Your Flaws Complete Me

Genre: BL

Mental disorder — that's what they call this thing in my head or this pain in my heart. Actually, I don't know where it causes more havoc anymore.

Hindi kaya ng utak kong ibalanse ang mga kemikal na komokontrol sa aking pakiramdam. It has two phases. Manic ang tawag sa mga panahong punung-puno ako ng enerhiya. Panay ang ngiti habang hindi mapakali. Sa mga panahong iyon ay makikita lagi ako sa bar. Palipat-lipat ng lamesa. Kung kani-kanino nakikisalamuha. They used to call me Tyler, the light of the party.

I was in my manic phase when I met Cody. Pang-ilan ko na nga ba siya? Hindi ko na mabilang. Hindi naman kasi talaga naging kami.

Inangat ko ang aking kamay upang damhin ang ambon. Mahapdi pa rin sa balat ang bawat patak ng tubig galing sa langit. Kasing hapdi ng sugat na dinulot ko sa kanya walong taon na ang nakaraan. Sariwa ang araw na iyon sa aking memorya gaya ng malalamig na patak ng ulan sa eskintang tinatahak ko.

"My name is Cody Alfonso Mendoza," he introduced himself with a voice as deep as the lonely sea.

Una ko siyang nakilala sa unang araw sa kolehiyo. We were both freshmen in Ateneo. He had to stand in front just like everyone else. He was waving his hands like a musical conductor as he was introducing himself in front of the class.

"I'm eighteen and I like basketball," dagdag pa niya.

Bahagya siyang napalingon sa direksyon ko. Nakapalumbaba pa ako habang nakatingin sa bintana. I was admiring the sunset and the trail of blood it left in the sky.

Patuloy lamang siya sa pagpapakilala. Kung saan siya nagmula at kung ano ang kursong kinukuha niya. Hinehele ng malambing niyang boses ang aking atensyon mula sa upuang kinalulugmukan ko. Marahan kong inilihis ang aking ulo. Kasabay ng paglubog ng araw ay ang pagbalik ng lakas ko mula sa buong hapon na pagkamukmok.

"I hope we can all be friends. I also live a few blocks from here," pagtatapos niya.

Sa kanya ay napako ang aking tingin. Nakatitig ang mga dalaga kong kaklase sa kanya. Tuluyan nang umuwi ang araw sa makasirilng kanluran. Kusang kumurba pataas ang aking mga labi habang pinagmamasdan ang nakahuhumaling na ngiti ni Cody.

Kung tatayo kami, malamang ay nasa balikat lamang niya ako. Mukha siyang mayaman. Kumikinang sa puti ang kanyang ngipin. Makapal ang kanyang mga kilay habang may galos naman ang sa akin. Batak ang kanyang katawan samantalang katamtaman naman ang anyo ko. His eyes were pitch black, mine were as brown as chocolate. He has a dimple on the right cheeck, I have one on the left. He had his hair fixed, mine was a mess.

"Hello," pagbati ko. He politely walked towards his assigned seat beside me. Marahan kong inangat ang aking kamay na medyo namamanhid pa sa buong araw kong pagsandal. "I'm Tyler Montemayor. Looks like we'll be seatmates the entire year."

"The entire year lang?" halakhak niya.

"Palabiro ka rin pala, eh ano?" tugon ko. Tinangka ko siyang kamayan.

Hinawi niya ang kamay ko. He brought out his alcohol before spraying some at my hands. He put some on his before rubbing my palm. He looked at me with his playful eyes. I sighed a warm air fogging my eyeglasses. Kinuha niya ang salamin ko. Pinunas niya ng malambot na tissue bago muling ipinatong sa matangos kong ilong.

"There, better," nakangiti niyang sambit.

Nagulat ako sa ginawa niya. Sa unang pagkakataon ay nakatagpo ako ng taong may kakaibang saltik na kagaya ko. Napatitig ako sa aking palad. I adored every trace of alcohol that quickly evaporated in that cold afternoon. It is as if he left his sensation on every nerve of my hand. Muli ko siyang binalikan. Sa mga oras na iyon ay nakaayos na ang kanyang mga gamit sa lamesa ayon sa mga kulay nito.

"Ang O.C. mo naman," puna ko.

