Chapter Twenty-Eight

"What will you do after this night?"

"I will go to some white sand beach. Maybe on Acuaverde."

Dahil sa naalala, mabilis na nag-Google search si Lukas para hanapin ang Acuaverde na iyon. When he finally got the copy of the mop, he left Risha's unit. May pinagkiskis na naman siyang wires ng isang motor sa parking space ng condo at itinakas iyon. He had to.

When they were in Intramuros, he didn't want to break any rule. But now, one look at Lukas, and you will see that he was doing the opposite.

The woman lied to me again! Nung una binigay niya sa akin ang locket ng walang laman, ngayon naman iniwanan niya ako nang hindi binabalik sa akin ang memory card!

What is happening to you, Lukas? tanong niya sa sarili habang mabilis na nagmamaneho.

Tumusok na naman ang buhok niya sa kanyang mata kaya napapalatak ng mura ang lalaki. Driving without a helmet on sounds like a bad idea.

***

"Oh really?" pilit na tawa ni Risha nang marinig ang huling sinabi ng kausap niya sa phone.

Nakarating na siya sa Acuaverde, nakasuot na ng puting bikini at naglalakad papunta sa isa sa mga beach bench na nasa puting buhanginan malapit sa asul na dagat. Tila may pinagnanasaan ang Haring Araw dahil sa sobrang pag-iinit nito na damang-dama ng balat ng dalaga.

Yeah, I'll be the blond guy in the chopper. I'll give you a ride before we return to the beach, how does that sound?

Ngumiti lang siya at binaba ang tuwalya sa beach bench na may brown leather na cushioning.

"That sounds great, dear Sloven. See you soon."

Tinapos na ni Risha ang phone call at humiga na sa bench para titigan ang dagat.

I wonder if Lukas can also pilot a chopper. Nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga. Damn, what are you thinking, Risha? Just focus on Sloven, okay? You need him now. Single-Risha-Rule Number 1, Move on easily by flirting someone else.

Tulad ng pagod niyang puso, sumuko na rin ang mga mata niya at nagsimula nang pumikit.

How long have the summer breeze lulled her to sleep?

Pagmulat ni Risha ng mga mata may nakahablot na sa braso niya, hinihila siya patayo. Nakatingin sa kanya ang pamilyar na pares ng mga mata na kulay itim, ang itim na buhok ni Lukas ay gulo-gulo na at nakasuot lang ito ng jeans at itim na shirt.

He came back!

Tila gustong magtatatalon ng puso niya sa tuwa. Gusto niyang maiyak, gusto niyang sumigaw, gusto niyang magwala. Pinagpalit ni Lukas ang misyon nito para sa kanya. Pinili siya nito! He was going to stay with her and finally agree to take their relationship to the next level!

She could not contain her happiness. Kung hindi lang nito hawak ang braso niya, tumalon na siya at nagpabuhat dito sabay halik ng mariin sa mga labi nito. Bakit hindi? Mahal na niya ito eh, mahal na mahal. Alam niya iyon sa sarili. Alam niya na kung mababaw man ang pagmamahal na nararamdaman para sa lalaki sa ngayon, mas lalalim iyon kapag mas nakilala na nila ang isa't-isa.

She jumped off the bench and was about to lift her arms to embrace him, but he held her too tight she did not manage to do that. Natigilan siya dahil sa seryosong emosyon na nakarehistro sa mukha nito. Sinalubong niya ang tingin nito na tila ba pagod na pagod na ito, na tila konting udyok pa rito ay sasabog na ang lalaki dahil sa talim ng pagkakatingin nito sa kanyang mga mata. Dahil doon, may bagong katanungang gumulo sa kanyang isip.

Sinabi na ba sa kanya ni Officer 8 ang lahat?

"Nasaan na ang memory card, Risha?" tanong nito sa mababang tono ng boses.

Tila may kung anong tumarak sa puso niya.

He went all the way here just for his fucking memory card?

"Bakit mo pa hinahanap iyan sa akin? I know how to keep my part of the deal, Lukas, okay? I will destroy it, okay? Don't worry about--"

"Destroy?" angil nito sa kanya. "Risha, I trusted you with that memory card! Naniwala ako na ibabalik mo iyon sa akin! Now what with destroying it? Para makaganti ka sa akin?"

"Bakit naman ako gaganti?" pumilit niya na makawala mula sa mahigpit nitong pagkakakapit sa braso niya. Dama ni Risha ang panggigigil ng lalaki sa sobrang galit sa pagkakahawak nito sa kanya.

"Because I am not staying here! Dahil hindi mo nakuha ang gusto mo!" bulyaw nito sa kanya. "Game's over, Risha! Tanggapin mo na lang ang katotohanan na kung karamihan sa mga lalaking gusto mo ay nakukuha mo, puwes ako, hindi!"

Napalunok na lang siya. Ayaw niyang umiyak sa harapan nito. Kahit kagabi pa niya parang gusto na magmakaawa kay Lukas, hindi niya maatim na gawin iyon. She was in love with him to the extent that she was willing to let him go.

But what he was thinking was the opposite. Feeling ng lalaki ayaw ni Risha na makaalis ito kaya ginigipit niya ito at tinatago niya ang memory card.

"Hindi pa ba nasasabi sa iyo ni Officer 8?" tanong niya nang may grupo ng mga pulis na nagsulputan mula sa resort ng Acuaverde papunta sa kanila.

"Fuck! Umalis muna tayo rito!" hila sa kanya ni Lukas.

"Lukas!" tili niya dahil sa nagbabagang init ng buhangin na nanunuot sa bawat pagbagsak ng talampakan ni Risha.

