Kabanata 1
Kabanata 1
Kiss
Pinupusod ko ang aking buhok nang matigilan dahil sa pangyayaring naganap kagabi. Napangiti ako at sunod na inayos ang susuotin kong damit.
After that night with a cold man, somehow I felt bliss because he paid me the amount of money I mandated for massaging his back.
Akala ko nga kagaya siya ng ibang customer na namimilit sa bagay na lalagpas pa roon, but then I’m wrong. He just wanted me to massage his back because he felt exhausted from work. And I did what he commanded. He didn’t ask for more aside from massage service.
He even told a short story about how he works hard. Akala ko nga lahat ng businessman ay masarap ang buhay dahil nag-uutos lang pero napag-alaman ko na hindi pala lahat.
"Krizza, how's your customer last night?" my co-worker Anna suddenly asked me.
I looked at her and I noticed a hint of teasing from her reaction. I fakingly furrowed my brows and acted like nothing happened.
She was focusing on putting some makeup on her face.
“Good. I was still serving the orders. What's new?” I asked back as I went back fixing myself yet I secretly glimpse at her.
Tumaas bigla ang kaniyang kilay sa akin at bahagya pa akong pinaningkitan ng mga mata.
Napailing ako at timingin sa harap ng salamin.
“Sus, in-denial ka pa,” humalakhak siya. “Hmm, masarap ba?" dugtong niya.
Namilog sa gulat ang mga mata ko kaya napabaling ako sa kaniya. Hindi naman ako inosente kaya alam ko ang tinutukoy niya.
"H-Hoy! Anong pinagsasabi mo?" gulat kong reaksyon.
Tinapos niya ang pag-aayos sa sarili bago lumingon sa akin at ako naman ang nag-iwas ng mga mata sa kaniya dahil sa mapanukso niyang titig.
“I saw you last night with Mr. Villaruz, Krizza. Stop denying it,” kibit balikat niyang sinabi at sunod na inayos ang kaniyang suot na damit.
Nagsalubong ang kilay ko at litong ibinalik ang atensiyon sa kaniya dahil hindi ko naman kilala ang binanggit niyang pangalan.
“Sino 'yon?”
Mabilis siyang lumingon sa akin at tumaas ang kaliwang kilay na wari'y nagtataka. "Oh, you didn't know him? Kasama mo lang kagabi, ah?"
I winced. “I don't know him, Anna. Masiyadong mabilis ang pangyayari at hindi ko inaasahan,” I reasoned out. “Anyway, what is his name?”
Bigla naman siyang napahinto sa ginagawang pag-aayos sa sarili. Kumunot ang kaniyang noo at bahagyang kinagat ang ibabang labi at hindi makapaniwalang tumitig sa akin.
She frowned. “He’s Trevious Villaruz, the well-known businessman and a hotel owner,” pagkompirma niya. “Ang gwapo niya 'no?”
Bigla naman akong natahimik dahil sa huling sinabi niya.
Siguro?
Although, nakita ko naman ang buong mukha niya pati na ang kaniyang tsokolateng mga mata ngunit parang saglit lang din dahil mas ramdam ko ang sobrang takot na nararamdaman.
Nagkibit balikat na lang ako at hilaw na ngumisi sa kaniya. Bigla siyang napasimangot dahil sa aking tinuran.
“Ano kaba, Krizza! Bakit hindi mo kilala? Suki 'yon dito sa clubhouse natin, eh. And take note, hindi lang siya kundi silang lahat na magkakaibigan!” bulyaw niya.
I don’t know.
I licked my lips as I rubbed my eyebrows. “Suki?” I asked curiously.
“Opo. Lahat silang magkakaibigan!” pairap niyang sagot sa akin.
“Bakit hindi ko alam?” ngumiwi ako at binalik ang atensiyon sa suot na damit sa harap ng salamin.
She sighed. “Ay ewan sa'yo. Minsan kasi tumingin ka rin sa paligid mo, girl. Hindi 'yong pupunta ka lang sa mga lamesa at maghahatid ng mga order. Nagmumukha ka tuloy walang alam. Baka sa susunod presidente na pala ang nabangga mo hindi mo pa rin kilala,” sermon niya.
Napakamot na lamang ako ng ulo. Siguro nga next time. Masiyado na nga siguro akong tutok sa trabaho ko at hindi ko na alam ang kaganapan sa paligid ko.
“Nga pala, infairness, ang sexy mo kagabi,” komento niya. “Magsuot ka palagi ng ganoon para mas marami ang maging customer mo at mas malaki pa ang kikitain mo.”
Natawa ako.
“Gaga, nagpa-massage lang talaga si Mr. Villaruz dahil may kasalanan ako sa kaniya. Kaysa naman ma-report pa ako kay Madam edi bawas na naman sa sahod ko,” mabilis kong sagot.
