PROLOGUE
note: this story contains a spoilers that had a little connection on alluring mask. If you didn't read the alluring mask I suggest to read it first before reading this story to avoid spoilers and confusion. enjoy reading!
-ˋˏ ༻❁༺ ˎˊ-
PROLOGUE
"Sienna!"
Isang matalim na tingin ang binigay ko sa katrabaho ko ng marinig ko ang pangalan na tinawag niya sa akin. This bitch! I quickly glanced around the hallway before approaching her and grabbing her arm.
"Gaga! Anong Sienna? My name is Avah. Hindi ka ba kinikilabutan sa tawag mo sa akin?" Mariin kong bulong sa kanya.
Pinanlakihan niya ako ng mata at hinawakan din ang aking braso. "Hoy! Bakit ka nagmumura baka marinig ka ng mga bata."
Lumabas siya sa room nito at sinilip ang hallway para tignan kung may mga nagtatakbuhan na mga bata pero wala kaya nakahinga siya ng maluwag.
"Bago ako magsalita niyan sinisigurado ko na walang mga bata na makakarinig, okay?" Tugon ko sa kanya. "Atsaka, please lang, Elara. Don't call me Sienna. Okay na ako sa Avah."
Napabuntong hininga na lang ito bago ako inirapan. "Anyways, yayain sana kita sa faculty kumain habang busy yung mga bata maglaro sa playground. Nagugutom na kasi ako."
Tumango ako. "Sure! Mauna kana muna ro'n. Magbabanyo lang ako, feeling ko sasabog na 'tong pantog kakapigil ng ihi. Ikaw ba naman ayaw palabasin ng mga estudyante mo kasi takot maiwan sinong 'di magiging ganito."
"May banyo sa faculty."
Napalingon ako sa kanya ng akmang tatalikuran ko ito. "Ayos na ba yung banyo roon?"
"Yes. Noong isang araw pa. Tara na, ilang minuto na lang class hour na."
"Okay!"
-ˋˏ ༻❁༺ ˎˊ-
"Ang sabi ni mama mag-asawa raw ako ng MMMM," wika ko habang ngumunguya. Nilunok ko muna iyon at uminom ng tubig bago muli magsalita. "Matandang mayaman na madaling mamatay."
Napangisi ako ng makitang nasamid si Elara sa aking sinabi. Sa kalaunan ay hindi ko na napigilan na matawa sa kanyang naging reaksyon.
"Sa lahat ng puwede mong maalala na memories ng mama mo 'yan lang talaga na-aalala mo at wala ng iba?" tanong niya sa akin at pinunasan ang kanyang bibig.
Umasim ang mukha ko sa kanyang sinabi. Umakto akong nagiisip habang nakatingin sa kanya at ningitian ito.
"Anong gusto mo bang malaman? Nag iisip pa ako, eh. Hmm..." kunwaring nagiisip ako at nakahawak pa sa aking baba. "Gusto mong malaman noong kamuntik niya na akong isama sa mga child trafficker noon—"
I stopped mid-sentence when someone cleared their throat behind us. Elara and I exchanged glances and froze in our seats. Dahan dahan kong inikot ang ergonomic chair at sinalubong ang tingin ng head teacher nitong faculty.
"Ms. Andrada, think before you speak, please. You're in a Monterico Kids Academy, and all the students here are kids. How do you think other parents would react if they heard what you were saying?" Masungit nitong usal.
Tumayo ako sa aking kinauupuan at yumuko. "I'm sorry, Ma'am," pagpapaumanhin ko para matapos na ito agad at hindi na ako muling sermonan pa.
"And let me remind you, Ms. Andrada. You're a teacher," madiin ang bigkas niya sa huling sinabi nito.
Tinalikuran niya kami at para kaming nakahinga ng maluwag ni Elara umalis na ang head teacher nitong faculty.
"Ikaw kasi!" Sikmat nito sa akin at hinila ang aking buhok ng makaupo ako.
