42

"Sarà perfetto per lei, signore." Ngiti sa kanya no'ng nagbebenta matapos ituro ni Joaquin ang isang singsing.





"Si grazie." Ngiti rin niya pabalik saka ako inaya papunta sa kabilang store.





"Kaylan pala ang kasal ng pinsan mo?"





"Uhm, they're still planning, though. For now, enagement muna ang nasa isip niya."





Tumango-tango na lang ako. Parang noon lang laging broken si Raven. Pero tignan mo nga naman, ikakasal na. Sana 'yong kaibigan ko rin. Matapos namin magikot-ikot sa mall ay naisipan na rin naming umuwi.







Habang nasa byahe ay niyaya niya na ako agad para sa huling destinasyon namin para bukas.
Wala siyang kapaguran. Sabagay, isang araw na lang din naman ang natitira sa amin at babalik na kami ng Pilipinas.






"Where are we going, really?" tanong ko habang tinitignan ang sarili sa salamin.





"Just somewhere you love," aniya habang nagpupunas ng sarili dahil katatapos lang niya maligo. Abala ako sa pagpili ng maisusuot nang mag-ring bigla ang phone ko. Dali-dali ko iyong sinagot dahil si Aira ang tumatawag.







[Aira: Hello, Ma'am Keira, I won't make this call long. Ma'am Thea wants you back here now. Kaylangan mo na raw pong umuwi rito ngayon.] She sounded worried the moment I heard her voice.






"Huh? Bakit? May nangyari ba?" Napakunot ang noo ko at napatingin kay Joaquin. Ganoon din ang ekspresyon niya.






[Aira: Someone broke in. Half of the company's money is missing, and most designs are ruined.]





Mabigat na paghinga at mabilis na pagkabog ng aking dibdib ang unti-unti nang bumabalot sa'kin. Kung ano-ano na rin ang naiisip ko. "Aira, can you check my office, please?" I asked. Hindi siya sumagot pero naririnig ko ang nagmamadali niyang yabag.







[Aira: Same...] she said, almost a whisper. Ang tagal niyang hindi nagsalita mula sa kabilang linya nang tanungin ko kung ano ang ibig niyang sabihin. "Aira?" I called her again.







[Aira: Ma'am Keira, hindi lang po opisina ni Ma'am Thea ang hinalughog. Pati po sa iyo rin.]






Oh, fucker. I got frozen for a minute when a scenario suddenly flashed back in my mind. Napaupo ako sa sobrang panghihina ng mga tuhod. I guess they are back. They're still after that thing again which I buried a long time ago.







"Everything okay?" Lapit na sa akin ni Joaquin.





"Guess we have to cancel plans for now. We need to go home." Hindi ko alam kung paano iyon sasabihin sa kanya pero mabuti na lang ay hindi na siya nagtanong pa. We immediately booked a flight. Maging hanggang sa eroplano ay hindi na matahimik ang utak ko.






"Keira!" Sumalubong agad ang yakap sa akin ni Ate Venus nang makarating na ako ng kompanya. 





"Thanked goodness, you're alright. When did this happened?"






"Ako ang huling tao rito kagabi and I swear, iniwan kong maayos 'to lahat. I made sure all doors and windows are locked. Then I received a call from Aira this morning about this dahil siya ang maagang dumating," paliwanag niya.





"Nasaan si Ma'am Thea?"





Tinuro ni Ate ang gawi nila at nakita kong may kausap na si Ma'am Thea na mga pulis. Niyaya na ako ni Ate na puntahan ang opisina ko. "Oh my gosh!" I covered my mouth in shock when I finally saw the place.






Para itong binagyo sa sobrang gulo. This scene was hell familiar to me. Inikot namin ang buong building kasama na ang mga pulis at si Ma'am Thea. Aira's with us, too. But I went on my own hanggang sa mapadpad ako sa basement kung saan nakatago ang ibang kagamitan ng kompanya. There, I saw a broken window behind the big cabinets. 







"A thing like this happened to you before." Gulat akong napalingon nang marinig ang boses ni Joaquin. I almost forgot about him. "At your own house," he continued. 







Napakunot ang noo ko. "H-how'd you know 'bout that?"






"I was there, Keira. I went there."






"Oh..." Sa dami ba naman ng nangyari sa amin noon... Napailing na lang ako. Hindi ito ang tamang oras para alalahanin ang mga 'yon. Hindi na rin naman 'yon mababalik. "By the way, you should go." Taboy ko na sa kanya. 






