43

"3... 5... 7..." paulit-ulit kong sambit habang tinitignan ang litrato sa aking phone. Zinoom ko roon sa numerong nakasulat sa pinakadulo - numero ng huling nakalistang biktima.






I opened my laptop and typed the numbers, hoping it will show me something. After a minute, hundreds of results flashed on the screen. I tried every link, every image, 'til I ended up checking the maps. My cursor is following a village road 'til it reach its end.








"#357?" Basa ko sa numero muli. Something pops in my mind. Was it an address? A block number? Mostly addresses was written like that. Could it be possible?!







Agad kong sinulat sa maliit na papel ang pangalan ng lugar at parang may lumitaw na bumbilya sa aking ulo. Agad kong tinext si Aggy tungkol doon.




9:30 p.m., sinimulan naming libutin ni Aggy ang village na nakita ko kanina. The arrow kept on pointing straight now even if it reached the end of the road. "Miss, sino pong hinahanap niyo?" Sabay kaming napalingon ni Aggy sa aming likuran nang may marinig kaming boses ng isang lalaki.








"Uh, alam niyo po ba kung saan itong block na 'to?" Pinakita ko sa lalaki ang litrato sa phone. "Block 357? Nako, ija, nasa pinadulong bahagi iyan ng village na 'to. Matagal na ring walang nakatira ro'n. Saka mukhang delikado ang lugar na 'yon kaya kung ako sa inyo ay hindi ko na pag-aaksayahan ng oras ang papgpunta ro'n," sagot sa akin ng matandang lalaki kaya nagkatinginan kami ni Aggy.








"Bakit po? Ano pong nangyari?" tanong ko muli.









"Matagal nang walang nakatira ro'n pero paminsan-minsan ay may mga nagpupunta pero hindi namin sigurado kung iyong mga iyon ba ang dating may ari. Ang huling balita namin ay lalaki ang huling pumunta sa bahay na 'yon at mayroong dalang babae. Hindi na namin alam ang kabuuang storya pero nang sumapit ang gabi ay pinaligiran ng mga pulis ang bahay na iyon. Iyong babae ay isinakay naman sa ambulansya. Iyon na rin ang huling beses na may nakita kaming pumunta ro'n."









Aggy and I exchanged looks again. Kahit ganoon ang pahayag ng lalaki ay tinanong pa rin namin kung saan ang direksyon. Kinulit namin iyon dahil ayaw niyang sabihin hanggang sa sumuko na lang din siya. "Binalaan ko kayo, mga ija, ha? Mag-iingat kayo," sabi na lamang ng lalaki sa amin.









Nagpasalamat na kami ni Aggy saka sinundan ang direksyong itinuro sa'min. Tinignan ko ang mapa sa phone ko at nakatigil kami ni Aggy kung saan nagtatapos ang arrow nito. Ngunit sa harapan namin ngayon ay daan kung saan patungo sa liblib na lugar. Hahakbang na sana ako muli nang hatakin ako ni Aggy.








"Keira, what the hell?" natatakot niyang sambit habang mahigpit na nakakapit sa aking damit.





"What?!" I glared at her.







"Are you really sure about this?"






"Yes. Why? Are you scared?"







"I'm not scared. I'm just not a fan of creepy stuff."







"Pero may tinakot ka noon."







"That's a whole different thing! It's for him to go away!"







"Well this time, if we're scared enough we won't be able to get rid of the monster," iyon na lamang ang sagot ko at nagsimula nang maglakad. Agad din namang humabol sa akin si Aggy.







Madilim ang paligid at ang tanging linawag lang namin ay ang flashlight namin sa phone. May mga maliliit na bahay kaming nadaanan pero mukhang abandona na rin. Gusto ko sanang tignan iyon sa loob isa-isa pero itong kasama ko parang ibabalibag na 'ko sa takot.







Hanggang sa makarating na kami sa pinakadulo. We're already standing in front of a mansion, looking haunted. Mahigpit kong hinawakan ang kamay ni Aggy nang magpatuloy kami. It looked like it was bombed inside when we finally stepped in. Nagtungo kami agad sa kwarto dahil posibleng may makita pa kaming kakaiba ro'n at hindi naman kami nabigo.








