Chapter Seventeen

Lukas rolled his eyes when his subordinates laughed about his predicament.

"Mukhang hindi ka na talaga papakawalan nung chick, Sir," ani Officer 8 sa lengguwaheng German. "She wants you to meet her dad already!"

"There's nothing funny!" angil lang ni Lukas sa mga ito pero tawang-tawa pa rin ang mga ito.

"Invite us to the wedding, Sir!" dagdag pa ni Officer 3. "Lahat kami pupunta, panigurado!"

Napa-ungol na lang si Lukas at sumandal sa kinauupuan niya sa ibabaw ng hood ng sasakyan. Nasa basement parking ng hotel na tinutuluyan ng ilan niyang subordinates sila nag-meeting.

"What about the assignments I gave you?" baling ni Lukas sa mga tauhan niya. "Ano na ang nangyari?"

"We got it," ani Officer 2. Naka-civilian lang din ito sa sumandal sa gilid ng sasakyan, malapit sa Major. "The name of the thief is Lucia Herrera. Nakatira siya sa isang apartment sa Tondo."

"Saan naman ang Tondo na iyan?"

"Malayo-layo rin dito sa Alabang, Sir. Malapit sa pier sa Manila."

He nodded. "Any descriptions?"

"Mukha siyang mahirap. Simpleng babae. Baka OFW siya sa Germany."

"Wala na tayong oras para alamin pa ang agency niya para ma-confirm natin ang suspetsa na iyan. May picture ka ba nung babae? Para mai-match natin sa screen cap mula sa surveillance camera ng airport."

Inabot ni Officer 2 ang cellphone pagkabukas nito. Lukas zoomed in the picture. Si Lucia ay isang patpating babae na may maikling itim na buhok at maputlang balat. Sa picture, papalabas na ito ng apartment at tila may lakad dahil maayos ang suot nito.

"Nung nakipag-coordinate tayo sa airport, sa profile ng passenger hindi Lucia Herrera ang pangalan niya kundi Misha Guinto. Pero kamukhang-kamukha niya nga yung Misha Guinto," paliwanag ni Officer 2.

"Misha Guinto..." Lukas murmured. Guinto rin ang apelyido ni Risha. Hindi kaya magkasabwat ang mga ito? Magkamag-anak marahil ang dalawa dahil sa apelyido pa lang nila makikita na.

Pero wala namang nababanggit na kapatid si Risha.

"Keep an eye on her," pasya niya. "Don't make any move. Make sure she doesn't know that you are watching her."

Binalingan naman nito si Officer 4 na nakatayo malapit kay Officer 2 at nakikinig.

"How about you?"

"Ini-send ko na yung list sa gmail mo." Inekis nito ang mga braso. "Sir, paano naman iyon makakatulong?"

"We will ask Rhein when he bought his necklace, we will compare it to Risha's. Then itse-check natin sa mga shops na iyon kung may biniling kwintas sa kanila sa araw na sasabihin ni Risha. Maybe that can help us track if she has the real necklace. Pero mas mabilis kung kay Misha o Lucia natin malalaman mismo kung kanino niya binigay ang kwintas. I also want to know why she stole it."

Tumango-tango lang si Officer 4.

Kumunot ang noo niya dahil sa kakaibang katahimikan ng mga officers niya.

"All of you are too quiet. You always talk a lot when we talk about our mission," bumaba na ito mula sa pagkakaupo sa hood.

Officer 8 lowered his head and smiled. "Wala po, Sir. Nakikinig lang kami."

Nakikinig lang? Wala man lang second opinion? This is really weird...

"Basta Sir, ipaubaya niyo na lang sa amin ang outside job. Bantayan niyo na lang muna ng mabuti si Miss Risha."

Miss Risha? What a nice way for Officer 7 to call Risha. Hmm...

"I will talk to our General tonight. Tatanungin ko kung kinukulit na ba siya ng mga Russian."

"Okay po, Sir," ani Officer 8 katulad ng iba pang mga subordinates na nandoon.

Gamit ang kotse ni Risha, nagmaneho na pabalik sa condo unit nito si Lukas. Pagkauwi niya, nagtaka siya dahil sa kakaibang katahimikan sa paligid. Napatingin tuloy siya sa suot na wristwatch.

5:45 A.M. na! Bakit hindi pa gising ang babaeng iyon?

