Chapter Fifty-One
Pumasok na sila sa silid ni Lukas sa tinutuluyan nitong hotel. Umupo na sila Officer 8 at ang babae sa seats ng maliit na dining table na pang-dalawahang tao lang; pagkasara naman ni Lukas ng pinto binalingan siya kaagad nito.
"We have a lot of things to talk about, Risha," hawak nito sa mga braso niya. "Like, what happened when you were with Sloven, what his plans are, where he lives--"
Risha lifted up a hand. Mariin niyang pinikit ang mga mata para makontrol ang kanina pa niyang pagkairita para rito.
"Aren't you going to offer me a seat?" dilat niya ng mga mata na siya namang bungad ng gulat nitong ekspresyon. "I got really tired tonight."
"Oh, sorry," tila balisa nitong yuko bago lumingon-lingon sa paligid. Seems like he was left with no choice, he looked hesitant as he offered her his bed. "Dito, Risha, umupo ka muna."
Tinaas ni Risha ang palda ng kanyang gown para makalakad papunta sa gilid ng puting kama at makaupo. Lukas plopped beside her .
"Sino siya?" walang anu-ano niyang tanong nang lingunin na siya ni Lukas.
Napatingin ito sa babae na kasama ni Officer 8 sa may dining table.
"She's--"
"Mag-tagalog ka," maagad niyang singit bago pa nakasagot ang lalaki sa tanong niya. "Ayoko na magkaroon siya ng idea na pinag-uusapan natin siya--"
"Anong--"
"Sino siya?"
"Si Mi--"
"Not the name!"
"Nag-Englisha ka, Risha," napansin niya ang pagkuyom ng mga kamay ng lalaki na nakatukod sa magkabilang -side nito sa kama. "Ano bang gusto mong sagutin ko?"
"Kaano-ano mo yung babae."
Ngumisi lang ito. "She's a--"
"Tagalog," mariin niyang paalala sa lalaki.
Nagpakawala ito ng buntong-hininga. "Isa siya sa mga secret agents sa Private Eye."
"Ano yung Private Eye?"
"An investigation firm."
Nilingon niya ang babae na nakatitig sa kanila. Nginitian na lang iyon ni Risha para hindi makahalata. Umiwas ang babae ng ngiti at kinausap ng pabulong si Officer 8.
"Bakit niyo siya kasama?"
"Mahabang kwento--"
"I have the whole night to listen," ekis niya ng mga braso.
"Risha, you are breaking your own rules. Hindi ka nagta-Tagalog," ekis na rin nito ng mga braso.
"So? I am the bio-hazardous arrogant bitch, right?"
He rolled his eyes, making Risha more irritated with him. Ang lakas naman kasi ng loob nito na magpakita ng pagkainis samantalang siya ang mas dapat na mainis sa lalaki!
Bakit may kasama na itong babae? Ilang araw din siyang nawala. Ano naman kung nakabuntot sa kanila si Officer 8? Kung may gusto naman silang gawing milagro may magagawa ba ang subordinate niya?
Arrgh, bakit ba ganito ang pumapasok sa isip ko?
"Saan ba mapupunta ang tanong mo na iyan?" basag ni Lukas sa katahimikan na namagitan sa kanila.
"Gusto ko lang malaman kung sino siya. Hindi ba secret mission ito ng German Army? So bakit may nasamang ekstra?"
Bumungisngis ito. "Okay, Risha," akbay ni Lukas sa kanya. "That girl is Misha. She's the one who gave the locket to you."
Nanlaki ang mga mata niya. "Siya? Hindi siya ang nagbigay, Lukas. It's my dad!"
"Sinadya talaga nila na ibenta iyon sa tatay mo para mapunta sa iyo."
"Wow," iling niya. Inalis niya ang braso ng lalaki na nakaakbay sa kanya. "At bakit naman sa tatay ko pa?"
She saw him laid his eyes on the woman he was calling Misha.
"Tingnan mo si Misha. Hindi mo na ba siya naaalala?"
Nilingon niya ulit ang babaeng naka-silver na long gown. Tila kanina pa ito nakatingin sa kanya dahil nagtama ang mga mata nila. Seryoso lang ang mukha nito.
Misha? kunot-noo niya habang pinag-aaralan ang mukha ng babae.
Misha...
