Chapter Fifty-Four
Lukas opened the door for Risha and slammed it as he got inside, sitting beside her. He was still upset about what she did in the meeting. Ang mas ikinairita pa niya ay hindi nito sinabi sa kanya kung sino sa mga kasama nila sa meeting na iyon ang kasabwat ni Sloven sa Russian Army.
"Oh, ano ang nangyari sa meeting?" lingon sa kanila ni Gunther na nasa manibela. Si Misha naman ay umiinom ng iced coffee at nilingon rin sila. Pero tumigil ang mga mata nito kay Risha.
Nakayuko lang si Risha, pinaglalaruan ng mga daliri niya ang mga daliri sa isa pa nitong kamay, tila nag-iisip ng malalim.
"Nothing," Lukas muttered.
Bakit kailangan pa niyang pahirapan ang misyon na ito? Nasa kanya na lahat ng kakailanganin naming impormasyon, pero ayaw niyang magsalita.
Bakit, Risha?
"Where are we going now?" tanong ni Gunther na tila ba nakaramdam na ng awkwardness sa bigat ng tensyon sa pagitan nila.
"Sa hotel," sagot ni Lukas.
"Sa cathedral," sagot naman ni Risha kaya napalingon siya rito.
Nagkatinginan na si Gunther at Misha nang binalingan ito ni Lukas. Umiling-iling si Misha at tumingin ito sa kanila.
"All of us needs to loosen up a bit," she weakly smiled. "I think this mission is making us all tensed and quite ill-tempered."
Alam ni Lukas kung ano ang nais nitong ipahiwatig. Pinatatamaan nito silang dalawa ni Risha.
"What about we go to the beach?"
"We will swim?" taas niya ng kilay dahil kahit summer month na sa Russia, wala naman siya sa mood lumangoy-langoy.
Nilaparan lang nito ang pagkakangiti. "Nope, just chill. Buy some drinks, admire the beautiful sceneries..."
"Gorky Park," Lukas finally decided. "That's where we are going."
"Boring," baling lang ni Risha sa bintana nang mapadpad dito ang mga mata niya dahil sa sinabi nito.
"How come Gorky Park becomes boring?" nagtatakang tanong ni Misha sa kapatid.
"Sloven already took me there."
Mas pinili na lang ni Lukas ang magtimpi. So, where else did this Sloven take you, Risha? To his bed? Kaya ka ba nagkakaganyan?
Nahuli niya ang pagyuko ni Misha at pagnakaw ng huling tingin sa kapatid bago ito sumipsip ng iced coffee. Tumalikod na ito at dumeretso na ng pagkakaupo. Ganoon na lang kabilis nawala ang tila maganda nitong mood kanina.
"So, any good suggestions?" malamig niyang tanong sa katabi.
"Cathedral," ulit ni Risha sa sinuhestiyon nito kanina pa.
"Fine. Let's pray," hinarap na ni Lukas si Gunther. "Let's go to the nearest cathedral."
With his arms crossed, Lukas stood there, watching Risha as she kneeled and prayed. Nakapikit lang ang dalaga, taimtim na nagdadasal habang siya naman ay paulit-ulit pa rin sa pag-iisip kung paano mapagsasalita si Risha para matapos na ang misyon.
Napakislot siya nang may kung sinong dumikit sa kanya.
"Misha!" he whispered.
"Shh," inekis ng babae ang mga braso at pinagmasdan si Risha. "May bibilhin lang daw si Gunther sa GUM kaya pumunta na lang ako dito."
"She's praying," titig niya ulit kay Risha.
"Well," narinig niya ang mahinang pagtawa nito, "it's nice to know that my sister knows how to pray. I forgot the last time I prayed."
"Why?" baling niya rito.
"As a secret agent, every second can change everything. Kaya kahit sa pagdarasal mawawalan ka na ng oras."
Napailing na lang si Lukas. "Malayo ang loob ni Risha sa iyo. She grew up being deprived of your parents' attention."
"Ano naman ang kinalaman n'un sa akin?"
"Well, dahil daw sa iyo, kaya pakiramdam niya eh mas mahalaga ka sa mga magulang niyo kaysa sa kanya. Kasama niya sila pero ikaw lang ang inaalala ng mga ito."
Misha nodded her head. "Thank you. Now I know why she said that I tormented her for years. I feel exactly the same when I left them. Umalis ako kasi nasa kanya ang atensyon nila Mama at Papa. She broke my crayons and guess who got scolded? Me."
Pagak na tumawa ang katabi niya kaya napangiti na lang si Lukas at napa-iling-iling. "Just because of those crayons? Naglayas ka na dahil lang doon?"