Sinugod na ito ni Lukas sa kwarto. Business woman nga, late naman gumising. What kind of bullshit is this?

Namewang ang lalaki at napailing-iling na lang nang nadatnan niya si Risha na nakadapa pang natutulog sa kwarto nito. His eyes shifted to the digital alarm clock on the bedside table.

Ayaw mo gumising ha?



***

Napabangon si Risha nang nakaramdam siya ng kung anong malamig sa kanyang katawan. Her hands automatically hugged around her body. When she tried to pull up the sheets for cover, Risha discovered that they were already wet. Naibagsak na lang niya ito at hinawi dahil lalo lang siyang giniginaw kapag dumadampi sa balat niya ang basang tela.

Pagtingala niya, doon na nagsimulang magsalubong ang mga kilay niyang sa sobrang nipis kailangan pa titigan para makumpirma na nage-exist sila.

"Lukas!" angil niya rito.

"Get up, Risha," matigas nitong utos. Ni hindi man lang nito niyuko ang ulo, nakatingin lang ito sa kanya ng pababa na para bang pinapahiwatig ng lalaki na mas mataas ito sa kanya.

"What's the deal?" matamlay niyang usog sa gilid ng kama para makatayo na. Napasigaw na lang siya nang paluin siya nito sa puwet.

"Move!" sigaw ng lalaki na para bang isang military trainee ang kausap nito. "Move! Move! Move!"

"Oo na! Oo na!" lakad ni Risha papunta sa pinto palabas ng kwarto pero hinila lang siya ni Lukas at pinihit paharap sa pinto ng banyo.

"Maligo ka muna," anito. Inipit nito sa ilalim ng kilikili ang pitsel at sinipat ang relo. "You have three minutes for that."

Pinanlakihan niya ito ng mga mata. "Three minutes? Sinong Pontius Pilate naman ang nakakaligo sa loob lang ng three minutes?"

"Time is running, Risha!" titig nito sa kanya.

"Three minutes mo, mukha mo," belat niya sa lalaki at chill lang na pumasok sa loob ng banyo.

Sinara na niya ang pinto at sumandal muna roon.

"Damn," titig niya sa kawalan, "anong sapi ng lalaking iyon? Anong tingin niya rito sa condo ko? Military training camp?"

Pinagsawalang-bahala na lang iyon ni Risha at hinubad na ang basang damit.

Seriously? Kailangan niya talaga akong paliguan sa higaan? Ano bang meron ngayon at ginising niya ako ng maaga?

Pagkatambak ng hinubad sa may lababo dahil nasa labas pa ng banyo, katabi ng pinto nito, ang laundry basket, napanganga si Risha.

Oh my gosh, may date ba kami ngayon at nakalimot ako? Anoooo?

Pinuno na niya ng tubig ang bathtub bago niya iyon nilagyan ng bath bomb. Napangiti siya sa amoy ng peach at jasmine nung lumublob na siya sa tubig. Kakasandal lang niya nang bumukas na ang pinto.

Risha let out a gasp and sat up. Bakit ba kasi hindi ko nai-lock ang pinto!

"Time's up!" tayo ni Lukas sa tapat ng kinauupuan niya. "Get up, Risha! Go! Go! Go!"

"Nakahubad ako, okay? Lumabas ka muna para makapag-tuwalya ako--"

"So? Nakita ko na naman iyan. Huwag ka nang magdahilan. Up! Up! Up!" hila nito sa braso niya pataas. Para siyang papel na walang ka-effort-effort nitong nai-ahon mula sa pagkakalubog niya sa tubig.

"What's the deal? Para saan ba ito?"

Tumalikod na ang lalaki at pa-martsang naglakad palabas ng banyo. "I am giving you five minutes to get dressed. Be in the living room before the time runs out!"

"Five minutes to get dressed?" nag-high pitch na ang boses nito. "Ang dami-dami kong dresses over there! About eighty! How can I choose what to wear in just five minutes?"

Pero hindi na yata nito narinig ang reklamo niya, bukod sa wala kasi itong sinagot, nakalabas na rin yata ito ng kwarto niya.

"Bakit, Lord!" nanggigigil na napatingala na lang si Risha bago lumabas ng banyo.

She dragged herself out of her room, wearing a pair of white shorts and a red hanging blouse with white stripes. Nakaabang na sa kanya si Lukas kaya naman napalunok siya habang papalapit dito.

