Chapter Thirty-Three
Ikalawang araw na ni Risha sa bahay ni Sloven.
Alam niya iyon dahil sa malamlam na liwanag na nagmumula sa araw na nakikita niya sa labas ng bintana. Mas lalo tuloy nagmukhang puti ang niyebe, tila kuminang ang mga snowflakes na bumabalot sa mga puno. Pero dahil sa kapal ng gubat, hindi lahat ng puno ay tinamaan ng liwanag ng Haring Araw. The trees were very still, meaning that the blowing of the strong chilly winds have already stopped. Her hands embraced her body, covered by the thick comforter. Lumayo na siya sa bintana para bumalik sa kama pero napahinto siya nang malingunan na nakatayo si Sloven katabi ng bukas na pinto. Nakapamulsa ang mga kamay nito at nakatitig sa kanya.
Kanina pa ba ito nakatayo roon?
"The breakfast is ready, Miss."
"It's already my second day, Sloven."
Pumihit na siya para makaharap ng husto sa lalaki at humakbang papalapit rito.
"I am aware of that."
His eyes stared at her as he spoke slow as if he was calculating his words. Kahit sa paggalaw mukhang maingat ito. Nanatili lang ang mga kamay nito sa bulsa at pirmi ang pagkakatayo sa may pintuan.
"How long are you going to keep me here?" tingala niya sa lalaki nang malapitan na niya ito.
For a spy, Sloven knew how to dress well. Awtomatikong naikumpara ito ni Risha kay Lukas. Lukas was a simple man who always wore jeans and body-fitting shirts, while the platinum-haired angelic kidnapper in front of her was now wearing a white long-sleeved turtleneck sweater that fitted the perfect sculpt of his body and a pair of greyish-black pants.
"As long as I want to," he replied, his stare getting more intense it made her feel heavy on the chest. "Let's go to the dining room now."
"I'd rather eat here," balik ni Risha sa kama. "I want to stay warm here with this blanket."
The man let out a sigh. "Fine."
Ilang minuto lang ang nakalipas nang bumalik ito na may dalang tray. Nilapag iyon ni Sloven sa kama kaya naman umalis mula sa pagtingin sa labas ng bintana si Risha.
Sa wakas, dinala na niya dito ang pagkain ko. I am so hungry!
Lalong nagliwanag ang mukha niya nang makita na mukhang sopas ang dala ng lalaki at may kasama pa iyong tubig. Wala siyang pakialam kung galing sa kidnapper niya yung pagkain, ang mahalaga ay may pantawid-gutom na siya.
Aba, kailangan ko rin mabuhay, dugtong pa ni Risha sa mga iniisip niya para lang ma-justify na hindi masamang kainin ang binigay sa kanya ni Sloven.
Balak niya talaga na mag-rebelde sa pamamagitan ng hindi pagkain. Pero tinalo pa rin siya ng mahiwagang powers ng gutom.
"That's Solyanka," seryosong basag ni Sloven sa katahimikan.
Napapitlag si Risha dahil napaso siya nang hawakan niya ang gilid ng mangkok. Sloven gave her an angry look and grabbed her hands. His eyes shifted from one hand to another. Nang akmang isusubo na ito ng lalaki, hinila agad ni Risha ang mga kamay.
"What are you doing!?" atras niya mula sa pagkakaupo sa kama.
"They are red, okay? Sucking helps to relieve the--"
"Who even told you that I will let you suck my fingers?"
Bumuntong-hininga na lang ito. Huling-huli ni Risha ang pag-eyeroll nito.
"I hope you'll understand my situation, Miss," umupo na ito sa likuran niya sa gilid ng kama na iyon. "I do not intend to hurt you or anything, I just want the memory card and you are the only way."
"You haven't even told me yet about why you need that memory card," Risha's eyes focused on the soup. Binaba na niya ang kamay at dahan-dahang kinuha ang kutsara na nasa tabi ng mangkok.
"I told you, it is none of your business."
"Then," she began spooning the soup, "it is also none of your business."
"I already sent you boyfriend a message last night, about why I kidnapped you and how I want things to be."