Napabuntong hininga siya at umiling-iling sa akin na parang dismayado.
“Hay naku Miss Krizza Mae Cloropio, kung ako sa'yo? Gagamitin ko 'yang taglay mong kagandahan at balingkinitan na katawan. Panigurado marami akong mabibingwit na mayaman at malaki pa ang kikitain ko araw-araw. Hindi lang ako makakapag-padala ng malaking halaga sa pamilya ko, abibili ko pa lahat ng gustuhin ko,” aniya.
“Naku, sapat na sa'kin ang pag wi-waitress. 'Tsaka sapat naman na ang kinikita ko araw-araw,” tumatawa kong sagot at umiling-iling pa.
“Pero iba parin ang may side income ka. Try mo minsan, 'tsaka huwag ka na mahiya, sa salat nating buhay... hindi tayo makakaahon sa kahirapan kung paiiralin lagi ang karangalan.”
Napatitig ako sa kaniya dahil sa mga katagang sinabi niya. Hindi ko rin naman siya masisisi kung bakit ganoon ang naging opinyon niya.
Wala rin ako sa sitwasyon niya para husgahan siya.
I just smiled slightly. “Ikaw talaga.”
“Totoo 'yon, Krizza. Darating ka rin sa puntong iyon, at kapag nangyari 'yon. Ikaw pa mismo hahanap ng magiging customer mo…” halos pabulong niyang sinabi.
Dahan-dahan siyang tumingin sa akin at malungkot ang ngiting pinakawalan sa labi.
Tumitig ako sa kaniya at ramdam ko ang senseridad sa mga binitawan niyang salita. Hindi ko alam kung anong pinagdaanan niya pero alam kong pareho kaming nangangailangan ng malaking halaga, pero hindi ko gagawin ang bagay na 'yon.
Hinding hindi! Kahit na anong mangyari!
“O, di kaya at umpisahan mo kay Mr. Villaruz. Balita ko… galante raw iyon basta mapaligaya mo sa kama,” pahabol niyang suhestiyon.
Bigla ko naman siyang mahinang natampal sa kamay habang tumatawa. At eksaktong natapos kaming magbihis at mag-ayos.
Sabay na rin kaming lumabas mula sa loob ng staff room.
Pareho lang kaming waitress dito sa clubhouse. Pero madalas nagpapa-table siya dahil siguro sa labis na pangangailangan.
“Guys, faster! There are lots of customers again. Please hurry up! Serve their orders!” bungad na sigaw sa amin ni Madam.
Nagkatinginan pa kami ni Anna at sabay na napatango.
“Yes, Madam!” tugon namin pareho at nagmamadali nang naglalakad patungo sa bar counter.
“Krizza, pa serve naman nito sa second floor, same table from last night, table 23.”
Mabilis kong kinuha ang nakahandang tray na may mga laman na drinks at nagmamadali nang pumanhik upang i-serve ang order.
Pagkatapos ihatid ang paunang order muli akong bumalik sa counter at muli na namang nag-serve ng iba pang order.
Inabot ng ilang oras halos hindi na kami magkandaugaga kaka-serve ng mga tambak na order kaya halos hindi na rin namin masyadong nababati ng maayos ang ibang mga customers.
Hanggang sa natapos ang ilang oras. Ramdam ko ang pagod sa buong katawan kaya naghanap ako ng bakanteng upuan at saglit na nagpahinga sa sulok sa madilim na parte habang ang ibang customers ay nagsasayaw sa gitna ng dance floor.
Ang iba naman ay may mga kanya-kanyang kandong na iba't-ibang mga babae.
Napakagat labi ako at umikot ang paningin sa buong malawak na lugar ng club na puno ng customers at nababalot ng maingay na musika.
Dahan-dahang dumako ang paningin ko sa kabilang side ng table kung saan nakita ko si Anna habang nakakandong sa isang lalaking customer na naka formal suit.
Bahagya pang nanlaki ang mga mata ko sa gulat nang nakita ko kung paano siniksik ng lalaki ang papel na pera sa dibdib ni Anna. And then they kissed each other sensually as if there's no people around them.
Mabilis akong nag-iwas ng tingin at agad na tumayo. Naglakad ako paalis sa kinaroroonan ko at halos patakbo akong naglakad patungo sa restroom ng club habang kumakabog ng malakas ang dibdib ko.
Hindi na bago sa akin iyon pero iba pa rin pala kapag kakilala mo ang nasaksihan mo sa ganoong sitwasyon.
Napabuga ako ng marahas na hangin ng tuluyang makapasok sa loob ng CR. Mabilis akong tumingin sa harap ng salamin at napatitig sa mukha kong… namumula.
