Chapter Thirty

Thank, God, Lukas did not lock the door like what Risha told him in the note she left. Dumeretso siya papasok ng unit at lumingon-lingon sa paligid.

Where should I start?

Kung may ikalawang kopya ng RSF si Risha, kailangan niya iyon mahanap kaagad. Pinaubaya na niya kina Officer 3 at 9 ang pagdiskarte kung paano makukuha ng mga ito ang naiwang gamit ni Risha sa Acuaverde dahil baka napasama doon ang memory card.

Dahil lagi naman siyang nabibigo na mahanap ang RSF sa kwarto, nagsimula siyang maghanap sa banyo, sa mga cabinet doon at patungan ng sabon pero wala siyang nakita. Sinunod niya ang kwarto. Dahil wala na si Risha, malaya niyang nabaligtad ang kobre-kama pero wala pa rin. Kahit ang drawer nito, walang laman.Sinunod niyang halughugin ang living room pero wala, kaya dumako naman siya sa kusina at dining room.

Napahinto siya sa paghahanap nang mag-ring ang kanyang cellphone. It was Officer 8.

"Hello? Ano na ang balita?"

Sir, na-contact na ni Officer 4 si Lucia.

"That's fast." Dahan-dahan siyang humakbang pabalik sa living room.

Actually, si Lucia ang kumontak sa atin, Sir. Pinapasabi niya na nandito na sa Pilipinas ang boss niya.

"What? Then where is that boss?"

May dadaanan lang daw. I-meet mo raw siya mamayang hapon sa Gold Club.

Their boss knew where Risha's club was, and that made him curious.

"Sure. What is her boss' name?"

Misha Geld, Sir.

"Noted. Thank you, Officer 8."

Misha Geld? napaisip si Lukas. Hindi ba Misha Guinto ang ginamit ni Lucia na pangalan sa passport niya papunta rito sa Pilipinas? Geld is Ginto in Tagalog. Now it makes sense, she used her boss' name. So does it mean, they don't really have any relation with Risha because of the similar surnames?

Pagbaba niya ng cellphone inangat na ni Lukas ang paningin at tumama ito sa babaeng nakatayo ng pirmi sa living room at nakatutok ang baril sa kanya.

He was not threatened by her presence. Mas nangibabaw ang pagtataka para sa lalaki.

"Who are you?"

"I should be asking that," the woman with a ponytailed curly brown locks hissed. "Who are you and what are you doing here in my sister's house?"

"Sister?" gulat niyang balik ng tanong sa dalaga.

Kapatid ni Risha ang babaeng kaharap niya?

***

Pagmulat ni Risha ng mata, doon lang niya muling naalala kung ano ang huling nangyari sa kanya. Mabilis siyang bumangon at iginala ang paningin sa paligid. She was sitting on a queen-sized soft bed with beige-colored sheets. Bumagsak sa kandungan niya ang makapal na comforter kaya naman tumambad ang kanyang katawan na tanging ang puting bikini lang ang saplot.

Napayakap siya sa sarili.

Oh my God, did they rape me?

Pinakiramdaman ni Risha ang sarili, wala namang masakit sa kanya kaya pinagpalagay niya na walang nangyaring ganoon. Iginala niya ang mga mata sa simpleng silid na may fireplace pa katapat ng kanyang kama. The canopy of the bed was made of white silk, paintings hung on the wall and the room was brightly lit by a chandelier.

Pero ang mas pumukaw sa atensyon niya ay ang pares ng French doors sa kabilang side ng silid. May pintuan pang isa pero alam ni Risha na kung nakidnap nga siya, baka nai-lock na iyon. The French doors were her only hope.

Tumalon siya paalis ng kama at medyo nanginig siya dahil sa lamig ng tiles.

It means kakasindi lang ng fireplace sa silid na ito. Kakarating lang siguro namin dito.

Natatakpan ng kurtina ng maliit na bintana ng French doors pero dahil sa pagmamadali at pakikisabay ng kanyang pagkataranta, hindi na siya sumilip pa roon. She gave the door handles a push downward, making it click open. Pero paglabas niya, sinalubong siya ng malakas na hangin at ilang snow flakes.

"Ugh!" nasundan iyon ng pagsigaw niya dahil sa muling pagdampi ng malamig na hangin at snowflakes sa balat niya.

Tinanaw niya ang labas ng terrace na iyon. Natatakpan ito ng yelo at napakahamog sa labas dahil sa kapal ng pag-ula ng niyebe na sinabayan pa ng malakas na paghangin.

"Oh, my God!" bulalas niya habang umaatras. "Where the fuck is this place?"

