Chapter Fifty-Seven

Pinaikot ni Misha kay Gunther ang sasakyan papunta sa likuran ng main entrance ng club na pinuntahan nila. Pagkababa ng sasakyan, dumeretso sila sa restaurant na tinawag ni Misha na Malysh bar.

"Ito ang tahimik na parte ng Powerhouse," upo ni Misha bago pa siya napaghila ng upuan ni Gunther.

Inunahan na rin ni Risha si Lukas at umupo na sa tabi ng kanyang kapatid. The men sat side by side, facing the ladies.

Tinulungan sila ni Misha sa pag-order ng mga kakainin, at walang pinagsisihan si Risha sa pagsunod sa mga isinuhestiyon nito dahil masasarap ang mga natikman niyang pagkain at mainit sa sikmura ang scotch na ka-partner ng kinakain niya.

"Wow," ngiti niya sa kapatid. "Buti at may alam kang lugar dito sa Russia kung saan masarap kumain." Iginala pa niya ang mga mata sa payapang ambience ng silid. Kakaunti lang sila sa kainang iyon.

"Well, of course," Misha lifted up her glass of whiskey, "Sloven brought me to this place."

Awtomatikong nag-landing kay Lukas ang mga mata niya. She caught him rolling his eyes.

"He's not into clubbing," patuloy ni Misha pagkatapos nitong simsimin ang alak. "Kaya naman nung niyaya siya ng mga kasamahan sa trabaho dito sa club na ito, dito raw siya sa Malysh tumambay. Kaya naman tuwing niyayaya siya dito, alam na niya kung saan siya magi-stay."

"I really wish I can understand the rest of what you said, Misha," Gunther mumbled while chewing his burger.

Napalingon sila kay Lukas nang sumingit ito. "Well, ladies, are we going to have dinner here or you prefer talking about the blondie all night?"

Tinawanan lang ng kapatid niya si Lukas. "Geez, Lukas, bakit ba ang init ng dugo mo kay Sloven?"

"Number one," taas nito ng daliri, "he's trying to steal the RSF-- to destroy the whole Russia. He's a wannabe-terrorist, his own country's enemy and-- " Tinaas nito ang ikalawa, "--second, he kidnapped Risha. So, he's not just a terrorist but also a kidnapper." Then his third finger. "Lastly, he's an annoying son of a bitch," his voice lowered, "and you know what I mean."

Bumagsak sa kanya ang tingin ni Lukas, mga matang tila may kakaibang damdamin na pinapadaloy sa dugo niya kaya mas bumilis ang pintig ng kanyang puso. 

"Well, bad guys are sort of appealing," kibit-balikat na lang ni Misha bago lumagok na naman ng whiskey.

"Isa pa, nagawa lang niya iyon dahil galit na galit siya sa nangyari sa kapatid niya," dugtong pa ni Risha.

Lukas had been rolling his eyes a lot lately, and he did it again.

"So? Why can't you ladies appreciate the good guys?"

"Like who?" Risha leaned forward, putting down her spoon and challenge was on her tone.

Ngumisi na lang si Lukas. Pang-uuyam ang nakarehistrong ekspresyon sa mukha nito. "Like... Like Gunther!" he pointed a thumb to his subordinate chowing without any poise beside him.

Nababa ni Gunther tuloy ang kinakain at nanlalaki ang mga mata na napatingin sa kanila.

"Well," he mumbled, "yeah. What's so attractive about bad guys anyway?"

"Nice guys are boring," pang-aasar ni Misha rito. "They are not really that exciting."

"Prrft," napapailing na sumandal sa kinauupuan niya si Lukas. "Am I boring, Risha?"

Inekis niya ang mga braso, naiwanan siyang nakatitig sa mga mata ng lalaki na kinabaliwan niya sa simula pa lang. Naalala niya noon ang paghabol niya sa lalaki, na ginawa niya halos lahat ng paraan para sa kanya ito bumagsak... Tinago pa niya ang RSF para lang makuha ang atensyon nito, makapiling ito, maangkin... Because Lukas would do anything for her if she would give him the RSF, right?

The nights of fiery, inhibited sex they shared, the small talks, the moments they shared inside her small unit... Hindi niya makakalimutan kung paano siya na-excite ng ganoong kaliit at kasimpleng mga bagay.

Kahit alam niya na ginagawa lang naman iyon ng lalaki para sa mas mahalaga para rito-- ang kanyang misyon.

"Why," Risha grinned, "are you a nice guy, Lukas? You're one hell of a bad guy too, you know."

"So, it means you find me exciting," he grinned back, copying how she crossed her arms.

His narrowing eyes stared at her like the way he does when they do the deed in bed, it was as if she was staring at a window of a heart on fire. Nakataas ang sulok ng labi nito.

Risha impulsively squeezed her legs together, feeling the toe of Lukas' shoe rubbing against the skin of her leg, traveling higher. Huminto ito bago makarating sa tuhod niya.

"Before, that was before, Lukas," hawak niya sa baso ng scotch bago niya ito nilagok ng mabilis. Hindi na niya nalasahan pa ang iniinom dahil sa laki ng mga lagok na ginawa niya.

