CHAPTER 6
CHAPTER 6
AVAH SIENNA ANDRADA
"Teacher, Avah. Is it pretty? I will give it to my mommy later."
Kusang sumilay ang ngiti sa aking labi habang chinicheck-kan ang mga art activity ng mga estudyante ko na pinagawa ko kanina. Sa isang long bond paper ay pinadrawing ko sa kanila ang kanilang family members at ipapacheck nila 'yon sa 'kin pag tapos na sila.
"Of course, it's beautiful," nakangiti kong tugon. Binigay ko sa kanya ang bondpaper at nilingon. "Here you go. Keep it, okay? Para ma-surprise mo ang mommy mo later."
Dahil sa 'king sinabi ay nasilayan ko ang ngipin nito. Hindi ko tuloy maiwasan hindi matawa dahil nakita ko ang bungi nitong ngipin.
"Yehey! Thank you, teacher Avah. You're the best teacher!"
Napailing na lang ako at muling natawa bago check-kan ulit ang iilang gawa ng aking estudyante.
I quietly focused on what I was doing and glanced at the kids from time to time as they stayed busy with their own tasks. May mga sarili silang mundo, may iba na naglalaro, nag dadrawing pa rin, may naghahagikhikan sa gilid at ang iba ay naghahabulan pa.
It felt like I was a mom watching over all my kids. I just shook my head at what I was thinking. Grabe ang baby fever ko ngayon.
Mahal ang gatas, mahal ang diaper. Mahal ang gatas, mahal ang diaper. Mahal ang gatas, mahal ang diaper.
Paulit ulit kong pinapaandar 'yan sa utak ko para matauhan ako. Higit sa lahat hindi naman biro manganak 'no. Baka sa labor pa lang mangawawa na ako sa sakit paano pa kaya kapag lalabas na yung anak ko sa akin.
Sakto ng matapos ko ang aking ginagawa ay tumunog na ang bell, break time na ng mga bata at kaming mga teacher din. Hinatid ko muna ang mga estudyante ko sa labas para magtungo sa napakalaking playground para maglaro sila at s'yempre para kumain na rin.
There are a few guards at the playground to ensure all of the children are safe there, may iilang magbabantay rin sa kanila para makasigurado. Nang maglakad ako pabalik sa room ay naabutan ko si Elara na nakaabang na agad sa labas ng pintuan.
"Hoy, break time na," bungad nito sa akin ng makalapit ako sa kanya.
"Teka, magliligpit pa ako sa lamesa ko," tugon ko at nilagpasan siya.
Nagtungo agad ako sa lamesa at sinimulan nang ligpitin ang mga papel pati na rin ang mga nagkagulong mga lamesa ng mga bata.
"Okay ka lang ba?" biglang tanong ni Elara sa akin, nakalapit na siya at kumuha ng bakanteng upuan na inuupuan ng mga estudyante ko at doon naupo.
"Oo, bakit?" tugon ko ng lingunin ito.
Nagkibit balikat ito. "Wala lang, ang tahimik mo kasi. Nasaan na yung paulit-ulit mong sinasabi na gusto mo na ng anak? Hindi ako sanay na tikom 'yang bibig mo, baka masampal kita d'yan."
Hindi ko napigilan ang sarili na tumawa sa kanyang harapan. Kinuha ko ang isang upuan na kagaya sa kanya at doon naupo.
"Ang dami lang gawain kaya nag cacramming ako—"
Matalim ko siyang tinignan nang maramdaman ang mabigat nitong palad sa aking braso. Hindi niya ba alam na napakabigat ng kamay niya?
"Ang oa nito. Huwag mo akong ginaganyan, Avah, dahil kapag nag-cacramming ka, dapat lahat ng teacher din. Ano 'yan, may sarili kang cramming session?"
Inirapan ko siya at bumaba ang tingin sa lapis sa gilid ko, pinulot 'yon at pinatong sa lamesa ko.
"May sarili akong mundo ngayon, Elara. Kaya tigilan mo ako," tugon ko.
"Hindi nga, Avah. Seryoso 'to, ah. Okay ka lang ba talaga? Promise, hindi talaga ako sanay na ganito ka. Feeling ko hindi si Avah yung kausap ko. Baka mamaya nakabuo ka na naman ng isang personality mo."
Inirapan ko siya at napabuntong hininga. Wala akong choice kundi sabihin sa kanya ang nangyari dahil alam kong hindi niya ako titigilan hangga't hindi ko naikekwento sa kanya ang nangyari.
"Eh, kasi..."
-ˋˏ ༻❁༺ ˎˊ-
"Anak ng... seryoso ka ba?!" sigaw niya sa akin.
"Ang ingay! Tahiin ko bibig mo d'yan," sikmat ko sa kanya.
"Seryoso ka talaga?"
