7

I woke up around 3 a.m. with a warm blanket around me. Nakaayos ako sa pagkakahiga. Nang lingunin ko ang gilid ko ay wala na siya sa tabi ko. Hindi ko alam kung paano kami nakatulog kagabi. Ang naalala ko lang ay hindi na niya ako pinaalis sa pagkakayakap niya at nilaro niya ang buhok ko hanggang sa tuluyan na akong pumikit.




Bumangon ako at bumaba sa kusina para kumuha ng tubig. Tinignan ko rin ang buong sarili ko sa glass door at wala akong nakitang kahit anong kahina-hinala sa katawan ko. He didn't touch me, then? Habang inaayos ko ang buhok ko ay saka ko siya napansin sa pool area.




Ibinaba ko ang basong hawak at nilapitan siya. Saka ko lang din napansin na may mga maliliit na usok sa paligid. "You're up early?" aniya nang maramdaman ang presensya ko sa tabi niya. "You smoke early," sabi ko naman habang pinagmamasdan siyang gumawa ng mga maliliit na bilog sa mga usok na 'yon.






"Breakfast mo ba 'yan?" Hindi niya pinansin ang sinabi ko kaya nagsalita ako ulit. Natawa lang siya at humipak muli sa kanyang vape. "Just tell me if you don't like me smoking. I'll stop."





I don't know if I want him to stop because I'm enjoying the sweet smell of chocolate but at the same time, I'm worried. He was drunk for two nights and now he's smoking like he wanted his lungs to die already. Naging ganito si Kuya Kenzo noon dahil sa isang tao. Maaring parehas sila ng dahilan, hindi malabo. Pero sino rin ba ako para pigilan siya sa mga ginagawa niya?






"Kung may problema ka, ako rin," gago kong sambit ulit habang nakatingin lang sa pool. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin na handa naman ako makinig dahil alam niyang ayaw ko sa kanya. Alam ko ring hindi bagay sa pagkatao ko ang maging sweet. Pero ewan, alam ko rin kasi ang pakiramdam na walang malapitan minsan.






Narinig ko siyang natawa ulit. "We all have, Keira." Humipak siya ulit.





"So, mayroon ka nga ngayon?"





"Akin na lang 'yon."





"Hm, makasarili." Hindi niya na ako sinagot dahil nalipat na ang atensyon niya sa phone niya. May tumatawag sa kanya pero pinatayan niya iyon. "Huy, baka importante 'yon!" Nagulat ako sa ginawa niya.





"It's just the press calling, Keira. It's not that important." Umupo na siya sa lounger. Sa katabing lamesa no'n ay may whiskey na naman. Sisimulan na sana niyang salinan ang wine glass nang agad ko siyang pinigilan. "Kung may problema ka, magsabi ka. Hindi alak ang solusyon sa lahat ng 'yan. You can talk to me."






"Wow, I didn't know you have a soft side, Keira Denise. Maldita ka kasi palagi."





"Maldita ako pero may puso pa rin naman ako, 'no!" Umayos ako ng upo at hinayaang huminahon ang sarili. "Besides, I know how it feels." People really do view me as someone who's feisty. I fight when I have to, when I need to. But that's it. At the end of the day, I still cry and I get scared like a normal person.





But...





"Kung hindi ka komportable magsabi, ayos lang naman. Hindi naman kita pinipilit. Basta ang akin lang, nandito ako kung gusto mo rin ng kausap. We all need that, though."







Napansin kong nakatitig lang siya sa akin kaya mas lalo kong itinuon ang atensyon sa pool. Hindi ko rin naman hinihintay ang sagot niya sa mga sinabi ko. That was also risky for me to say dahil hindi naman ako ganoon palagi. Hindi rin ako magaling mag-comfort pero kahit paano ay magaling naman ako makinig. Kahit na minsan ay matigas talaga ang ulo ko...







"The press wanted an interview about what happened from my last race." Nang magsalita siya ay saka ko lang din siya nilingon. But this time, he wasn't looking at me anymore. Nakatingin na lamang siya sa wine glass na walang laman.







