Chapter Sixty-Two

Nanlulumong pumasok si Risha sa building ng condo kung saan siya nakatira. Bumalik na si Lukas sa Germany para ayusin ang mga dapat daw nitong ayusin. Gayundin si Misha para mag-report sa Private Eye.

Isa sa mga representative ng Russia ang naghatid sa kanya sa Pilipinas para makasigurado na ligtas siyang makakauwi. Iniwanan na rin siya nito nang nakababa na siya sa tapat ng kanyang tinitirahan.

She was already wondering how she could face her father. Nag-alala ba ito? Napansin man lang ba nito na matagal siyang nawala?

Pinihit niya ang pinto ng kanyang condo pabukas at doon na siya inatake ng kaba.

Bakit hindi ito naka-lock?

Pagbukas niya ng pinto, doon na tumambad sa kanya ang mga patay nang mga petals ng rosas na nakakalat sa sahig. Inikot niya ang paningin sa paligid, mula sa maayos na pagkaka-arrange ng mga sofa at lamesita patungo sa iilang mga lobo na humahalik sa kisame. Ang ilan sa mga pulang lobo ay nasa sahig na at naubusan na ng hangin.

Gaano katagal na itong arrangement na ito? malungkot na lingon ni Risha sa paligid niya.

Lukas could be a romantic guy, but... he was totally pathetic with planning surprises... Halata niya na inamag na sa kakahintay sa kanya itong surpresa na ginawa ng lalaki para sa kanya. It was funny, so funny that her eyes were beginning to water.

Sa lamesita, may nakalagay na bukas nang box ng singsing. Lumuhod siya at naluluhang inangat iyon para pagmasdan ang ang silver na singsing na may maliit na diyamante.

Wait for me. I will be back.

Tuluyan nang pumatak ang mga luha mula sa kanyang mga mata. 

Narinig niya ang pag-ring ng kanyang cellphone kaya dali-dali niyang pinunasan ang mga luha para sagutin ang tawag mula sa isang private number.

"H-Hello?" pinilit niyang pasiglahin ang tinig.

Natigilan siya nang marinig ang isang pamilyar na boses.

"Risha, I just want to let you know that wherever I am, I am already okay and I will be getting well soon. I promised Lukas that if he wins, he'll have you, so there, I left without taking you with me. I am also using a private number so, I have no worries of being traced."

Pinigilan ni Risha ang matawa.

"I brought Anya with me. I guess, I should take care of her. I know that's what you want me to do instead of trying to destroy the whole Russia."

She nodded her head. "Yes, Sloven. It feels much better to fix something in order to solve a problem than to ruin something."

Narinig niya ang malalim nitong paghinga. "Yes. Yes, Risha. I just called to say goodbye to you. This will be the last time. But if you will need me again when that German leaves... I know that we will meet again. We will find each other again, Risha. I love you."

Napayuko na lang siya bago mabilis na nawala ang kausap niya sa kabilang linya. Matagal bago niya naibaba ang cellphone sa kandungan niya.

***

"Aalis ka na naman?" pamewang ng nanay ni Lukas nang nadatnan siya nito na nag-eempake sa kanyang kwarto.

"Mama naman," tawa lang niya. "Saglit lang ako, okay? Sabi mo, magbakasyon naman ako, kaya heto, magbabakasyon ako sa Pilipinas."

"Bakit biglaan? At bakit hindi mo ako isasama?"

Tumayo si Lukas ng tuwid para harapin ang ina at napakamot ng batok. "Mama naman. Saglit lang talaga ako sa Pilipinas. May susunduin lang ako."

Bumalik na siya sa pag-eempake at ini-zipper pasara ang maliit na maleta. 

"At sino naman?"

"Ang magiging daughter-in-law ninyo," ngiti niya.

Actually, Lukas didn't know what the future has for him... and for Risha. All he knew was that he was ready to give love another shot. Nasa proseso pa nga lang ang mga tainga niya sa paghahanda na makarinig ng pagbubunganga ni Risha kapag nagsimula nang maging problema nila ang trabaho niya sa militar.

Lukas knew that moment would come. But this time, he was going to make sure that no problem could separate them.