"I'm not leaving you here, Keira." 





"Joaquin, it's not saf—"





"And that's why I won't leave. That's a better reason for me to stay with you." 






Magsasalita pa sana ako nang biglang mag-vibrate ang phone ko — Agatha is calling. I already have a bad feeling this call won't give me any good news. "What happened?" panimula ko. 





[Agatha: Keira, someone broke into my office, just now.] 





Gulat akong napatingin kay Joaquin habang siya ay nakakunot na ang noo. Shit. Just shit. I knew this day would come... 





"Been years and still no one ever tried to dig a hole. Bet they don't watch movies," ani Agatha, nagawa pa niyang magbiro. habang nakatingin kami sa isang malaking bato na ipinatong namin noon sa pinaghukayan namin. 






"But I guess we need to dig this one out," I suggested.





"You're crazy."





"Aggy, they already broke into your place. That could only mean one thing. Kung wala sa akin, nagbabakasali na silang nasa taong pinagkakatiwalaan ko, and I don't want them to attack your home like what they did to mine."






"Hey, remember what I told you when we're in college? Girl, if you die solving a problem, I'll die with you. 'Wag mo sabihin sa'kin na ayaw mo akong madamay dito dahil noon pa lang, I'm already involved. Not because you asked me to, but because I willingly put myself at risk. Kaibigan kita, Keira."






Matagal na lang akong nakatingin sa kanya at hindi alam kung anong isasagot doon. "Kaya 'wag na matigas 'yang ulo mo. Tutulungan kita ng bukal sa puso hanggang huling hininga ko. So, anong plano natin kung bubungkalin natin ang lintik na kayaman natin d'yan?" Turo niya.






"Hindi ko alam... Basta, malakas ang kutob kong hindi na 'to dapat nandidito. We'll figure it out later." Sinimulan na naming iusog ang malaking bato nang may marinig kaming boses.





"Let me help you, then."





"Joaquin!" Sabay naming sambit ni Agatha at gulat kaming napalingon. "A-anong ginagawa mo rito?" Lapit ko agad sa kanya.





"I followed you here."



"Why?!"



"Isn't it obvious?"




"Look, if my life's in danger—"





"Another better reason for me to look after you." He crossed his arms in front of his chest. Napasapo na lang ako sa aking noo, pinipigilan ang inis. "We're not in Milan anymore to enjoy like a couple. This is serious."






"You think we're couple?"






Saka ko lang napagtanto ang aking sinabi. Parang nadagdagan saglit ang problema kong iniisip. "Ewan ko sa'yo, baliw." Irap ko na lang. "Can't you just — Please, go away? Mas lalo akong naiinis kapag nakikita ko siyang nakangisi.





"Who are you to give me orders?" He started walking towards the big rock and started pushing it. Padabog akong sumunod doon. "Huh! Ako lang naman ang Chief Executive Officer, in short, CEO ako ng kompanyang pinagtatrabahuhan mo. My position is higher than yours." I bragged.






"That's all you got? Huh, ninang ko lang naman ang may ari ng kompanyang pinagtatrabahuhan ko," he fired back.





"Nepo fucking baby."





"Okay." He smiled sarcastically. Babato pa sana ako ng salita nang pumagitna na sa'min si Aggy. "Itulak na lang natin 'to kung ayaw niyong iuntog ko kayo rito parehas," aniya. Ano pa nga bang magagawa ko, eh, nandito na siya.






"Please, be safe," sabi ko kay Aggy matapos ko siyang yakapin. Inabot na kami ng gabi ro'n at mas lamang ang bangayan namin ni Joaquin kaysa sa mag-isip ng plano kung anong gagawin namin sa kwadernong 'to. Glad he didn't ask anything about it, though.






"You too. Call me anytime."






"I will, and do that, too." Isinara ko na ang bintana at mahinang isinandal ang ulo sa upuan. Napatingin ako kay Joaquin na seryoso nang nagmamaneho. Parang kahapon lang ay buong araw kami magkasama. Ngayon, magkasama na naman kami. Hindi ba siya nauumay?






"Why are you doing this?"




"The what?"




"Being with me right now? Why are you helping me out?"





"Because..." He sighed heavily. "I will never forget that night you were kidnapped, Keira."