My black wig slipped down slightly, and we were both surprised because of it. Nanatili siyang nakatulala sa totoong buhok ko na nakabulagta sa kanyang harapan. Ang mahaba at wavy kong buhok ngayon ay kulay silver gold.
"Anak ka naman talaga ng tupa, Avah. Nagpakulay ka na naman ng buhok!?" Mariin niyang bulong sa akin.
I quickly grabbed the wig and put it back on my head. Coloring our hair is strictly forbidden here. Naiintindihan ko naman 'yon kaya gumagawa ako ng paraan para matuloy pa rin ang kagustuhan kong magpakulay ng buhok.
"For fuck sake, Elara—"
"Your mouth!" wika niya ng takpan niya ang aking bibig. "Masesermunan ka na naman talaga kakamura mo."
"Hindi ko kaya ng hindi nagpapakulay ng buhok. You know this is my only coping mechanism," reklamo ko sa kanya. Sinuklay ko ang wig ko ng dahan dahan habang nakatingin sa kanya. "Atsaka kung makahila ka naman sa wig ko wagas. This wig is expensive! Can you be a little careful for this?"
"Masisira ang buhok mo kaka-kulay sinasabi ko sa 'yo."
"Anong silbi ng pera na sinasahod ko kung hindi ko gagamitin iyon pang-maintenance ng buhok ko," inirapan ko siya at tinakpan ang tupperware at binalik sa lunch box ko. "Use your common sense, Elara. Dudukdukin ko noo mo diyan, eh."
Nabigla ako ng bigla niyang dukdukin ang noo ko gamit ang hintuturo nito. Napahawak ako sa aking noo at matalim siyang tinignan.
"Oh, ayan. Inunahan na kita para hindi mo na magawa sa akin."
Bitch!
-ˋˏ ༻❁༺ ˎˊ-
Ms. Andrada. Ms. Andrada. Ms. Andrada. Ms. Andrada.
Napabuntong hininga na lang ako ng marinig ang boses ng head teacher ng faculty namin ang apelyido ko sa kanya sa aking isipan. Oo na, single na 'ko. Walang asawa, walang boyfriend, maski fiancé ay wala!
"Lalim ng problema mo diyan."
Umangat ang aking tingin ng marinig ang boses ni Elara sa labas ng faculty room. Nakasakbit na sa kanyang braso ang tote bag nito at may hawak siyang helmet sa isang kamay. May motor kasi ito kaya madali na lang siyang nakakapasok at nakakauwi. Hindi rin naman ako makasabay sa kanya dahil magkaiba naman kami ng rutang dadaanan.
"Kailan kaya ako magiging Mrs," reklamo ko sa kanya.
I slung my tote bag over my shoulder and walked up to her. She chuckled softly at what I said and patted my shoulder.
"First step, mag ka boyfriend ka at kapag alam mong compatible na kayo sa isa't isa e'di ayain mo mag asawa."
I scoffed. "I looked desperate if I did that."
Kumunot ang kanyang noo. "That's what you want, right? Alam ko naman din kasi kung bakit ka nag kakaganyan, Avah. You're rushing because you think you're being left behind. Is that correct?"
Napabuntong hininga ako. "Ano—"
"Mommy! Mommy! Teacher Avah is here. mag say muna ako ng goodbye sa kanya bago tayo umuwi, please!"
"Sure, baby."
Sabay kaming napalingon ni Elara ng marinig ang boses ng bata. I automatically smiled and waved at my student when I saw him walking towards us along with his mother, who's smiling at us.
Yumuko ako at hinaplos ang kanyang ulo habang nakangiti. Madungis na ang kanyang mukha dahil sa kakalaro sa playground, pero wala siyang pakielam. Inangat ko ang tingin sa kanyang ina at nakangiti rin itong nakatingin sa amin.
"Teacher Avah. We're going home na po with my mommy. Babye po!"
Mahina akong natawa at tumango. "Okay. Take care, baby. See you tomorrow."
"See you tomorrow po!"
