8
Dahan-dahan akong naglakad papasok ng bahay nila Joaquin. Laking tuwa ko na lang na wala na akong nasilayang kahit sino nang makatapak na ako ng sala. Initcha ko ang handbag na hawak sa sofa saka dumiretso sa kusina para kumuha ng tubig.
Parang sampung dekadang hindi nakatikim ng malamig na tubig ang lalamunan ko nang makainom na 'ko. Pinipilit ko ring ilakad ang aking sarili, nilalabanan ang kalasingan. I wasn't only thirsty for cold and moisting water but I'm also hungry as hell.
"Dinner's already done. Where the hell have you been?" Nagtitingin ako ng pagkain sa ref nang biglang may magsalita sa likuran ko kaya agad akong napatayo. Pagkalingon ko'y matalim siyang nakatingin sa'kin habang nakahalukipkip at nakasandal sa lamesa.
"D'yan lang," tipid kong sagot at sinubukang lagpasan siya ngunit naabot niya agad ang aking braso. Hinila niya 'ko pabalik sa kanya saka niya inilapit ang kanyang mukha sa'kin para amuyin.
"D'yan ka lang nag-inom? Kung d'yan lang, bakit alas dos ka na ng umaga nakauwi? At wala ka man lang pasabi?" inis niyang sambit. "Again, Keira Denise, where the hell have you been?"
"D'yan lang sa Quezon, sa condo ng kaibigan ko." Well, lying is pointless now. Wala rin naman akong alam na inuman malapit dito sa mansyon nila.
At saka ano naman kung sa Quezon City pa 'ko makipag-inuman? Kasalanan ko bang doon nakatira si Lexi?
"Wow, parang magkapitbahay lang ang Maynila at Quezon, ah."
"Ano bang pakialam mo? I can handle myself drunk." Before he can start lecturing, I started marching out of the kitchen. Hangga't maaari ay huwag sanang mag-ekis ang lakad ko. Rinig ko rin ang mga mabibigat niyang yabag na sinusundan ako. "Anong pakialam ko?" Naabot niya ang braso ko ulit kasabay ang pagtapak ko sa hagdan, paakyat na sana ng kwarto ko.
"Oo, wala naman dapat, 'di ba? Dahil hindi mo naman ako kaano-ano. Stop acting like you're one of my brothers."
"Hindi nga tayo magkaano-ano maliban sa empleyado kita at dito ka nakatira ngayon. You're living under my roof, Keira. You're my responsibility."
"I'm fucking damn alive, Joaquin! Please, what am I? A 15 year old? I'm already an adult. Let me do things on my own. Inom lang naman ang ginawa ko sa labas, hindi krimen! Ano bang ikinakagalit mo r'yan?"
"Hindi ka man lang nagpaalam sa'kin. Iyon ang ikinakagalit ko. Paano kung may nangyaring masama sa'yo habang nakainom ka?"
"Bakit ko kaylangan magpaalam sa'yo? Ano tayo, magjowa?" Hirit ko ulit, not minding his last sentence.
I saw him smirked. Unti-unti rin siyang umakyat papunta sa pwesto ko at pinantayan ang aking tingin. Muntik na rin ako mapatili nang bigla niya akong isandal sa hawakan ng hagdan at hinarangan ng kanyang mga bisig. "We already kissed." Lumapit pa ito sa'king bandang leeg. "Isn't that what couples do?"
That gave me a lot of shivers and made me almost lose my senses again. Itinulak ko na lang siya agad at dali-daling umakyat. Wala akong masabi dahil kasalanan ko kung bakit nangyari 'yon sa'min noon.
"Kung magsusumbong ka sa mga kapatid ko, magsumbong ka na! Kung gusto mo, palitan mo na rin ako bilang bunsong kapatid nilang tatlo! Ibuhol ko pa kayo, eh!" Malakas kong ibinagsak ang pintuan ng kwarto ko nang makarating na rin ako sa wakas. I heard him laugh outside my door. Sinundan niya pa talaga ako rito, para siyang gago!
