalingan ng boses kanina. 

Shit! Nakakahiya!

"Kaya pala biglang nawala." Nakangising sinabi ng isa sa mga kaibigan ni Trevious na diretsong naglakad palapit sa fridge at kumuha ng malamig na tubig sa loob.

Umangat ang tingin niya sa gawi namin at bakas ang mapaglarong ngiti sa labi. Nag-init ang mukha ko agad akong tumalikod at hinarap ang niluluto. Halos muntik ko na makalimutan mabuti na lang ay hindi nasunog. 

"Gago! Istorbo!" narinig kong sigaw ni Trevious kaya lumingon ang ulo ko sa likuran.

Tumatawa lang ang kaibigan niya pagkatapos ay lumabas na rin ng kusina dala-dala ang isang baso ng tubig habang mahina pang kumakanta.

"May porn akong nakita, hindi ko sasabihin..." 

Nagkatinginan kami ni Trevious at kalaunan ay sabay na tumawa ng malakas dahil sa kantang iyon ng kanyang kaibigan. Mabilis siyang tumayo at naglakad palapit sa akin na mahina pang tumatawa.

Umangat ang dalawa niyang kamay at hinawakan ang mukha ko sabah marahan itong pinatakan ng halik sa noo, pababa sa tungki ng ilong at huling pinatakan ng halik sa labi.

"Don't mind Alexander, baliw lang iyon..." aniya.

Tumango na lang ako sa kaniya habang namumula pa rin ang mukha. Daumaos-os ang kamay niya pababa sa baywang ko kaya muli kong hinarap ang niluluto at tuluyan nang yumakap ang braso niya sa akin.

Kakaibang saya ang nararamdaman ko habang nakayakap siya mula sa likuran ko. Dahan-dahan niyang pinatong ang ulo sa balikat ko at dinukwang ang niluluto. Nakikiliti ako sa sa mainit niyang hiningang tumatama sa leeg ko. 

Humigpit lalo ang yakap niya sa akin. 

"Maybe we can try in the kitchen, next time..." mahinang bulong niya.

"Trevious!" sikmat ko dahil alam ko na agad ang ibig niyang sabihin.

Humalakhak lang siya at isiniksik lalo ang ulo sa leeg ko. "Can I taste it... with you?"

"Huh?" nangunot ang noo dahil naguluhan sa sinabi niya.

He laughed softly. "I think I wanna taste that adobo if I put some on your... hm, neck? It will be more tasty..."

"Trevious! Lumayas ka nga rito!" 

He laughed sexily. "Ayoko nga, be-behave na ako..." bulong niya.




***




"Hmm, ang sarap..." 

"Yeah, hindi kumukupas..."

Imbis na matuwa sa mga compliment nila mas nagtataka ako sa mga papuri nila na para bang noon pa nila natikman ang niluto ko.

"Where's the egg, Fiona?" sabi ng isa sa mga binata na hindi ko pa na meet sa mga magkakaibigan.

Agad nahulog ang hawak kong kubyertos na nakaagaw ng atensyon ng lahat dahil sa maingay na kalansing nito sa sahig. 

W-Who's Fiona? Why do they keep on calling me Fiona? Lalo na kanina.

"I told you, she's not fiona!" matigas na singhal sa kanila ni Trevious at mabilis na tumayo.

Nabalot kami ng katahimikan sa hapag-kainan ng biglang sumulpot sina Luke kasama si Alexander. 

"Hey fuckers!" bati ni Alex.

"Woah! Adobo! Trevious favorite!" ani Luke.

Si Zoren naman ay seryoso lang ang ekspresyon ng mukha habang nakatitig sa'kin na para bang inaabangan ang magiging reaksyon ko. 

Tahimik akong nagpatuloy sa pagkain at nakinig na lamang sa usapan nila hanggang sa natapos kaming mananghalian. Hindi ako maka relate sa pinag-uusapan nila na puro negosyo. 

Dumiretso silang lahat sa sala pagkatapos kumain habang ako'y nagliligpit ng lamesa. Hindi maitago ang sayang nararamdaman ko dahil halos maubos nila ng niluto ko.

"Let me help you," Trevious offer as he almost wiped the dirt on the table.

"Okay lang Trevious samahan mo na lang ang mga kaibigan mo. Nakakahiya bisita mo pa rin sila."

