CHAPTER 16

CHAPTER 16

AVAH SIENNA ANDRADA

Nang marinig ang bell sa labas ng room ay napangiti na lang ako ng marinig ang hiyawan ng mga bata kong estudyante dahil uwian na nila. Pinagmamasdan ko sila kung paano isakbit ang mga cute na backpack sa kanilang likod habang nagkukumahog na damputin ang mga iba pa nilang gamit.

"Yehey! We're going home na!"

"Bye-bye po, Teacher Avah!"

"Teacher Avah, we're going home na po. Babye po!"

"Bye, Teacher Avah! Ingat po kayo pauwi sa house niyo!"

Hindi ko maialis ang ngiti sa 'king labi habang pinagmamasdan ang mga bata. Ang cute-cute nila tignan. Ang mga kamay nila hanggang braso ay tadtad ng star stamp dahil pinagdiskitahan nila ang stamp na tinago ko sa drawer nitong lamesa ko. Marunong na talaga sila mangalikot ng mga bagay-bagay.

"Okay, take care, kids. Kapag wala pang susundo sa inyo, you can stay at the playground. May magbabantay sainyo roon, okay?" malambing kong wika sa kanila.

Sabay-sabay silang tumango. "Yes po!"

Nakatayo ako sa bukana ng nakabukas na pintuan at pinanood ko silang sabay-sabay na lumabas sa room habang nakapila. May isang school staff na mag-gaguide sa kanila papunta sa playground kaya nakatanaw na lang ako sa kanila hanggang sa mawala sa 'king paningin.

Nang makita silang lahat na naglalaro na sa playground sa malayo ay saka lang ako pumasok sa loob ng room para linisin ang mga kalat at ayusin ang mga nagulong upuan.

Ngayong araw ay wala si Elara dahil may importante siyang lakad kaya tahimik ang mundo ko ngayon, pero hindi ako sanay dahil mas gusto ko na binubulabog niya ako kesa sa ganito.

Mabilis lang din akong natapos sa 'king ginagawa kaya ang lamesa ko naman ang inaayos ko ngayon. Nilagay ko sa organizer lahat ng mga activities naipasa ng mga estudyante ko dahil sa bahay ko na 'to balak icheck.

Habang sinasalansan naman ang iilang folders sa totebag ko ay biglang tumunog ang aking cellphone. Napabuga na lang ako ng hangin at kinuha 'yon dahil alam ko naman kung sino ang taong panay text nang text sa 'kin.

From: DNI‼️🚫

Your class should be over by now. It's already 5 PM.

Are you on the way to your house?

Please take care.

You're still mad at me? It's been 3 weeks. Hindi ako pupunta sa bahay mo dahil 'yon ang sabi mo, I respect that but if you would let me go there and talk about the problem between us, I will go there ASAP.

Napairap ako sa ere. Dapat ay i-bo-block ko ang number nito, matagal ko nang balak 'yon pero parang may bumabagabag sa 'kin kaya hindi ko magawa 'yon. May choice ako, may choice ako ng gawin 'yon pero parang nakikipaglaban ako sa sarili ko sa kagustuhang iblock siya o hindi.

Akmang papatayin ang cellphone nang makita ang sunod nitong text sa 'kin.

From: DNI‼️🚫

Is Cian still bothering you, Avah? If he's still doing that, call me right away.

Tumaas ang isa kong kilay nang mabasa ang tawag niya sa 'kin. Naupo ako sa 'king upuan at nagsimulang magtipa ng irereply ko sa kanya.

To: DNI‼️🚫

Anong meron at bakit Avah na ang tawag mo sakin at hindi Sienna?

Himala at naka first name basis kana. Ngayon mo lang narealize na nakakapagod sabihin ang Sienna kaysa sa Avah?

From: DNI‼️🚫

I guess you're right, I'm tired of calling you Sienna.

I prefer calling you Avah now.

Napabuntong hininga na lang ako at pinatay ang cellphone bago ipasok sa loob ng bag. Sinigurado ko muna na malinis ang kapaligiran bago lumabas ng room. May maglilinis naman dito, pero mas maganda na kaunti na lang ang lilinisin para hindi mahirapan.