"Keira, look." Turo ni Aggy sa malaking bulletin board saka namin iyon nilapitan. Nakita rin naming may nakasulat na pangalan doon: Jane Pre Yzso. Even by just reading that name, it gave me so much shivers like it was kind of a bad energy.








"Names of Jane's victims and the places where they were killed. Spain, Germany, Philippines..." Sinimulang ituro ni Agatha ang mga nakadikit sa bulletin board. "Parehas lang ng pangalan sa kwaderno. Ang sipag niyang gumawa ng ebidensya huh, dalawang hard copies pa. A bulletin board and a notebook. Sana mayroon ako ng sipag niya no'ng college ako," biro pa no Aggy.







I started counting the countries Jane went to and noticed it was 11. Sa labing-isang bansa na 'yon ay marami siyang nabiktima, pinakamarami nga lang sa España. "Aggy, look! The latest one! Victim from... Milan, Italy..." I was there almost a week ago!








"Ang sipag mag-travel ni ate mo sis!"






Matapos namin sa kwarto ay bumaba kami sa malaking sala. "Feeling ko instagramable 'tong mansyon na 'to kung hindi lang mukhang binagyo," ani Aggy habang kinukuhaan ng litrato ang mga sirang gamit.







"Picture ka nang picture d'yan, baka may sumama," pananakot ko.







"Ulol mo, Keira Denise." Hindi niya ako nilingon at abala pa rin siya sa ginagawa niya kaya naisipan kong pagtripan. Mabilisan kong hinawakan ang kanyang paa at halos sampalin niya ako sa gulat. "Para kang putangina!" Sabunot niya pa.







Malakas lang akong tumawa saka nagpatuloy ulit sa pag-iikot hanggang sa mapukaw ng isang portrait ang aking atensyon. Sinuri ko isa-isa ang mga taong nasa litrato hanggang sa may mapansin ako.






The laurel leaf being tattooed on one of the girl's shoulders. Lahat ng taong nasa portrait ay mga naka-sando o hindi naman kaya off-shoulders ang suot kaya mabilis ko lang nakita ang simbolo sa kanilang balat, and there's a lot of them.








Habang pinagmamasdan ko iyon ay may naramdaman akong humawak sa aking balikat dahilan ng aking pagkagulat. "Ayan, sige, kakakape mo 'yan," ani Aggy.








"Gago! Ano ba 'yon? Pwede mo naman kasing tawagin sa pangalan!"







Natawa lang siya saka may inabot sa aking diary. May nakaukit na pangalan doon: Heayah Roanilla. Agad kong kinuha ang polaroid sa lalagyanan ng camera na bitbit ni Aggy at inilapit iyon sa pamilyar na babae sa portrait.








"She suffered from psychological problems, together with Galea Yaon, but according to her diary, Galea committed suicide before she got arrested." Inilapit din ni Aggy ang litrato no'ng Galea sa isang babae sa portrait.







"But they both got caught, didn't they?"






"Well, according to Heayah's diary again, Galea died." Kibit-balikat ni Aggy.







"Ilang pahina ang binasa mo?"






"I started in the middle, mga apat lang, hehe."








Kinuha ko sa kanya ang diary at dumiretso sa dulo. Iyon ang pinakamahabang entry ng sumulat. Napirmi muna ako sa isang gilid at dahan-dahang binasa ang laman no'n hanggang sa makarating na ako sa bandang huli.






Mom Alva? Muli akong bumalik sa portrait at tinignang maigi hanggang sa mamukhaan ko na rin siya. Joaquin's aunt, Alva De Vera, is a part of this?






Muling bumalik sa akin si Aggy, this time she's already holding a racing suit. "Is Jane really a girl?"





Dali-dali kong kinuha ang papel na ginamit ko kagabi. "Could it be jumbled, Keira? That's why no matter how hard you search for it on the internet, nothing shows?" ani Aggy, and that realization fucking hits me hard! We started writing down names until we ended up with... Someone that could possibly fit the suit, and might probably own a race car, too.








Natigil lang kami ni Aggy sa aming ginagawa nang may marinig kaming sasakyan mula sa labas. Nakita naming papunta ang taong bumaba mula ro'n dito kaya naman dali-dali kaming naghanap ng matataguan.