Pasimple niya akong nginitian bago muling pinantay ang mga gamit niya.

Buong araw ay tanging sa pisara lamang siya nakatingin. Panay ang sulat niya habang nagtuturo ang guro namin. Meanwhile, I was busy playing with my pen. There are times that I could not help but glance at him. May kung anong bagay sa kanya na nagpapabilis sa tibok ng puso ko. Hinayaan kong sumayaw ang oras hanggang sa matapos araw na iyon.

"Do you wanna party with me and my friends? May pupuntahan kami mamaya sa Taguig," yaya ko. Kumukuyakoy na ang aking paa habang siya naman ay nakatitig sa suot kong polo.

"Bro, we have a quiz tomorrow," he laughed. Nagulat ako sa sunod na ginawa niya. Inabot niya ang itaas ng aking polo at sinimulang isara ang dalawang butones na nakalawlaw. "Better yet, why not come with me? Badtrip kasing schedule ito. Gabi na tayo uuwi tapos ang aga na naman bukas."

That was the day I knew we'd be good friends.

Heaven knows how much I wished we could have been more than that.

Ganoon kami sa loob ng halos isang taon. Sa kanila ako nakikitulog tuwing Lunes ng gabi dahil sa balahulang alas-sais na klase kinabukasan. Noong una ay sa sahig ako ng kuwarto niya natutulog. Matapos lamang ang ilang araw ay halos solohin ko na ang kama ni Cody. May mga pagkakataong nag-uunahan kaming gumamit ng banyo. There were even days when we had to shower together.

In all those times, I knew— rather, I hope we both knew that there was something special. Pero pareho kaming kibit-balikat sa mga kakaiba naming tagpo. Tuwing sinusubuan niya ako ng ice cream habang naglalaro kami ng Playstation sa kuwarto. Tuwing magkapatong ang mga hita namin sa kama. Tuwing sinasabon niya ang likod ko sa banyo.

I made sure I was with him only in my manic phase. Ginusto kong tanging ang masayahing Tyler ang maiwan sa mga alaala ni Cody. Tanging mga halakhak ko ang ninais kong umikot sa maliit niyang kuwarto, sa sulok ng aming silid-aralan, sa bawat lugar na kasama ko siya.

However, I was not always in the sun. Depressive state is the other side of my condition. I usually had it at a certain time of the day. Minsan ilang oras pero may mga panahong umaabot ng ilang araw. I had my greatest depressive symptoms on the last day as a freshman in Ateneo. I stood him up when we were about to get our grades in school. I was about to tell him my feelings that day. When he went home, my things were no longer in his room.

Bigla akong naglaho sa buhay niya.

Ito ako ngayon. Walong taon ang lumipas. Nakatayo sa tapat ng kanyang apartment sa New York. Mula nang malaman kong dumating siya rito ay agad akong humarurot patungong timog ng Central Park. Kahit nasa kalagitnaan ng meeting sa trabaho ay kumaripas ako nang takbo. Naliligo ako sa ulan habang nakatitig sa kanyang pintuan. Ngunit tila mas malakas pa ang pag-bugso ng aking mga luha kaysa sa tubig na nagmumula sa langit.

I knocked. I gathered the remaining energy I had left. Masuwerte na siguro ako dahil nakakapag-isip pa ako nang wasto. Ramdam kong naghahamog na naman ang aking ulo. Tila napupuno na ng tubig ang aking baga. Nahihirapan na akong huminga. Dinadalaw na naman ako ng pakiramdam na tila ba nalulunod. Unti-unti na akong nababalot ng lungkot kasabay ng pagbasa ng ulan sa aking katawan. Kalungkutan na hindi ko maipaliwanag.

"Yes?" pagbati niya nang bigla niyang buksan ang pinto. Mabilis akong natauhan.

Tila wala siyang pinagbago. I stared at those familiar eyes that are as black as the galaxy. He has a beard now, properly trimmed like what he would usually do. His hair is still as slick as ever. Tinangka kong iwasan ang kanyang tingin. Ngunit panay ang titig ko sa dalawang pares ng butones na hindi nakasarado sa itaas ng kanyang polo.