Natigilan doon si Risha. My boyfriend?
Isang mukha lang ang awtomatikong rumehistro sa memorya niya-- si Lukas. His long dark hair, his sensual hawk-like eyes, his soft lips... Dahan-dahang binitawan niya ang kutsara at hinayaan ito sa mangkok.
"What did he say?"
"He did not reply."
Napalunok si Risha. Her eyes rested on the soup, colored red-orange with lime, herbs and some veggies and meat.
Hindi man lang niya sinagot si Sloven. Siguro nga wala na siyang pakialam. Ang hindi alam ng Sloven na ito... nasa kanila na ang original na memory card at paniguradong pabalik na sila ng Germany para maibigay ang RSF sa Russian Army. It means, their mission is over... Accomplished.
And what will happen to me?
I might rot here waiting to be saved... Madali lang naman halughugin ang apartment ko... makikita naman nila siguro doon yung second copy at masisira na nila iyon.
"Hey," pukaw ni Sloven sa atensyon niya, "you better eat your soup before it gets cold."
Tumango si Risha at sinunod ang sinabi nito. She gently blew on the hot soup in her spoon before eating it.
"Ugh!" ngiwi niya sabay bagsak sa kutsara pabalik sa mangkok. "Ang pait! Ang anghang!"
"What's wrong with you, woman?" hablot nito sa braso niya.
"What kind of food is this?" baling niya sa lalaki.
He just rolled his eyes. "Soup! Just eat it, okay?" tumayo na ito at iniwanan si Risha sa silid.
Sloven locked the door and leaned his back against it. Inalala niya ang pagtitig niya kay Risha nung nakatingin ito sa labas ng bintana. She had the same platinum hair like his, she had the same guts just like him. Hindi pa siya nakakakilala ng taong nakakapukaw kaagad sa kanyang atensyon. Bilang isang Russian spy, trabaho niya ang maging curious sa lahat ng bagay at alamin ang lahat tungkol dito. Pero nung unang kita pa lang niya kay Risha at nung nalaman na niya ang ilang mga bagay tungkol dito, hindi niya maintindihan kung bakit hindi mamatay-matay ang interes niya rito.
Alam niya na nag-aalala na ito para sa Lukas niya. Pero tulad ni Risha, alam ni Sloven na pareho silang nagtataka kung bakit wala man lang sagot si Lukas sa e-mail niya.
Sloven made sure that Lukas would not be able to track his IP address, but he could still receive his reply.
Kaya ang katanungan ngayon sa isip niya, bakit hindi ito sumagot agad? Bakit hindi nito kinagat ang offer niya? The offer was to set Risha free in exchange of the copy of the RSF. Wala na siyang pakialam kung nasa kanila na ang original copy, ang mahalaga ay magkaroon siya ng kopya ng file na iyon.
Bakit? Hindi ba dapat mabilis pa sa alas-kwatro na kumagat doon si Lukas?
He's her boyfriend... he should be already so worried by now.
Napailing na lang si Sloven. Maybe I should ask Miss where she kept that second copy of the memory card. I will get it by myself.
Pero pagkabalik niya sa silid ng babae, nadatnan niya na yakap nito ang mga binti at umiiyak.
She must be really getting worried now.
"Miss," tabi niya rito sa kama, dumako saglit ang paningin ni Sloven sa tray na nilipat na ni Risha sa table malapit sa kama.
Nagdadalawang-isip siya kung hahagurin ba ang likod nito. Alam naman ni Sloven na kahit walang malisya ang mga ginagawa niya eh, ayaw yata ng dalaga na dumadampi ang balat niya rito.
But in the end, he gave up from the urge to comfort her.
"Stop crying there," he murmured, his eyes staring blankly at the wall as his ears absorbed the sound of her sobs. "Don't you have faith in your boyfriend? He will save you."
"He... H-He won't save me..." angat nito ng mukha nang nilingon ito ni Sloven. Something seemed to clutch his heart as he stared into her eyes streaming a lot of tears down to her cheeks. "He doesn't love me."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top