May natagpuan kaming guest room, sinuwerte pa dahil mayroong naglalakihang cabinet doon na naglalaman ng mamahaling damit. Hindi na kami nag-alinlangang magtago ro'n bitbit ang mga ebidensya.






May maliit na butas sa aming tinataguan at sumilip ako ro'n. My jaw dropped when I saw who it was. Abala siyang tinatanggal ang highcut niyang sapatos at parang kaunti na lang ay lumuwa na ang aking mata sa nakita. She's wearing the same anklet the police had found days ago.







"Aren't we suppose to meet? Where the hell are you?" She picked up her phone as she lay down on the bed, looking like a spoiled brat.







"The police are everywhere! Where the fuck did you buried the last victum you took?"





[Far away from here. Probably river.] Her speaker's loud, both me and Agatha can hear it from here. Only, we couldn't figure out if it was a voice of a girl or not.







"You stupid asshole! Hindi mo ba naisip na pwede pa 'yon makita ng kung sino man?!"







[Calm your ass down. I didn't leave any trace. What matters is we can have their money.]







"Siguraduhin mong hindi tayo malilintikan d'yan kay Ma'am De Vera."






[I'm doing my job well. Eh, ikaw? Nabawi mo na ba ang lalagyanan ng camera mo? Hindi pa rin, 'di ba? Tanga ka kasi.]






"Shut up. You couldn't even kill the nephew who'd been in front of you the whole freaking time."





[You couldn't even kill the boss when you're together the whole time in Milan. We're tying up our scores on that, lassy.] Tawa ng kabilang linya. Sabay kaming napasinghap ni Aggy sa aming narinig. Humihigpit din ang hawak ko sa lalagyanan ng camera kasabay no'n ang unti-unti kong nararamdaman na galit.








"Shut up. Make sure it'll be his last race on Saturday."






[And make sure you have the notebook back with you the next time you step inside that hideout of ours or Alva won't let us spare your lives.]







Tinakpan agad ni Aggy ang bibig ko. Bumibigat na ang aking paghinga dahil sa mga narinig. Nang mawala na siya sa kwarto ay unti-unti kaming lumabas mula sa malaking cabinet, planning a way to escape. "It's a mansion, imposibleng walang ibang lagusan 'to palabas," mahinang sambit ni Aggy.







"The front door is open." Mabilis naming tinungo 'yon ngunit sarado. "Naka-lock, puta!" Napasapo sa noo si Aggy. Mayamaya'y nakarinig kami ng isang malakas na putok ng baril mula sa second floor dahilan kung bakit kami nagmadaling maghanap muli ng pagtataguan. Iyon nga lang, nagkahiwalay kami ni Aggy.







"Who's in here beside the daughters and sons of Alva and Yana Laurel? How brave of you to trespass but can't show yourself," aniya habang naglalakad na pababa ng hagdan. There's a little passageway I luckily found on the kitchen floor.





🗨️ To: Agathangina
wru?



💌 Agathangina:
i found a way out

in the guest room

there's a little door under the bed!






Nakahinga ako nang malalim.





🗨️ To: Agathangina
kita na tayo sa labas ng village





💌 Agathangina:
keep safe ily :)






🗨️ To: Agathangina
puta aggy wag kang ganyan





💌 Agathangina:
HAHAHAHAHAHA







Napapikit ako nang may marinig akong putok ng baril ulit. Mas lalo akong natatakot nang unti-unti ko nang marinig ang mga yabag na papunta sa kusina. "How heavy the racing suit is and it took you so long to get it?" Rinig kong may kasama na siya. Napatakip ako agad ng bibig nang banggitin niya ang pangalan.








"Ma'am Alva, I'm about to tell you, it's missing inside the cabinet and I also heard footsteps minutes ago."








"Really?" Putok muli ng baril. "Let's play a little hide seek. The first one to escape this place without getting caught is safe. But when the tables turn, whoever you are will die here." And another gunshot filled the place. "On this mansion's floor of mine."







Naluluha na ako sa takot. I'm hoping Agatha's already out. Hindi ko rin alam kung saan patungo ang daan ngayon dito kung saan ako nakatago pero bahala na. Ang mahalaga na muna ngayon ay mailabas ko ang sarili ko ng buhay.






"You're going back? Keira, we barely made it out alive!" Agatha exclaimed, almost in tears.







"I need you to trust me."