Dahil wala si Elara ngayon, diretso uwi ako sa bahay at hindi makakatambay ng mag-isa sa pinupuntahan namin dahil mukha lang akong tanga no'n.

"Ingat po sa pag-uwi, Ma'am Avah," paalam sa 'kin ng guwardya.

"Thank you po!"

Nang makalabas na sa gate ay dumiretso agad ako sa sidewalk para dumiretso sa terminal ng mga tricycle. Akmang tatawid na sana ako nang may humawak sa aking kamay kaya napalingon ako sa 'king gilid.

"Avah."

Kumunot ang aking noo ng makitang si Cian 'yon. Hindi niya pa rin talaga ako tinatantanan hanggang ngayon!?

"Wala akong panahon para sa mga sasabihin mo ngayon, Cian. Kaya kung ayaw mong mahampas ko sa 'yo 'tong tote bag sa mukha mo, bitawan mo 'yang kamay ko," pambabanta ko sa kanya.

"Avah naman..." wika niya sa 'kin at halata sa tono ng kanyang boses na nasaktan ito sa sinabi ko.

"Hindi ka ba nakakaintindi? May boyfriend na nga ako, 'di ba? Bakit ba ang tigas ng ulo mo?" tumaas ang tono ng aking boses.

"Ilang araw na kitang sinusundan, pero sa lahat ng araw na 'yon hindi mo kasama ang boyfriend mo—"

Mariin akong napapikit at pinutol ang kanyang sinabi.

"Hindi sa lahat ng araw at oras ay sa 'kin lang umiikot ang mundo ni Atlas, Cian," madiin kong wika at lumapit sa kanya. "May business trip ang boyfriend ko sa ibang bansa ng ilang weeks kaya hindi ko siya palaging kasama, ano? masaya kana ba? Ano pa bang gusto mong malaman na boyfriend ko talaga siya?"

Bumaba ang tingin ko nang bigla niyang hinawakan ang aking kamay at nagmamakaawa na tinignan ako.

"K-kung gano'n... habang wala pa siya, p'wede naman na ako muna ang maging boyfriend mo. Habang wala pa siya, ako muna ang pupuna sa lahat ng pangangailangan mo sa kanya."

Napaawang ang aking labi sa sinabi niya. Gago pala 'to, eh!? Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa utak niya at nagagawa niyang magsalita ng ganito.

"Ano bang problema mo!?" sigaw ko, pakiramdam ko ay umakyat ang dugo sa 'king ulo.

Naramdaman ko na nanginginig ang aking balikat dahil sinasagad na talaga niya ang natitira kong pasensya ngayong araw.

Malakas ko siyang tinulak at awtomatikong nabitawan niya ang aking kamay. Dinuro ko siya at matalim na tinignan.

"Hinding hindi ako gagaya sa 'yo, Cian. Hindi ako gagaya sa 'yo na habang wala at hindi kasama ang partner ay maghahanap ng taong magpupuna ng pangangailangan niya!" nanginginig kong wika habang nakaduro pa rin sa kanya. "Hindi ko hahayaan na sirain ang relasyon namin para lang sa panandalian saya, dahil ang gumagawa lang no'n ay mga taong walang utak na kagaya mo!"

"Ano bang meron sa kanya na wala ako!" sigaw niya. "Ang sa 'kin lang naman, bakit parang tatay mo na ang pinalit mo sa 'kin?!"

Sumisigaw na siya sa 'king harapan at nakakaagaw na siya ng atensyon sa ibang tao. Mabuti na lang at medyo malayo na ako sa school kaya wala nang gaanong teacher ang makakakita sa amin.

"Sa tingin mo hahayaan ko na palitan si Atlas sa isang katulad mo?" matigas kong wika sa kanya. Dumukwang ako sa kanya at nilapit ang mukha para marinig niya mismo ang sunod kong sasabihin. "Sa katawan pa lang niya talo kana. How much more with his dick?"

"Avah naman!"

Hinawakan niya ang aking braso. Agad na nilamon ng takot ang aking dibdib dahil sobrang sakit ng hawak niya roon. Nagiging agresibo na siya, nilalamon na siya ng kanyang galit at selos.