"Cody " malambing kong bigkas. Nanginginig pa ako sa lamig dahil sa mababang temperaturang bumabalot sa basa kong suot. Pinuno ko ng malamig na hangin ang aking baga bago ko nilakasan ang aking loob. "I know you hate me. I'm really sorry for ghosting"

Hindi niya ako pinatapos. Bigla niya akong sinapak. Napaupo ako sa sa aspalto. Hinawakan ko ang aking pisngi. But the pain did not come from his fist. It was coming from my chest instead.

Nakatitig lamang siya sa akin. I kept repelling his gaze but my eyes kept on being magnetized by his familiar face. The face that I longed for. His face that I spent years thinking whenever I'm curled up in my room.

"I have Bipolar disorder," paliwanag ko. Hinayaan kong takpan ng basa kong buhok ang namumugto kong mga mata. "I had my worst attack before the summer of that year."

Panay ako hikbi. Naghihintay ako ng kahit anong reaksyon mula sa kanya. Hinawi ko ang sipong tumutulo na sa aking ilong. Magkasalubong na ang kilay niya habang nakatayo sa pinto.

"I know that I'm being petty right now," dugtong ko. Tila mga nota ng piano ang bawat patak ng ulan. Playing like a requiem for those eight years that I never fought for him. "I was a danger to myself. I had to return to America to seek medical help."

Walang humpay ang paghampas ng ulan sa aspalto. Walang tigil ang paglatigo ng unos sa likod ko dahil sa mga ginawa ko.

Napakagat siya ng labi. Namumugto na ang kanyang mga mata habang nagpatuloy ako sa mga pagnanangis ko.

"I'm really sorry. I know that you deserve an explanation." Marahan akong tumayo. Humakbang ako ng isa patalikod. "Naparito ako upang tuluyan nang magpaalam."

Mabilis siyang lumabas ng bahay. Tinungo niya ako sa tapat ng pinto. Unti-unting nabasa ng ulan ang kanyang suot. Ang maayos niyang buhok ay agad na lumawlaw dahil sa tubig mula sa langit. Hinawakan niya ako sa kuwelyo at pinilit na ipinaharap sa kanya.

"Why did you never come back?" himutok ni Cody.

"I was too afraid to face you," nanginginig kong sagot.

"Why did you never call me?"

"I was in a state of extreme depression. Every time I tried, I was drowning in sadness."

Nakatitig lang ako sa kanya. Ang mga mata niyang tila nagmamakaawa. Mga matang tila naghahalungkat ng sagot mula sa bibig ko.

Bigla niya akong niyakap. Isinandig niya ang mukha ko sa kanyang dibdib. I could hear his heartbeat better than the rain this time. Gamit ang isa niyang kamay ay hinaplos niya ang aking buhok. Ipinatong niya ang kanyang baba sa aking ulo.

"Of course I knew you have bipolar, dummy," saad niya. Ramdam ko ang bibrato ng boses niyang kay tagal kong inasam. "I saw the pills you're taking while you were in my room. May mga araw na hindi ka pumapasok dahil alam kong sinusumpong ka. May mga araw na hindi mo ko kinakausap dahil alam kong naroon ka sa bahay niyo at nagmumukmok."

Mabilis akong napakalas. Tinitigan ko siyang mabuti. Ang tubig ulan na umaagos sa aking mukha ay tila mas lalong umaalat.

"Cody"

"I was just waiting for you to tell me," nakangiti niyang bigkas. Hinawakan niya ang mga pisngi ko habang hinahawi ang mga luha sa aking mga mata. "Tyler, I don't know if you noticed even before but I am a minor case of Obsessive Compulsive Disorder. Do you honestly think you're the only one with flaws?"

Natulala ako sa sinabi niya. That explains his habits. His over cleanliness. The way he looks. The way he fixes his things.

"But I'm better now," paliwanag niya. Muli niya akong niyakap at ginulo ang aking buhok. "You were the worst habit to have alam mo ba iyon? Ilang buwan akong hindi makatulog mula nang umalis ka sa buhay ko. Ilang taong kitang hinanap."

"I'm sorry," panaghoy ko. Napalunok ako ng laway. "Kung pareho lamang sana nating alam ang kapintasan ng bawat isa."

"That's why I'm here," paliwanag niya. "Just promise me you won't ghost me again."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #anthology