"Oh really?" unat nito ng mga braso. "I want to tell you a story that I learned from Risha, guys."

Lukas sat straight as she slowly put down her glass. Ano na namang kalokohan ito?

"Philippines has a national hero, his name is Jose Rizal," panimula ni Lukas.

Risha clenched her fist. No way! Ikukwento niya yung love story ni Rizal at O Sei San!

"And," Lukas shifted his eyes from Gunther to Misha, then to her, "he went to Japan one time, he met this girl named O Sei San--"

"Lalalalalaalalala!" pag-iingay ni Risha para ma-interrupt ang pagkukwento ng lalaki. "Tama na, tama na, hindi sila interested sa story na iyan!"

"We are interested," nang-aasar na ngisi sa kanya ni Misha bago nito binalingan si Gunther. "Right, Gunther?"

"Yeah," tango ng lalaki na mabilis na natapos ang pagkain at komportableng nakasandal habang nakikinig. "I wonder what is that story you told Sir, Risha."

"It's not that interesting!" she blurted out, making them laugh at her.

"Is it something kinky, Risha?" siko sa kanya ni Misha.

"Shut up!" she glared at her. Halata namang nag-eenjoy ang ate niya sa pang-aasar sa kanya. Lumaki na sila at lahat, bully pa rin pala ito.

"Well," buntong-hininga ni Lukas na akala mo ay wala na itong choice kundi ang ituloy ang pagkukwento, "one day, Jose Rizal went to Japan. It was O Sei San, a Japanese girl, who toured him around Tokyo, told him about their culture and everything." His eyes rested on Risha's again, "Their admiration for each other was undeniable, everyone surely felt the strong attraction sizzling between them, but Rizal decided to leave. And he never came back for O Sei San."

"Wow," lingon sa kanya ni Misha. "Is that really Jose Rizal and O Sei San's love story or Lukas and Risha's?"

Risha rolled her eyes.

"Isn't it funny?" Lukas snickered as he held up his wine glass. "It was as if history repeats itself."

"But in the end, Rizal left O Sei San," ani Gunther.

Hindi tinanggal ni Lukas ang pagkakatitig ng mga mata nito sa kanya kaya naman napayuko na lang si Risha. Hindi niya malaman kung bakit sa kabila ng lahat, nakakaramdam pa rin siya ng kilig kapag sa kanya nakatuon ang paningin nito, maging ang atensyon.

"Yeah, he did," Lukas sipped his wine. Risha lifted up her eyes to give him another look, but only got a loud pounding from her heart when he caught her looking at him.

A sexy grin escaped from his moist lips as it parted from the rim of the glass.

"And maybe, that's Rizal's mistake. Maybe, history repeats itself to be corrected."

"How can it be corrected then?" narinig niyang tanong ni Misha kay Lukas.

"If I stay with Risha," he winked at her before emptying the wine glass.

Pinarada nila ang sasakyan sa tabi ng ilog ng Moskva at doon sila nanood ng movie sa laptop na dala ni Gunther. Medyo hindi naging appealing ang pelikula para kay Risha kaya naman nagpaalam siya sa mga ito na magpapahangin lang sa labas.

She shut the car's door and walked along the sides of the river. Kahit na summer season na sa Russia, may lamig pa rin ang dumadamping hangin sa kanyang balat na naglalaro sa mga hibla ng buhok niya. Risha hugged herself and continued walking, her eyes slowly shifting from looking at the path she was walking on to the sights around her.

Tumigil siya sa paglakad para titigan ang Kremlin Palace na nasa kabilang lang ng ilog.

You're just too good to be true, can't take my eyes off of you. You'd be like heaven to touch, I want to hold you much...

Napangiti siya nang naalala niya ang tugtuging iyon sa ballroom kung saan nagpa-party ang Russian President para sa selebrasyon ng Victory Day.

She lowered her eyes and remembered how Lukas held her tight against his body, danced her around like a princess...

"Are you okay?"

Napalingon siya sa pinanggalingan ng boses at natagpuan si Lukas na naabutan na pala siya.

"I am, Lukas," balik ni Risha sa kanyang paningin sa harapan.

"Thinking of Sloven?"

She narrowed her eyes on him. "Ayan ka na naman, eh."

"You know, liebe," hawak nito sa bewang niya para mahila siya palapit dito, "whatever act of kindness that Russian shows to you, you should not fall for that. A devil will do anything to get the soul he wants."

"Maybe, I just have a feeling that he's not a devil, Lukas," tingala niya rito kaya napahinto sila sa paglakad.

"Bakit ba masyado kang concerned sa kanya?" hiwalay nito para makatayo sila nang magkaharap. "I don't care about his personal reasons. He's a traitor and disobedient to the law, Risha."

"Nakita mo na ba ang kapatid niya, Lukas?" pilit niyang ngiti sa lalaki. "Kung nakita mo si Anya, maiintindihan mo kung bakit nagkaganoon si Sloven. Kung nakita mo siya, maiisip mo na, kawawa naman siya kung makukulong si Sloven."