Tumango ako. "Oo nga. Bakit ba ang kulit mo? Huwag mong sabihin na hindi ka naniniwala sa sinabi ko?"
Lahat ng nangyari noong nakita ko yung lalakeng kulay abong mga mata ay sinabi ko sa kanya. Walang labis at walang kulang. Tapos ngayon hindi siya maniniwala!
Sarap kurutin sa singit, eh.
Napahaplos na lang ako sa aking black wig at pumasok na naman sa aking isip ang gabing 'yon.
Bagsak ang itim niyang buhok at ang ilang hibla no'n ay dumidikit na sa pawisan nitong noo. Hindi mawala wala sa aking isipan ang mata niyang mala abo, ngayon pa lang ako nakakakita ng gano'ng mata sa malapitan. It's beautiful... 'yon na yata ang pinakamagandang mata na nakita ko.
There's something mysterious about his eyes. It's like he's hiding something you can't figure out. I find it very interesting.
Is he still alive? Putlang putla na kasi siya nong sunduin siya ng kaibigan niya. Baka mamaya naubusan na 'yon ng dugo.
Teka nga bakit ba iniisip ko 'yon?!
"Hoy! Ay, grabe naman ang utak mo kung saan saan lumilipad."
Nabalik ako sa aking ulirat ng marinig ang boses ni Elara.
"May picture ka ba niya?" tanong nito. "Patingin nga."
"Anong patingin nga. Nag aagaw buhay na nga 'yong tao nung niligtas ko tapos manghihingi ka pa ng picture. Iimagine mo na lang yung itsura niya dahil kahit ako hindi ko na nagawang picture-ran. Ang weird kaya ng gano'n. Atsaka sinong matinong tao gagawa ng gano'n? pipicture-ran mo yung tao na duguan. Para ka ring ewan, Elara."
Humalukipkip ito at sumandal sa kanyang kinauupuan. Inirapan niya pa ako bago magpalumbaba sa maliit na lamesa.
Chismis ang inatupag namin ngayon imbis na kumain. Intriga na intriga talaga siya dahil sa kwento ko.
"Pero in fairness, ah. Base sa description mo mukhang guwapo nga pero..."
"Mukhang matanda na," pagtutuloy ko.
Humagikhik ito at mahinang hinampas ang aking braso na akala mo ay nang-aasar.
"Ano ka ba. Okay na 'yon, age doesn't matter. Malay mo, siya talaga para sa 'yo."
Inirapan ko siya at tumayo para ituloy na ang pagliligpit ng mga kalat sa lamesa ko. Masyado rin akong nadala sa kwentuhan namin kaya hindi ko natapos ang aking ginagawa.
"Nag-order na lang pala ako ng pagkain natin. 4 minutes na lang nandito na 'yon," bigla niyang wika at tumayo na rin para tulungan ako sa paglilinis.
"Saan ilalagay 'tong ibang mga folder?" tanong niya sa akin.
"Kahit sa tote bag ko na lang. Ako na mag-aayos n'yan mamaya pag-uuwi na ako," tugon ko habang abala pa rin sa ginagawa.
"Okay."
"Avah..."
Umabot pa yata ng ilang minuto bago ko marinig ulit ang boses ni Elara. Iba ang tono no'n kaya napalingon agad ako sa kanya.
"Hmm? Bakit?" sagot ko.
Nakakunot ang noo nito at nilingon ako habang may hawak-hawak na kaha sa kanyang kaliwang kamay.
Shit! Paano napunta 'yon sa bag ko?!
Mabilis ang tibok ng aking puso nang basta na lang na hinablot sa kanyang kamay ang hawak nito. Agad kong binalik 'yon sa tote bag at sinalubong ang seryoso niyang mukha. Pakiramdam ko ay nagbubutil ang iilang pawis sa aking noo dahil sa kaba.
"Akala ko ba matagal ka nang hindi gumagamit nito?" tanong niya sa akin.
Napabuntong hininga ako. "I'm sorry. That night it's just stressing me out, Elara," pagtukoy sa kinwento ko sa kanya kanina. Malambot ko siyang ningitian at hinawakan ang kanyang kamay. "I promise I'll stop smoking."
"You're not getting any younger, Avah. Alagaan mo naman ang sarili mo," seryoso niyang wika sa akin.
Tumango ako. "Of course, inaalagaan ko naman—"
"At hindi kasama ro'n ang paninigarilyo, gaga ka!" sikmat nito sa akin. "At paano naka pasok 'to rito? Mabuti hindi nakita ng guard sa labas at kapag na report 'to sa head ng faculty mapapagalitan ka."
"I promise, hindi ko matandaan na nilagay ko 'yan d'yan. Atsaka baka natambakan ng mga ibang gamit yung bag ko kaya hindi niya nakita 'yan," pangangatwiran ko.
