Chapter Twenty

Risha stretched her body. Napasarap ang tulog niya masyado, pagurin ba naman siya ni Lukas buong gabi eh...

She opened her eyes when her hand felt no one was beside her. Nilingon niya ang digital clock at nabasa na alas-onse na ng umaga.

Oh my God! nagmamadaling bumangon siya para hanapin sa buong unit si Lukas.

Pagdating sa dining table, may nakahanda nang mga sandwiches at isang note na nakasulat sa pinunit na puting papel.

Meeting with my officers. Will be back around 2pm for that tour in Intramuros.

Liebe,
Major Lukas Verlin Mikhail

"Bakit kailangan pa niyang isulat ang whole name niya?" she murmured. "Ano 'yung liebe?"

Umupo na siya at nag-wonder kung bakit na naman ito makikipagkita sa mga subordinates nito.

Alam na kaya niya?



***



Naalimpungatan si Lukas mula sa mahimbing na pagkakatulog nang tawagan siya ni Officer 8. They talked in German.

Sir, we have at problem, bungad nito sa kanya pagkaabot niya ng smartphone sa bedside table.

"What?"

We are now on a chase with Lucia. Nauwi ang planong pagbisita sa habulan.

Napaupo siya ng tuwid, napangiwi sa pagsundot ng pananakit sa kanyang mga balakang. Pero mabilis namang naka-recover doon si Lukas.

"What? I told you to keep an eye on her, and not--"

We have to interrogate her, we discovered something else.

"And you didn't even tell me? What is that?"

She's working for the Private Eye.

"Private Eye?"

Yes, Sir. It is a German-based private investigation agency.

"I know what it is!" he gritted his teeth. Mabilis na bumangon si Lukas. "Keep your eyes on her, I will be there."

We are in Tondo, Sir, chasing her along the piers.

"Copy."

Mabilis na nagbihis si Lukas at hindi na niya hiniram ang Eon ni Risha. He stole someone else's motorcycle, hoping to God that no one caught him and that no one would notice that he was not wearing any helmet.

Nakailang mura rin siya habang nagmamaneho ng motor dahil sa pagharang ng buhok niya sa kanyang mga mata.

Bago sumikat ang araw, nakarating na si Lukas sa pier. Sinalubong siya ni Officer 8.

"Where is she?" baba niya mula sa motorsiklo.

"She must be hiding," seryoso nitong sagot. "The chase stopped, the other officers are searching for her. We must find her before the sun comes up and we get a lot of attention in here."

"Tell them to leave," tugon ni Lukas habang ginagala ang paningin sa paligid.

"But Sir, Lucia--"

"Tell them to leave!" sigaw niya rito. "That's an order!"

Tinapat ni Officer 8 ang mouthpiece ng bluetooth speaker na nakakabit sa tainga niya.

"Abort mission, everyone," anito. "I repeat, abort mission. Major's orders. Assemble now."

Ilang minuto pa ang nakakalipas ay nagsipagdatingan na ang  labing-apat na officers na kasamahan ni Officer 8 sa paghabol kay Lucia.

"Now--" mag-aanunsiyo sana si Lukas pero namataan niya ang pagpuslit ng isang babaeng naka-shorts at malaking shirt na nagtago pala sa likod ng magkakapatong na crate.

Mabilis siyang sumampa sa motorsiklo at hinabol ito. Maaabutan na sana niya ito pero lumiko agad ito sa isang eskinita kaya naman tumalon mula sa motor si Lukas para mahabol ito papasok sa makipot na daan.

He made another leap and grabbed her.

Lucia put up a fight by swinging a kick. Hinawakan lang ito ni Lukas sa balikat at pumuwesto sa likuran ng babae, kaya nahila niya ito paikot at hindi tumama ang sipa nito.

He quickly pulled out his gun and pressed its mouth on her nape.

"Don't move or I will shoot," babala niya.

"You can't shoot me," hingal ng patpating babae. "Nagtatrabaho ako para sa Germany."

"Alam ko," sagot niya sa wikang German dahil iyon na rin ang ginamit na lengguwahe ng babae.

"Isa ka sa mga agents ng Private Eye, bakit ka nandito? Bakit mo dinala dito ang locket?"

"Nautusan lang ako," buntong-hininga nito.

