Chapter Fifty-Five

Nagulat na lang si Gunther nang may kumaladkad sa kaniya palabas ng Tiffany's-- ang Major!

"S-Sir!" hindi pa rin siya nakakabawi mula sa pagkagulat habang hinihila siya nito palabas ng jewelry shop. "May bibilhin lang ako--"

Para kay Misha 'yun eh! nanghihinayang niyang lingon sa mga alahas na naka-display.

"Babalik na tayo sa hotel," tila wala sa mood na bitaw nito sa kanya pagkalabas nila ng shop.

"Nasaan na sila Misha, Sir?" tanong niya habang inaayos ang kwelyo niyang kanina lang at batak-batak ni Lukas.

"They are supposed to be here," pamewang nito habang panay ang linga sa paligid.

"Baka nag-shopping na," masaya siyang pumihit pabalik sa Tiffany's, "habang busy pa sila, Sir, dito muna ako sa--"

"Hindi ka na lalayo, Officer 8," Lukas gritted through his teeth, pulling him back.

Napakamot na lang siya ng ulo. "Ano ba kasi ang nangyari, Sir?"

Napabuntong-hininga na lang ito at hinila siya papunta sa isang bench sa loob ng mall na iyon. Umupo ang Major kaya naman gumaya na rin si Gunther.

"I just don't understand her, Gunther," hilamos nito ng mga kamay sa mukha. "Risha wants us to help Sloven."

"Ano?"

"See? Kahit ikaw hindi makapaniwala 'di ba?"

"In love na siya sa Sloven na iyon?"

"She's not, okay?" angil nito kaya napataas si Gunther ng mga kamay.

"Chill! Okay, Sir? Be cool, Sir, be cool!

"Nakakapag-init ng ulo ang pinagsasasabi mo eh!" nagtatangis ang mga bagang na ganti nito sa tangka niyang pakalmahin ito.

"Sorry, Sir!"

Binaba na niya ang mga kamay. "So, ano na ang plano mong gawin tungkol diyan, Sir?"

"Sa tingin ko, dapat na natin siyang pabalikin sa Pilipinas."

"Pero Sir," umanggulo siya ng upo paharap sa kanyang boss, "paano 'yung surpre--"

"Shh!" taas ni Lukas ng kamay para putulin ang kanyang sasabihin. "I know. Sorry. I almost forgot." Tumuwid na ito ng upo. "At isa pa, bakit ko nga ba naisipan na pabalikin siya sa Pilipinas? Kung saan pwede siyang kunin ulit ng Sloven na iyon habang wala ako?"

"Oo nga, Sir, bakit mo iyon naisip?"

Ngumisi na lang ito. "I got carried away, I guess. I was so mad."

Napabuntong-hininga na lang si Gunther. Buti na lang at okay na si Sir--

"Pero," nagbalik na naman ang nakakamatay na tingin sa mga mata nito, "hindi ko talaga maintindihan kung paano nabilog ng gagong iyon ang ulo ni Risha. Ni hindi ko nga nabilog ang ulo niya nung kukunin ko sa kanya ang RSF. Pero si Sloven," pinitik nito ang mga daliri, "isang iglap lang, iyan na ang nangyari kay Risha."

Napaisip siya roon. Sumandal siya at inekis ang mga braso.

"Bakit hindi mo obserbahan si Sloven, Sir? I mean, how he treated Risha."

Napalingon ito sa kanya, mabilis na humupa ang galit sa mukha nito. "Observe Sloven?"

"Yeah, alamin mo mula kay Risha kung paano ang treatment sa kanya ni Sloven. Then do the same thing."

He heard the Major scoff before shaking his head. "Anong gusto mong gawin ko, gayahin ang Sloven na iyon? I can get Risha without copying anybody. In fact, I already got her."

"Yeah, but from the looks of it, she's a lot more concerned with the Russian."

"Paawa lang ang lalaking iyon," iling ulit nito. "Na-rape daw ang kapatid niya kaya gusto niyang pasabugin ang buong Russia."

"Pasasabugin ba talaga niya ang Russia?"

"Well," Lukas shrugged his shoulders, "I don't really know how he will do it. He just wants the RSF to destroy Russia."

"That's actually a good idea for a man who doesn't have a single clue who raped his sister, don't you think?" tumuwid pa siya ng upo. "I mean," he grunted, "at least, sa gagawin niya, siguradong patay kung sinuman ang rapist na iyon, madadamay nga lang ang mga walang kamalay-malay."

