Chapter Eighteen

Kinagabihan, magkaharap nang nakaupo sila Risha at Lukas sa may balkonahe ng isang restaurant. Napalingon ang dalaga sa magandang view ng mga asul na umbrella, mga puno at damuhan. Habang hinihintay ang order, nag-usap muna ang dalawa.

"Kapag naibigay ko na sa iyo ang memory card," panimula ni Risha, "ano na ang plano mo?"

She wore a bright red lipstick and had shadowy eyes. Her eyebrows were penciled beautifully in light brown. Nakasuot lang siya ng puting A-shaped dress at naka-ponytail ang buhok.

"Of course, I will go back to Germany, hand it over to our general. Then it's done."

"After that?"

"What do you mean after?" he sat straight as if he was still in the military camp.

"After your mission? Wala ka bang personal affairs, like birthdays or weddings to attend to or something?"

He laughed lowly. "Magbabawi ako ng tulog, I guess."

"Bakit, hindi ka ba nakakatulog nitong nakaraan?"

"N-No! Just a joke, Risha!" palusot niya.

Muntikan na iyon. Ayaw niyang magka-clue ang babae na gising siya tuwing gabi para kalkalin ang gamit nito at hanapin kung saan nito tinatago ang memory card.

"Akala ko eh--" dumeretso na ito ng upo dahil biglang may naalala ito. "Oo nga pala! Nakapamasyal ka na ba rito sa Pilipinas?"

Lukas shook his head. "Hindi pa, actually."

"Gusto kitang ipasyal sa Luneta. Then we will go to Intramuros, what do you think?"

Ngumiti lang si Lukas. Wala naman sigurong masama kung mamasyal sila ng kaunti, tutal, Biyernes na naman ng gabi at sa Linggo, ibibigay na ng babae ang memory card. 

"Well, sure, let's go there, Bio-hazard."

"Good. Because I need to return the favor."

Napataas ang isa niyang kilay. "What favor?"

"You taught me how to be disciplined, so in return, I will teach you how to misbehave."

He let out a groan. Salitang misbehave pa lang, ayaw na niya sa ideya ng babae.

"Come on, Lukas, para sa ikabubuti mo ito. Hindi ka ba nabo-bored sa buhay mo? All you did is military stuff."

Tama ang babae. Nasapul siya roon pero ayaw niya magpatalo.

"At paano mo naman nasabi?"

"Halata, okay?" tawa ni Risha. "Wala ka man lang bang hobbies?"

"I don't have time for that."

"Dahil sa missions mo?" sarkastiko nitong conclude.

Napa-ungol na lang siya. Anong mali sa pagiging dedicated niya sa pagiging sundalo niya? Hindi naman kasi maintindihan ng babae ang nararamdaman niya. He felt honored everytime he gets a mission done. Being a soldier made him feel like a hero and that alone was enough for Lukas. Because that feeling was so good to indulge in.

It was as good as fucking Risha, he concluded. He mentally face-palmed at that thought.

"You see?" basag nito sa pananahimik niya. "Wala ka nang ibang alam gawin kundi military stuff dito, military stuff doon. Nakakapag-party ka pa ba?"

"Oo naman. At tuwing Oktoberfest, nag iinuman kami ng mga kapwa ko sundalo."

"Still, military stuff," iling nito. "That's why I really need to return the favor. Ang sakit sa mata makita ang ka-boringan mo."

"Hey," he gritted, "I am not a boring person."

"You are," insist ng babae. "Hindi ko nga alam kung ano ang nakita ko sa iyo. I thought military guys are cool. Pero sa apat na araw na nakasama kita, I saw how boring you are."

She was like every other girls he had been with in the past. They called him boring. Ano ba ang exciting para sa kanila?

Patuloy lang sa kakadakdak ang babae. 

"Araw-araw, saktong six gising ka na. Nakaligo ka na ng ganitong oras, mag-woworkout ka ng gantong oras then breakfast. Then you will spend time with me. Take note, ako lagi ang nagpaplano ng lakad natin. Tapos, by the afternoon, you will meet your subordinates. Ano pa ba ang pinagmi-meetingan ninyo eh nasa akin na ang hinahanap niyo di ba?"

He just rolled her eyes. Ito ang ayaw talaga niya sa mga babae eh. Masyadong maingay. Pinigilan niya ang sarili na kutkutin ang tenga para magka-ideya naman si Risha na nakukulili na siya sa panenermon nito.

"That's why I should really teach you to have some fun," pagtatapos nito. Hindi na narinig pa ni Lukas ang iba nitong naunang sinabi kaya napipilitang tumango-tango na lang siya.