"Oh..." I will never forget that, too... And after that happened, everything started to fell out of my hands. Parang may kung ano na namang tumusok sa dibdib ko. "Thank you..."





"That's all."





Tumango-tango na lang ako at umayos ng pagkakaupo at hindi na nagsalita pa muli. Hanggang sa maihatid niya ako sa bahay ay naging tahimik na lang ako. I waved at him before stepping inside but before I close the gate I watched him drove away 'til he's out of my sight.





Nagpakawala ako ng malalim na paghinga nang maihiga ko na ang sarili sa couch. Biglang sumagi sa isip ko ang mga ginawa namin sa Milan. It was a little moment where I thought there was something. What are we that time? Maybe I'm just too delusional.






He only cares about my safety. Iyon naman palagi, pero matagal na rin namang tapos ang namamagitan sa'min. Para saan pa't may pakialam siya sa'kin? Kaya ko rin naman siya tinataboy dahil pinipilit kong umusad sa kanya. Pero sa tuwing nand'yan siya, talo na naman ako.






Agad kong pinunasan ang nakatakas na luha sa'kin at binaling na lang ang atensyon ko sa phone nang biglang mag-notify ang text mula sa kanya. Tignan mo nga naman...






💌 09*********:
Are you free tomorrow?




🗨️ To: 09*********
May pasok ako sa trabaho





💌 09*********:
The company will be
closed for now




🗨️ To: 09*********
Pinangunahan mo
ang may ari




💌 09*********:
Ako ang unang sinabihan
ng may ari dahil
inaanak ako :)
#nepofuckingbaby





Natawa ako ro'n. Gusto ko pa sana mag-reply ng naka-all caps na tawa pero 'wag na lang.





🗨️To: 09*********
Ulol :D




💌 09*********:
So, that's a yes




🗨️ To: 09*********
Huh?

Yes saan?


💌 09*********:
You're free tomorrow





Wow, ha? Parang tunog desisyon niya na 'yon, eh!




🗨️ To: 09*********
Don't you have business to do?

Dami mong free time idol ah

.



💌 09*********:
I'm the CEO of my OWN :p




🗨️ To: 09*********
Dami mong sagot




.
💌 09*********:
Pikon ka lang eh hahaha







Umirap ako na para bang nakikita niya. Oo, pikon na pikon na ako sa mga ginagawa niya at pikon na pikon na rin ako sa nararamdaman kong 'to! Ang tagal na, Keira! Para ka nang napag-iiwanan ng panahon sa sobrang tagal mong umusad kahit ginagawa mo naman ang lahat! Argh!






The company's under investigation. The police found some broken walls and windows that could be a possible way how the culprit entered the building. Halos ang mga iyon ay sa hindi madalas puntahan ng mga empleyado, even Ma'am Thea herself. Maliban na lang kung may kakaylanganin o may itatambak.







"Mrs. Altorno, we found this in the basement." Mayroong anklet na hawak ang pulis.






"May nakita pa ho kaming sirang bintana sa isa sa basement ninyo at iyon ho ang pinakamalaki sa lahat. Mukhang doon mas matagumpay na nakapasok ang salarin."






Nang sabihin iyon ng pulisya ay dali-dali kaming nagtungo ro'n. Turns out it was the basement I went to two days ago. "Ma'am, all CCTVs were down." Rinig namin sa boses ni Aira nang makasunod na rin siya sa amin.







"Dios mio," Dahan-dahang napaupo si Ma'am Thea habang hawak ang kanyang dibdib. "How could this happened?" naiiyak ang kanyang tono. Inabutan siya agad ng tubig ni Ate Venus. "Shall we call on for a meeting?" aniya habang hinahagod ang likod ni Ma'am Thea.







"Yes, please. I want everything to be clear." At ganoon nga ang nangyari. Galit na galit si Ma'am Thea at ito ang unang beses na nakita namin siyang ganoon. She decided to close the company for a while 'til everything is back into places. Hindi na kami kinibo ni Ma'am pagkatapos ng meeting at muling bumalik sa mga pulis.






"She needs to cool off, hayaan na muna natin si Ma'am. What we can do for now is help each other to fix the broken parts of the building. If you find something suspicious, don't hesitate to report it to me, to our secretary, to our boss, and mostly to the police. Understood?"







Tumango sila sa aking sinabi. "Okay, be safe, everyone." Saka sila nagsimulang kumilos. Si Ate Venus ang tumulong sa mga designers, Aira volunteered to help with the construction team, and me, I'm all around.