Patapos na ang kwento nila, at ng RSF at ang pakikibaka kay Sloven, pero ang istorya ng pag-ibig nila, dito pa lang magsisimula. At hindi pa natatanaw ni Lukas ang katapusan nito kaya naman heto at ngiting-ngiti siya habang hinahalikan sa pisngi ang nanay niya.

"I have to go now, or I'll be late for my flight!" takbo niya pababa kaya naman sinundan ito ng nanay niya.

"Maghihintay ako!" natatawang pahabol nito sa kanya.

Hindi niya napigilan na lingunin ito. "Wait for me. I will be back."

Naiwanan na si Martina sa bahay at napapailing na bumalik sa kusina para magluto ng aalmusalin. Medyo nakakalungkot ang maging asawa ng isang pulis, pero mas mabigat sa kalooban kung sundalo ang iyong anak. Araw-araw kang nag-aalala kung buhay pa ba ito, at gabi-gabi ka nahihirapang makatulog para ipagdasal ang kaligtasan nito.

Ikinagulat niya ang pag-doorbell sa pinto ng bahay nila.

Wala naman kasi siyang inaasahang bisita kaya nakakapagtaka. Dali-dali niyang pinunas ang basang kamay sa suot na apron dahil sa paghuhugas ng mga ginamit niya sa pagluluto bago buksan ang pinto.

A platinum-haired woman stood in front of her.

"Good morning, is Major Lukas Verlin here?" tila nag-aalangan na ngiti sa kanyang ng dalaga.

"Good morning, I am his mother. He just left, Frau."

"Where did he go?"

Dumako ang paningin niya sa malaking maleta na dala ng babae. Binalik niya ang tingin sa mukha nito bago sumagot.

"He's going to the Philippines to meet someone... Why don't you come in first? Looks like you've been from a long trip."


Napayuko ang dalaga sa sinabi ng ginang na nagpakilalang nanay ni Lukas.

Pinairal mo na naman ang katigasan ng ulo mo, Risha! tensiyonadong upo niya sa sofa. Ang sabi niya sa note dun sa singsing 'di ba, wait for me? Wait.For.Him. Arrrgghhh! Ilang araw na naman ako maghihintay para makapag-book ng flight at ilang araw din ang biyahe--

Nagpaalam ang nanay ni Lukas na ipagtitimpla siya ng kape sa kusina kaya naman naiwanan siya sa living room ng mag-isa. Nasabunutan ni Risha ang sarili.

Oh, my God! Nakakinis ka, Risha! sermon niya sa sarili.

"Mama, bumalik ako kasi nakalimutan ko--"

Napalingon si Risha sa kung sino na bigla-bigla na lang pumasok sa pinto.

"Lukas," bulalas niya.

Napatitig ang lalaki sa kanya. "Risha..."

She jumped out of her seat. "Lukas!" masayang bati niya rito na may pataas-taas pa ng mga kamay.

His eyes narrowed on her as he crossed his arms. "I told you to wait for me."

"Well," nguso niya, "ang tagal-tagal mo kasi kaya pinuntahan na kita."

"Ang tigas talaga ng ulo mo," ngisi nito pagkabitaw ng maletang dala at humakbang palapit sa kanya.

"Well.. that's me, your arrogant bio-hazardous woman," she smiled.

"So what's your rush, mein liebe?" Sa wakas ay nalagpasan na ng lalaki ang espasyo na pumapagitan sa kanila. Hinawakan na siya nito sa pinsgi. "Bakit ka nagmamadaling puntahan ako rito sa Germany?"

She tiptoed and whispered in his ear. "Because... we are going to have a baby, Major Lukas Verlin Mikhail."

Pagka-atras niya, nakita niya ang malapad na ngiti sa mga labi nito.

Ilang segundo rin sila nagtitigan kaya naman unti-unti nang nakakaramdam ng kaba si Risha. Tumabingi na rin ang ngiti niya.

"Wala ka man lang bang sasabihin sa akin?"

Niyakap siya ng lalaki ng mahigpit at hinalikan sa noo. "Sa iyo, wala, pero kay Mama, meron!"

Pinakawalan siya nito at hinawakan sa kamay. His eyes gave her a reassuring look as he gently tugged her after him.

"Mama!" tawag nito habang papunta sila sa kusina. "Mama! I have a good news!"


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top