"Ano ba! Huwag mo nga akong hawakan!" sigaw ko kahit na natatakot.

Malakas ko siyang tinulak at umangat ang aking kamay para ipadapo ang palad ko sa kanyang mukha. Lumagapak 'yon at natigilan siya dahil sa ginawa ko. Parang natauhan pa yata siya kaya nang harapin ako ay bumaba ang tingin niya sa 'king braso.

Namumula na 'yon, bumakat pa ang kamay at daliri niya roon. Matalim ang tingin na binigay ko sa kanya habang hinihimas ang aking braso.

"Avah... I'm sorry, I'm sorry, babe—"

"Stop calling me that!" singhal ko.

Nilagpasan ko siya at nagmamadali na naglakad, pero patuloy pa rin siya sa pagsunod sa 'kin at sa pagsasalita.

"Avah, please! I'm begging you, come back to me!"

Mariin akong napapikit at hinarapan siya.

"I will not go back with a cheater like you!" galit kong wika. "Ikaw may kasalanan, 'di ba? Ikaw may dahilan kung bakit tayo naghiwalay!"

"I know! That's why I'm here to say that I regret everything I did to you," naiiyak niyang wika. "Nagbago na 'ko. Nagbago na 'ko para sa 'yo."

"It's already too late," mahina kong wika. "Wala ka nang babalikan pa sa 'kin."

Dapat tapos na 'to. Dapat okay na 'to pero putangina niya, naluluha na naman ako dahil sa pagiging gago nito sa 'kin noon. Naalala ko lahat, parang inisahang bagsakan sa 'king utak ang mga alaalang 'yon. I already moved on from him. Matagal ko ng kinalimutan lahat ng masayang alaala naming dalawa bago pa niya ako lokohin. Bago pa tuluyang masira ang matagal na relasyon naming dalawa.

"You know what, Cian. Handa na akong mag settle down sa 'yo... hinihintay ko na lang na mag propose ka sa 'kin kasi ano pa bang kailangan nating hintayin noon? May trabaho naman na tayo, nabigay mo naman na lahat ng gusto mong ibigay sa mga magulang mo. Yung mga kaedaran at batchmates natin may asawa at pamilya na. Handang handa na 'ko bumuo ng pamilya at magka anak sa 'yo pero dahil sa ginawa mo, lahat ng 'yon nasira! Nawala ng parang bula!"

"Hindi ako nanghihinayang na kalimutan lahat ng masayang alaala natin. You cheated on me, at kahit anong rason pa ang ibato o paliwanag mo sa 'kin walang magbabago. Kahit na pagbalikbaliktarin mo ang mundo walang magbabago dahil cheater ka! The moment that you kissed her, touched her, went out with her without telling me you're already a cheater, Cian. Kaya wala ka ng babalikan sa 'kin! Hindi ko kaya magkaroon ng anak at cheater pa ang tatay!"

Hininingal ako ng banggitin ko lahat ng 'yon. Matalim ang aking titig, nanlalabo ang aking paningin dahil sa luhang nagbabadyang tumulo pababa sa 'king pisngi habang hinihimas ang aking braso. Ramdam na ramdam ko ang panginginig ng aking katawan dahil sa galit.

"Avah... it was an accident—"

"Bobo!" sigaw ko at malakas na tinulak siya kaya napaatras ito. "Bobo! Bobo ka! Bobo! Tangina mo! Ang ganda ng propesyon mo pero ang pag-iisip mo hindi!" singhal ko sa kanya habang tinutulak pa rin ito. "It was an accident!? Seryoso ka ba?! Aksidente bang may nangyari sa inyo habang nagse-seminar ako sa Cebu?! Was it an accident that you put your fucking dick inside her?!"

Nakahawak na ako ngayon sa 'king dibdib dahil naninikip 'yon sa galit. Alam kong pulang pula na ang buong mukha ko kakabulyaw sa kanyang harapan para lang ipamukha sa kanyang harapan na hinding hindi na ako natutuwa sa ginagawa niya. Mabilis kong pinunasan ang luha sa 'king pisngi at matalim na tinignan siya.