Elara and I watched my student and his mother happily walk out of the daycare hallway. Narinig ko pa ang kanilang usapan na nagsorry ang bata dahil naging madungis ang uniform at ayos lang daw iyon sa kanyang ina. Mabuti naman at hindi nagalit. But if that's happened to me when I was young, my mother would hit me until she's satisfied if she saw my uniform was dirty from playing at school after I go home.
For me, it's better to let kids enjoy what they love to do—within limits—because they won't stay like this forever. Dadating ang araw na lalaki na sila at paniguradong isa ito sa mamimiss ng kanilang magulang.
Ang maging makulit sila.
Napakurap ako ng ilang beses at hinarapan si Elara na seryosong nakatingin sa akin.
"Nasaan na nga ba tayo?" Tanong ko sa kanya.
"Nagmamadali kana kasi feeling mo nahuhuli kana sa mga bagay bagay," sagot niya sa akin.
Muli na naman akong napabuntong hininga. Sumenyas ako sa kanya na maglakad na kami palabas ng hallway para makaalis na ng daycare.
"Ano pa nga ba? I'm already 35 years old. Walang boyfriend, walang asawa, at higit sa lahat, walang anak. You know very well that I really want to have a baby." Malungkot kong wika sa kanya.
"Yung ex mo wala ka bang balak balikan, 'yon?"
Nandidiri na tinignan ko siya. "Okay ka lang ba? Ako babalikan 'yon? Hindi ako ganoon ka desperada 'no. Hinding hindi ako mag-aasawa o magkaka boyfriend ng cheater. Isipin mo nga kung siya magiging asawa mo 'yon e'di kawawa magiging anak namin—wait! Teka nga bakit ba siya ang topic. Tumataas balahibo ko kapag iniisip ko mag kakaanak kami."
Hinaplos ko ang dalawa kong braso dahil ramdam na ramdam ko ang pagtaas ng maliit kong buhok doon habang naglalakad kami palabas ng gate.
"Hindi naman halata na 35 years old ka, Avah. Mukha ka pa rin namang masarap kahit na ang dami mong borloloy na sinusuot at sa makulay mong damit."
Nginusuan ko lang siya at humalukipkip. Sinundan ko siya patungo sa pinagparkingan niya ng motor at patuloy pa rin kami sa pagkukwentuhan.
"Anong silbi ng mukhang masarap kung walang titikim," tugon ko at humalukipkip.
"Hoy! Siraulo ka talagang babae ka," natatawa niyang wika habang naglalakad kami sa sidewalk. "Paanong walang titikim wala ka namang boyfriend."
Hapon na at dagsaan na rin ang mga tao ngayon sa gilid dahil labasan na ng mga ibang estudyante sa ibang eskwelahan. May mangingilang mga sasakyan na rin ang dumadaan sa kalsada na ang kanilang pasahero ay mga estudyante.
Napabuntong hininga na naman ako. Why does our conversation only get interesting when we're about to go home? Because of that, we stayed by where she parked her motorcycle while eating barbecue. Bumili na rin ako ng uulamin ko mamayang gabi dahil paniguradong wala na akong energy para magluto pa ng kakainin ko dahil sa pagod.
Kulang ng isang daang porsyento ang energy mo kapag teacher ka ng mga bata dahil daig pa nila nakalaklak ng isang boteng enervon at nakaubos ng isang balot ng chocolate sa pagiging hyper.
"Akala ko ay nagkakamabutihan na kayo ng ex mo. Nakikita ko kasing pinapadalhan ka ng mga bulaklak."
Umismid ako at sumimsim sa gulaman na nakalagay sa plastic bago sumagot. "Akala mo lang 'yon. I don't accept his flowers and I never go back to an ex."
Tumango tango ito. "Kausapin mo na kaya para tigilan ka na niya."
"Kinausap ko na nga siya pero sadyang mapilit. Nakakainis na nga."
"Akala ko ba naman ay siya na ang makakatuluyan mo. Sadyang maloko lang talaga ang tadhana."