"Geez," iling lang din nito. "Hindi naman sa ganoon. I mean, naipon lang kasi lahat-lahat ng pagtatampo ko, kaya naglayas ako. Pinagsisihan ko naman iyon pero naligaw na talaga ako noon sa Germany kaya--"
Misha shrugged her shoulders.
Lukas returned his eyes on Risha. Tapos na ito magdasal. Sa totoo lang, nakatayo na ito at nakatanaw sa kanila.
"Well," nilingon na ni Lukas si Misha, "after this mission, you can have all the time to make it up to Risha, to your father."
"I hope so," tipid nitong ngiti. "Sige na, puntahan mo na si Risha."
"Yeah--"
"Wait--"
Nilingon niya ulit si Misha. "What?"
"Ikaw, Major? Anong gagawin mo pagkatapos ng misyon na ito?"
Napayuko siya. Ano nga ba? Wala pa siyang napapagpasyahan na gagawin pagkatapos nito. Ayaw naman kasi ni Lukas na magbakasyon.
"Go back to Germany?" ngisi niya sa babae.
"Paano si Risha?"
He just shrugged his shoulders. "Hindi ako ang magdedesisyon niyan."
Bago pa siya mausisa ni Misha, naglakad-takbo na si Lukas papunta kay Risha. Sinalubong lang siya ng blangko nitong titig. He could not read anything from her eyes.
"Risha--"
"Let's find Sloven."
Nagsukatan sila ng tingin bago niya ito sinagot. "Tapos na ang parte mo sa misyon na ito, Risha. It's my job to get that criminal and bring him to justice."
"Lukas, Sloven needs our help."
"What?" nahilamos na niya ng kamay ang mukha. Okay. Baka may mali lang sa acoustics ng cathedral na ito kaya kung anu-ano na ang naririnig ko.
Sloven needs our help? Anong pumasok sa kukote ni Risha para sabihin ito ngayon sa akin?
Calm down, Lukas. Calm down.
"Lukas--"
Nagpakawala siya ng malalim na paghinga bago ito kinausap.
"What the fuck is wrong with you, Risha? You don't want to cooperate with us now. At ngayon sasabihin mo sa akin na tulungan natin si Sloven? Ipaliwanag mo sa akin ito habang nakakapagtimpi pa ako."
Hinaplos siya nito sa braso. Ewan ba ni Lukas kung dapat ba niyang tugunin ito ng paghawak sa mga kamay ng dalaga.
But he could not bring himself to do it. She was protecting Sloven.
Of all people, Sloven!
"Kasi Lukas, ginagawa lang ito ni Sloven para ipaghiganti ang kapatid niya. His sister was raped by someone from the Russian Army... SiIvanov."
Si Ivanov? Ang tinutukoy ba nito ay ang bagong heneral ng Russian Army? Ang humalili kay Retired General Mozorov?
"At naniniwala ka naman sa mga sinabi niya?"
Alam ni Lukas na mapangkutya ang ngising nilahad niya sa harap ni Risha. Pero bakit hindi magiging ganoon ang pakiramdam niya? Naniniwala ang babaeng ito sa mga kasinungalingan ni Sloven! Sa kaaway nila!
"Oo. Naging mabait sa akin si Sloven, Lukas. Secret agent siya ng Russia. Katulad ng pagmamahal mo para sa sarili mong bansa, alam ko na ganoon rin si Sloven. Nagkataon lang na mas matimbang ang pagmamahal niya para sa kapatid niya kaya nagkaganito..."
He shook his head. He could not believe this. How could Risha sympathasize with that man?
"I will look for Sloven alone," he gritted. "Uuwi ka na sa Pilipinas bukas na bukas rin."
"No!" habol sa kanya ni Risha. Tinalikuran na niya kasi ito. He walked out on her, and would not wait for more of her explanations.
Hindi talaga siya makapaniwala na nabilog na ni Sloven ang ulo nito.
Napakuyom na lang siya ng kamay. That Russian will pay.
***
A.N.
Yeessh. 3 chapters for tonight hahaha :D
I hope nakabawi si Author sa mga pagkukulang niya nitong nakaraang mga araw hahaha <3 May bayaran kaya ng utang na magaganap sa next chapters?
Ano kaya ang nasa isip ni Risha?
Bakit nangingibabaw ang Team #RiVen hahaha <3 Pakiexplain sa akin sa comments hahaha <3
At bukas na ulit ang update ng next chapters <3 Tulog-tulog din because Ana cares ;)
LOVE,
ANA xoxo
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top