Chapter Forty-Five
"Gunther," tawag ni Lukas sa kanyang subordinate na abala sa pagkain ng almusal nito sa isang restaurant katabi ni Risha. "Dito ka nga muna, may ipapakita ako sa iyo."
"Ano 'yun, Sir?" mabilis itong lumipat sa bakanteng espasyo sa tabi niya. Tumayo naman si Risha para makisilip sa laptop ni Lukas.
Makikita sa laptop screen ni Lukas ang larawan ni Risha na nakasuot ng kulay puting gown na nangingintab sa mga maliliit na puting kristal, may suot din itong mga perlas at nakangiti habang nakapusod ang buhok nito na nakokoronahan ng maliit na silver na tiara.
"Wow," bulalas ni Misha.
Binasa nila ang mensahe ni Sloven kasama ng photo attachment na iyon:
She looks excited, assuming that I will marry her soon.
"Ikakasal na sila?" hindi maikakaila ang pagkadismaya sa boses ni Misha.
"No," seryosong click lang ni Lukas sa picture para mag-zoom in ito. "Tell me, where could they possibly go with Risha wearing a gown like that?"
"Their wedding?" kunot-noo ni Gunther. "I mean, Sir, may mensahe naman si Sloven."
"Don't you still get it?" angil niya rito. "Nang-aasar lang itong Sloven na ito, okay?"
Gunther shrugged his shoulders. "Well... bakit nakiki-cooperate si Risha sa kanya kung wala talagang namamagitan sa kanila?"
"Wala naman talagang namamagitan sa kanila." Lukas gritted. He did not even told them that he had a talk with Risha yesterday. Alam niyang iisipin ng mga ito na napaka-tanga niya dahil hawak na niya si Risha eh pinakawalan pa niya.
"Well, in the next two days, Russians will be celebrating the Victory Day, Major," singit ni Misha. "Baka may party silang pupuntahan."
"Pero saan?" Lukas rubbed his chin.
Biglang nag-ring ang cellphone niya. Nang makita sa caller ID na ang heneral nila ito sinagot niya kaagad ang tawag.
"Hello, Sir?"
Major, I called to update you about our stroll yesterday. I wonder if you heard everything.
"I did, Sir," sagot niya. "Malaking tulong talaga lahat ng impormasyon na nakuha ko. Maraming salamat po."
Bukod pa roon, tinawagan ako kagabi ni President. Pinaalala niya sa akin ang formal party na gaganapin sa Kremlin Grand Palace. It is an exclusive party. 'Yung mga may invitation lang ang pwede makapasok, pero magaling ka naman, alam ko na makakapuslit ka.
"Well, what is the need for us to sneak in, Sir?" binalingan ni Lukas ang dalawa na bumalik na sa kani-kanilang mga upuan.
Well, the President did not accept the RSF. Ang sinabi niya kasi, ang mga ganoong ka-importanteng file ay pinagkakatiwala niya sa nararapat na officer. Kaya sa party, iaabot ko iyon kay General Morozov. I want you to be there, to keep an eye on that man and figure out if it was him who works with that Russian spy you are dealing with.
Lukas nodded. Bumalik ang paningin niya sa larawan ni Risha na nakasuot ng gown. Hindi niya napigilan na mapangiti ng saglit. The woman looked so beautiful, it didn't hurt him whenever his attention alters for a while from his job into her graceful beauty, her smile that made her glow brightly... like an angel in his eyes. Inunat ni Lukas ang kamay para haplusin ang mukha ng babae sa laptop screen.
Konting hintay na lang...
Major? pukaw sa kanya ng kausap sa cellphone.
"Yes," tango niya. "Yes, Sir. Roger. I will be there."
Good.
Pagkababa ni Lukas ng cellphone, pinagtatatanong na siya ng mga ito kung ano ang pinag-usapan nila ng heneral.
"Well," sara ni Lukas ng laptop, "it is already confirmed. May party na gaganapin kinagabihan pagkatapos ng parade para sa Victory Day. I will be sneaking in that party. Gunther," titig niya sa lalaki, "you are coming with me as my back-up. Misha, you'll be driving the car and serve as our lookout."
"Well, good morning for all of us, eh?" inom ni Gunther ng kape. "Sa wakas at damang-dama ko na ang pag-usad ng misyon na ito."
Natawa na lang siya rito. "Yeah, right."
Sumapit na ang ika-siyam ng Mayo, ang araw ng selebrasyon ng Victory Day. Halos lahat sa buong bansa ay naging abala para sa araw na ito. May mga paaralan na nag-organisa ng school program para sa national holiday na ito, at nagpalabas na ang mga TV networks ng mga documentaries at pelikula tungkol sa Great Patriotic War.
Habang nanonood ng documentary si Sloven sa TV, nilapitan ito ni Risha na may suot nang face mask.
"Can you translate it to me?" tukoy niya sa narrator sa pinapanood nito dahil purong Russian ang gamit nitong lengguwahe.
Ngumisi lang ito at inakbayan si Risha. "Isn't the video already enough, darling? I mean... that narrator says too much."
"Well," ekis lang niya ng mga braso at sumandal na lang siya sa sofa, "I guess I'll just take a nap then. Can we attend the parade?"
"No," naningkit ang mga mata nito na nakatuon pa rin sa TV screen. "If you think that I already forgot about that German trying to take you away from me while we are watching the practice for that parade, well no, I didn't."
"So we will just stay here?"
"Yeah," hilamos nito ng kamay sa mukha bago binalingan si Risha at sinuksok ang mukha nito sa leeg ng dalaga. "Risha... tell me something."
Nakapikit na noon si Risha sa pagkakasandal sa sofa. "What is it?"
"You love the German, right?" he sighed. "I mean... it's pretty obvious. I remember what happened when you met at the hotel and Bruno was guarding you on the door outside."
"Yes," sagot niya rito. "And yes, I do love him."
"If that's the case, why didn't you come with him when he took you away from me on the practice parade?"
Natawa na lang siya ng mahina. Sloven would never understand. He should not also know why.
"Well... Let's just say that this is the best thing to do."
"You're afraid that I might kill him?"
"Mmm-hmm."
Naramdaman ni Risha ang paglayo ng lalaki. "I have nothing against Germans. I just want the RSF, darling."
"Tell me, Sloven, why are you really doing this?"
Nahigit ng lalaki ang paghinga kaya naman dumilat si Risha para masigurado kung ayos lang ba ito. Hinihilamos na nito ng kamay ang sariling mukha bago sumandal sa sofa. Nakapako na ang asul nitong mga mata sa kisameng may makalumang disenyo at gintong chandelier.
"Come on, Sloven," ani Risha. "Tell me."
"Well," buntong-hininga nito. "I am doing this for Anya."
***
A.N.
Good evening, hombres and mujeres! Sa wakaaas nakapag-UD na rin ako ng dalawang chapters! :D Sorry sa mga napaghintay ko ng matagal ha? Marami lang kaganapan na inasikaso ang inyong lingkod hahaha <3
Kamusta naman kayo? Tomorrow (Monday) is another working-slash-aral week! HAHAHA :D Kakanta na ba tayo ng "I Will Survive"?
And of course, I would like to thank GraceGabriel17 , Blear021, Codered1026 , and sweetsenza for the heartwarming comments and feed posts. :) I am glad to entertain all of you with my stories. Writing is what I love to do, at mas masaya pag may natutuwa sa ginagawa mong works hahaha :D
Good night everyone! Bukas na ulit ang next chapters!
With Love,
ANA xoxo
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top