"My crew chief died four days ago. It was unexpected. He was shot by two people in a mask with laurel leaves on it as their symbol, I believe. I don't know what the hell it means. I didn't just lost a crew chief that night. I also lost a best friend."







Nanlaki ang mga mata ko nang marinig na apat na araw pa lang ang nakalilipas. I was speechless. Ni hindi iyon lumabas sa balita o sa kahit anong platform kaya hindi ko alam. And it was also something about the people in the car racing industry, alam din ba kaya ni Kuya Kenzo ito?






I tried to absorb it first before speaking. That familiar feeling of losing a friend... Mabuti na lang pala talaga ay umepal ako sa kanya ngayon. Kung hindi ay hindi ko pa rin malalaman na mabigat pala ang dinadala niya na alam kong kahit anong alak ay hindi no'n maaalis ang sakit. "I understand. I told you, I know how it feels. Kung gusto mo umiyak, okay lang."






"Hindi ako iiyak sa harap mo, Keira. Nakakahiya 'yon para sa'kin."






"Walang nakakahiya sa paglabas ng mga nararamdaman. Mas nakakabuti 'yon para mabawasan ang bigat kaysa sa gabi-gabi mong kinikimkim."






"Kahit naman anong gawin ko, hindi no'n mababalik ang kaibigan ko, Keira. But, thank you. I appreciate your concerns." He smiled, finally looking at me again.






"Kaya ka pala nag-iinom dito palagi. Dalawang gabi ka na rin hindi sumasabay sa amin sa dinner ng Papa at Lolo mo. Alam din ba nila ang tungkol dito?"






Tumango siya. "Actually, they're helping me to find a new crew chief. I have a race waiting for me next year but I'm planning to stop for a while."






"Huh?! Bakit titigil ka? Sayang naman!"






"Mahirap maghanap ng panibagong tao, Keira. Ayoko rin ng basta-basta na lang. Plano ko na ring umalis sa mundo ng karera dahil sa nangyari. I don't think I can continue after what happened."






"Tanungin ko si Kuya Kenzo kung may kilala siya."






"Okay. I appreciate your offer." He just shrugged. Nasalisihan niya rin ako dahil nakalagay na siya ng alak sa baso niya. Alam kong mahirap magpatuloy pagkatapos mong mawalan. Ayos lang na magpahinga saglit pero ang sumuko? Parang hindi ko naman yata nakikita iyon sa kanya.







Simula nang makasama siya ni Kuya Kenzo ay wala siyang ibang kwento sa amin maliban sa kung gaano ka-passionate si Joaquin sa ginagawa niya. He have goals as a racer just like me as a taekwondo athlete. May naisip akong ideya at hindi ko rin alam kung saan 'to nanggaling pero bahala na. Ayoko lang siya mag-quit sa career niya. Sayang 'yon.






"Pwede rin namang ako na lang ang maging crew chief mo," wala sa sarili kong sabi pero alam kong seryoso ako.  Halos madura niya rin ang iniinom niyang alak pagkatapos iyon marinig. "Please, tell me you're joking," aniya nang punasan niya ang ibabang labi.







"I'm not. 'Wag mo 'kong maliitin, huh. May experience ako sa ganyan. Naging crew chief ako ng isang Kenzo Monteza. The legendary Kenzo Monteza," I emphasized every last word. Ipagmamalaki ko talaga sa kanya 'yon dahil naipanalo ko pa ang Kuya ko no'n!




"Mas gugustuhin kong si Kuya Kenzo na lang. Pakiramdam ko 'pag ikaw..." Matagal niya muna akong tinitigan. "I don't think I will be able to focus."







Pinilit ko siya doon. Isa pa, kung magiging crew chief niya ako, hindi lang dalawang tao ang magpapasahod sa'kin, tatlo na! Dalawa na rin ang magiging trabaho ko. More business, more money. "Ganito na lang! 'Di ba taekwondo athlete ka rin noon? Nabanggit 'yon ni Kuya sa'kin. What if we have a match? Three matches!" Pinakita ko pa ang tatlong daliri ko. "Kapag nanalo ako sa huling match, papayag ka. Kapag hindi, edi pahirapan mo sarili mo maghanap or you can quit."