"Sino ang nag-utos sa iyo?"

"I won't tell."

"Papatayin kita!" diin niya sa nguso ng baril batok nito.

Lucia remained cautious, her voice was low.

"Hindi mo pwedeng gawin iyan. Kung gusto mo iligtas ang Germany mula sa Russia, hindi mo gagawin iyan."

"Marami tayong pag-uusapan, Lucia. Huwag mo kaming pahirapan."

"Mabuti ba ang hangarin ninyo o masama?"

"Mabuti."

"Kung ganoon," lingon nito kay Lukas, "huwag na huwag niyong ibabalik ang RSF sa Russia."



***



"Thank you," ngiti ni Risha sa babae bago umalis sa shop na iyon bitbit ang naka-hanger na suit at dress na susuotin nila ni Lukas sa party sa Linggo.

Pina-adjust pa kasi nila iyon kaya ngayong Sabado lang na-pick up ni Risha ang mga damit.

Napahinto siya sa paglalakad nang may nakita siyang lalaki na paikot-ikot sa Eon niya, tila ini-inspect ang sasakyan.

He was intimidatingly tall, around 6'3. Mas matangkad pa nga ito kay Lukas. Nakakasilaw ang sinag ng araw na tumatama sa maputi nitong balat at mas lalong maputi ang platinum blond nitong buhok. He wore a sexy blue tattered jeans and a striped white shirt.

Tila napansin nito ang presensya ni Risha kaya napalingon ito sa kanya. His eyes were squinted as he gave her a smile.

"Hi," bati nito.

"Hi," seryoso niyang tugon saka nilapitan ang kotse niya. "What are you doing with my car?"

"Just checking it out."

"I see," binuksan na niya ang pinto sa backseat para ihiga doon ang mga damit. She slammed the door shut and pushed the man a little away from the door to the driver's seat.

"But I guess it is much better to check out the owner."

Inirapan niya ang estranghero. Napamura din si Risha sa loob-loob niya dahil nahirapan siya na tingalain ang matangkad na lalaki.

"I am already taken," bukas niya sa pinto ng kotse. "Have a nice day--"

Umupo na siya at hihilain na sana pasara ang pinto pero humarang doon si Mr. Platinum Blond.

"Well," he offered her a piece of paper, "boyfriends come and go, babe. You'll never know when you will need a new one. So just call me when you are already available."

Pinasadahan niya ng tingin ang papel. May nakasulat doon na cellphone number at pangalan.

Sloven?

Tiningala niya ulit ito.

"No, really," Risha rejected the offer.

"Come on, you might need me one day."

Hinablot na lang niya ang papel. Kinuha na lang niya iyon para tantanan na siya ng foreigner. "Thanks. Now, go."

Natatawang umatras na ang lalaki kaya pinagsarahan na ito ni Risha ng pinto. Tinapon niya sa loob ng glove compartment ang papel at pinaandar na ang sasakyan.



Sloven crossed his arms as he watched her car leave.

"Well, she's one feisty and loyal woman."

Madali lang para kay Sloven na manmanan ang babae sa malayo. Hindi niya alam kung bakit sa loob-loob niya ay nataranta siya nang nakaharap na ito. Kaya niya itong kulitin pa ng mas matagal. But for some reason, he allowed their first meeting to be short, he let her leave too soon.

Or maybe, it was least of his expectations to get a rejection from her. For Pete's sake, he was blond! May katawan siya at height na pang-model! Those features helped him snag a girl very easily.

So why? Dahil ba sa in love nga ang babaeng iyon sa Major?

Tinigil na ni Sloven ang mental complaint at napailing na lang, tila natatawa.

"But she will be nice to me, very, very soon," ngisi ng lalaking parang carbon copy lang ni Lucky Blue Smith.

A hint of mischief and dangerous threat shone in his blue eyes, brighter than the sun against his blond hair.

Pumasok na siya sa loob ng puting Chevrolet at pinaandar iyon.

****

A.N.

Hello! Sorry sa late update tapos maikli pa hahaha :) I hope you enjoyed the weekend. May day job kasi si Author kahit Sundays hahaha XD tuwing weekdays lang tuloy ako nakakapag-UD... (kadalasan, weather-weather lang) XD

ANA xoxo

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top