41

Keira Monteza

Nagising ako nang maramdaman kong parang buhat-buhat ako. Bumungad sa'kin ang mga magagandang ilaw sa daan at malalagong puno. I'm already covered with a big fluffy coat and winter boots are still the same






"Evening," he said. Naramdaman niya sigurong gising na ako. "You fell asleep on the couch. Umuwi na ang iba and I don't want to wake you up so..."






"Thank you," I said in my sleepy voice as I snuggled more on his back.






"We're here," ani Joaquin nang makarating na kami sa tapat ng malaking gate. I went straight to the bedroom and unpacked my things. Mukhang magdamag akong gising nito.





Sumunod akong mag-shower nang matapos si Joaquin. Nagpakawala ako ng malalim na hininga nang mailublob ko na ang katawan sa bathtub.





Habang tulala ay hindi mawala sa isip ko kung gaano ako ka-komportable habang buhat niya ako kanina. Bakit pakiramdam ko'y mali iyon? Napailing na lang ako. Masyado na akong pagod para isipin pa ang mga hindi naman ganoong importanteng bagay.






A 15 minute warm bath helped me relax. Nagsuot na ako ng bathrobe at inayos ang buhok bago tuluyang lumabas ng banyo. Whenever I look around the room, it feels like I'm living in a movie. Everything here is just fancy.






"What do you want for dinner? For midnight snacks, perhaps. My treat," salubong sa akin ni Joaquin habang abala siyang nagso-scroll sa phone niya.




"Next ti-"




"My treat." Hindi niya na ako pinatapos. "As part of my gratitude."




Narinig ko na ang pagkalam ng aking sikmura, sinasabing 'wag na 'kong tumanggi. Ang huling kain ko pa ay bago pa magsimula ang fashion show kanina. "Sige, pero 'wag namang mahal ang bilhin mo."





"No worries." Tango niya sabay kuha ng telepono. Tipid na lamang akong ngumiti at nagtungo sa higaan. I started scrolling through my phone and all my social media were filled with our company's fashion week posts.





Sa sobrang trending no'n ay natatabunan na ang mga memes! Masaya ako habang tinitignan iyon ngunit bigla akong nakaramdam ng kaunting kaba nang makita ko na ang mga litrato ni Joaquin.





Rumekta ako sa comment section. Puro pagpupuri iyon sa kanya. Saglit akong nakaramdam ng kirot sa aking dibdib nang may maalala ako. I'm just glad, everything went back to normal. That decision was worth it. Nag-scroll ako muli sa ibang article. Mayroong litrato ng buong empleyado ro'n.





Nakahinga ako ng maayos dahil hindi ako kasama ro'n. Mabuti na 'yon para hindi nila malamang nasa iisang kompanya kami ni Joaquin. Natigil lang ako sa aking ginagawa nang may kumatok na sa kwarto.






"Your delivery's here." Rinig ko sa malambing na boses ni Ate Sel kaya napalingon ako. Nang magtama ang tingin namin ay kumaway ito sa'kin at matamis na ngumiti. "Enjoy the night, lovebirds," hirit niya pa matapos niyang iabot kay Joaquin ang pagkain. Lovebirds... We're more like a cat and dog here.







Inilagay na ni Joaquin ang pagkain sa table tray at umupo sa kabilang dulo ng kama, at dahil hindi na rin naman ako makatulog, I decided to turn on the TV. Saktong may nakapasak ng flashdrive doon at mamimili na lang ako ng papanoorin.







My heart jump in excitement when I saw the Sound of Music movie. Agad ko iyong pinindot. Opening pa lang ay malapad na ang ngiti ko. "Oh... I know that. It was my mom's favorite," ani Joaquin habang abala na ring nanonood.






"Maganda ang taste ng mommy mo kung ganoon."





"Is that your favorite, too?"





Masaya akong tumango. I've seen this classic a lot of times when I was a kid. Mayroon pa akong CD nito noon at sabi sa'kin ni Mrs. Risma na halos magasgas na lang iyon kakapaulit. I started singing with all my heart with the main character and suddenly I feel like a child again. Bahala na si Joaquin kung maririndi siya. Tanggalin niya na lang ang tainga niya.




"Do you have plans after the fashion week?" Putol ni Joaquin sa aming katahimikan. Tapos na ang pinapanood namin kaya nakahilata na kami ngayon. Siya ay sa couch pa rin.






May limang araw na binigay si Ma'am Thea para samin upang magliwaliw rito sa Milan kaso wala akong ideya kung saan ako magsisimula. Mukhang sa pagtatabi na lang ako ng pera babagsak.