Mayamaya'y tumunog ang phone kong nasa bulsa ko lang. Akala ko'y sa mga kaibigan ko 'yon. Mas lalo lang nag-init ang ulo ko nang kay Joaquin 'yon galing. Parang tuluyan nang nawala ang amats ko at napalitan na lamang ng inis dahil sa kanya.
💌 09*********:
Ikaw na may kasalanan sa boss
mo ikaw pa galit
"Fuck off, Joaquin!" Sigaw ko mula sa kwarto para marinig niya. Wala akong pakialam kung umaga na. Ang mahalaga mailabas ko 'tong inis ko sa kanya kaysa bigwasan ko siya bigla. I heard him laugh again outside. Ang bilis niya mag-iba ng mood, ah? Kanina lang ay nagagalit siya sa'kin tapos ngayon ginagago niya na naman ako.
💌 09*********:
Kakaltasan ko sahod mo kapag
na-late ka sa trabaho mo bukas.
Inom pa :)
☕
"I made you coffee." Lapit sa'kin ni Agatha na may hawak ng platito at nakalagay doon ang tasa. Buong break time ay halos nakahiga lang ako sa mahabang sofa at wala na akong ibang iniisip bukod sa kung paano ko isu-survive 'tong hangover ko.
Para rin akong pinaglalamayan ni Agatha habang nakatayo siya sa dulo ng sofa. Well, anyway, ang mahalaga walang kaltas ang sahod ko dahil hindi ako na-late. Natakot din ako sa salary threat niya, huh...
"Thanks." Bumangon ako para kunin ang kape na inaabot niya sa'kin. Simula nang magkakilala kami ay napapadalas na rin ang paglabas-labas namin kapag tapos na ang trabaho. Ganoon din sa school kapag nagkakasabay ang schedule ng uwi namin.
And there's a thing that I noticed, she loves doing small things for her friends. I bet act of service is her love language. Paminsan-minsan din ay dinadalhan niya 'ko ng pagkain sa classroom. "Ay, siya nga pala, Keira! May gift ako sa'yo!" Nagsimula siyang magkalkal ng bag niya.
"Gift? Early pamasko ba 'yan ninang?" biro ko.
She giggled. "Late birthday gift, advanced pamasko." Hiningi niya ang kamay ko saka may isinuot na singsing. "I personally made it for us. I want to have matching rings with you."
I admired the ring after she put it. May disensyong maliit na tasa at sa ibabaw no'n ay may maliit na usok na nagsisimbolo na bagong timpla kunyari ang kape. Sa pinakatuktok naman ng usok ay mayroong letra ng pangalan. May pagitan lamang ng kaunti kaya nagmumukhang dalawa ang disenyo ng singsing.
May kinuha rin siyang isa pa at isinuot sa kanyang sarili. Parehas kami ng disenyo ngunit magkaiba lamang ng letra. A ang akin at K naman ang kanya. "Coffees, it's our favorite. Caramel ang iyo, mocha naman ang akin," panimula niya ulit.
Pinagmasdan ko 'yon at kakulay ng usok ang kulay ng mga paborito naming inumin. "These rings will be the symbol of our friendship. K ang inilagay ko bilang simbolo ng pangalan mo. Kapag titignan ko ang singsing na 'to ay ikaw ang maalala ko. Alam mo ba, simula noong unang araw mo rito sa trabaho, naramdaman ko na agad na magiging magkasundo tayo. And here we are now, making memories," dagdag niya pa.
"I'll treasure this forever, Aggy. Thank you." Matamis akong ngumiti sa kanya at ganoon din siya.
☕
Ang daming nangyari sa'kin sa buong buwan ng Disyembre. Pero ang pinakamaganda na parte sa'kin ay kung saan nagsimula na akong makatulong sa mga bayarin, lalong-lalo na kay Mrs. Risma. Sa bahay kami ni Kuya Kenzo nagpasko at nagbagong-taon naman ako rito sa Maynila kasama ang mga kaibigan ko.