At doon na nagsimulang magbalik ang lahat sa kanya.
Masyado pa siyang bata kaya hindi niya maalala ng maayos ang mga bagay-bagay. Mga larawan lang ng nakaraan ang sumusulpot sa memorya niya. Isang batang babae na may itim na buhok na alon-alon, mga nasa edad na pito o walo... Nakikita niya ang matalim na tingin ng bata sa kanya, ang pananabunot nito sa kanya o ang pang-aagaw sa laruan niya. Lagi siyang pinapaiyak ng batang iyon...
Hanggang sa isang araw, tuwing sisilip siya sa kwarto ng batang babae, hindi na niya ito makita.
"Micha...?" naalala niyang tawag sa kung sino sa silid para masiguro kung naroon ito.
Takot na kasi siyang basta-basta pumasok doon. Nasigawan na kasi siya ni Micha dahil pinagbababali niya ang mga krayola nito. Ang gusto lang naman noon ni Risha eh baliin iyon para hati sila sa krayola ng Ate Micha niya... tinabi niya pa nga yung mas malalaking hati para sa ate niya.
Hindi na rin niya ito nakikita sa salas na nakadapa at nagkukulay ng coloring book nito. O 'di kaya ay nasa dining table at nagdo-drawing.
"Misha..." Risha murmured.
Something stabbed her deep in her chest as she mentioned her name, looking into her sister's eyes... Sa loob ng maikling panahon at kakaunting alaala na kasama ito, hindi niya alam kung matutuwa. Dahil sa ngayon, lungkot at pagkainis ang nararamdaman niya.
Ilang gabi umiyak ang mama niya dahil sa pagkawala ni Misha. Ilang araw na nagpabalik-balik ang tatay niya sa Germany.
Naintindihan lang niya ang lahat ng mga ito nung lumaki na siya.
At kahit na idahilan pa ng tatay niya sa kanila ng kanyang ina na abala lang ito sa dami ng business trips, alam ni Risha na hindi iyon totoo. Alam niya sa loob-loob niya na patuloy pa rin ito sa paghahanap sa taong naglayas.
Iyon ang hindi niya maintindihan. Hindi pa ba siya sapat para maka-move on na ang mga magulang niya, mas lalo na ang tatay niya, mula sa pagkawala ni Misha?
She held that pain inside and kept it as a secret for years.
Para naman kasi kay Risha, walang kwenta kung ipagsasabi pa niya iyon sa iba. Una sa lahat, wala na si Misha kaya naman hindi siya dapat nakakaramdam ng ganoon-- ng pagkabahala, ng inggit... At pangalawa, walang kwenta iyon dahil ang akala niya ay hindi na niya muling makikita ang kapatid. Kaya para saan pa kung ipagsasabi niya ang nadaramang iyon sa ibang tao, hindi ba?
Pero ngayon na nasa iisang silid sila ng kanyang kapatid, mas tumindi lang ang kung anong sakit na naramdaman niya noon.
"Naintindihan ko lahat ng pinag-usapan ninyo," wika ni Misha na medyo ikinagulat niya.
Nung hindi pa kasi alam ni Risha na kapatid niya pala ito, akala niya mas ayos kung mag-uusap sila ni Lukas ng pa-Tagalog para hindi sila nito maintindihan.
"Oo," matabang niyang tugon dito habang ang mga mata ay nakapukol sa kapatid. "Ang tagal mo ring nawala. Hindi ka man lang nagparamdam."
Ngumisi lang ito. "Mas mabuti na ang ganoon."
"Mayaman si Papa, hindi ko maintindihan kung bakit hindi ka niya nahanap."
"Ang may-ari ng Private Eye ang kumupkop sa akin. Magaling sila magtago ng mga high tech na gadgets para sa mga secret agents nila. Ganoon din sila kagaling magtago ng tao."
Ginantihan niya ng ngisi ang ngisi ng kanyang ate na nagpatuloy sa pagsasalita.
"You have tormented me for years, Risha."
"Ikaw rin," sagot niya habang pinagmamasdan ang pagkuyom ni Misha ng kamao nito sa ibabaw ng mesa. "If you only knew how much you have tormented me for years... Until now."
***
A.N.
I am back and healthy naaa hahaha :D
Salamat sa matiyagang paghihintay <3
Love,
ANA xoxo
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top