Hindi ko gagawin 'yon. Hinding Hindi. Paniguradong magagalit si Gino sa akin. Ni hindi niya nga alam na nagtatrabaho ako sa lugar na 'to.
Humugot ako ng hangin at inayos ang sarili bago na pagpasyahang lumabas na upang makabalik na ulit sa trabaho.
Pilit kong kinakalma ang sarili ng magpatuloy sa pagsi-serve ng mga order.
Muling umiikot ang paningin ko ngunit hindi inaasahang napadako ang paningin ko sa taong nasa gilid malapit sa sofa habang may kandong at kausap na babae... Si Trevious.
Agad akong mag-iwas ng tingin doon at muling ipinagpatuloy ang trabaho. Hindi ko alam kung anong nangyari sa akin pero parang bigla akong tumamlay.
Pinilit ko pa rin ang sariling ibalik ang atensyon sa trabaho hanggang sa matapos ang buong oras ng duty ko.
Naglalakad na ako pabalik sa staff room upang magpalit ng damit dahil lumabas na rin ang kapalitan kong waitress.
Habang naglalakad hindi mawala sa isipan ko si Trevious. Ang kaniyang kayumangging mga mata na nakatitig sa akin.
Napailing-iling ako nang nakapasok ng tuluyan sa loob ng staff room, diretso kong hinagilap ang phone sa bag ko at mabilis na kumurba ang ngiti sa labi ko nang nakita ang mensaheng dumating.
It was a text message from Gino.
Pasado alas dose na ng gabi at panigurado na mahihirapan na naman akong sumakay pauwi.
Habang nag aabang ng taxi sa daan ay ramdam ko ang kakaibang pakiramdam dahil hindi mawala sa isip ko ang makita si Trevious habang may kandong na babae.
Akala ko ba nagpupunta lang siya sa ganoong lugar para uminom at magpawala ng pagod?
I suddenly jolted my head and castigated myself. Ah! Ano ba nangyayari sa akin!
Kulang na lang sabunutan ko ang sarili dahil sa hindi mapigilang inis. Hanggang sa may biglang humintong sasakyan sa harapan ko. Hindi ko ito pinansin dahil hindi naman 'yon taxi.
Ngunut nagulat ako nang ibaba nito ang sliding window ng sasakyan at dumungaw sa bintana.
“Hey.”
I blinked my eyes as I peeked at the owner of that familiar baritone voice. My heart was beating so fast and I don't even know why.
“Are you going home?” mahinahon niyang tanong habang mapungay ang mga mata.
Napalunok ako habang nakatitig sa kaniya at dahan-dahang tumatango.
He smiled. “I can drive you home. Pauwi na rin ako,” he offered, which made my heart throb again so quickly.
Oh shit!
“H-Hindi na. May dadaan naman na taxi,” sabi ko at mabilis na nag-iwas ng tingin sa kaniya.
Malakas siyang tumikhim kaya napabalik ang tingin ko sa kanya.
Napansin ko agad ang pag-igting ng panga niya at mas lalo pa akong tinitigan ng seryoso. Ngunit kalaunan ay umiwas din siya ng tingin sa akin kaya nakahinga ako ng maluwag.
Akala ko aalis na siya ngunit laking gulag ko nang bumaba siya mula sa loob ng kanyang magarang sasakyan na sumisigaw ng karangyaan.
Malakas niyang sinarado ang pintuan ng kanyang sasakyan at malalaki ang hakbang na naglakad palapit sa akin na mas lalo kong ikinagulat.
Mabilis akong napaatras ngunut ilang hakbang niya lang ay nakalapit na agad siya sa akin.
Nagpatuloy ako sa pag-atras habang patuloy din siya sa pag-abante habang papalapit sa akin hanggang sa maramdaman ko na lang ang malamig na bagay sa likuran ko.
Nataranta ako dahil wala na akong maatrasan. Pader na ang nasa likuran ko.
Not until he finally reached me. At sobrang lapit ng mukha niya sa akin.
I boldly lifted my gaze at him feeling frightened but I managed to hide it from him. And I saw him smirking while staring at me intently with his mesmerizing brown eyes.
Nalanghap ko pa ang hininga niyang amoy mint na may halong amoy na alak.
“A-Anong ginagawa mo?” I asked nervously.
Dahan-dahang umangat ang kanan niyang kamay at naramdaman ko itong humahaplos sa mukha ko habang matamang nakatitig sa akin.
Mas lalo pa niyang inilapit ang mukha sa akin dahilan kaya parang may nagwawala sa kaloob-looban ko.
Nakatitig lamang ako sa kanya at parang nawala ako sa sariling huwisyo. Para akong nahi-hipnotismo sa mapupungay niyang mga mata.
Napalunok ako at nararamdaman ko na lamang ang marahang paglalakbay ng kamay niya sa gilid ng mukha ko pababa sa leeg ko, sa braso ko kung saan nagsisipagtindigan ang balahibo ko.
