Chapter Thirteen

Pagkatapos niyang kausapin si Officer 8, naghalughog na ulit si Lukas sa kwarto niRisha, maingat para hindi ito magising pero hindi pa rin niya nakita kung saan nito tinabi ang memory card.

Natulog na lang siya at ginawa ang same routine nang sumapit ang Day Two-- wake up at exactly 6 in the morning, take a bath, cook breakfast and workout.

"Today," masiglang anunsiyo ni Risha habang nagmamaneho ng sasakyan, "I will bring you to a very special place."

"Where could that be?" walang-buhay na tanong ni Lukas habang nakatanaw sa bintana.

Sa unang araw kasi ng pagsasama nila, wala namang exciting masyado kay Risha para sa kanya. Only having sex with her.

Damn! napamura siya sa naisip na iyon.

"You will know where it is," ngisi ni Risha, nakatutok pa rin ang mga mata nito sa kalsada.

Nakita na lang niya na sumampa ang sasakyan ng dilag sa paradahang puno ng graba. Nauna itong lumabas ng kotse, nakasuot ng hanggang tuhod na puting palda at off-shoulder blouse na may lace at kulay light pink at nung sumunod si Lukas, na nakasuot ng blue jeans at puting medium turtle-neck shirt, napatitig ang lalaki sa puting sementadong building kung saan nakapinta sa pader nito ang pangalan ng establishment-- Good Samaritans' Home for the Aged. Napapaligiran ito ng puting gates at bakod.

Lukas crossed his arms as he stood behind her. Nakatitig pa rin ito sa building.

"Home for the aged?" he snickered. "You do charities, Bio-Hazard?"

"Yeah," tango ni Risha. Mas umamo ang mukha nito, lumapad ang ngiti sa mga labi. "Years ago... I was around nineteen when my mother died."

Humakbang ito ng kaunti kaya sumunod si Lukas dito, pero hindi pa rin naaalis ang mga mata niya sa building.

"And even on the last hours of her life, hindi man lang nagpakita si Daddy," narinig niya ang bahagyang pagnginig ng boses nito.

Hindi malaman ni Lukas ang ire-react, nanatili na lang itong composed at nakatitig sa nakapinturang Good Samaritans' Home for the Aged. Marami na siyang na-encounter na mga emosyonal na tao-- puno ng takot, panic o lungkot, pero hindi niya malaman kung bakit iba ang dating ng pagnginig ng tinig nito. Tila ba nakakulong ang babae sa sarili nitong hawla at nagmamakaawa na sagipin niya.

"I was too young way back then. I hated my dad so much I began making researches and driving around just to search for a home for the aged," patuloy nito sa pagkukuwento, bumalik na ang tatag ng boses nito.

Napatitig tuloy si Lukas sa babae. Medyo nakasingkit ang mga mata nito dahil medyo nakakasilaw ang liwanag ng araw at sa pag-reflect nito sa puting-puting bakod at pintura ng building.

"I swore it to myself na sa oras na tumanda si Papa, ibabasura ko siya sa isang home for the aged. So that he'll know how it feels like to spend the last hours of your life without the people you love by your side."

Hindi napigilan ni Lukas ang pagkawala ng isang pigil na tawa. She's really a bitch.

Napayuko na lang si Risha at natawa. "I know, you think that's childish."

Napailing na lang si Lukas. Pumuwesto siya aa tabi ni Risha at umanggulo paharap dito. His arms remained crossed.

"I had the same feeling with my mother before, Bio-Hazard" pago-open up niya. Napatitig ito sa may kawalan, lagpas sa ulo ni Risha. "I hated her to the point that I wanted to abandon her or get even. She always pissed me off by discouraging me to be a soldier."



Tinitigan ni Risha ang lalaki. May kakaiba sa pagkakasinag ng araw sa itim nitong buhok, sa maputi nitong balat. He looked holy even if she knew he wasn't and he wouldn't be.

What could be so holy about being a soldier? Alam ni Risha na hindi emosyonal ang mga sundalo, dahil sa ganoong pamumuhay sila nakaka-recover mula sa trauma ng paglaban sa krimen o pagsabak sa giyera. Soldiers would kill even if it was against the ten commandments of God, so how could Lukas be holy?

It was just the sunlight. It made him look holy.

