Chapter Fifty-Six

Dahil hindi pa magkasundo si Risha at Lukas, nag-stay ang dalaga sa kwarto ng kapatid nito sa hotel na tinutuluyan nila. Nasa silid niya ngayon si Gunther at nakikisilip sa kanyang laptop.

"Look at the picture, Sir," turo nito sa screen kaya napahinto si Lukas sa pag-scroll.

It was a picture of Sloven in a fashionable striped shirt sitting beside Risha, who also wore a white striped shirt. Nakasumbrero nga lang ang lalaki. Sa ibaba ng picture, may tinayp na mensahe si Sloven na Hello Summer!

"Anong napapansin mo sa picture na iyan?"

He raised his eyebrow. Sinipat ni Lukas ang bawat detalye sa litrato at nag-aalangan siyang sumagot pero kaysa naman sa wala siyang masabi, sumuko na lang siya.

"I don't really want to admit it, but that Sloven knows fashion," Lukas muttered. "Maganda yung shirt tsaka yung pants. Para siyang sailor."

Napailing si Gunther. "No, Sir. They are wearing a couple shirt. Uso iyan ngayon. Dapat bigyan mo rin ng couple shirt si Risha. Then she will start thinking how romantic you are."

"What about flowers and chocolates?" baling niya rito. "I want her to be my girl, not my twin."

"Nah," Gunther waved a hand. "Panahon pa ni Hitler iyang bulaklak at mga chocolate na iyan! Dapat updated tayo sa mga gusto ng mga babae ngayon, Sir!"

"Well," unat niya ng mga binti dahil medyo nangangalay na si Lukas. "Couple shirt? Matching clothes like that?"

"Yes, Sir, tingnan naman natin 'yung iba pang pictures."

Napunta sila sa picture ni Risha na may dalang shopping bag. Ito yung larawan na galing sila sa GUM store.

"What about this one, Sir?"

He stared at it. Ano nga ba ang mayroon sa larawang iyon na makakatulong sa kanya para magbati na sila ni Risha.

"Well... parang nag-shopping sila."

"Exactly! Samahan mo siya mag-shopping, Sir. Yayain mo bukas sa GUM store."

Lukas let out a groan. "Please, not shopping! That's the most boring chore ever invented."

"Eh tingnan mo naman ang ngiti niyang iyan nung nagshopping sila ni Sloven."

"Government funds ang gamit natin ngayon sa misyon na ito, okay, Officer 8? Hindi tayo pwede magshopping spree!"

"Okay," kibit-balikat nito. "Pagkatapos na lang nitong misyon, yayain mo siya magshopping."

"Kung makikipagkita pa siya sa akin--"

"Ano iyan?"

Gulat na napalingon sila sa pinto at nakita si Misha na humahakbang na papalapit sa kanila.

"Hoy! Bakit ka bigla-biglang pumapasok dito?" sara kaagad ni Lukas ng laptop.

"Easy!" tawa nito. "Hindi naman naka-lock ang pinto eh."

"Kahit na!" angil ni Lukas.

"At bakit mo pinapasok ng walang paalam si Sir sa kwarto niya?" nanlalaki ang mga mata ni Gunther at sa lakas ng boses nito, napalingon silang dalawa rito. "Anong binabalak mo kay Sir? Alam ba ito ni Risha?"

Misha gave Gunther a slap on the face. "Take it easy, okay? Huwag kang malisyoso! Alam ni Risha na nandito ako kasi yayayain ko sana kayo na kumain tayo sa labas."

"Wow!" Doon na nagsimulang kumulo ang sikmura ni Officer 8. "Tara!"

Lukas let out a groan.

Risha wore the white dress she bought from GUM. She ponytailed her platinum blonde hair and stepped out of the hotel with Misha. Nasalubong na nila ang mga lalaki sa hallway na ilang minuto na rin sila siguro hinihintay.

Lukas looked good in his jeans and black fitting shirt. But that style gave her an ugly impression.

"You looked like a bouncer in that outfit," she could not help blabbering. Tipikal naman kasi sa mga bouncer ng club ang nakasuot ng itim na shirt 'di ba? Tapos semi-kalbo pa.

He gave her a mocking grin. "Kung wala kang sasabihing maganda, huwag ka na lang magsalita."

"What?" singit ni Gunther kaya naman sinamantala iyon ni Risha para ilayo ang tingin sa lalaki.

"She said that we all look good," tabinging ngiti ni Misha para isalba siya. "Let's go?"

