Chapter Forty-Two
Kaka-ahit lang niya ng balbas at bigote kaya naman pagkaupo ni Lukas sa kama ay kuminis na ang mukha nito. Naningkit ang kanyang mga mata nang maka-receive ng panibagong message sa Gmail mula kay Sloven.
It was a picture of him wearing a white coat and pants beside Risha who wore a white furry coat that reached her knees. Kapwa nakangiti ang mga ito.
Sa ikalawang picture, hapit ni Sloven ang bewang ng dalaga at mga nakangiti pa rin. Risha was tucking a strand of her hair behind her ear.
It was followed by Sloven's message:
She's still okay, German. What about the RSF?
Binalikan niya ang mga pictures. Kinuhanan ang mga ito sa loob ng isang emgrandeng living room na may magandang carpet na may mga detalyadong disenyo.
How come you are happy with him, Risha? kuyom niya ng mga palad.
Habang nakatutok siya sa harap ng laptop, nakaupo naman sa sahig si Gunther at abala sa kakatipa sa dala nitong sariling laptop habang may kausap sa telepono. He was using his bluetooth speaker and mic to respond to the caller.
"I know that the celebration is near," seryoso lang na sagot ni Gunther sa kausap niya, si Officer 9. "Heto na nga at tina-track na namin ang location niya. Nag-send na naman siya ng e-mail kay Sir."
Padabog na sinara ni Lukas ang laptop at nilapitan si Gunther.
"Officer 8!" bulyaw niya rito. "Hanggang ngayon ba hindi mo pa rin ma-track ang lalaking iyan?"
"Easy!" tingala nito sa kanya. "Mahirap mag-decode kung hindi ka IT expert tulad ni Officer 9, okay?"
"Bakit nga ba hindi na lang si Officer 9 ang sinama ko?" Lukas groaned. Napatingala na lang siya at inis na hinawi ang buhok niya nang natusok na naman nito ang mga mata niya.
"Because you know I am your best subordinate," ngisi ni Gunther na nakuhang magmayabang kahit under pressure na ito.
Tila may sinabi si Officer 9 kaya naman napasagot ito sa kausap sa phone. "Alam ko na naririnig mo kami, okay?"
Nagsusuot na ng coat si Lukas nang magsalita ulit si Gunther.
"Gumawa siya ng alterations, Sir, kaya hindi natin kaagad ma-track kung saan nanggagaling ang mga e-mails na pinapadala ni Sloven. Mukhang may alam siya sa internet. Kahit ang Gmail account niya, naka-set sa ibang location."
"Work on it," butones niya sa coat. "Lalabas muna ako."
"Hey!" tingala nito sa kanya. "Saan ka pupunta, Sir?"
"Pag-aaralan ko ang paligid. Magpapagupit na rin ako."
Lukas had his haircut and covered his head with a black woolly cap. Dumeretso na siya sa pinakamalapit na munisipyo ng Moscow para hanapin sa listahan ng mga plate number nito ang may ari ng plate number ng sasakyang ginamit nila Sloven at kung anong address ang nirehistro nito.
Lukas was aware with the unstable relationship between Russia ang Germany, a reason why he did not inform them about his position in the German Army. Makakatulong iyon para makumbinsi ang mga ito na kailangan niya talaga malaman kung sino ang may-ari ng plaka.
Umiling lang ang nakausap niyang government employee.
"Sorry, Sir, but this plate number is not in our records."
"Thank you," tango niya bago umalis.
Napadpad na lang siya sa Red Square, ang sentro ng Moscow, Russia. Humakbang siya palapit at tiningala ang nakatayong bronze na monumento ni Minin at Pozharsky.
Dito raw gaganapin ang selebrasyon ng Victory.
Ang Victory ay isa sa mga espesyal na holiday para sa mga Russians. Ito ang araw na ipagdiriwang nila ang anibersaryo ng pagkapanalo sa Patriotic War, ang pakikipagkasundo at pagsuko sa kanila ng Germany.
Napangisi na lang si Lukas sa isiping iyon. Hindi siya makapaniwala na makikipagdiwang siya sa mga ito sa pagkatalo ng kanyang bansa noon.
Dahil ayon sa plano, sa araw ng selebrasyon ng Victory makikipagkita ang kanilang heneral sa heneral ng Russian Army.