I badly wanted to push him but I couldn't move. I don't have strength. It's like I lose my senses while staring at him.
Sa bawat haplos niya ramdam ko ang kakaibang init sa pakiramdam. Para akong kinukuryente sa hindi ko malaman na dahilan.
“What did you do to me?” he asked huskily and it sent a voltage of electricity through my veins.
Nanatili ang tingin ko sa kaniya habang nakatitig sa labi niyang binabasa ng sariling dila.
Napalunok ako.
“W-Wala akong ginawa sa'yo. Sinunod ko lang ang gusto mo.” I replied as I was shaking.
Namilog ang mga mata ko sa gulat ng bigla niyang kabigin ang baywang ko palapit sa kaniya kaya halos mapayakap ako sa kaniya dahil sa gulat. I can even feel his dick stroking my belly.
Oh… he's hard!
Sinubukan kong kumawala ngunit mas hinigpitan niya pa ang hawak sa baywang ko at mabilis na pinulupot ang braso paikot dito na ikinasinghap ko.
Muli niya akong tinitigan at mas lalong inilalapit ng husto ang mukha sa akin hanggang sa tuluyang magdikit ang tungki ng ilong namin.
Halos kapusin ako ng hangin sa ginawa niyang iyon at akmang itutulak ko siya palayo ng bigla niyang kabigin ang likod ng ulo ko at mapusok na hinalikan.
Impit akong napaungol ng pilit niyang binubuka ang bibig ko gamit ang kanyang dila. Napanganga ako ng bigla niyang kagatin ang pang-ibabang labi ko kaya sinamantala niya iyon upang ipasok ang dila sa loob ng bibig ko na mas pinalalim pa ang paghalik sa akin.
Hanggang sa hindi ko na kinaya ang sensasyong dulot niya sa akin at unti-unti akong nanlalambot at nanghihina… dahan-dahan akong napapikit at wala sa sariling dinadama ang bawat galaw ng kanyang malambot na labi sa labi ko.
And now, I am slowly responding to his kiss. He kissed me more passionately while sucking my tongue which made me groan a little.
"Hmm…"
Bigla kong naramdaman ang palad niyang humahaplos sa gilid nh dibdib ko na siyang nagpabalik ng moralidad ko.
Mabilis akong nagmulat ng mga mata at agad siyang naitulak palayo sa akin.
Ramdam ko ang pag-iinit ng mukha.
Oh my goodness! This is wrong!
Hinihingal ako habang nakatingin sa kanya. Namumungay ang mga mata niyang nakatingin din sa'kin. Pinasadahan niya pa ng dila ang sariling labi bago ito ngumisi.
"You kissed me back." Mayabang na wika niya.
I swallowed hard as I averted my gaze from him. I didn't know what to say so I used all my strength to push him away and chose to turn my back on him instead of arguing.
Hindi ako makapagsalita dahil may parte sa akin na nagustuhan ang nangyari.
As I turned my back to him I heard him chuckling.
"Krizza...." he uttered.
Napakagat ako ng labi at lumingon-lingon sa paligid kung may tao. Bahagya akong napangiti ng may mapansing bulto ng pamilyar na tao. Bumuntong hininga ako at napatayo ng maayos.
Narinig ko pa ang pagtikhim niya ngunit bago pa man siya makapagsalita ay agad na akong tumakbo palayo sa kaniya at mabilis na tumakbo palapit at yumakap sa bulto ng taong kilalang kilala ko.
"Gino!"
Lumingon si Gino sa gawi ko kaya agad ko siyang sinunggaban ng mahigpit na yakap.
Ilang segundo ang lumipas bago ako tuluyang kumalas sa kaniya.
Nangunot ang noo niya at tumitig sa akin. “Are you okay? You look pale,” puna niya.
I smiled slightly to hide my uneasiness. “I'm fine,” I assured him.
His brows furrowed.
“Where have you been? Kanina pa kita hinihintay kaya sinundo na kita pero wala ka na yata sa restaurant.”
Agad akong umiwas ng tingin sa kaniya. I was not working there anymore, kung alam mo lang, Gino.
Ngumiti na lang ako at mabilis siyang hinila paalis sa lugar na iyon nang napansin kong nakatingin siya sa lugar kung saan ako nanggaling kanina.
Bahagya ko pang nakita si Trevious doon na nanatiling nakatayo pa rin at seryosong nakatingin sa gawi ko.
Makikita mula sa kinaroroonan namin ang blankong ekspresyon ng kanyang mukha kaya hinila ko na lamang si Gino pasakay sa dumaang taxi.
After we got inside the car, I sighed heavily while thinking about what happened a while ago.
Everything that happened a while ago was a freaking wrong!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top