"Hindi ko alam, eh. Parang hindi ko kayang gumastos sa bansang 'to." Tawa ko.



"My treat."



"Hilig mo manglibre, 'no? Kung tatakbo kang mayor, isa ako sa mga bobotohin ka."





"I owe you for working with me."





Tumango na lang ako at ngumiti. Oo nga pala, binuhat niya ako pauwi pagkatapos ng fashion show. Kapag tumanggi ako, pakiramdam ko magkakaroon na naman ako ng bagong utang sa kanya. "I don't know any places here in Milan. You decide where and I'll follow," I replied casually.





"Don't worry, I already have places in mind."





"Okay." Yumakap na ako ng unan. Unti-unti ko na ring ipinikit ang aking mata. Everything went silent again between us. Bigla kong naalala si Aira. If she can work casually with him, why can't I? Napadilat ako ulit, dahan-dahan siyang sinilip mula rito sa aking hinihagaan.






Maybe there's one thing why Aira can do it so comfortably and why I can't even breathe when I'm around him. She was never hated by almost half of the population of the world. She was never exposed, her name was never been tied up with his. Samantalang ako... Nagpakawala na lang ulit ako ng mabigat na paghinga. Pinunasan ko rin agad ang aking pisngi dahil may nakatakas na luha roon.






Well, he's living the life now, as always, at sa limang taon na 'yon, hindi imposibleng nakausad na siya sa mga nangyayari. Ayos lang, dahil hindi ko naman siya sinisisi sa mga nararamdaman ko. Kasalanan ko rin. Kung tutuusin masaya ako para sa kanya. Kung hindi ako bumitaw noon, paano na lang kaming dalawa ngayon?



Paano na siya ngayon?




"Kita-kita na lang sa Pilipinas ulit!" Kumaway si Ate Venus at Aira sa amin. Iilan sa mga empleyado namin ay nauna nang umuwi sa Pinas habang ang iba naman ay sinusulit ang binigay na tatlong araw. Reward iyon ni Ma'am Thea sa dahil successful ang fashion week.






"Shall we?" salita ni Joaquin sa aking tabi. Nilingon ko pa ang aking paligid pero ni isang empleyadong naiwan na kasama namin ay wala na, making it only the two of us standing.




"Saan na po ang iba?"




"Nagkanya-kanya na silang yaya," iyon lang ang kanyang sagot at tumango na lang din ako. Mayamaya'y pumara na ng taxi si Joaquin. "All'Emporio Armani Ristorante," aniya sa driver.




Hindi ko alam kung saan ang lugar na sinabi niya pero tunog pa lang ay mamahalin na. Tahimik lang ako sa byahe, ganoon din siya. Pero kung kompetisyon ang katahimikan, paniguradong talo siya.


"Where do you want to go next?"


"Hindi pa nga tayo nakakarating sa sinabi mo, nagyayaya ka agad ng panibago. Tska, 'di ba, you already have places in mind?" Ngisi ko sa kanya.


"Does that mean ako ang masusunod?"


Tumango ako. "Well, you know better about this place than me so..."


"I'm the tour guide, then. Okay, I'm trained anyway." He shrugged. Ang yabang, sige ha, gi-gradan ko mamaya kung paano ang pagto-tour niya. Matapos ang ilang minutong byahe napaawang na lang ang labi ko nang masilayan ko na mismo ang lugar.


"A restaurant and a cafe on top, perfect," sambit niya nang samahan niya na ako sa pagkakatayo sa harap building.


"A-ang mahal dito... Hindi ko afford. Baka naman may mas-"


"Sabi mo ako ang masusunod." Lapat ng kanyang hintuturo sa aking labi. "Bills are on me, you don't have to worry about anything. Just sit and enjoy, that's all you have to do."



Tumango na lang ako sa kanyang sinabi. Inilahad niya pa ang kanyang kamay pero hindi ko iyon kinuha. "I can take the stairs by myself." I tapped his palm.


"Just trying to be a gentleman."

"Dami mong pakulo," mahina kong sabi pero tinawanan niya lang. The restaurant was located on the seventh floor of the building. Bago kami makarating doon ay nadaanan muna namin ang mga hotel rooms. He started telling me stories and facts about the place, even about the foods and drinks we ordered.



"And yeah, that's all I know about this place, sorry. Anyway, how's the food, Miss?"



"Nag-improve ka," wala sa sarili kong sabi habang nilalasap bawat kagat ko sa risotto. Napatingin lang ako muli sa kanya dahil napansin kong tumahimik bigla ang paligid naming dalawa. "Bakit?" litong-lito ako sa ekspresyon ng mukha niya nang tignan ko.