Iyon ang huling phase ng kanilang plano.
Lingid sa kanyang kaalaman ang paghinto ng puting Chevrolet sa tapat ng GUM department store na nakatayo ilang kilometro ang layo mula sa sa estatwang tinititigan ni Lukas bago siya pumasok sa katapat nitong cathedral.
Binaba ni Sloven ang bintana at sumilip. Umusog si Risha para makitingin rito. She saw the statue of Minin and Pozharsky from afar, glittering in bronze under the mild sunlight.
"In the next two weeks," kwento sa kanya ni Sloven, "you will see the soldiers marching in this plaza. There will be flowers everywhere, large horns and loud music from the marching band, people crowding around to celebrate Victory."
"Victory for what?" nagtatakang tanong niya rito. May napanalunang contest ang Russia? Tapos na ba ang Miss Universe at may nakoronahan na?
"Victory," tawa nito sa kainosentehan niya. "It's a Russian holiday in memory of our great war heroes, soldiers who sacrificed their lives for the Patriotic War. That is the day when we will celebrate the anniversary of our win against Germany."
Napatitig siya sa lalaki na tila nagkaroon ng kakaibang kislap sa asul nitong mga mata.
"And I believe I will be doing the same thing on that day," sara nito sa bintana bago siya binalingan ng lalaki. Napaatras si Risha pabalik sa kabilang side ng seat.
"How do you like our shopping?" masiglang tanong sa kanya ni Sloven.
Ilang araw na niyang sinasakyan ang pagiging mabait sa kanya ni Sloven dahil ayaw niyang makatikim ng paninigaw at kabayolentehan nito kaya naman nginitian niya ito.
"I enjoyed a lot, darling."
"Good, Risha," halik nito bigla sa noo niya bago nito tinawag si Bruno na nasa manibela. "Bruno, let's head back home--"
"Hey," hawak ni Risha sa braso nito. "Can we drop by that cathedral?"
Tinanaw nila ang cathedral na nasa likuran ng monumento ni Minin at Pozharsky.
"You want to go and pray?"
Risha gulped and nodded. "Yes, Sloven."
Tinawanan lang siya nito. "You can do that anywhere, Risha. You can pray in your bedroom before you sleep." Tinapik nito si Bruno. "Come on, Bruno, let's go."
***
I believed in You, God. I believe in angels. But I believed in it more when I saw her.
Naalala niya ang hitsura ni Risha sa Intramuros, ang paglingon nito sa kanya na tila nagliliwanag ito sa sobrang puti, lalo na at nasisinagan ng araw ang platinum blonde nitong buhok.
The big day is coming near. Everything will come to an end soon... I hope you'll leave that angel to me... Risha. Leave her to me.
Pagkatapos magdasal, lumabas na si Lukas ng cathedral at bumiyahe na pabalik sa hotel na tinutuluyan nito.
Nadatnan niya si Gunther na kausap si Misha. Kapwa nagulat ang mga ito sa pagpasok niya. Halata iyon sa galaw ng mga balikat nila na tila napapiksi ang mga ito.
"Oh, bakit? Ano na ang update?"
"Officer 7 called," harap sa kanya ni Misha. "Ang sabi niya, kumpirmadong matutuloy ang pagpunta ni General dito sa Russia."
Pinigilan ni Lukas ang mapangiti. "Sa wakas, tuloy-tuloy na talaga ang pagkakasakatuparan ng mga plano natin."
"Nasa kanya na rin ang RSF. At hindi maipapangako ng Russian Federation na magiging pribado ang pagdating niya rito."
"That's what I am afraid of," hakbang niya palapit sa mga ito bago tinanggal ang suot na sumbrero. "Kapag na-expose sa media ang pagdating niya, maa-alerto si Sloven. Paniguradong mag-iisip na naman iyon ng panibagong plano para maisahan tayo."
Kumunot ang noo niya dahil wala siyang sagot na nakuha mula sa mga ito. Nakatanga lang sa kanya ang dalawa. Muntikan pang mahulog ang panga ni Officer 8 pero mabilis nitong tinikom ang bibig.
"What?" gising niya sa dalawa mula sa pagkatulala.
"You shaved your head?" bulalas ni Misha.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top