Dumating na ang in-order nila at sa pagitan ng pagkain, nagpatuloy ang masarap na kwentuhan.

"Zodiac sign?" tanong ni Risha bago sumipsip ng red wine.

"Leo," sandal ni Lukas, naka-angat lang ang kamay nito na may hawak na wine glass. "Rawr."

Napabungisngis lang si Risha. She kept her wine glass close to her lips. "I am a Sagittarius. Looks like we are compatible."

"Compatible?" tawa nito. "Nagpapaniwala ka sa mga zodiac na iyan?"

"Sort of," ngiti lang nito. "The stars cannot predict the future, but it helps. Take the three kings for example. A star guided them to Jesus Christ."

Napailing-iling na lang si Lukas. "Red wine lang naman ang iniinom natin ah? Bakit parang nalasing ka?"

"Nalasing ka diyan?"

"Talking about stars like the great Socrates," taas nito sa hawak na glass bago uminom.

"Socrates never talked about stars, he talked about knowing nothing and how that makes him smart."

"So you are not just a lazy bio-hazardous arrogant bitch, you are also a philosopher," baba ni Lukas ng baso.

He gave Risha a good stare. His eyes must be fooling him or it must be the light effects of the yellow lights that made her glow in front of him. Lumamlam ang mga mata nito, naging katakam-takam ang mapupula nitong labi na basa ng alak at para siyang nababalutan ng liwanag dahil sa puting tela ng suot at sa kulay ng buhok nito.

"Call me anything you want," binaba na rin nito ang baso.

"Remember my question before, Bio-hazard?" he leaned forward.

Ginaya siya ng babae. "What is it, babe?"

"Have you got what you always wanted?"

Tinitigan siya nito sa mga mata. Hindi maipaliwanag ni Lukas ang paninikip ng mga dibdib. Tila kasi may alam nang sagot ang babae sa tanong niya. Hindi na rin siya nito pinaghintay pa.

"Almost."

"What do you mean with almost?" napatuwid siya ng upo.

Nginisihan lang siya nito. "I already have it. But I can't claim it as mine yet. Parang pinahiram lang siya sa akin ng panahon."

He just shook his head. "Is this about me again?"

Tumawa lang ito. "No. About that guy."

That guy? Sinundan niya ng tingin ang mga mata ni Risha. Natanaw niya ang lalaking naka-three piece suit na grey. Nakatayo ito malapit sa isang table at may kausap na lalaki.

He stole a glance at Risha. Nakapalumbaba na ito bago binalik ni Lukas ang mga mata sa lalaking tinuro sa kanya ng ka-date.

"He's Greg Montana," kwento ni Risha. "I loved him so much. But he can't love me back. He used to be my best friend, but when I tried to steal him away from his girlfriend, he dumped me as easily as that."

Mataman niyang tinitigan ang Greg na tinutukoy nito. He looked rich and neat. Nakangiti ito sa kausap na mukhang Hapon at parang masaya ang pinag-uusapan nila.

"He's married now," patuloy ni Risha na nakatitig rin kay Greg. "May dalawang anak na sila nung girlfriend niya na pinalit niya sa akin na best friend niya."

Natawa si Risha kaya nilingon ito ni Lukas. Napalunok siya nang nakita niya ang pangingilid ng mga luha sa mata nito.

"He said he cannot love me because I am ugly."

Anong klase ng lalaki ang kayang magsabi ng ganoon sa isang babae?

"I looked at myself in the mirror and I agreed with him. I mean, these eyebrows? Parang hindi sila eyebrows. Hindi mo na halos makita sa nipis. And my eyes... they are too wide, my lips are too big and--"

"Shut up," taas ni Lukas ng kamay bago nito kinuha ang wine glass. "And come with me."

Tumayo na ang lalaki.

"Saan tayo pupunta?"

He stepped on Risha's side and helped her stand. "Babalik rin tayo dito, may kakamustahin lang tayo."

"Huh?" maang nito, pero hinila na ito ni Lukas.

He was sure of one thing, he needed to give Risha the closure she needs from this Greg. And to slap that man with the truth about being a gentleman.

Tila napansin na nito ang plano ni Lukas kaya pinilit nitong hilain ang braso paalis mula sa pagkakapulupot nito sa braso ng lalaki. But he held her there firmly.

"Lukas!" Risha hissed at him. "Anong ginagawa mo? Palapit na tayo ng palapit kay Greg!"

"Exactly," sagot niya, ni hindi man lang tinapunan ng tingin ang babae.

"Stop this--"

"If you want closure, you should open your heart for it first, liebe."