Totoo naman din ang sinasabi ko. Sa sobrang daming ganap at ginagawa ngayon sa school hindi ko na alam kung ano ang pinapasok at nilalabas ko sa aking bag.
Napabuga na lang sa hangin si Elara bago humalukipkip. "Itago mo na agad 'yan at baka makita pa ng iba lalo na ang mga bata!" mariin niyang bulong sa akin.
"Oo. Hindi ko naman din hahayaan na makita nila 'to. Kahit ganito ako nilulugar ko pa rin yung ginagawa ko sa labas ng school at dito 'no."
Napailing na lang ang kaibigan ko. "Siguraduhin mo lang talaga. Lalabas muna ako para kuhain yung pagkain, nagtext na sa akin yung rider naghihintay na raw sa labas."
"Okay."
-ˋˏ ༻❁༺ ˎˊ-
"Teka nga, Avah. Hayop ka ang sakit na ng tyan ko katatawa. Nakakainis ka talaga."
Natigil ako sa pagsubo ng kinakain kong fried chicken dahil sa sinabi nito. Pigil ko ang aking tawa habang pilit na nginunguya ng maayos ang pagkain bago lunukin.
Nananakit na rin ang aking tyan dahil kanina pa kami tumatawa sa mababaw na dahilan. Inabot ko ang nestea lemon juice at ininom 'yon.
"Ayaw k-kona," nanghihina kong wika at unti unti na namang natawa.
Dahil doon ay nahawa na naman si Elara sa akin. Ang hagikhik ay nauwi sa halakhak na umabot sa labas ng room. Napapatingin pa sa amin ang ilang teacher na dumadaan pero binalewala lang namin 'yon.
"Avah! Stop laughing!" namimilit na sambit ni Elara habang nakahawak sa kanyang tyan.
"What! Why? I can't stop laughing."
"You're not funny anymore. It's your laugh I found funny. Hindi mo ba alam na 'yang tawa mo ay fox laugh?"
Dahil doon ay muli na naman kaming napahalakhak. Hindi ko alam kung ilang minuto kaming nahimasmasan at pinunasan ang luha dahil sa pagtawa.
Maya't maya ay may kumatok sa nakabukas na pintuan at sabay-sabay kaming napatingin. Isa itong guard sa labas ng school, may bitbit na bulaklak. Isang bouquet ng red roses. Kumunot ang aking noo dahil do'n.
"Good morning po mga ma'am. Pinapadala po para kay Ma'am Avah."
Nagkatinginan kaming dalawa ni Elara dahil do'n. Sinong nagbig—it's him. It's him again.
"Kunin ko muna," pagpapaalam ko kay Elara.
"Sure."
Tumayo ako at lumapit sa guard. Kinuha ko 'yon at ningitian siya.
"Thank you po, kuya. Sino po pala naghatid?" tanong ko. Gusto ko lang na siguraduhin kahit na alam ko kung sino ang nagpadala.
"Si Sir Cian po, Ma'am Avah."
Dahan-dahan akong tumango at nilingon si Elara. Tinanguan niya lang ako, at alam ko na agad ang ibig nitong sabihin.
"Nasa labas pa po ba siya?" tanong ko.
"Siguro po, Ma'am. Kabibigay niya lang po sa akin 'to, eh. Inutusan ako na ibigay rin agad sa 'yo yung bulaklak."
Tumango ako. "Sige po, kuya. Thank you."
"You're welcome, po."
Nauna na akong maglakad sa hallway patungo sa malaking gate nitong school para maabutan si Cian. Ibabalik ko na 'tong bulaklak na binigay niya dahil nagsasayang lang siya ng pera.
Kitang-kita ko na agad siya sa malayo, nakasuot ito ng itim na tshirt at maong na pantalon. Nakaayos din ang kanyang kulay tsokolateng buhok at panay tingin sa wrist watch nito. Paminsan-minsan naman ay sumusulyap sa pwesto ko na halatang hinihintay ako na puntahan siya.
Nakapasok na siya sa loob ng gate at doon lang siya nakasilong sa open space na waiting area. Pero ang kanyang itim na kotse ay kitang kita ko na nakapark sa gilid ng side walk. Alam ko na sa kanya 'yon dahil 'yon naman palagi ang ginagamit niya sa tuwing susunduin ako rito noong boyfriend ko pa siya.
Mabilis ang aking paglalakad hanggang sa maabutan ito. Walang emosyon ang aking mukha hanggang sa malapitan siya at natigilan ng makita akong nagmamadaling lumapit sa kanya.
"Avah..."
Hindi natapos ang kanyang sinabi ng basta ko na lang binato sa kanyang dibdib ang bulaklak na hawak ko.
"Can you please stop doing this, Cian."
SHANGPU
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top