Natahimik ako sa kanyang sinabi. Maybe destiny is really unpredictable. My ex and I were together for years, but every story has an ending, and we finally reached ours.
"Ano ba kasing ginawa mo ro'n kaya hanggang ngayon hinahabol ka. Parang patay na patay sa 'yo," sambit nito habang ngumunguya.
Inirapan ko lang siya. "Ang maging loyal lang ang ginawa ko at minahal ko siya. 'Yon lang ang ginawa ko pero mukhang kinulang pa yata si gago."
Namayani ang katahimikan sa aming pwesto. I'm currently sitting on Elara's white Honda Click because my feet are aching. She stands in front of me as we continue our conversation.
"Alam mo iniisip ko kung what if ang role ko lang sa mundo maging single," tanong ko sa kanya at kinagatan ang bagong barbeque. "Sayang naman kung magiging totoo 'yon. Kasi isipin mo hindi makakalat ang magandang lahi ko—"
"Masyado mo ng binubuhat sarili mong bangko, Avah. magtawag kana ng trysikel at umuwi kana. Gabi na, oh. Hihintayin kita makasakay bago ako aalis."
Napanguso na lang ako at sumimsim ulit sa gulaman. "Let me explain, okay! Gusto ko na talaga magka-baby. Yung mini version ko. Naiimagine ko magiging itsura niya. Super cute tapos parang may sarili kang manika—"
"Jusko kang babae ka! Oo na, magkaka anak kana soon," hinawakan niya ang aking braso at dahan dahang pinababa sa motor nito. "Kuya isang trysikel po rito!" dinig kong tawag niya sa driver na nakaparada sa terminal sa tabing kalsada.
"Kaso wala akong boyfriend—"
"Talaga naman iisa ka pa talaga. Sige na, ipagdadasal ko na magkaroon kana ng boyfriend. Malay mo magkita kayo ngayon o mamaya. Siya na magiging tatay ng anak mo. Magpabuntis kana agad pag gano'n para naman may inaanak na rin ako. Ako na naaawa sa 'yo," mabilis nitong wika sa akin at tinataboy na ako para makasakay na sa loob ng trysikel.
Nginusuan ko siya at pumasok sa loob. "Sama talaga ng ugali mo, Elara!" Sigaw ko sa kanya.
Tinawanan niya lang ako at kumaway ng dumungaw ako. "Joke lang! Bye, take care! "
"Take care!"
-ˋˏ ༻❁༺ ˎˊ-
Bagsak ang aking balikat ng maglakad patungo sa bahay. Tanaw ko na agad ang bahay sa malayo, kaya nagmamadali na ako sa aking paglalakad para makapagpahinga na. Maingat kong tinanggal ang wig sa aking buhok at nilagay sa net iyon para maitago ng maayos bago ipasok sa bag.
Hinayaan ko lang na nakalugay ang buhok kong kulay silver gold habang naglalakad. Dahil gabi ay malamig na ang simoy ng hangin ngayon at sinasayaw no'n ang aking buhok.
May pasok na naman bukas parang kisap mata lang ang magiging pahinga ko ngayong gabi—
Muntik na akong mapatalon sa gulat ng marinig na may kumakaluskos sa talahiban sa gilid ng side walk. Maya't maya ay may biglang lumabas doon ay basta na lang siyang nahiga sa paahan ko.
"Fuck. W-where's red, Oceanus?"
Napaatras ako ng makitang duguan ito sa bandang ibaba ng kanyang tyan ng subukan nitong tumayo. Pero parang may sariling utak ang aking mga paa, hindi ko alam pero nilapitan ko siya at tinulungang makatayo.
"I need b-backup."
What's happening? May patayan bang nangyari at isa siya sa mga nakatakas!? Natataranta na nilibot ko ng tingin ang paligid, walang ibang tao maliban sa aming dalawa dahil madilim na. Ang mga streetlights naman ay sobrang layo ng pagitan sa isa't isa.
