Chapter Sixty-One

Niyakap ni Risha ang sarili nang itsahin siya sa loob ng helicopter ni Bruno. Naluluhang tinanaw niya ang gubat kung saan naiwanan si Lukas kasama ni Sloven.

Lukas, please be okay, please be okay...

Hindi na niya napigilan ang mapaiyak. Heto siya nakaupo at bantay sarado ni Bruno at wala man lang siyang magawa kundi ang umiyak.

She felt so stupid. Her recklessness always put Lukas into bigger troubles. Una, tinago niya sa lalaki ang RSF para lang makuha ang gusto niya. She did not even cared if that mission would cost anyone's life. Pangalawa, gumawa pa siya ng second copy ng RSF kaya nalagay na naman sila ni Lukas sa alanganin na sitwasyon. Tinawagan pa niya si Sloven, nagtiwala pa siya agad dito at sumakay sa helicopter nito kaya tuluyan siyang nakidnap.

At nung nailigtas na siya ni Lukas sa Victory Day party, heto naman at nakidnap na naman siya ni Sloven dahil naisipan pa niyang pumunta sa GUM store imbes na manatili sa kotse.

And for one last time, Risha wanted to be stubborn again. Stubborn enough to fight Bruno and get back to Lukas.

She would rather die reckless than doing nothing at all.

Ito ang matagal na niyang gustong gawin, ang patunayan sa mga magulang niya noon, sa lalaking minahal niya noon at ngayon kay Lukas, na marami siyang kayang gawin kahit na ikakapahamak pa niya para lang ipakita na mahal niya ang mga ito.

Siya si Risha Guinto. A woman who gets what she wants because she fights for it, she's stubborn and people call her determination a stupidity, recklessness, but for her, it is how she gets her way.

Pinunasan niya ang mga luha at habang nalingat si Bruno, marahil para tanawin kung parating na ba si Sloven, hinarap niya ang kabilang pinto ng helicopter at tinulak iyon pabukas.

She began sprinting around to head back to the forest.

Hahanapin niya si Lukas, hindi siya makakapayag na mag-isa nitong kalabanin si Sloven. She wanted to be there with him, to fight with him and even die with him.

"Risha!" galit na tawag sa kanya ni Bruno na sinundan kaagad siya, hinabol siya sa malawak na parte ng gubat na iyon.

Binalil niya sa harap ang tingin. Alam niya na hangga't buhay pa si Sloven, hindi siya mapapatay ng alalay nito kaya hindi siya huminto sa pagtakbo.

Fucking run, Risha! Just run! cheer niya sa sarili habang papalapit na siya ng papalapit sa mga nagtataasang puno.

"Ahh!" napadaing siya nang may kumalmot na sanga ng halaman sa kanya pero hindi siya huminto sa pagtakbo.

Nahigit niya ang hininga nang mabangga siya sa malapad na dibdib ni Sloven.

"Diyos ko!" bulalas niya.

Hindi niya maalis ang mga mata sa pagkakatitig sa mga mata ni Sloven.

B-Buhay siya... buhay si Sloven... kung ganoon...

Napa-ungol siya sa bigat ng katawan ng lalaking yumakap sa kanya. Kinulong nito ang mukha niya sa mga kamay nito.

"Risha," hingal nito, "why are you here?"

Hindi niya malaman kung ano ang isasagot. Kita niya ang pagod sa mga mata nito, dama niya na nanghihina na ang lalaki dahil sa paghinga nito.

"Where... Where is Bruno?" halik nito sa noo niya.

"He's..." naiiyak niyang yuko. "He's coming..."

Inangat nito ang mukha niya. "Risha, I have a question for you..."

"What?" tulo ng mga luha sa kanyang pisngi nung napapikit na siya.

Ang sakit. Ang sakit-sakit kasi huli na ang lahat. Panigurado na hindi na niya makakasama pa si Lukas maging sa huli nitong mga nalalabing oras.

"Risha... why do we keep on chasing the people who doesn't love us?"

Isang tipid na ngiti amg sinukli niya rito. Why did she chase Lukas in the first place? Why did she beg him to stay?

"Because..." dilat niya, pero ang mgaata ay sa baba lang nakatingin, "...we love them."

Narinig niya ang mahinang pagtawa nito.

"We love them. That is enough reason. We love them and we can't imagine ourselves loving someone else."

"Lukas told me something," bulong nito sa tainga niya. "You are Misha's sister."