Right after New Year, natapos namin ni Joaquin ang deal namin at ako ang nanalo. Kaya simula no'n ay crew chief niya na ako. Yes, more money. Nagsisimula na rin akong maghanda para sa papalapit kong tournament sa katapusan ng Enero. Minsan ay hindi ko na rin alam ang uunahin ko dahil nagsasabay-sabay na ang trabaho, pag-aaral at training.
At sumabay pa ito...
Hapon na nang makarating kami sa Dash Racing Circuit kung saan madalas ganapin ang mga karera at kung saan din minsan nagpa-practice ang mga karerista. Saktong halos walang katao-tao kaya malaya kaming makakagalaw ngayon dito. "This is the starting line of our racer-crew chief relationship," ani Joaquin nang makalabas na kami ng sasakyan niya.
This was also the first place that I saw him for the first time. Dito rin ako unang nainis sa kanya dahil natalo niya si Kuya Kenzo noong pinakaunang laban nila. And I was with Jayson during that time. Mga nakakadiring pangyayari.
"I know we both don't like each other but we need to get along. Mahirap kapag hindi magkasundo ang crew chief at ang karerista niya. Baka imbis na ipanalo mo 'ko, eh, ilagay mo pa 'ko sa pinakadulo," dire-diretsong sabi niya.
"Don't worry, I know how to cooperate."
"Good to hear, then. I'll introduce myself properly first before we proceed to our purpose here. Hi, I'm Joaquin Dominic De Vera, son of Mayor Isaiah De Vera and I am here to announce myself that I am soon to be your husband," pilyo niyang sabi, halatang nanggagago na naman. Inilahad niya ang kanyang kamay pero tinignan ko lang 'yon habang nakangiwi.
"Tatanda akong dalaga, Joaquin." Napataas na lamang ako ng kilay habang natatawa sa mga pinagsasasabi niya.
"Hindi 'yon mangyayari kung hahayaan mo 'kong maging nobyo mo."
Mas lalo akong napangiwi. Trip na trip niya talaga akong gaguhin, parang gago."Nabalian na kita ng buto bago pa mangyari 'yon."
"Hirap mo naman biruin, miss. Magpakilala ka na nga lang din. Just for the formality's sake." Itinaas niya ang dalawang kamay bilang pagsuko. Natawa na lang ako saka ko ipinakilala ang sarili. "I'm Keira Denise Monteza and I will smash you into pieces before you become my future husband," I proudly said.
"What if you fall before you can smash me into pieces?"
"Kahit maging kasing yaman mo pa ang pinakamayaman sa mundo, hinding-hindi 'yan mangyayari."
"Okay, we'll see about that, feisty." He patted my head. And I'm up for that challenge. I don't care if he's damn famous that everyone will die just for his touch. Fame cannot buy me. Besides, I'm so done dating a celebrity. My ex was already enough as an example of hell when you get into a relationship with them.
Sa gitna nang pag-uusap namin ni Joaquin ay biglang may humarurot na kotse sa gilid namin at halos tabunan kami nito ng usok ng sasakyan niya. Susugurin ko na sana nang bigla akong hatakin ni Joaquin pabalik.
"Huwag mo na puntahan. Hindi mo magugustuhan ang susugurin mo, Keira. Magsisisi ka talaga pagbalik mo sa'kin."
"Tatanggalin ko lang 'yong
tambutso ng sasakyan niya." Masama ko siyang tinignan nang lingunin ko ngunit hindi siya nagpatinag at hindi pa rin binibitawan ang aking braso. "Jayson!" Tawag ng pamilyar na boses kaya nabalik ang atensyon ko kung saan tumigil ang humarurot na sasakyan kanina.
Lumabas doon ang isa sa mga kinasusuklaman kong tao. Imbis na kalmado ako ngayong araw ay nagsimula na namang uminit ang ulo ko. Yes, anger is all over me the moment he stepped out and held her waist as they walk towards here. But it isn't just anger, I can also feel my knees getting a little weaker. Kasabay no'n ang pangingilid ng aking luha.