"You're a fucking cheater, Cian," madiin kong wika at muling dinuro ito, kapansin pansin ang panginginig ng aking daliring nakaduro sa kanya. "And I will never ever go back to you—"

Hindi ko natuloy ang aking sinabi nang biglang may humarang sa harapan namin, at nagpapasalamat ako sa taong 'yon dahil hindi nakaabante papalapit sa 'kin si Cian.

"I think this is enough," pamilyar na boses ang aking narinig.

Umangat ang aking ulo at nakita ang taong may pulang buhok. Anong ginagawa ni Red dito?

"Sino ka naman?" dinig na tanong ni Cian.

"Assistant ng boyfriend nitong taong ginugulo mo," mabilis na tugon ni Red. "Do you have problem with that?"

Nang harapan ako ni Red ay tipid niya akong ningitian bago magsalita.

"He ordered me to drop you off at your house, dahil ayaw mo naman siyang makita ako na lang ang inutusan niya. And just agree please, kanina pa nandidilim ang paningin ni Atlas sa ex boyfriend mo."

Kumunot ang aking noo sa sinabi nito. Biglang lumingon sa kabilang kalsada si Red kaya sinundan ko 'yon ng tingin, doon ay nakita ko si Atlas. Nakatingin lang siya sa 'kin. Hindi ko kita ang abo niyang mga mata dahil naka sout ito ng itim na shades. Nakababa ang bubong ng sinasakyan niyang kotse kaya kitang kita ko siya na nakaupo sa driver seat habang nakahawak sa steering wheel, at tahimik lang na nakamasid sa 'min.

"He saw everything?" mahina kong tanong kay Red.

Hindi ko inaalis ang tingin kay Atlas, sa paraan na 'yon ay pakiramdam ko ay kumalma ang paghinga ko. Parang napawi lahat ng inis at galit ko kay Cian ng makita siya.

"Yes," sagot ni Red. "Everything," madiin niyang wika.

Bago pa makita ni Cian kung saan kami nakatingin ay nakita ko na unti unting umangat ang bubong ng sasakyan ni Atlas at pinaandar ang kotse. Bago kami malagpasan ay binusinahan niya ang kotse ni Red.

"Get inside," mabilis na wika ni Red ng pagbuksan niya ako ng pintuan sa passenger seat.

"Teka! Avah!" dinig kong sigaw ni Cian.

"Tantanan mo 'ko, Cian," malamig kong wika bago tuluyang makapasok sa loob ng kotse.

Sinuot ko ang seatbelt at sinandal ang ulo sa bintana. Nanahimik ako sa buong byahe. Mabuti na lang at hindi nagawang kausapin ako ni Red tungkol sa nangyari kanina.

Inabot ng ilang minuto ang byahe hanggang sa naramdaman ko na nag-vibrate ang phone ko kaya kinuha ko 'yon at tinignan kung sino 'yon.

From: DNI‼️🚫

I brought some ice packs. Sinabit ko na lang sa doorknob.

I know that what your bastard ex did to you will leave a mark on your arm. Use the ice packs, they help reduce the swelling.

It's a good thing you don't want to see me right now. Because if I were there and your ex did what he did to you earlier in front of me, I would've punched that bastard in the face without a second thought.

Napalunok na lang ako at matagal na nakatitig sa text nito. Pakiramdam ko ay galit siya, kahit hindi ko nakikita ang mata niya sa sout nitong itim na shades ay pakiramdam ko nakakunot na ang noo niya habang nakatingin sa 'min.

To: DNI‼️🚫

Are you mad at me?

From: DNI‼️🚫

No, I will never be mad at you. I'm mad at your ex.

Napabuntong hininga na lang ako. Pinatay ko ang cellphone at binalik sa bag habang tahimik na nakatingin sa nadadaanan naming mga puno. Pinikit ko ang aking mata at sinubukang umidlip.

Pero si Atlas na naman ang pumapasok sa 'king isipan. Hindi ko naman itatanggi na sa ilang weeks na hindi kami nagkikita ay namiss ko siya.

Somehow I wish that he had butted in when Cian and I were fighting a while ago.

SHANGPU

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top