"Nah, They can wait-" 

Napaangat ang tingin ko sa kaniya.

"Just go with them, Trevious!" singhal ko at pinanlakihan ko pa siya ng mga mata.

"O-Okay, okay. Chill..." natatawa niyang sinabi at nakataas pa ang dalawang kamay na parang sumusuko. 

Pagkatapos kong maghugas ng mga pinggan ay naisipan kong sumilip sa sala habang may kausap si Trevious.

Wala roon ang lahat ng kaibigan niya at tanging isang binata lamang ang nakita ko. I don't remember his name but he also has dark features. He looks mysterious.

Akmang lalapit ako upang magpaalam na babalik na sa kuwarto ngunit sakto naman na narinig ko ang mga salitang nanggaling mismo sa bibig ni Trevious.

He was chuckling. "We are just in contract... at wala ng ibang papalit kay Fiona—"

Nag-init ang bawat sulok ng mga mata ko. Hindi ko na tinapos pakinggang ang sinasabi niya at mabilis na naglakad paakyat sa kwarto. Halos lakad takbo ang ginawa ko kasabay nang pagbagsak ng butil-butil na luha sa aking mga mata.

'I'm just really nothing to him.' I thought... I thought he liked me too, the way he acted, the way he cared for me, and his confectionary words... but I was wrong. I mistook his every single action whenever he was with me.

Dumukdok ako sa kama pagpasok ng silid. I was secretly crying because of a grievous feeling in my chest. Kung sana… sana nakinig ako kay Luke.

I just kept crying so hard because of the pain in my heart that seemed to break into tiny pieces. It's my fault! I should not have fallen in love with him!



I sleepily opened my eyes when I felt someone gently caressing my face. 

It's him again..

"Wake up... gabi na."

Mabilis akong napatingin sa labas ng bintana at madilim na nga. Dahan-dahan akong bumangon sa kama na bigla niyang inaalalayan sa kamay. 

I can't look at him. Alam kong mugto ang mata ko dahil sa pag-iyak kanina.

“Ang himbing ng tulog mo kaya hindi na kita ginising kanina. But did you cry? Are you mad at me? Your eyes a bit swollen—”

“Hindi. I just missed my parents so much nakatulog akong naluluha,” palusot ko.

Iniwas ko ang mga mata sa kaniya dahil sa unti-unting nagsasalubong niyang kilaya marahil dahil sa pagtataka kaya nag-isip agad ako ng sasabihin.

"Nand'yan pa ba ang mga kaibigan mo?" mahinang tanong ko.

Tumango lang siya at niyakap ako ng mahigpit. Kinabig niya ang balakang ko paharap sa kaniya at mabilis na pinulupot ang braso habang pinapatong ang ulo sa balikat ko.

'Di ba dapat masaya ako? Pero bakit mas lalo akong nasasaktan. Pakiramdam ko anumang oras... mawawala na siya at matatapos na ang lahat sa amin.

Dahan-dahan kong nilapat ang labi ko sa kaniya at masuyong hinalikan iyon ngunut agad din naputol ang ng may sunod-sunod na kumatok mula sa labas ng kwarto kaya napayuko ako.

"Trev? Come out and join us..." it was Luke's voice. 

Trevious sighed lazily, "Okay, coming."

Mabilis akong pinatakan ng halik ni Trevious sa ulo at nagpaalam na sasamahan ang mga kaibigan.

Nagtungo ako sa banyo para maligo ngunit aksidente kong nasagi ang bote ng pills kaya agad ko itong tinapon sa basurahan.

Every month bumibili si Trevious ng pills. Iniinom ko naman regularly. Ngunit parang ayoko nang gamitin iyon kaya tinapon ko na lang.




Nasa labas kami ng bahay habang ang magkakaibigan ay masayang nag-iihaw. Samantalang ako natatawa na lamang sa kakulitan nila.

Naisipan kong maglakad lakad sa tabing dagat upang libangin ang sarili kahit na nanunuot sa balat ko ang malamig na hampas ng hangin. I was roaming on the side of the sea while thinking Trevious words. 

Pero nagulat ako ng may sumabay sa paglalakad ko, paglingon ko ay si Zoren pala na seryoso ang mukha.