She nodded her head. "Yes. Yes, I am."

"She tried to change me," halik nito sa pisngi niya ng mariin. "That's why I left her. But you... you can make me change, Risha. I will change for you if only you really love me, but I know... I know that you don't, you won't..."

Nilayo na nito ang katawan sa kanya at hinalikan siya ng mariin sa mga labi. Napapikit na lang siya, ni hindi siya makagalaw. Gusto na niyang mamatay, kahit na hindi na niya malaman pa kung para saan ang mga pinagsasasabi ni Sloven.

"I will always love you," hiwalay nito sa kanya bago nito natanaw si Bruno.

Tinulak siya nito at dali-daling sinalubong ang alalay nito. Gumewang-gewang si Sloven bago bumagsak sa mga bisig ni Bruno.

"Hurry, Bruno! Let's leave!"

Sumagot si Bruno sa salitang Russian.

"No! Just go!" ubo ni Sloven kaya naman nagmamadaling umalis ang mga ito.

Napayuko si Risha at doon lang niya naramdaman ang malagkit na likidong dumikit sa kanyang damit. Likido na nanggaling mula sa duguang katawan ni Sloven.

She turned around to watch them scramble toward the helicopter.

Tumatakas sila ng hindi ako kasama...

Paglingon niya sa direksyon ng kagubatan, doon na niya nakita ang pamilyar na bulto na naglalakad palapit sa kanya. Nang sa wakas ay naaninagan na niya ang mukha ng lalaki, naluluhang sinugod ito ni Risha at niyakap ng mahigpit.

"Lukas!" iyak niya sa dibdib nito. "Lukas!"

Hinagod lang nito ang likod niya at hinalikan siya sa noo. "Shh... it's all over now."

"They escaped."

"Sa tingin ko, nandito na ang back up, hinahabol na sila ng mga iyon, panigurado."

Pinikit ni Risha ang mga mata at huminga ng malalim. "Lukas..."

***

Sloven was not caught. Habang nakikipag-usap si Lukas sa mga pulis at sundalo na parte ng operasyon sa paghuli kay Sloven, balot naman ng makapal na jacket si Risha habang umiinom ng mainit na kape na dala ni Misha para sa kanya. Nakasandal sila sa gilid ng sasakyan na dala ni Lukas nung pumunta siya sa gubat na iyon para iligtas siya.

Nakatingala si Misha sa langit. "You know what, Risha? I still miss him."

Her eyes rested on the brown color of the coffee she was drinking.

"I really tried... I tried to talk Sloven out of this stupid... stupid..." Misha gasped and wiped the tears from the corners of her eyes.

Sinandal na lang niya ang ulo sa balikat ng kanyang ate. "Sloven also said the same thing, Ate. Pero huwag mong isisi sa sarili mo kung bakit hindi mo siya napagbago... A person doesn't need another person to make him change. He should do it for himself."

Inakbayan siya ni Misha at hinalikan sa noo. "I am sorry, Risha. Nilagay kita sa gulong ito. Ako ang nagpadala sa iyo ng kwintas na may RSF at--"

"Shh..." pikit lang niya. "Ang mahalaga, tapos na ang kaguluhang ito."

"I hope so... Kasi hangga't malaya si Sloven, hindi pa rin ako mapanatag."

Napangiti na lang si Risha. "Just trust me, Ate, Sloven will never come back."

Hindi na niya sinabi pa sa kanyang kapatid na tila may kung anong kumokonekta sa kanila ni Sloven na tila pinagbibigkis sila. Kung ano ang iniisip nito o nararamdaman, tila nadarama at nauunawaan din niya.

And although they have that connection, Risha knew that we tend to fall for people who complete us. Not people who are the same to us.

The people who complete us are those who have the things we don't have and share it with us.

Binaling niya ang tingin kay Lukas na buong kaseryosohang kinakausap ang mga kasamahan nito sa operasyon.

That man is Major Lukas Verlin Mikhail, he has a soft heart surrounded by his strong walls. He's always serious, he always sticks to his routines to the point that it made him seem boring.  And I love him. I love that man.

And if ever we will have a chance to be together for good, I will grab it.

***

A.N.

Wala naman palang limit sa number of chapters hahaha! Tinotopak lang yata itong internet connection hohohoho :D

More chappies to come!

HAPPPPYYY VALENTIIINNNNEES! <3

Love, 

ANA xoxo

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top