Chapter Seven

Risha waited for the doctor to come back inside the room. Kabado siyang naghintay, hindi mapakali at panay ang abot niya sa kwintas pero tuwing hahagilapin niya iyon ay saka lang niya naaalala na wala na nga pala iyon.

Kinuha na ni Lukas.

Napabuntong-hininga na lang si Risha at napailing-iling.

Sabi na nga ba, iyon lang ang habol niya kaya pinagbigyan niya ako. Buti na lang--

Her thoughts were interrupted when the doctor came back. She sat in front of her and checked her computer.

"Pina-send ko dito sa computer yung xray mo," anito. Pagka-open ng file iniharap nito ang monitor kung saan naka-flash ang xray ni Risha.

"As you can see, you have no fractures in the pelvic area--"

At hinayaan lang ni Risha na magsalita ng magsalita ang doktora. Ang mahalaga lang para sa kanya ay alam na niyang wala siyang fracture sa balakang.

Damn him. He's huge, he's really good kaya lang, walang karoma-romansa. Bumaon lang siya ng bumaon! He doesn't even know what foreplay means! Hindi ba uso iyon sa Germany?

"Thank you, doc," ngiwi niya.

Dahan-dahan na siyang tumayo at paikang umalis sa clinic na iyon.

Pasakay na siya ng kotse nang may kung sinong humablot sa braso niya at inikot siya paharap dito.

Her heart began beating wild inside her chest.

"Lukas!" bulalas niya.

Binalikan niya ako!

Hinablot ulit siya ng lalaki sa mga balikat at hinila siya palapit dito. Kitang-kita niya ang panggigigil sa mga mata nito at nagtangis ang bagang nito.

"Paano mo nalaman na nandito ako?"

Masama ang timpla ng mukha ng lalaki at hindi magandang senyales iyon para kay Risha.

"Nasaan ang memory card?" angil nito.

Siya namang datingan ng mga tauhan nito. Hindi na niya naintindihan ang mga lalaki na puro German ang pinagsasasabi pero halata naman sa facial expressions at mga kilos nito na pinipigilan nila si Lukas at nilalayo ito sa kanya.

Sinigawan ni Lukas ang mga ito.


"Bitawan niyo ako!"

"Babae lang siya, Sir! Huwag kang makalimot na gentleman dapat tayo sa lahat ng oras!"

"Gentleman?" panlalaban ni Lukas mula sa panghihila ng mga ito. "Hindi dapat gentleman ang hinaharap sa babaeng ito eh!"

Binalingan nito si Risha na walang naintindihan sa mga pinag-usapan nila.

"Ikaw! Tumupad ka sa usapan natin! Nasaan na ang laman ng locket?"

Nahila na palayo ng isa sa mga tauhan niya si Risha.

"Officer 8! Bring her back here!"

Hindi ito nakinig, hinaplos lang nito sa braso si Risha at kinamusta ito.

"You okay?"

Risha nodded. "What is wrong with him?"

Kinaladkad na si Lukas ng mga kasamahan niya palayo.

"We will talk to Sir. We are sorry for this matter," maikling tugon ni Officer 8 na blue-eyed blondie bago ito umalis para sundan sila Lukas.


"Sir, ano ba ang nangyayari sa iyo? You are losing your cool!"

"Yeah, hindi ka naman ganyan ah?"

"Hindi ka rin nananakit ng babae."

"In fact, they don't exist for you. Dedma lang."

"Yeah."

"Just shut up, okay?" awat niya sa sunod-sunod na tirada ng mga tauhan niya. Nakukulili na siya sa mga ito.

Lukas could not answer their questions. Ang gusto lang niya ay ang matapos na ang misyon nila at makabalik na sila sa Germany kung saan malayong-malayo na siya sa Risha na iyon.

Para itong danger sign na naglalakad, gusto niyang iwasan tuwing nakikita niya ito.

Pero paano? That woman was a liar, a conniving bitch! Hindi ito tumupad sa usapan nila! Wala siyang nakuha na memory card dito kaya naman hindi na siya nakapagpigil na hunting-in ito.

Umupo sa tabi niya sa parking lot na iyon si Officer 12, isang German na naka-civilian na pananamit lang din tulad ng lahat ng kasama nito at may itim na kulot na buhok.