Natahimik na ang Major. Minasahe ng kamay nito ang baba habang nakatitig sa kawalan. Alam ni Gunther na gumagana na naman ang utak nito, ina-analisa ang mga pinag-uusapan nila.



Napansin ni Misha ang pagtakas ni Risha kaya naman walang paalam nitong iniwan si Lukas na papunta sa Tiffany's para sundan ang kapatid. Naabutan na niya ito sa escalator.

"Saan ka pupunta?" hakbang niya para makatungtong sa hagdan na inaapakan nito.

"May hahanapin lang ako."

"Oh, bakit hindi ka magpaalam kay Lukas?" ekis niya ng mga braso.

"Because he's obviously mad at me," irap nito sa kanya. "Ikaw? Bakit mo ako sinundan? I tormented you for years, right?"

Napailing na lang si Misha. "Lukas told me everything, Risha. I want to let you know that I didn't mean it. I am sorry. Sorry kasi dahil sa akin, hindi ka nabigyan ng atensyon nila Mama at Papa."

"Wala na iyon," malamig lang nitong tugon. "Tapos na iyon. Alam mo ba na patay na si Mama?"

Napayuko na lang si Misha sa narinig. She carefully stepped off the escalator and followed Risha, who walked with certainty as if she really knew where to go.

"Risha," tabi niya rito, "si Papa? Kamusta?"

"Busy sa mga negosyo niya," walang lingon-lingon na sagot nito. "O marahil sa paghahanap sa iyo."

Tumango-tango si Misha. "Si Sloven. Kamusta si Sloven?"

Natigilan ito sa paglalakad at dahan-dahang hinarap siya. "What about Sloven?"

"Si Sloven... kung ano na ang lagay niya nung nakasama mo siya?"

"Sloven is a man who always knew what to do,"  atras ni Risha para mas lakihan ang espasyo sa pagitan nila. "His brain is functional but his eyes are not. Binubulag siya ng kagustuhan niyang maipaghiganti ang kapatid niya."

Pinilit ni Misha ang ngumiti at pigilan ang nag-aambang mga luha na pumatak. "You seem really special to him. Sloven never told me his secrets. I mean... all of his secrets."

Napatitig ito sa kanya. "You know Sloven."

"Yeah," buntong-hininga niya. Kahit ano talagang pigil niya, hindi na niya nakontrol ang pangingilid ng mga luha sa kanyang mga mata. "We used to be in a relationship."

Namewang na ito. "I get it now. Akala mo siguro inaagaw ko sa iyo ang Sloven na iyon kaya dikit ka ng dikit kay Lukas!"

Misha rolled her eyes. Okay, forget crying, Misha. Nagpapatawa ang kapatid mo, pagbigyan mo na lang.

Pinahid na niya ang mga luha sa sulok ng kanyang mga mata. "Sheesh, Risha. Matanda na tayo, tigilan mo na nga iyang immaturity mo."

Nagpatiuna na si Misha sa paglakad. "Saan ka ba pupunta?" nilingon niya si Risha na humarap sa direksyon niya pero nanatiling nakapako sa kinapupwestuhan nito.

"Sagutin mo muna ang tanong ko," Risha glared at her.

"Hindi ko inaagaw sa iyo si Lukas, okay?" pamewang niya sa kapatid. "Ayoko sa semi-kalbo."

Ngumisi lang si Risha at pinamewangan din siya. "Ayoko naman sa  ka-identical twin ko."

Hindi niya napigilan ang mapabungisngis sa mga sinabi ni Risha. Doon lang niya napagtanto na para nga silang identical twins ni Sloven dahil sa pagkakapareha ng kulay ng mga buhok nila, at magkaternong mga damit na suot sa mga pictures na pinapadala ni Sloven kay Lukas.

"So, bati na tayo?" lahad ni Misha ng kamay. "Siguro naman hindi ka na nagsususpetsa na aagawan kita ng boyfriend."

Tinitigan lang ni Risha ang kamay ng kapatid at tuluyan nang bumigay ang isang maluwag na ngiti. "Hindi ka na rin siguro nagsususpetsa na aagawan kita ng boyfriend."

"Hindi ko na siya boyfriend," ngiti ni Misha nang tanggapin na sa wakas ng kanyang kapatid ang pakikipagkamay. "Pero ex ko siya. It's a rule that you shouldn't mess with your best friend or your sister's ex."

"Fine, whatever," Risha rolled her eyes.

Misha just copied her sister. "Brat."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top