Nung nakarating na sila sa pinaparadahan ng sasakyan, nawala bigla si Misha sa tabi niya at hinila nito si Gunther.

"Come, Gunther! Let's take the front seats!" at may mga sinabi pa ito sa lengguwaheng German.

Gusto niya sana tumutol. Ayaw niyang mapunta sa backseat lalo na kung makakatabi niya si Lukas.

That insensitive German with no sense of justice and sympathy, irap niya sa lalaki na nasaktuhan naman niya na napatingin din sa kanya.

He just kept a straight face and marched toward the backseat. Pinagbuksan pa siya nito ng pinto bago umikot para pumasok sa kabilang side ng sasakyan.

Ganoon nga ang nangyari. Katabi ng kapatid niya si Officer 8 sa harapan ng sasakyan, nakasuksok naman si Risha sa kabilang side ng backseat habang si Lukas naman ay nasa kanan niya, nakaupo ng tuwid na para bang  bored na bored.

Nilingon sila ni Misha. "Let's play some music, guys. Is it okay?"

"Sure," tango kaagad ni Gunther habang ini-start nito ang sasakyan.

Misha turned on the radio and changed the stations until they ended up with that romantic jazz music.

Risha rolled her eyes. Hindi niya naiwasan na magnakaw ng tingin kay Lukas. Umiwas kaagad siya nang mahuli na nakatitig ito sa kanya.

What now? Pinag-iisipan na naman ba niya ako ng masama?

"Drive faster, my reservation for that club might be forfeited!" tapik ni Misha sa nagmamanehong subordinate ng Major.

"I am, milady!" tawa nito.

Her eyes seemed to have a mind of their own. Napatingin na naman siya kay Lukas. Nakasandal na ito, nakatingala at medyo nakaawang ang mga labi habang nakapikit.

Buti pa siya nakakatulog nang ganito kami.

"Watch out!" sigaw bigla ng kapatid niya kaya napatingin sa harap si Risha.

Napatili siya nang kabigin ni Gunther ang manibela pa-kanan. Dumulas tuloy si Risha sa tabi ni Lukas. Nagising niya na ito nang maipit niya ito sa side nito sa backseat. He seemed to be startled as well, grabbing her by the ass to pull her closer to him.

Risha heard her sister giggling, making her stare daggers at the biggest brat in her life.

"How dare you!" she gritted.

Tumawa lang si Misha. "You guys look so cute."

In-assess ni Risha ang posisyon nila ni Lukas. Halos nakakandong na siya sa lalaki habang ang mga kamay niya ay nakakapit ng mahigpit sa mga balikat nito. Her left leg was across his lap while his left hand was grabbing her ass tight. Nakahawak sa baba ng bintana ng kotse ang isang kamay ni Lukas.

"You!" hiwalay niya kay Lukas para sabunutan si Misha.

"Not my hair!" tili nito, nanlalaban kay Misha. "You're still a brat, Risha! Grr! Ate is angry now!"

Kahit naggagalit-galitan na ang ate niya, patuloy lang siya sa panggugulo sa buhok nito. "There's nothing funny, Ate, okay? There's nothing cute with what you did!"

"Stop being so denial!"

"Pwede ba?" seryosong singit ng boses ni Lukas sa likuran niya. "Umupo ka ng maayos at nahihirapan si Gunther magmaneho dahil sa inyo."

Pero hindi iyon pinansin ni Risha. Loka-loka talaga itong si Misha! Dapat lang na magantihan niya ito. Sisiguraduhin niya na beyond repair ang kakailanganin ng kanyang kapatid kapag tapos na siya sa pagsabunot dito.

"Risha--"

Napatili na lang siya nang hablutin na siya ni Lukas sa mga bewang, dahilan para bumagsak siya sa kandungan nito.

"Fuck!" angat sa kanya ng lalaki para iupo siya sa tabi nito. "Are you breaking my penis?"

Pinanlakihan ito ng mga mata ni Risha. "Shut your vulgar mouth!"

Worried na napatingin siya kay Misha na napailing lang.

"It's alright. Masanay ka na sa bunganga ng mga German," kindat nito sa kanya.

Masanay sa bunganga ng mga German? Ganoon ba kabastos ang mga ito magsalita? No. Marahil hindi lang sila malisyoso...

Nilingon niya si Lukas. His hands cupped his crotch as he went back to his nap.

***

A.N.

Hanggang dito na muna ;)

Huwag niyo muna hanapin si Sloven, hahaha, nagpapagaling pa siya <3

ANA xoxo

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top