"Well, I do! I do! I do trust you! I believe in you! But with all this evidence in our hands-"








"No, Aggy. I'm the only one who'll go back this time."







"I don't want you to die!"







"And that's why I need you. I need you to back me up, Agatha. Alam ko naman sa sarili kong hindi ko 'to kayang gawin mag-isa. Please, Aggy? Don't worry, after years of solving this, we're almost there."







Sunod-sunod nang bumagsak ang luha niya at niyakap ako. "Alam mo ba ang first impression ko sa'yo noon? Bukod sa napakamaldita mong tignan, mukha ka ring adventurous na tao. Parang kumbaga, iyon ang bright side. Pero hindi ko naman inexpect na ganitong adventure ang mga hilig mo." Hagulgol niya na parang bata sa balikat ko.








"Gago." Tawa ko saglit. Hinayaan ko siyang umiyak hanggang tuluyan na rin siyang pumayag sa gusto ko. Pinangako ko rin sa kanyang magiging maayos ang lahat pagkatapos nito.







Napabitaw lang siya sa pagkakayakap sa'kin nang tumunog ang phone ko, pinapakitang may text mula kay Joaquin. Parang ang tagal naming hindi nagkausap matapos naming magkita sa greenhouse no'ng mga nakaraang araw.







💌 09*********:
Last race for this season tomorrow

Are you coming?







Nagkatinginan kami ni Aggy. "'Te, ilang taon na ang lumipas wala pa rin siyang contact name sa'yo, 'no?" asar niya.






"Ikaw puro ka rin talaga kalokohan." Siko ko sa kanya. Mahina lang naman 'yon.





🗨️ To: 09*********
Pupunta ako wag ka
mag-alala




💌 09*********:
Btw, new news

Alva will come too







"Gago?!" Sabay naming sambit ni Aggy. "E 'di maganda! Nasa iisang lugar lang si Jane at Alva, madali nang mahuli. Ganoon din ang buong kompanya niyo," sabi ni Aggy. Parang sabay yata kaming nilitawan ng bumbilya sa ulo nang mabasa ang text ni Joaquin.




🗨️ To: 09*********
Okay see you




Everything at the Dash Racing Circuit, all at once, tomorrow.







I packed everything I need with me at halos hindi na ko makatulog kakaisip sa mga pwedeng mangyari bukas. Ilang araw na ring naka-leave sa trabaho si Aggy. Ayos lang 'yon, kanyang kompanya naman 'yon, eh.







Kinuha ko na rin ang phone ko upang simulan ang pinakaunang hakbang ng plano. I texted that someone who owns the racing suit and glad it replied, without even five seconds. I'll see him never starting tomorrow.







Jane Pre Yszo, we will expose your real identity in a way you will never forget just as much how you give everyone nightmares.






🗨️ To: 09*********
Goodluck on your last season
this year





💌 09*********:
Where are you rn?





🗨️ To: 09*********
I'm getting myself ready

Chill hahahaha





Nagpakawala ako ng mabigat na paghinga habang hawak-hawak ang aking bag. Ito na yata ang pinakanakakatakot at pinakamabigat na bagay na nahiram ko kay Lexi. Mabuti na lang at tinabihan siya ng ganito. Kahit gun license ay mayroon.







"Mag-iingat ka." Lapit na sa akin ni Aggy matapos niyang magtali ng sapatos. "Ikaw rin." Yakap ko sa kanya saka na siya nauna sa Dash Racing Circuit kagaya ng usapan namin kagabi, habang ako ay kinakabahan sa gagawin.







Mayamaya'y naisipan ko na ring umalis at magtungo sa bahay niya. I didn't bring my car with me for safety purposes. I'd rather run this time than drive. Parang mas mapapadali ako kung gano'on. I even have a weapon with me. At sa tinagal ng panahon, mukhang magagamit ko ang taekwondo skills ko ulit. Hindi pa naman ako ganoon na katanda.







Gosh! I never imagined myself being in this kind of situation!






Matapos ang dalawang sakay ay narating ko na rin ang lugar. I'm already standing in front of his doorstep. I gathered myself all together before I rang the doorbell. Nagsimula nang manayo ang mga balahibo ko nang makitang umikot na ang doorknob. And finally, we meet each other again...





"Hi Jayson."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top