Wala sa kanya ang atensiyon ng lalaki, panay lang ang lingon nito, tila tinitingnan kung malayo na ba sila sa mga pulis na humahabol dito.

"Bakit ka ba hinahabol ng mga pulis na iyon!?"

"I broke some traffic rules, okay, Bio-Hazard?" he gritted.

"Iyon lang hinabol ka na nila hanggang dito?"

"Well, how the fuck would I know how they can manage to do that?"

Natatanaw na ni Risha ang dulo ng beach nang may malakas na hangin na umihip. Nagmula iyon sa uluhan nila na may kasabay na ingay ng mga elisi kaya naman napatingala sila ni Lukas.

It was a black helicopter!

It dropped a rope ladder and they heard someone speak using a megaphone.

"This is Sloven! Climb up, babe!"

Napatawa si Risha na tila ba may milagrong dumating para iligtas sila at nilingon niya si Lukas. "Tara! Sumakay tayo sa helicopter para makatakas tayo!"

Binitawan lang nito ang braso niya at napailing-iling. Pinanood ni Risha ang paglalaro ng malakas na hangin sa buhok nito. His eyes squinted at he stared at black shining flying metal.

If Lukas would not squint his eyes, his hair have already poked his eyes.

Bakit biglaan na lang na may susulpot na helicopter sa beach na iyon para i-rescue sila? At sino itong nagsalita sa megaphone na Sloven daw? Parang may mali talaga at iyon ang pinipilit niyang maapuhap.

Nanlaki ang mga mata niya nang may isang clue na siyang nakita mula sa sitwasyon nila.

That Russian accent!

"Risha!" tawag niya sa babae na umaakyat na sa lubid na hagdan.

Dahil sa paggalaw-galaw ng helicopter, kinailangan pa ni Lukas na habulin ang lubid at ang dalaga.

"Risha! Bumaba ka riyan!"

"What?" lingon ng babae sa kanya na mahigpit lang ang pagkakahawak sa hagdan, halata ang takot nito na baka mahulog.

"Bumitaw ka!!!"

Halos lumabas na ang litid ni Lukas sa kasisigaw dahil sa sobrang ingay ng helicopter. Unti-unti na itong umaangat kaya lalong kinabahan ang lalaki at binilisan ang takbo. Nagpatuloy sa pag-akyat ang babae, tila walang narinig sa mga sinabi niya. Paulit-ulit na sumigaw si Risha at isa lang ang naintindihan niya sa mga sinigaw nito.

"Lukaaaaaas!"

"Baba!!!" sigaw pa rin niya pero iyon na ang huli. Nauubos lang ang lakas niya sa kakasigaw, dapat niyang mahabol si Risha.

Lalo na siya nahirapan sa pagtakbo dahil napadpad na siya sa mababaw na tubig ng dagat at dahil sa pagtakbo ng helicopter, pataas ng pataas na ang tubig na nilulusong ni Lukas.

"Risha, get down!"

He made his final leap to reach the end of the rope ladder.

Kailangan niyang makasabit, kailangan niyang makaakyat at makuha doon si Risha bago sila tumalon pabalik sa dagat. Iyon lang naman ang tanging paraan para makatakas sila mula sa helicopter na iyon.

Walang tiwala si Lukas sa Russian accent ng Sloven na iyon. Malakas ang kutob niya na matagal na siyang minamanmanan ng Russian Army kaya sumulpot ang kung sino mang Russian na nasa helicopter.

Lukas heard the wild slapping of the waves against the shore, against his body. The hot afternoon sun made his blood boil more, his adrenaline pumping more energy to feed his panic.

Hahablutin na sana niya ang lubid, pero biglang tumusok ang buhok niya sa kanyang mga mata. Napasigaw na lang siya at kadiliman ang huli niyang nakita bago siya sinalo ng hangin at hinulog sa nagwawalang tubig ng karagatan.

Lukas heard the gurgling waters. He tried to rise above, heard himself gasp for air, blindly searching for something to hold on to, reaching up in hopes of being able to catch hold of the rope ladder but in vain.

Risha! I have to save Risha!

Walang magandang gagawin ang mga Russian sa kanya! Baka nga napagkamalan pa siya na nagnakaw mismo ng memory card!

Fuck! Hindi nila pwedeng makuha si Risha!

Tila hinihila siya ng tubig papalayo pero hindi siya nagpayakap sa mga alon. 

Huwag si Risha! Don't take her away! 

Dali-daling inahon ni Lukas ang mukha at hinagilap ang helicopter habang lumalangoy. He squinted his eyes and saw a man standing by its open door. May hawak itong megaphone at nakita niya ang pagkinang ng puti nitong buhok na natatamaan ng araw.

"Bring her back here!" naggagalaiting sigaw ni Lukas sa lalaki nang makita na wala na si Risha sa lubid na hagdan.

 "Don't worry, Major, she made it and she's fine." wika nito sa megaphone. "And see you soon, Major Verlin!" 

See you soon? he glared at Sloven, still standing and watching him.  Minura-mura na niya ang lalaking iyon sa sobrang galit.

"Saan mo dadalhin si Risha? Ano ang posisyon mo sa Russian Army!" sigaw niya pero masyado nang malayo ang helicopter para marinig siya.

Galit na lumusong sa mas malalim na parte ng dagat si Lukas. Gustong-gusto nitong habulin sila Risha, gustong-gusto niyang mahablot ang Sloven na iyon at lunurin sa dagat na kinasasadlakan niya ngayon.

"Ibalik mo si Risha!!!"

*** END OF PART ONE ***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top