"Pero kaming dalawa na lang ang natitira para sa isa't-isa," patuloy ni Lukas. His squinted eyes gazed down to hers. "Kaya hinayaan ko na lang."

"Hinayaan ko na lang din naman," depensa ni Risha sa sarili. "Nung napadpad ako rito sa Good Samaritans', nagbago bigla ang isip ko."

"Oh really?" he grinned. "Why? Takot ka na baka wala kang makuhang pamana mula sa daddy mo, Bio-Hazard?"

"Sira!" singhal niya rito. "Pumasok na kaya tayo para malaman mo kung paano nila nabago ang isip ko."

"Fine," kibit-balikat nito.

"And stop calling me Bio-Hazard! Akala mo hindi ko napapansin na kanina ka pa Bio-Hazard ng Bio-Hazard, ha?"

"Yes, Bio-Hazard," pang-aasar pa nito bago sinundan si Risha na nauna nang pumasok sa home for the aged.

Sinalubong sila ng isang babae na mukhang may bata pa kay Risha. Tantya ni Lukas na five feet lang ang taas nito, may itim na unat na buhok na hanggang balikat at singkit na mga mata. Nakasuot ito ng jeans at pink na t-shirt na may tatak na Good Samaritan.

"Ma'am Risha!" masayang bungad nito sa kanila sa gate. "Magandang umaga! Napaaga yata ang pagbisita ninyo?"

Risha smiled. "Well, yes, may kasama kasi ako," turo nito sa kanya. "Gusto ko kasi ipakita sa kanya itong home, alam mo na, for additional sponsorship."

Nanlaki ang mga mata ni Lukas. So, dinala siya rito ng babae para mag-donate? Hindi naman isyu sa kanya iyon, pero sana naman napaghandaan man lang niya! Magkano ba ang dino-donate sa mga ganito?

Nasalubong niya ang pagtitig sa kanya ng babae. May kakaiba sa ngiti nito at ayaw ni Lukas sa nais ipabatid ng ngiting iyon.

Nakangiti ito na para bang na-starstruck, nakakita ng artista--- ngiting-tawa ito, malaki ang pagkakabuka ng tila nakatawang mga labi.

Napansin din yata iyon ni Risha. Pinulupot nito ang braso kay Lukas at kinausap muli ang babae, bahagyang naningkit na ang mga mata nito.

"And by the way, he's my boyfriend. Call him, Sir Lukas, okay?" pekeng ngiti nito. Lukas gave her face a look, and damn, she looked like a smirking hyena trying to annoy someone.

"Opo, Ma'am Risha," nawala na ang sigla sa mukha ng babae pero nanatili itong maamo ang mukha.

"And he doesn't understand Tagalog, so ako na lang ang kakausap sa kanya," ngiti pa rin nito.

Lukas secretly rolled his eyes. Diyos ko naman. Ano na naman ang iniisip ng babaeng ito at nagsinungaling pa?

"Lukas," tingala ni Risha sa kanya kaya dali-dali niyang pinalitan ang facial expression, "this is Lora, she's one of the kind-hearted staffs here at Good Samaritans'. She's going to show us around."

Napilitang ngumiti ang lalaki.

"Okay," tipid nitong sagot.

Nanatili siyang nakabuntot kay Risha habang ginagala ang paningin sa paligid. He was not really paying attention to what the ladies were talking about. Minsan nahuhuli niya ang paglingon sa kanya ni Lora at ngingiti pa ito bago mabilis na ibabalik ang paningin kay Risha.

He shrugged her off. He just looked around.

Hanggang sa narating na nila ang canteen ng home kung saan kumakain na ng tanghalian nila ang mga matatanda. May mga naka-wheel chair, meron namang mga nakakaupo pa ng maayos. May ilang staff ng Good Samaritans' na sinusubuan ang ibang matatanda, meron namang isa pang staff na paikot-ikot para kamustahin ang mga ito.

Napailing na lang si Lukas sa nasaksihan. Hindi niya ma-imagine na nasa isang home for the aged ang nanay niya. Tila kakainin siya ng sariling konsensiya kung ganito ang dadanasin ng nanay niya... Napamura na lang siya sa sarili dahil sa awang naramdaman habang iniisa-isa niya ang mukha ng mga lolo at lola doon. May isang lolo na hirap na hirap sa pagtusok ng tinidor niya sa ulam dahil imbes na ito ang matusok, natutusok lang nito ang pinggan.