"You're really into challenges..." He crossed his arms in front of his chest, smirking at me. "I like it."








"So, deal?" Inilahad ko ang palad ko sa kanya. He laughed a little before taking my hand. But instead of doing the handshake, he kissed the back of my hand. Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya. I got stuck for a moment before getting back in my senses. What the hell was that?






"Wow!" sambit ko agad nang makita ko ang mga trophies, medals, certificates at mga litrato ng mga magagaling na taekwondo athletes sa bumungad na shelf nang makapasok na kami sa taekwondo gym ng bahay nila. Dito kami dumiretso pagkatapos niya akong sunduin galing trabaho.







"Ang swerte mo! Na-meet mo na ang paborito kong player! 'Yong totoo, magkano ang binayad mo rito para makapag-picture sa kanya?" Kinuha ko ang isang picture frame sa shelf para mas makita iyon ng mabuti. Bata pa si Joaquin sa picture. Naka-taekwondo uniform pa ang paborito kong player, halatang katatapos lang or magsisimula pa lang ang tournament.







Hindi na nakapagsalita si Joaquin dahil sa pagkamangha ko sa bawat bagay na nakikita ko ngayon sa loob ng kwarto na 'to. I saw his gold medal at his first tournament. Nakalaban na rin siya sa nationals and he even won first place!  Halimaw! Mas lalo tuloy akong na-intimidate na talunin siya sa deal namin.







Hindi lamang tungkol sa sports ang mga naka-display doon kundi pati na rin ang mga achievements niya sa academics. Halos malula ako nang makita na puro top one at best in math ang nakuha niya. Putangina, ang talino! Tao pa ba siya? Baka 'di lang siya sa pamilya ko may koneksyon. Baka pati kay Albert Einstein ay mayroon din. Kung nabu-bluetooth lang ang galing at talino, magpapapasa talaga ako sa kanya.






"Impress much?" Saka ko lamang siya nalingon nang marinig ang boses niya. Nakasuot na siya ngayon ng taekwondo uniform at helmet. Iyong isang hawak niya ay iniabot niya sa'kin. Tumango-tango ako bilang sagot sa tanong niya. I gotta admit, he's a math genius and I envy him for that.






"Magpapatalo ako sa'yo sa math, pero sa taekwondo..." Pinaningkitan ko siya ng mata habang papalapit sa kanya. "Hindi ako papayag."






"We'll see about that, little boss curls. Go change and let's get the deal started."







Ngumisi lang ako saka dumiretso ng restroom para magpalit. Pagkatapos ay nagsimula kaming mag-jogging. 10 minutes lang ang ginawa namin bago kami tuluyang magsimula sa pinakapakay namin. "You don't have to hurt yourself, you know. Willing na nga 'ko, eh." I shrugged.







"A deal is a deal. Let's just finish this." Pag-ngisi niya. Hindi na ako nagsalita  pa at binigyan ko na siya ng malakas na sipa. Para lang wala sa kanya ang ginawa ko saka siya bumawi. The match went on. I know he's controlling his moves because I'm a girl but I'm not taking that as an advantage. I know how to play fair and this isn't also a tournament match.





He can dodge all of my kicks but not my punches. I gave him a spinning back and hammerfist straight to his lips at aminado akong napaatras siya sa ginawa ko. Agad akong lumapit sa kanya para tignan kung nadugo ba ang kanyang labi. Nang makitang hindi naman ay saka ako nakahinga ng maluwag.






"Guess, I beat you on our first round."






"It's because I let you to," he replied calmy. Hawak-hawak na niya ngayon ang kanyang panga habang umiiling. Hindi man iyon nagdugo pero sigurado akong nasaktan siya ro'n. "You're good, Keira. You almost get my lips busted." Hinawakan niya ang kanyang labi. Sinundan ko ang kamay niya at saka ko napansin na may kaunting pasa sa bandang gilid nito.