Naningkit ang mga mata ng dalaga. "Liebe? At saka anong closure tapos open door ang pinagsasasabi mo?"

He laughed lowly. Sometimes, the woman's innocence was still there, no matter how she wanted to look important and smart.

"I am your boyfriend, right? So you should stop thinking of someone else, stop being affected with that Greg."

Alam niya na magsasalita pa ito, kaya lang nakalapit na sila sa sadya at binati na ito agad ni Lukas. Kung nakikipag-usap ito sa Hapon, mayaman at kung manamit ay parang businessman, sigurado si Lukas na maalam ito sa ilang foreign languages. He was about to put his language skills to test by talking to him in German.

"Guten abend, Herr Montana?"

Tinitigan siya ni Greg. Maayos na nakasuklay pataas ang itim nitong buhok at mga isang inch ang itinangkad ni Lukas kumpara rito.

"Ja," sagot nito. "Du ist?"

"Ich bin Lukas, Lukas Mikhail," pakilala niya nang tanungin ni Greg kung sino siya.

Pinasadahan nito ng tingin si Risha. "Hi, Miss Risha."

Tipid lang itong ngumiti. "Hi."

"My girlfriend says she knows you, so we decided to greet you."

"Well, I hope she said nice things."

Nabasa ni Lukas ang panlalaki ng mga mata nito kay Risha. Alam niya na nagtatanong ang mga mata nito sa kasama niya kung bakit nilapitan nila ito.

"She said you are an old friend," sagot na lang ni Lukas. "We are getting married next year, wanna come?"

"Well..." Greg rubbed his arms and his eyes shifted to the left, stealing small glances from Lukas' eyes.

Napakadali naman palang bigyan ng discomfort ang lalaking ito.

"Well, it's okay if you are too busy to come. Sorry, wala kasi ako masyadong kakilala dito sa Pilipinas, so baka kaunti lang ang dumalo kaya heto, gusto ko mag-imbita ng mag-imbita. But I tell you, you better be there. My girlfriend will be wearing the most beautiful wedding gown and she will be the most beautiful woman in the universe."

Tinitigan niya si Risha sa mga mata. Nakaawang na ang mga labi nito, halata ang gulat sa mga piangsasasabi niya.

"Although, she already is beautiful without any wedding dress or make-up on."

"Yeah, I agree, congratulations na lang," alanganing ngiti na lang ni Greg. Kinamayan nito si Lukas at kinawayan na lang si Risha bago ito nagmamadaling umalis.

"Well..." lingon ni Lukas kay Risha na mapulang-mapula na ang mukha.

Ilang segundo rin sila nagtitigan bago siya nito pinagpapalo sa braso.

"Walanghiya ka! Anong pinagsasasabi mo kay Greg!"

"I am just doing you a favor!" pigil niya rito. "Yung hitsura mo kasi kanina parang nakakaawa eh."

"Nakakaawa? Inalala ko lang naman yung nakaraan namin ni Greg no?"

"Inalala lang, pero maiiyak ka na," alalay niya rito pabalik sa table nila.

"Sira! It's just the memory that hurts, not Greg anymore. He has no more power over my emotions," upo ni Risha nang ipaghila na siya ni Lukas ng upuan.

Sa totoo lang, kanina pa niya nakita si Greg. Nung naghahanap pa lang sila ni Risha ng table, nadaanan na niya ito na may kasamang babae sa table, halata naman na asawa niya ito dahil tila may pinag-aawayan sila. 

Greg was married to a chubby woman who has strong facial features. Kaya naman kahit sinong makakakita rito ay tila matatakot sa tapang ng hitsura nito.

Lukas knew it to himself na malaking pagsisisi na ang nararamdaman ng lalaking iyon, kaya naman satisfied na siyang umupo sa seat niya.

And of course, he would not tell Risha all about that.

Why are you even doing this for her, Lukas? And where the fuck did you get that getting-married-with-Risha story you just told Greg earlier?

"Why do you even have to do that embarrassing thing?" patuloy pa rin ni Risha. Dinamihan nito ang inom ng alak.

"Para tigilan mo na siya. Now, I did you another favor," kindat niya sa babae. Uminom na rin siya ng wine.

Nginisihan lang siya nito. "Then let me do another favor for you."

"Another favor? Hindi mo pa nga nagagawa yung tuturuan mo akong mag-misbehave," tawa niya.

"Bukas na iyon. For now, I will return the favor. Dahil sa ginawa mo ngayong gabi, I will teach you something important."

"What is it?"

"Na hindi puro tusok lang ang sex."

"Puro-- what?" panlalaki niya ng mga mata rito.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top