"Sir, why don't you be nice to her? Kuhanin mo ang loob para makuha mo yung memory card."

"Bakit hindi kayo ang gumawa? Ako ang boss ninyo 'di ba?" sigaw niya sa mga ito.

Sunod-sunod na ang naging paga-alibi ng mga ito.

"Sir, hindi pwede, magagalit ang misis ko."

"May girlfriend ako na taga-Pilipinas lang din, Sir, baka mahuli ako--"

"Sir, may girlfriend ako sa Germany baka wala na akong uwian kapag ako ang gumawa ng misyon."

"Sir, bakla ako."

"Oo nga."

"Sir, pangit ako, hindi ako papatulan n'un."

"Sir--"

Lukas let out a sharp exhale before he shook his head and placed a hand on his temple to massage it.

"Ang lakas ng loob niyo mag-suggest, Officer 12, hindi niyo naman kayang gawin!" nakapikit na tugon ni Lukas sa mga ito.

"Oo nga."

"Eh single ka naman, Sir, eh."

Pinanlakihan niya ito ng mga mata. "So? Naiinggit ka?"

"Hindi po! Hindi po! Please, Sir, huwag niyong aagawin ang asawa ko!" naduduwag na atras nito at nagtago na sa likuran ng mga kasamahan nito.

Anong iniisip nitong mga tauhan niya? Por que siya lang ang single, siya na ang ipapain sa Risha na iyon? Bakit ba lagi na lang nadi-discriminate ang mga single? Lagi na lang napagkakaisahan?

"Mukhang may agenda iyon, Sir," ani Officer 8. "Sakyan mo na lang. At least, mas malapit ka sa memory card. Malapit nang matapos ang ikatlong buwan, alam mo naman na three-month ultimatum lang ang binigay ng Russia."

"Oo nga, Sir."

"Bakit ba ayaw ninyo pakisamahan yung babae?"

"Oo nga, Sir."

"Sexy naman siya, Sir. Hindi ka na rin lugi."

Lukas groaned and massaged his temple. Mariin nitong pinikit ang mga mata. Bakit ba pagdating sa babaeng iyon ay hindi siya makapag-isip ng maayos?

Ano pa ba ang gusto ng babaeng iyon na makuha sa akin?

"Sige na,  Sir," usig ni Officer 8.

"Oo nga."

Inirapan ni Lukas si Officer 5, siya yung officer na puro oo nga ang pinagsasasabi sa buong group meeting nila. Nakuha naman yata ito ng Major sa tingin, tila natauhan na ito at nanahimik na.




Babalik pa kaya sila? Napangiwi si Risha nung in-attempt niya na sumandal ng patagilid sa kotse niya. Naipit kasi ang nananakit na parte ng balakang niya. Sheesh, bakit ko nga ba sila hinihintay? Baka hindi na nila ako lapitan.

Abot-tanaw niya si Lukas at ang mga tauhan nito sa nag-uusap sa kabilang side ng parking lot sa tapat ng building kung nasaan ang clinic na nagpa-consult siya.

Fine.

She was about to turn around when the men approached her. Nakita niya ang pagtulak ng isa sa mga subordinates ni Lukas palapit kay Risha.

He threw a glare at Officer 4 before his eyes returned to her.

Lukas stepped closer to her and said, "I will do anything you want, just give me the memory card."

Risha grinned. "Then do it."

Lukas felt the desire to roll his eyes, but he stopped it. Dapat itong magbait-baitan sa harap sa kanya.

"So what is it?"

Ikang lumapit si Risha sa binata at hinaplos si Lukas sa dibdib. Tiningala na niya ang lalaki.

"You almost broke my hips last night," so carry me to the car and drive for me."

"What?" he hissed.

"Just do it. Baka walain ko yung memory card kapag hindi ka sumunod."

Lukas let out a groan. Yumuko na ito para buhatin si Risha na parang prinsesa. Risha placed her arms around his neck and grinned.

Lukas narrowed his eyes when he heard his men whistling and making teasing sounds behind his back. Humarap si Lukas sa mga tauhan nito para magpaalam kaya naman tumigil na ang mga ito sa pagkakantyawan.

Humanda kayong mga kutong-lupa kayo! Lukas glared at them before he carried Risha to her car.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top