"Hey," pukaw sa kanya ni Risha.

Napatingin siya sa babae na nakatayo ng sobrang lapit sa kanya kaya medyo nakatingala na ito.

"Well, where is the staff you are talking to?"

Naningkit ang mga mata nito at pinag-ekis ang mga braso.

"Si Lora?" she hissed. "Why are you even looking for her?"

"Eh kanina lang magkausap kayo--"

"Nag-assist na siya kina lolo at lola," Risha rolled her eyes.

"Hindi ba natin sila lalapitan?"

Binalik ni Lukas ang paningin sa mga matatanda. Sa isang table, may isang lola na nagwawala dahil ayaw nitong kumain at nakukulitan na ito sa staff.

"Not now," hawak ni Risha sa kamay niya. "Mahirap sila istorbohin kapag kumakain. Let's wait for them in the activity area."

Ang activity area na tinutukoy nito ay ang malaking veranda na may marble na railing at puting bakal na nagsisilbing bintana nito. May mga monobloc doon at tables, may sofa at rubber mats at may isang videoke sa may sulok.

Ini-on na ni Risha ang videoke kaya naman nangunot ang noo niya.

"Is it okay to turn that on? Baka maingayan yung mga matatanda doon," he crossed his arms and looked around.

Maganda ang view sa labas ng veranda, puno ng mga puno at namumulaklak na mga halaman.

"Hindi pa naman natin gagamitin ito, no," sagot ni Risha. "At saka okay lang na buksan ko ito, nineteen pa lang ako pabalik-balik na ako dito sa Good Samaritans'. This is like my second home."

So, it's been years since she have been here. My subordinate also included to his research that Risha is already... thirty.

Lukas shrugged his shoulders. So what kung thirty na ang babae? Sila Mariah Carey nga umabot ng forty-years old pero wala pang asawa... well, she had two divorces but... Napailing na lang si Lukas. Saan ba kasi nanggaling ang disappointment niya sa fact na thirty na si Risha at walang... asawa?

"Hey," pitik ni Risha ng mga daliri sa tapat ng mukha ni Lukas. "Okay ka lang ba?"

Naguguluhang napatango na lang si Lukas.

"Y-Yup."

Hindi naman siguro ako natulala sa kanya, 'di ba? I just got lost in my thoughts...

Pagkatapos ng tanghalian, dinala na ang mga matatanda sa activity area. Umupo sa rubber mat sila Lukas at hinayaan ang isang staff na magsalita sa mikropono para kamustahin ang mga matatanda.

Nagkaroon ng konting prayer, bilang pasasalamat sa masarap na tanghalian. At pinakilala na ng staff si Risha at Lukas sa mga matatanda.

At kahit alam ni Lukas na matagal nang bumibisita si Risha sa home for the aged, hindi niya inasahan ang tuwa sa mukha ng ilan sa mga matatandang nandoon. May isa pang lola na tumayo mula sa kinauupuan para yakapin si Risha.

"Risha, buti at napadalaw ka, anak!"

Natatawa lang na yumakap si Risha dito. "Siyempre naman, namiss ko kayo eh."

He just crossed his arms. Hindi lang niya ma-digest pa na may ganitong side si Risha.

"Nasaan si Lolo Francis?"

Masiglang nagtaas ng kamay ang matanda at lumapit kay Risha. In fairness, malakas pa ang matanda na may sa patpatin at puti na ang lahat ng buhok nito.

Inabot ni Risha ang isang mikropono dito.

"Oh, alam niyo na ang pambansang awit natin!" baling ni Risha sa mga matatanda doon.

Nagsipag-hagikgikan at tawanan na ang mga ito.

"Walanghiyang bata talaga ire," narinig ni Lukas na bulalas ng isang lolang tuwang-tuwa na nakaupo sa likuran niya.

May pinindot na buton si Risha sa videoke. Halata na memoryado na nito ang number ng kanta. She pressed play and the song title displayed on the screen alongside with its heavy beat intro.

Kumunot ang noo ni Lukas at isang naa-amuse na ngiti ang kumawal sa mga labi nito.

Delilah?

"Oh, Lolo Francis, ako muna kasi alam mo naman na save the best for last, 'di ba, Lo?"

"Oo naman," sagot nito, nakatitig na ito sa screen.

Nagsimula nang kumanta si Risha.