"You don't have to know," salita ng kung sino kaya nilingon niya ito. 

It was Sloven Markov. Nakaekis ang braso nito sa matipuno nitong dibdib na walang kahit anong suot. Nakapajamas na puti lang ang lalaki.

His grin made her furious.

"Saan mo ako dinala!" sugod niya sa lalaki pero mabilis nitong nahablot ang mga braso niyang manghahampas sana rito.

"I don't understand what you said," ngisi lang nito na tila nakakaloko. "But from how you look, I can see that you are really, really mad."

"Bring me back, okay, foreigner? Bring me back to Lukas!"

Kahit anong gawin niya, hindi siya makapiglas sa pagkakahawak nito. Napapangiwi na lang siya sa sakit kapag dinidiin na nito ang pagkakahawak sa pulsuhan niya.

"You will see your Major soon," tulak sa kanya ni Sloven kaya napalakad siya ng paatras bago siya nito naitsa sa kama.

"But for now," tungo nito sa French doors para isara ito, "you have to deal with me, Risha.

Napalunok siya sa pagtungtong ng lalaki sa kama. Mabilis niyang inangat ang mga binti para maka-atras palayo rito. 

"Huwag kang lalapit!" angil niya rito. Sa oras na hawakan talaga siya ng lalaki, manlalaban siya. Wala siyang pakialam sa siksik nitong muscles at abs. Kung hahawakan siya nito at gagahasain, talagang sasaktan niya ito.

His eyes rested on her shifting his gaze from the bed to her legs, the movement of his stare trailed up to her thighs until they paused on her breasts and jumped into looking directly into her eyes with lips slightly parted.

Then the man swiftly grabbed the comforter and threw it over her body.

"And stop flaunting your body like that, Miss. If the German loved it, I didn't."

"You are not supposed to, bastard!" hila ni Risha sa comforter para balutin nito ng mabuti ang katawan. 

Umalis na ang lalaki sa paanan ng kama at namewang. "Brave girl, no wonder the Major liked you."

Pinukulan lang niya ito ng matalim na tingin. Hindi niya alam kung para saan ang amusement na sumasayaw sa mga mata nito habang nakangisi sa kanya.

"I am Sloven Markov," pakilala nito. "A spy working under the Russian government. You are not here for a vacation, Miss. You will be my guest here. You know, to give the Major a little motivation to give me the RSF."

"What RSF?"

"Russian Secret File," sagot nito. "That memory card keeps all the secret files of the Russian Army. You have a copy of that thing, Miss, so you will tell the German Major to get it for me."

"Why would I do that? The Germans already have the original RSF. What I have is just a second copy."

"I will be honest with you, Miss," inekis na nito ang mga braso, "I want the copy for myself. Since those German soldiers are going to give the RSF back to the Russian Army, it will be safer for me to get the RSF by having your copy instead of stealing it from them and getting their attention, you know."

So, nalaman niya na may kopya ako ng RSF. Maiiwasan nga naman niya ang malaking gulo kalaban ang mga Russian soldiers kung yung copy ko ang makukuha niya imber yung kopya nila. Iisipin ng mga sundalo doon na safe at nasa kanila na ang RSF pero ang totoo...

Napayuko si Risha.

...may isa pang kopya pala ang RSF na nanganganib na mapasakamay ng Sloven na ito.

"Why do you want the RSF? What are you planning to do with it?"

"None of your business," tawa nito bago tinalikuran si Risha at tinungo ang pinto. He paused and looked at her over his shoulder when he reached the door.

"By the way," paliwanag sa kanya ni Sloven, "sorry for staring at your body. I saw it in your face that you think I am being some kind of a pervert or something. I just stared at it to calculate your body measurements. You can't wear that bikini in your whole stay here. Especially when it is snowing here."

Risha rolled her eyes. Sana tinanong mo na lang ang size ko! At tinapunan niya ito ng irap. Ang sabihin mo, bastos ka lang talaga!

Natawa lang ang lalaki kaya napanguso siya habang magkasalubong ang mga kilay.

Ano naman kaya ang nakakatawa at tinatawanan ako ng Sloven na ito? Marahil puro kabastusan ang iniisip niya sa akin.

Tumalikod na si Sloven at lumabas ng silid niya. Narinig niya ang pagclick ng pinto kaya sigurado si Risha na ni-lock na iyon ng lalaki.

*****

Hiiiii :D

Slowly but surely ang updates natin ng "ATTENTION!" How do you like this story so far?

And hey, meron pala akong newly published work sa Watty, ang "A" Diary hahaha :D Puro updates lang siya at tsika-tsikas hahaha :D

Happy reading!

ANA xoxo

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top