"Gagamutin natin ang pasa mo. Halika na." Nauna na akong maglakad para kunin ang gamit ko. Hindi ko na siya hinayaang makaangal pa sa gagawin ko. Ako ang may gawa no'n kaya dapat niya akong hayaan.







"Ouch," reklamo niya sabay hawak sa kanyang pisngi. "Just hold still. Malapit na 'tong matapos." Nagpatuloy ako sa pag-dampi ng icepack sa pasa niya. Nakapikit na lang siya ngayon habang iniinda ang sakit. At habang nakapikit siya ay hindi ko siya maiwasang pagmasdan.







Sakto ang kapal ng kanyang kilay, matangos ang ilong at medyo mahaba ang kanyang pilikmita. His broad shoulders and big chest made him even more manlier, plus his jaw. Even when you just look at his lips, I believe it's kissable. I wonder how many girls experienced its softness...







Agad kong ibinalik ang atensyon sa kanyang pasa na kanina ko pa dinadampian nang bigla siyang dumilat. "Done admiring the view?" Ngumisi siya.








"View? What view?" Kumunot ang noo ko habang hindi pa rin siya tinitignan, maang-maangan ako, eh, bakit ba?








"Really, I just felt the devil's staring at me a while ago. I wonder if she's trying to kill me or what." He chuckled.






"Anong devil?!" Tinigil ko ang ginagawa ko saka siya tinignan ulit, finally. Bumangon siya at unti-unting lumapit sa'kin. Nanlaki ang mga mata ko nang mapansin na kaunti na lang ay wala ng space sa pagitan ng mga mukha namin. "That devil." His eyes met mine.






Wala nang maatrasan ang aking sarili. Nakasandal na ako sa hawakan ng hagdan at hanggang doon na lang ako. I was cornered by his stares and it feels like it can see right through me. My heart started beating fast, too, and I tried my best to control it. I don't want him to hear its beats. And why the hell am I feeling like this anyway?







When I went back to my senses, I immediately pushed him away from me. Nairita ako nang marinig ko ang kanyang pagtawa dahil sa ginawa niya kaya matalim ko siyang tinignan. "Oh, Keira..." Umiling-iling ito habang nakahalukipkip, pinagmamasdan na ako. "If looks really can kill, I'm probably dead by now."







"Sana pala tinuluyan ko na lang paduguin ang labi mo kanina."







"Hindi mo kaya," mayabang niyang sambit. "You're an athlete and you're not the type to do that with your opponent. Believe me, I've seen you mad and fight many times and you never hit them as hard as you could and as much as you wanted to. 'Cause that's against the taekwondo athlete's principles."








"Ang seryoso mo naman masyado sa buhay." Inabot ko na sa kanya ang icepack at nagsimula nang humakbang papasok ng sala. "Bukas natin ituloy ang paggamot d'yan. Kapag magaling na, saka rin natin ituloy 'yong sunod na round." 








Hindi ko na hinintay ang sagot niya kaya humakbang ako ulit pero napatigil din saglit nang tawagin niya ang pangalan ko. "What?" Malumanay kong tanong nang malingon ko siya ulit.







"Nothing, goodnight." Tumalikod na siya sa'kin at ipinagpatuloy ang pagdampi ng icepack sa kanyang sarili. Napakunot ang noo ko ro'n pero ipinasawalang-bahala ko na lang saka nagtungo sa aking kwarto. The usual, tumititig muna ako sa malaking chandelier sa itaas para antukin. Huminga ako ng malalim nang may ma-realize ako ngayong araw.








Joaquin is gentle even though he projects a strong character everyday. Kaya siguro siya mukhang mayabang palagi sa'kin sa bawat tiyansang nakikita ko siya kapag nakakasama siya ng kuya ko, kapag napapanood ko siyang mag-karera o kahit sa telebisyon man lang. I, somehow, see a part of me in him, the one who's a little broken yet acts tough in front of everybody.







Will being his crew chief change my perspectives? It would be great to be in his team, right? Well, I hope I won't regret anything after this.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top