Chapter Fifty

Lukas knew that he had to think fast. Hangga't maaari, ayaw niya sana na makuha ang atensyon ng lahat sa salo-salong iyon lalo na at sa harapan pa mismo ng President ng Russia iyon mangyayari. Kaya lang, kung gagawin naman iyon ni Lukas, magkakagulo ang mga tao, mas madali para sa kanila ni Risha na matakasan si Sloven.

Isa pa, kasama naman nila doon ang kanilang heneral. Pwede nitong ipaliwanag sa Russian President kung ano ba talaga ang nangyayari.

We should run for it.

Doon na niya binalingan si Risha. "Takbo! Risha, takbo!"

Dahil sumulpot si Sloven sa direksyon na pupuntahan sana nila, hinila ni Lukas si Risha papunta sa garden. Nabigla rin siguro ito kaya napasigaw si Risha nung tumakbo na sila. Nagkagulo dahil sa kung sino-sino na ang binangga nila. Panay ang lingon niya kay Risha, nag-aalala na baka may nakahablot sa babae o baka bumitaw ito bigla sa kanya.

Sir! What is going on? narinig niyang panic ni Gunther sa suot na earpiece.

"Hinahabol kami ni Sloven!" sagot niya sa salitang German para sila lang ang magkaintindihan.

Sir, this is supposed to be a quiet mission! Now you are getting everyone's attention!

"I know, Officer 8!" he gritted. Siya naman kasi ang boss nito.At alam niya ang ginagawa niya. Ayaw lang ni Lukas nung pakiramdam na parang sinisisi siya nito kaya nagkakagulo na sila ngayon.

Nasaan na kayo, Sir?

"Garden," hingal niya bago sila napahinto ni Risha. Lumingon-lingon si Lukas sa paligid bago hinila si Risha pakanan.

Panay lang ang takbo nila, nagpaikot-ikot sila sa hedge maze na iyon  sa hardin ng Kremlin Grand Palace. Dahil tila wala na ang humahabol sa kanila, huminto na sila sa pagtakbo. Napaupo si Risha, hingal na hingal.

"Oh, damn," hubad nito sa suot na puting high heels bago hinagis iyon. "Alam mo ba na muntik na akong mapatid-patid sa katatakbo natin?"

"I am sorry," Lukas squatted to her on her level. "Does your feet hurt?"

"No-"

He did not take her answer. Inunahan na niya ito at hinablot ang paa ni Risha, kaya napaupo ito bigla sa damuhan. Tinaas ni Lukas ang paa nito. He rubbed her feet gently, his eyes were keenly checking for red marks and such. 

"Saan banda masakit?" titig niya sa mga mata ng dalaga.

"I am okay," tugon sa kanya ni Risha sa mas mahinahong boses. Kahit hindi nakangiti ang mga labi nito, alam ni Lukas na malapit na sa ganoon ang reaksyon ng dalaga.

"Really?" he leaned down to kiss her toes.

"Lukas!" she gasped, making him look up to her.

"What?"

"This is not the time for that. Sigurado ako na hinahanap na tayo ni Sloven," bawi nito sa kanyang paa at dali-daling tumayo.

Hinapit niya ito palapit sa kanyang katawan bago tumingin sa paligid. "I think we lost him. We are inside this maze-like hedges."

Inangat niya ang braso para i-check ang blueprint na nasa relo niya. "There's a way out over there," turo niya sa bandang hilaga nila. "Doon tayo."

"Baka nandoon si Sloven."

"Hindi iyan."

Stay there, Sir, hahanapin namin kayo. Hindi kayo magagalaw ni Sloven dahil hinahabol na rin siya ng mga guwardiya rito sa Kremlin Palace.

Sa tingin niya, hindi na nakapagtiis ang German General at binulungan na nito ang Russian President.

"We will," tugon niya.

Risha was on the backseat of the car. Sumilip ulit siya sa bintana at pinanood ang pakikipag-usap ni Lukas sa Russian President at sa heneral ng German Army kasama si Officer 8 at ang isang babae.

Who is she?

Her eyes narrowed when the three turned their backs from the general and president. Nauna sa paglakad si Lukas, na naabutan ng babaeng kasama nila. Humawak ito sa braso ni Lukas kaya naman napalingon ito. Halos mapudpod na ang ilong ni Risha sa pagkakadikit sa salamin ng bintana habang nakatitig sa kanila.

She saw the worried look on the woman's face while her hand was still holding Lukas' arm. Seryoso lang ang mukha ni Lukas habang sinasagot ito. Bumaba ang kamay ng babae mula sa braso ni Lukas papunta sa kamay nito at humawak doon kasabay ng pagbabago ng ekspresyon ng mukha nito-- napalitan na iyon ng isang ngiti bago bumitaw sa kamay ni Lukas at umatras para sabayan si Officer 8.

Why is she holding him like that? sandal ni Risha sa kinauupuan niya sabay punas sa ilong niyang napadikit sa salamin ng bintana.

Lukas opened the door and occupied the driver's seat. Sumunod sa kanya si Officer 8 na pinagbuksan ng pinto ang babaeng nakita kanina ni Risha. The woman sat beside her before Officer 8 shut the door and took the seat beside Lukas in the front.

"Let's save the chitchats for later," lingon ni Lukas sa kanila bago nito huling tinapunan ng tingin si Officer 8. "I am fucking tired." May sinabi pa ito pero dahil German na ang ginamit nitong lengguwahe, napabaling na lang sa bintana si Risha habang naka-ekis ang mga braso.

Pareho naman kaming nakakaintindi ni Officer 8 ng English ah? Palihim niyang sinulyapan ang babaeng naka-silver na long gown sa tabi niya na may maliit na bewang at magandang boobs at magandang mukha. Oh right, this woman. German lang siguro ang alam niyang salita.

Nung nilipat na niya ang tingin kay Lukas, nagkasalubong ang mga mata nila.

Damn, nahuli kaya niya ako na nakatitig dito sa katabi ko?

"Are you alright, Risha?" mababa ang boses na tanong nito sa kanya.

"Don't I look alright?" Bahagyang nagtaas ang boses niya n'un kaya mabilis siyang umiwas ng tingin at binaling ang atensyon sa kung ano ang nasa labas ng bintana.

Hay naku, bakit gan'un ang naging tono ng pananalita ko?

"She must be tired from all the running," unat ni Officer 8 ng mga braso. "I am also tired, let's go, Sir."

"Tired? You didn't even do a lot. You just talked and walked around."

"Come on, Sir--" at nagsimula na itong mag-German na mas lalong kinainis lang ni Risha.

Fine, make me feel more out of place.

Tumawa naman ang katabi niya at nagsalita ng German na ikinatawa nila Lukas at Officer 8. Risha just rolled her eyes. 

So, save the chitchats for later pa pala ang tawag mo diyan, Lukas?

Narinig na niya ang pag-ugong ng sasakyan bago naramdaman ang pag-usad nito.

Haaaay, sa wakas at aalis na kami rito, relaxed na sandal niya ng patagilid mula sa kinauupuan niya.

Ewan ba ni Risha, pero masama ang impression niya sa babaeng katabi niya sa kanilang kinauupuan. It was as if she was only going to be trouble for her, or will be the cause of her troubles.

***

A.N.

The shortest chapter UD for tonight. Kinakalaban ko pa itong ubo at sipon ko. Stay healthy, everyone, 'wag gagaya sa akin :D Good niiiight <3

ANA xoxo

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top