Mabilis ang tibok ng aking puso ng makita ang kanyang ayos. Ang puting polo nito ay narumihan na dahil sa dugong kumalat. Nakahawak ang isa niyang kamay sa sugat nito habang ang isa naman ay inakbay ko sa aking balikat para makatayo ito. Hindi ko magawang tignan ang kanyang mukha dahil nakayuko siya. He was drenched in sweat, and I could hear his soft groans from the injuries he had
When he lifted his head, our eyes met. I remained frozen, staring at his face—especially his gray eyes—and I felt like they were piercing straight through me. Nakakunot ang makapal niyang kilay habang nakatingin sa akin at higit sa lahat ay mapanga ito kahit na well trimmed ang short beard nito.
Ang itim niyang buhok ay bagsak at may iilang hibla na nakadikit sa kanyang noo dahil sa pawis nito. Halatang tinitiis niya ang nararamdaman nito dahil sa natamo niyang sugat na hanggang ngayon ay dumudugo. Mas lalong kumakalat ang dugo sa sout nitong damit.
'Malay mo magkita kayo ngayon o mamaya.'
'Magpabuntis kana agad pag gano'n para naman may inaanak na rin ako.'
Elara's words from earlier echoed in my mind, and even if they were meant as a joke, why does it feel like I'm almost convinced? Sa lalakeng 'to ako magpapabuntis?! Hindi na rin naman masama kung gano'n kasi sa itsura pa lang niya kahit na mukhang miserable dahil sa nararamdaman niya mukhang guwapo naman siya.
Muhkang may lahi 'to—his eyes are gray! Hindi na rin lugi—no, Avah! Nagawa mo pa talagang pagpantasyahan 'tong lalakeng sa lagay na 'to?! Ni hindi ko nga rin alam kung kaedaran ko ba ito o hindi. Pero sa tingin ko ay medyo matanda na ito sa akin dahil ang matured na ng kanyang mukha.
Nabalik ako sa realidad ng marinig ang pagdaing nito at kamuntikan na kaming bumagsak sa sahig kung hindi ko lang siya naalalayan ng mabuti. Ilang kilo ba 'to?! Ang bigat niya! He's a big guy with a broad body frame. I could probably even hide against his chest because of how wide and well-built he is.
"Let me help you, sir," wika ko at mahigpit kong hinawakan ang kanyang braso magsimula kaming maglakad patungo sa bahay.
Hinihingal ako sa paglalakad dahil ang bigat niya. Habang papalapit kami nang papalapit sa bahay ay mas lalo siyang bumibigat. Pagkapasok namin sa bahay ay maingat kong siyang pinahiga sa sofa kahit na hindi siya kasya at tinakbo ang nakabukas na pintuan para isarado iyon. Binaba ko rin ang blinds at nilapitan ito.
"B-backup... Oceanus..." dinig kong bulong niya.
Kumunot ang aking noo. "Anong backup? Hindi ako sa Oceanus, sir—shit. Baka hindi ka nakakaintindi ng tagalog. I'm not Oceanus, sir. You're at my house, and I'm the one who helped you."
Mabilis ang tibok ng aking puso sa kaba dahil nakikita ko pa rin na nagdudugo ang sugat sa kanyang tiyan. Nanginginig ang aking kamay dahil unti unti ng pumapasok sa aking sistema ang nangyayari. I bring a stranger into my house, and worse—he's injured, and I have no idea where he came from. What if he's working for a syndicate?! E'di nadamay rin ako dahil sa katangahan ko! Hindi rin naman kaya ng konsensya ko na iwan siya roon sa side walk na gano'n ang kalagayan niya!
Napatingin ako sa kanya ng bigla itong magsalita bago mawalan ng malay. Pakiramdam ko ay natutunaw ako sa kanyang mga tingin. Nakakunot ang kanyang noo habang hindi inaalis ang tingin sa akin.
"White head."
Anong gagawin ko sa kanya!?
SHANGPU
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top