"What else can I help?" Rinig ko sa boses ni Joaquin habang inaayos ko ang aking lamesa sa office. Kanina pa ako nagliligpit pero parang hindi man lang nababawasan ang kalat. "No need, I'm almost done," iyon na lang ang sinabi ko dahil pinapauwi na rin kami ni Ma'am Thea. Bukas ko na lang ipagpapatuloy.







Habang pinagpapatong-patong ko ang iilang gamit ay may nakita akong lalagyanan ng camera. I don't remember myself owning one of this. "Sa'yo ba 'to?" tanong ko kay Joaquin, umiling siya bilang sagot. Palabas na ako ng office nang may malaglag bigla mula sa loob ng no'n.




Isa-isa naming pinulot iyon ni Joaquin hanggang sa may makita akong kakaiba sa mga polaroid na hawak ko. "Who are these people?" sambit ko habang pilit na tinitignan ang malalabong litrato.






"Heayah Roanilla... Galea Yaon..." Basa ni Joaquin sa nakasulat doon. "Caught..."



"Huh?"




"Look, it's the leaf..." Turo niya sa damit ng Heayah. "It's the same with notebook."






"Shh!" suway ko dahil medyo napalakas ang boses niya. Parehas kaming gulat doon sa simbolong nakita.





"Shall we give it to the police?"





"I don't think so... I have a bad feeling about the culprit. It might be a part of this building... Sneaking somewhere when everyone's out."





"Are you sure no one will see us here?" tanong ko kay Joaquin habang nilalaban ang aking mga tuhod at binti sa pag-akyat patungo sa ikaanim na palapag ng gusali. Tumango siya habang malapad ang ngiti na parang sabik na batang may bagong laruan na ipapakita sa'kin.







Matapos ang ilang minuto ay narating na rin namin ang tuktok. It wasn't a room at all but a rooftop — a greenhouse, an abandoned one. Still, the plants and flowers looked so alive as if someone was taking care of it until now.






Tanaw na tanaw ko rin ang paglubog nang araw. "Wow... It's beautiful up here. How'd you know this place?" Sumilip ako sa naglalakihang salamin. Naghahalo ang kulay ng sunset at city lights kaya tuwang-tuwa akong tignan.






"It was actually an abandoned hotel of ours, since my mom left," sagot ni Joaquin sa akin.






"Really? Yet the flowers still look okay."







"I used to water them as early as I could sometimes. It's my mother's favorite spot of the building and the only thing that can make me feel her presence. She loves orchids." Turo nito sa isang pwesto na naglalaman ng kulay puti, rosas, at lila.






Maliban doon ay napukaw din ng isang pwesto ang aking atensyon. It was a vase — a big one full of red roses and lily of the valley! It got me really excited and ran towards it to take a closer look. "Oh, I just learned to plant those..." sabi muli ni Joaquin.







"Magaling ka pala sa halaman, eh!" Malakas akong tumawa.






"Galing ko magdilig, 'no? Bilib ka na naman sa'kin."






"Wow, ang kapal ng mukha." 





I took pictures of everything inside the greenhouse. Mayamaya'y tinawag niya na ako upang ipakita sa'kin kung saan namin itatago ang notebook. May malaking mga tanim doon ng bulaklak. Kumuha siya ng maliit na pala saka iyon hinukay. Nagulat ako nang alisin niya pa ang buong halaman doon.






"Lagay mo na," aniya.





"H-huh? Sigurado ka bang walang makakahanap nito r'yan?"





"Trust me, they won't dig a whole pot of flowers just to look for a damn notebook."






Sabagay... Kinuhaan ko muna ng litrato ang lahat ng nilalaman ng notebook saka ko iniligay doon. Pagkatapos ay binalik na ni Joaquin ang halaman sa paso na parang walang nangyari. Mukha lang siyang ordinaryong hardinerong nag-aayos ng mga anak niyang halaman. Natahimik na lang din ako habang pinagmamasdan siya roon.








"You okay?" tanong niya matapos niyang igilid ang paso. Tumango na lamang ako bilang sagot. "Hey, I'm sorry for what happened to the company. Whatever is going on, hope it will end soon and no one will get hurt," dagdag niya pa.






Ganoon na nga ang matagal ko nang gustong mangyari. At gagawin ko ang lahat ng makakaya ko upang matupad iyon.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top