"Keira, let's get back to the car. Let's stroll for a bit 'til they're gone."
"I... I never seen him smile like that before when he's with me." Nanatili ang tingin ko sa gawi nila. May ibinulong si Ashley sa kanya at natawa ito. Samantalang sa'kin noon ay palagi siyang nakasimangot, o 'di naman kaya'y pagod lagi. Naiintidihan ko naman 'yon. Ang hindi ko lang maintindihan, bakit kaylangan ko 'tong maranasan sa dalawang tao na mahalaga sa'kin?
What did I do to suffer like this under their happiness?
"For sure, you will smile brighter than that when you found the one for you. Let's go, Keira, please..." Hinawakan na ni Joaquin ang kamay ko. But, my feet are still glued. I think I forgot how to function for a minute when I felt the ache I thought I was okay with. Heartbroken, anger, and jealousy have been filling up my whole system.
"Oh, wow, it's indeed a small world for us, Joaquin." Napabalik lang ako sa katinuan nang marinig ko muli ang boses ni Jayson. Sa sobrang tulala ko ay hindi ko na namalayan na nakalapit na pala silang dalawa ni Ashley rito. "And, oh..." Nalipat na ang atensyon ni Jayson sa'kin kaya napatingin din ako sa kanya ng diretso.
"You're really into car racers, Keira. Good taste, huh. And what's this, Joaquin? You're new personal assistant?" He chuckled, halatang binubwisit kami. Ako na sana ang magsasalita nang hilahin na naman ako ni Joaquin paatras. "She's not my assistant but I know I can treat her better than you," mariin niyang sambit.
"You indeed like cheap girls. Mahilig ka talaga sa tira-tira. Worst, the boring ones." Ngisi pa nito. Ang mga mabibigat na nararamdaman ko kanina ay napalitan ng puro galit na lamang nang marinig ko 'yon. Ngunit hindi lamang ako ang nakaramdam no'n.
Nagulat at napatili ako nang bigla siyang sinuntok ni Joaquin sa panga kaya natumba ito. Sabay kaming umalalay ni Ashley sa kasama naming mga lalaki. "Maliban sa kaya kong gasgasan ang kotse mo, kaya ko rin gumasgas ng pagmumukhang kagaya ng iyo," mariing sambit ni Joaquin.
Hindi pa siya natinag doon at hinila pa niya ang kwelyo nito. "'Wag na 'wag kang magkakamaling pagsalitaan ulit si Keira ng gano'n. Dahil hindi lang gulong ng sasakyan mo ang kaya kong paputukin, kundi pati labi mo." Saka niya ito binagsak muli.
"Joaquin, tama na." Hinila ko siya palayo. Naging mahigpit ang kapit ko sa kanyang braso kasabay ang pagkaramdam ng takot dahil ito ang unang beses na nakita ko siyang gano'n. "Tell your arrogant boyfriend to choose his opponent wisely. He doesn't know who is he messing with." Sabay hila na nito sa'kin palayo sa pwesto na 'yon.
Tumigil kami nang marating namin ang isa sa mga bench. "Are you okay?" tanong niya agad sa'kin ngunit hindi ako nakasagot agad. Sapagkat ay hindi ko na napigilan ang luha kong kanina pa nagbabadya. Nang mawala na sa paningin ang ex at kaibigan ko ay saka sumagi sa'kin lahat ng nangyari ulit.
"Keira..." Yakap ni Joaquin sa'kin. Hinayaan niya akong umiyak sa dibdib niya habang damang-dama ko ang pagdampi ng kanyang malambot na labi sa'king noo. Matagal iyong nakalapat doon habang hawak-hawak niya ang aking batok. "I... I'm sorry..." I sobbed more on his chest.
"As long as I'm here... I won't let things like that get that close again, especially to you."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top