"Ten minutes late, give me twenty!" turo nito sa carpet.

"Wala akong twenty pesos ngayon sa bulsa," sagot niya.

He narrowed his eyes on her. "Twenty push-ups,  Risha."

She could not take it anymore. Risha let out a grunt. "Diyos ko, Lukas! Why are you doing this?"

"I am teaching you how to be disciplined," ngisi nito. "Now get down."

Risha crossed her arms. Kung ano mang kabaliwan ang nasa isip nito, dapat na maitigil na bago pa siya mawala sa katinuan.

"Ano naman ang makukuha mo sa--" natigilan siya at napangisi. "Hey, nami-miss mo na ang pagmi-militar, no?"

Sumeryoso ang mukha nito. "This is for you. Now, give me that twenty push-ups."

"I don't know how to push up," palag niya nang hawakan na siya ni Lukas.

"Araw-araw kitang ino-obserbahan, Risha," he grunted before he finally managed to push her down the carpet. "At ang sakit sa mata ng katamaran mo."

"Katamaran?" lingon niya sa lalaki na nagpadapa sa kanya sa carpet. Nakatukod na ang mga kamay ni Risha. "On what part am I lazy?"

"You just throw your clothes in the laundry basket. You eat cereal for breakfast everyday because you are too lazy to cook and you always wake up late, lazy arrogant bio-hazardous bitch," pinag-ekis na nito ang mga binti ni Risha at pinosisyon ng tama ang pagkakatukod ng mga tuhod niya sa sahig.

"How dare you call me a lazy arrogant bio-hazardous bitch!" Risha gritted.

Nakatayo na si Lukas at inapakan siya sa likuran. "Now, do the push-ups,"

"This is crazy!" she rolled her eyes. "Inaapakan mo ang likod ko, eh!"

"Just to make sure you won't escape. Now do the push-ups. Susunod lang sa galaw mo ang paa kong nakaapak sa likod mo."

Bwisit na German guy, Risha thought as she pushed herself up. She let out a grunt and quickly dropped herself back on the floor.

"That's one, put more energy to it."

"Sira-ulo ka!" sigaw lang niya bago inangat muli ang sarili.



"What did you learn today?" proud na tanong sa kanya ng lalaki habang nasa dining room na sila at kumakain ng ginawa nitong sandwiches.

Risha rolled her eyes. "Don't mess with the German guy. Lalo na kung Military Major."

Ngumisi lang ito at napa-iling-iling. "Discipline, Risha. I guess, I should teach you that."

"You are not here for that. You are supposed to be my boyfriend for one week, and in return, I'll give the memory card to you."

Tumango ito. "That's right. Kaya nga tinuturuan kita ng disiplina."

She mockingly laughed at him. "I said you are going to be my one-week-boyfriend, not my trainor or father to teach me how to behave."

Natawa lang ito. "So, hindi ka lang pala bio-hazard? Rebel child ka rin pala?"

"Tse," kagat niya ng sandwich.

Uminom na ng kape si Lukas at muling nagsalita. "Ano ba ang definition mo sa salitang boyfriend? Kasi, ilang definitions pa lang ang nakukuha ko sa iyo. Ang boyfriend para sa iyo kasi eh yung, nakaka-sex mo--"

Pinanlakihan niya ito ng mga mata.

"--yung taong pwede mong-i-PDA sa sinehan, ipagmayabang sa mga kaibigan mo--"

"You are so harsh!" baba niya sa hawak na sandwich. "Ganyan ba ang tingin mo sa akin? Sa kung ano ang pananaw ko sa salitang boyfriend?"

"Bakit?" he scoffed. "Totoo naman, ah. That's what is happening to us."

"Ano ba ang tamang definition ng boyfriend, Major?" ngisi lang niya rito habang nakasandal sa kinauupuan sa side ng dining table. Nasa kabisera naman nakaupo si Lukas.

"A boyfriend is a guy who is supposed to love you, to take good care of you."

Napangiti si Risha sa mga sinabi nito. Napakasarap pakinggan ng depinisyon na iyon kaya medyo napapikit siya na tila ba ninanamnam iyon. Noon pa man, ganoong klase na ng boyfriend ang hanap niya-- yung tipo ng lalaki na talagang magmamahal sa kanya at mag-aalaga sa kanya.

"Then, love me, Lukas," she gently opened her eyes and stared into his dark ones. "And take good care of me."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top