Sa kanilang lahat siya ang madalas na seryoso ang mukha na akala mo ay may galit sa mundo. Mas matapang pa ang awra niya kaysa kay Trevious kaya kahit kausapin siguro siya ay manginginig kana sa kaba. 

"H-Hi," I greeted first.

He cleared his throat. "How are you?" he asked instead.

"O-Okay lang..." tugon ko.

Tumigil ako sa paglalakad ng napansin na papalayo na ako sa bahay. Napalingon ako kay Zoren na biglang umupo sa buhanginan kaya akmang uupo na rin ako pero…

Agad niyang hinubad ang suot na black leather jacket at nilatag iyon sa buhangin sabay senyas sa akin na umupo.

Napangiti ako. "Thanks."

Tumango lang ito at seryoso ang mukhang nakatingin sa malayo. 

"Hmm. Bakit ka pala sumunod? Baka ano isipin nila..." mahinang sambit ko.

Hindi siya sumagot. 

Nabalot kami ng katahimikan ng bigla niya itong basagin. "Are you in love with him?"

Nagulat man sa naging bungad niya ay mahina akong tumawa upang itago ang kaba sa dibdib. "Bakit mo natanong?"

"I could see it in your eyes. The way you looked at him, I know that looked." He pointed out while shrugging his shoulders. .

"W-What if... am I?"

Malalim siyang bumuntong hininga at saglit na lumingon sa akin bago muling ibinalik ang tingin sa malayo. 

"Don't."

Parang sinaksak ng ilang beses ang puso ko. Lahat na lang yata ng mga kaibigan ni Trevious ay ayaw sa akin.

I sighed. "Bakit?" 

"Masasaktan ka lang."

Napayuko ako. Nasasaktan na ako ngayon pa lang.

"Ginagamit mo siya, ginagamit ka lang din niya kaya walang patutunguhan ang lahat sa inyo." 

Ginagamit niya lang ba talaga ako? Iba kasi ang pinapakita ng kilos niya. He cares so much about me. "But, his actions speak that he cares for me..." I voice out while trying to hold back my tears from falling.

"Just a piece of advice, F-Krizza. Don't fall in love with him. You will just end up getting hurt..."

Like what Luke said. "Don't fall in love with him."

"I am... already." I confessed as my tears rolled down my cheeks.

He sighed. "Mawawala pa 'yan. Isipin mo na lang kung bakit siya nag offer ng ganoong bagay sa'yo. Hindi ka naman niya kilala, in the first place."

Mas lalo akong nasasaktan dahil sa sinabi ni Zoren. Ang tanga ko bakit nga ba hindi ko naisip 'yon. 

Ilang minuto ang lumipas ay mas lalo kong napag-isipan ang nangyayari dahil sa mga binitawang salita ni Zoren.

Pabalik na kami sa bahay at nakikita nagkakasiyahan ang mga magkakaibigan. Until I saw Trevious slowly answering his phone call. 

Tumayo siya at naglakad palayo sa mga kaibigan kaya nilapitan ko siya ngunit agad din akong napahinto nang narinig ang binanggit niyang pangalan. 

"Fiona?" he uttered shockingly. 

Nangingilid ang luha kong napatitig sa kaniya na naninikip ang dibdib. 

A-Ang pangalan na iyon...

Mabagal na humakbang ang mga paa ko sa kinaroroonan ni Trevious ngunut bago paman ako tuluyang makalapit ay may humila na sa kamay ko paalis doon. 

Namalayanan ko na lamang na kasama ko na ang buong magkakaibigan na halos lahat ay nakatingin sa akin. 

"Krizza!"

Sabay sabay nilang banggit sa pangalan ko na agad kong ikinagulat. Napalunok ako at napatitig sa kanila. 

Bakit parang...

"We are trying to protect you! Masasaktan ka lang sa kaniya. So please, don't fall in love with him..." they said. 

My chest tightened more as my eyes moistened. I clenched my fist trying to hold back my tears. No, I won't cry in front of them. 

I never felt this pain even before.

Dahan-dahan akong lumingon pabalik sa kinaroroonan ni Trevious na ngayon ay bakas na ang masayang ngiti sa labi habang may kausap sa kaniyang cellphone. 

'Can someone enlighten me?' Anong meron? Why do his friends keep on reminding me the words...

'Don't fall in love with him.'

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top