I saw the light on the night that I passed by her window
I saw the flickering shadows of love on her blind

Bigla namang sumingit si Lolo Francis.

She was my woman
As she deceived me I watched and went out of my mind

At sabay-sabay na ang lahat sa activity area na iyon na nag- My, my, my, Delilah
Why, why, why, Delilah

At siya namang kanta ni Lolo Francis.

I could see that girl was no good for me
But I was lost like a slave that no man could free

At may mga nagpapalakpakan na at nagsasayawang matatanda lalo na nung nag-instrumental. Hindi pa rin makapaniwala si Lukas na ang saya-saya na ng mga ito sa pakikinig sa hindi kagandahang boses ni Risha at sa lumang kanta na tumutugtog sa videoke.

Hinila siya patayo ng isang staff at pinasayaw sa kanya ang isang lola. Nginitian ito ni Lukas at nagulat siya nang yumakap ito sa katawan niya.

Nag-alangan pa siya pero sa huli, niyakap na rin niya si Lola at nakangiting sinayaw ito ng paikot.

His eyes searched for Risha, kasayaw na nito si Lolo Francis.


Pagkatapos ng bisita nila, nagmamadaling bumalik si Risha sa sasakyan. Nagpaalam na lang si Lukas sa mga staff bago ito sinundan.

He took the shotgun seat grinning. Alam naman niya kung bakit ito nagmamadaling bumalik ng sasakyan.

Hindi na nito ma-take ang pagpapanggap sa harap ng mga matanda. After everything he saw, Lukas still believed that Risha was still the same arrogant bitch that she was when they first met.

Pero nagulat siya nung nalingunan niya ito na patuloy pa rin ang paghikbi habang nakapatong sa manibela ang mga braso nito at nakasubsob doon ang ulo ng dalaga.

Nakaramdam siya ng panlalamig na tila ba hindi siya mapalagay.

He placed a hand on her back.

"Risha?"

Nag-angat ito ng ulo. "Damn. Nandito ka na pala."

Mabilis itong nagpunas ng luha.

"Ayos ka lang?"

"I am."

"Then what are the tears all about?"

Naghabol pa ito ng hininga pagkasandal sa kinauupuan bago sumagot.

"Lagi namang ganito. Nakita mo naman ang hitsura nila kanina, 'di ba? Nung nagpaalam na tayo, naramdaman ko ang higpit ng yakap nila lolo at lola."

Napabuntong-hininga si Lukas sa narinig. Nakita niya ang lungkot sa mga mata ng mga lolo at lola doon.

"Yeah, I saw."

"Wala silang pinagkaiba sa mga bata sa ampunan, Lukas," yumakap ulit si Risha sa manibela. Pinatong nito ang baba sa ibabaw niyon. "Gusto nila ng totoong tahanan, gusto nila na balikan sila ng pamilya nila at makasama sila."

Muli itong naluha kaya walang anu-anong hinagod ni Lukas ang likod nito.

"Pero mas suwerte ang mga bata sa ampunan... Mas may pag-asa pa sila na makahanap ng isang pamilya na magmamahal sa kanila. Eh sila lolo? Sila lola? Let's be honest," hinarap na nito si Lukas, sinalubong ng luhaan nitong mga mata ang mga mata ng lalaki, "nakarinig ka na ba ng taong nag-ampon ng isang lolo o lola mula sa home for the aged? Wala 'di ba?"

Binalik na ni Risha sa harap ang tingin. Napayuko na lang si Lukas sa narinig, huminto ang kamay nito sa paghagod sa likod ng kanyang kasama.

"Swerte na lang sila kung balikan sila ng mga pamilya nila. Swerte rin kung buhay pa sila pag dumating na ang panahong iyon."

Hinila ni Lukas si Risha at pinasandal ito sa balikat niya habang nakaakbay ang isang braso niya rito at nakayakap sa babae.

"Is that why you changed your mind about sending your dad in this place?" he sighed.

Naramdaman niya ang pag-iling ni Risha.

"Not really. It's my mom. She's like them, you know, forever waiting for my father to care for her, to remember her, to spend time with her.... I saw my mother in the faces of the old people in Good Samaritans'. I saw my mother..."

Sinuksok na ni Risha ang mukha nito sa dibdib ni Lukas. All he could do was close his eyes and gently run his fingers through her hair at the back of her head.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top