Chapter Ten

Nagising si Lukas sa maingay na tunog ng kanyang alarm clock. Deretso siyang umupo sa kama at nilingon si Risha. Tulog na tulog pa rin ito kahit na nagwawala na ang alarm ng cellphone niya.

Lazy. dampot ni Lukas sa cellphone niya na nakapatong sa night table sa side niya ng kama at ini-swipe ito para tumigil na ang pagri-ring nito.

Dinampot niya ang tuwalya, sepilyo at toothpaste at dumeretso na sa banyo ni Risha. He did his bath, toothbrushing and drying up his wet body for twenty-five minutes flat.

Pagka-off niya ng timer, bumalik na siya sa silid at niligpit ang mga gamit. He wore his wrist watch and his camouflage shorts as he headed to the living room.

Nangalikot na siya sa kusina, tsinek niya ang ref para maghanap ng lulutuin. He settled with simple fried eggs and hotdogs. Nagtoast na rin siya ng tinapay. Puro iyon lang naman ang laman ng ref ni Risha maliban sa mga gulay na halatang pang-salad, mga yogurt at cereal flakes.

Nilapag niya ang mga iyon sa dining table at bumalik sa living room. Hinawi niya ang mga kurtina para pumasok ang init at liwanag ng araw.

It made no lovely effect on him. Nanatiling seryoso ang mukha ng lalaki. He checked his wrist watch. At sinigurado niya na saktong 7 a.m. na bago siya mag-exercise.

Ginawa na niya ang routine niyang push-ups at crunches. Nasa crunches na siya nang sumulpot si Risha mula sa kwarto nito at pupungas-pungas pa.



Naglakbay ang mga mata ni Risha sa pawisang katawan ng lalaki. Hindi pa siya nag-aalmusal pero tila hinahain na nito ang pandesal sa harapan niya.

Kagigising lang ni Risha at nung napansin niya na wala ito sa tabi niya, inakala niyang tumakas na si Lukas kaya nagmadali siyang lumabas ng kwarto.

Only to find him doing an exercise in the living room.

Dumapa ang lalaki at nag-push up gamit ang isang kamay. Nakita niya ang tila nangangalit nitong mga muscles dahil sa pagiging fit nito.

Risha gulped. Oh Lord, why does this rude man have to look this hot?

"There's breakfast in the dining room," Lukas grunted. "Kumain ka na, Bio hazard."

She snapped out of her lusting state. Inekis niya ang mga braso. "What did you just call me?"

Ngumisi ito. "Bio-hazard. It fits perfectly. I like to call you that."

"Mukha ba akong hazardous ha?"

Tiningala ni Lukas ang babae. Umagang umaga eh, ang sungit na nito. That made him chuckle.

"Well," he said, looking non-chalant, "obvious na hindi ka morning person. Kumain ka na."

"Eh ikaw?"

"After this," patuloy ni Lukas sa pagpu-push up.

Dumeretso na si Risha sa dining room at nakita lahat ng mga niluto ni Lukas.

"Seriously?" she muttered. Namewang ito at tinitigan ang mga pagkain sa lamesa.

"Bakit puro prito?" reklamo pa nito bago tinungo ang ref at kinuha ang isang box ng cereal flakes.

She served herself some cereal flakes with cold milk and ate. Ito ang favorite breakfast niya at ito na rin ang habitual niyang ina-almusal.

Siya namang pasok ni Lukas sa dining room. Nagtimpla na ito ng kape.

"Kape?" alok ni Lukas sa kanya at bigla itong nagkaroon ng feeling na dapat bawiin iyon.

Bakit kailangan nito maging nice sa kanya? May atraso siya rito. At sinasamantala niya ang pangangailangan nito sa memory card.

"Sure," tugon ni Risha habang patuloy sa pagkain ng cereal.

Nilapag ni Lukas ang mug sa tabi ni Risha at inokupa nito ang seat sa tabi niya. Pinalaman ng binata ang itlog at hotdog sa toast at kumain.

"You just exercised. Tapos kakain ka ng oily at ganyang karami?" taas ni Risha ng kilay dito.

Lukas just grinned. "Wala kang pakialam."