He let out a groan. "So anong gusto mong mangyari, pabayaan si Sloven na gawin kung ano ang gusto niya?"

Napayuko na lang siya. Ano nga ba itong mga pinagsasasabi niya? Dahil ba ito sa naging malapit na ang loob niya sa lalaking iyon kaya kahit sa maikling panahon na nakilala niya ito ay gusto na niya itong ipagtanggol?

"I know that you have a kind heart," Lukas almost whispered, pulling her close, making his lips almost touch her forehead. "Naaawa ka sa kanila, pero dapat nating pairalin kung ano ang nararapat, Risha. Minsan mahirap gawin kung ano ang tama, pero kung hindi natin iyon susundin, mas lalo lang magiging magulo ang lahat."

She nodded her head and put her hands on his waists. "I know. I am sorry."

Lukas planted a kiss on her forehead. "Good, Risha."

Pagkahalik sa kanya ng lalaki, yumuko ito para titigan siya sa mga mata. "And let me tell you something, liebe, the bad guys can be exciting, sexy and lovable, but at the end of the day, the good guys will always be better.  Bad guys will only change because of a woman or maybe just for temporary, while the good guys can change because they love a woman."

"Masyado kang nagiging makata," hindi niya napigilan ang mapabungisngis sa lalim ng mga sinabi ng lalaki. Para bang hindi ito si Lukas, ang seryosong German Major na puro RSF ang bukambibig. "Nagawa mo na ba iyan kaya mo iyan nasasabi sa akin?"

Umiling ang lalaki. "Hindi pa. Sa iyo pa lang."

"You don't have to change anything. You have a good job, you are smart and--"

He placed a finger on her lips. "Come on, I know that I am boring for you. I also know that I am not romantic and I have always put a wall around me."

"The Berlin Wall of Verlin," panunukso niya rito dahil sa binanggit nito na wall.

He laughed a little and nodded. "Yeah, it's time to break that wall and set myself free, I guess."

"When will you set yourself free, Major Lukas Verlin Mikhail?" kawit niya ng mga braso sa leeg ng lalaki.

His hands held her waists and pulled her closer. "After this mission. I promise."

Nakaramdam si Risha ng panic. Anong after this mission ang pinagsasasabi nito? Pagkatapos pa ng misyon? Bakit hindi pa ngayon? Bakit hindi pa sila magsimula ngayon? Heto na iyon, 'di ba?

Bakit--

Bago pa niya naisa-boses ang protesta, hinalikan na siya ng lalaki sa mga labi.





"Ivanov."

Kanina pa may tumatawag sa kanya, pero binalewala lang iyon ni General Ivanov. Niyakap niya ng mahigpit ang unan at binaon ang mukha roon.

"Ivanov."

Bwisit. Ano na namang panaginip ito? mariin niyang pinikit ang mga mata. Ilang taon ko nang pinagsisihan ang ginawa ko! Bakit ba hindi mo pa ako tantanan?

Konsensya. Kahit ang pinakamataas na opisyal sa militar ay mayroon pa ring konsensya. Pero mas malala ang sitwasyon ni Ivanov. Marami ang kumukonsensya sa kanya. Maraming multo ang dumadalaw sa kanya tuwing gabi sa kanyang pagtulog.

At dumagdag ngayon ang multo ni Sloven. Heto at kahit natutulog na siya sa sariling mansyon, nakahiga ng patalikod sa mataba nitong asawa, hindi pa rin siya tinatantanan ng boses ni Sloven.

Tanda pa niya ang mga pinagsasasabi ng babaeng tatayong witness laban kay Sloven-- si Risha Guinto. Sinabi nito na gusto ni Sloven na kunin ang RSF para sa kapatid nito.

At wala namang iba pa itong kapatid kundi si Anya.

Ivanov knew that he should not have messed with her. Hindi siya dapat nagpahulog sa mga matatamis nitong salita dahil sa sobrang paghanga nito sa kanyang pagiging magiting na sundalo.

Hindi dapat lalo na at may asawa na siya.

Kaya simula nung may nangyari sa kanila ni Anya, hindi na siya nito tinantanan. Ang kanyang kasalanan ay napatungan pa ng isa pa, at isa pa, hanggang sa naging adiksyon na iyon na paulit-ulit na nilang ginagawa.

Pero dapat matapos na ang kahibangan nilang iyon.

Lalo na at nagsabi si Anya sa kanya na buntis ito.

Ivanov had to make sure that he could change the story. Having five men rape Anya inside that yacht's cabin was his best option. May naihanda na siyang plano. Akala niya iimik si Anya pero hindi. Naging tulala ito at ayaw magpahawak sa kahit na sino. Kahit sa kapatid pa nito mismo na si Sloven.

Marahil nga, nahulog na ang pinagbubuntis nito dahil naging baliw na ang babae.

"I.va.nov."

"Tama na!!" sigaw niya sabay bangon sa kanyang kinahihigaan para harapin ang multo.

Worse, he did not expect that it was not just a ghost.

It was actually Sloven standing right at the foot of his bed with a bright, menacing glare.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top