"Nagsayang ka lang ng effort. Hindi ka na sana nag-exercise kung sasayangin mo rin lang sa pagkain ng ganyan."

"I lost good fats and energy, I have to retrieve those by eating," ungos nito. "Huwag ka na makialam sa diet ko, kita mo naman siguro sa katawan ko na maganda ang epekto n'un 'di ba?"

Napatingin tuloy siya sa malapad nitong dibdib, sa abs nito na six pack at halatang matigas.

Risha gulped and closed her eyes.

Don't ever think about it. Don't get too excited.

She was having breakfast with the German guy! Paano niya mapipigilan ang excitement?

"At ikaw, ang tamad-tamad mo," naningkit ang mga mata ni Lukas sa kanya. "Hindi ka man lang nagising sa alarm ng cellphone ko."

"Hindi lang ako nagising doon, tamad na agad? Eh baka kahit kaluskos lang ng daga eh magising ka na," she rolled her eyes.

"What do you mean?" anito, hindi na ito naka-catch up sa pagta-Tagalog ni Risha.

"Nothing," ngisi nito.



***



Lumabas si Lukas mula sa silid na suot ang tattered jeans nito at polo-shirt na itim. Hinayaan lang niya ang natural na porma ng buhok nito na may kahabaan.

Hinintay niya si Risha na natagalan sa pag-aayos pero lumabas naman na maganda. Naka-ponytail ang platinum nitong buhok at naka-high waist jeans na puti na tinernuhan ng puting sleeveless cropped top.

Pinasadahan ito ng tingin ni Lukas. Bio-hazard looks good tonight.

And so, he translated his thoughts into words.

"Cinemas are cold places. Why wear something that exposing?"

Okay, that didn't come out exactly as what he thought. And Lukas wanted to keep it that way.

"Exposing ka diyan? German guy, I want to look sexy tonight and that's not gonna happen if I am wearing a sweater."

He scoffed. "You are right. Hindi ka naman kasi sexy. It's just your clothes that make you look sexy."

Ano? Hindi siya sexy? After fucking her the other night, sasabihin iyon ni Lukas sa kanya? Ang kapal talaga nito!

Namewang siya. "Obvious naman na sexy ako, 'di ba?"

Napailing-iling na lang si Lukas at sinulyapan nito ang wrist watch.

"Come on, Bio-hazard, let's go. You said we have to be there by ten P.M."

Risha rolled her eyes. "Okay, pero aminin mo muna na sexy ako!"

"What for?" iling lang nito at tinungo na ang pinto.

"Because I am your girlfriend, okay?"

Binuksan nito ang pinto at nilingon si Risha. "Well, yes, but we are just pretending. Don't take it seriously."

Pinamulahan ito ng mukha. "I am not taking this seriously! Pero kung magpe-pretend lang din naman tayo, lubus-lubusin na natin, 'di ba?"

Pagkalabas ng unit doon lang sumagot si Lukas. "Sure. I will make the most of it, Bio-hazard."

Sinundan iyon ng pagkindat ni Lukas.

"Stop calling me that! Walang sweet sa Bio-hazard!"

Nagkibit na lang ito ng balikat. "Sure."

Kinawit na niya ang braso kay Lukas at kinaladkad na ito sa elevator.

"Good. Just call me, babe, or something nicer. We will meet my friends, kaya huwag mo ako ipahiya!"

Napailing-iling na lang ang lalaki. Sa tingin kasi nito hopeless case na ang level of insecurity ni Risha sa katawan.

"Sure, I will call you frau unsicher," ngisi nito.

Napatitig si Risha sa lalaki. She found his accent and manly voice a sexy combination of music. Napangiti tuloy siya.

Frau Unsicher sounded really good, yumakap siya lalo sa braso nito nung papasok na sila ng elevator.

"Iyan, that's better!" ngiti nito.

Sa loob-loob ni Lukas gusto nitong matawa sa babae. Ni hindi man lang siya nagtanong sa rito kung ano ang meaning n'un.

Sumara na ang pinto ng elevator. Lukas gave Risha a good look before he pulled up her chin to kiss her lips.

****

Frau Unsicher  means "Miss Insecure" ;)

#GermanStudies101
#PandesalSaUmaga

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top