"The food, how was it?" he looked confused, too.



"Oh, it was good! Gusto mo tikman?" Inilapit ko ang pinggan sa kanya. Hindi ko alam bakit siya natatawa pero kinuha niya rin naman iyon at tinikman nga. May nasabi ba akong nakakatawa? Sana naman ay ipinaalam niya sa'kin para natatawa rin ako. Sarili kong joke, siya lang nage-enjoy?




City lights started to fill the surroundings below. Parang ayoko na alisin ang tingin sa malaking bintana. Ni hindi ko nga rin namamalayang nag-uusap na kami ni Joaquin na para bang sobrang komportable namin sa isa't-isa.

And it all started here...



"Is this fine?" tanong ni Joaquin habang pinagmamasdan ang kanyang ginawang beanie. Sinubukan niya iyong sukatin at masyado iyong maliit para sa ulo niya.




"Okay, I give up." Pagtataas niya ng dalawang kamay. Niyaya niya akong mag-gantsilyo pero siya pala 'tong hindi marunong. Masyadong malamig sa labas at naisipan namin mapirmi na lang muna sa bahay. Saka magtipid naman siya! Baka maubusan na siya ng ipapasahod niya sa'kin.


Napailing na lang ako habang natatawa sa gawa niya. Cute naman iyon, ah? Iyon nga lang, ang kapeng sinubukan niyang idisenyo ay hindi niya tinapos kaya tinulungan ko na siya.


"Who taught you this?"

"Si Mama. Madalas niyang gawan ng scarf ang mga kuya ko dahil madalas din silang mag-ibang bansa dati.

"How is she by the way?"


"Living her best life. Apo naman na ang inaalagaan niya." Napangiti ako nang ma-imagine ko kung ano na ang posibleng ginagawa ni Mama ngayon. Tumango lang si Joaquin at abalang tinatapos ang disenyo niya. Parang batang tuwang-tuwa nang maging okay na ang beanie niya. Kahit maliit ay sinuot niya pa rin.



"Mine's too big." Tapat ko sa salamin. Biglang kinuha ni Joaquin ang gawa ko saka ipinalit ang kanya. "There, a perfect fit." He tapped my head like I'm a good kid. Natuwa naman ako dahil sakto ang beanie na ginawa ko sa kanya. That was unexpected.



"Shall we try our beanies for an evening stroll?" biglaan niyang yaya. Hindi na ako umangal dahil bored na rin ako rito sa bahay. Ang tagal umuwi ng pamangkin ko't wala akong mabwisit ngayon.



Kinuha ko na ang makapal kong coat at lumabas. Nagsimula na kaming maglalalakad, walang ideya kung saan tutungo. Hanggang sa hindi namin namalayang nasa ibang syudad na kami.



Unti-unti nang nagiging matao ang paligid at hindi na ako mapakali dahil artista ang kasama ko. "Are you okay?" Silip sa akin ni Joaquin na ikinagulat ko naman.

"Why wouldn't I?"

"You look..." He stared at me. "Uncomfortable. Let's go home."


"H-huh? Sayang naman ang nilakad natin ng matagal kung hindi natin susulitin ang lugar."


"We can go somewhere else, iyong walang masyadong tao or none at all."



"Huy, ano ka ba? Ayos-"

"Keira."

"Hm?"

"We're not risking it."


Napatahimik na lang ako at tumango-tango. Paano niya nalaman ang nararamdaman ko? "Hold on to me." Inilahad niya ang kanyang braso. "Mahirap na, baka mawala ang bata." He chuckled.





"Gago mo po, Sir." Sarkastiko akong ngumiti saka ako kumapit. Tangina rin nito, eh, 'no? Nakayuko na lang ako habang naglalakad hanggang sa makaalis na kami tuluyan sa maraming tao. We had no choice but to go home.


Brera District was beautiful but we didn't plan to go back anymore. Instead we decided to visit Pista di pattinaggio su ghiaccio, an ice skating rink in Milan. Walang gaanong tao ngayon kaya malayang nakakapagliwaliw si Joaquin. Naikot niya na nga rin ang buong rink habang ako ay nahihirapan sa gilid.


"Aren't you getting bored there? Snow don't last," asar niya nang makita ang sitwasyon ko. To be honest, I really don't know how to ice skate!




"Let me help you." He lend his hand. Umirap muna ako bago humawak doon. My legs are wobbling. Kapag nadudulas-dulas ay tinatawanan pa 'ko nitong isa. "Antayin mo talaga, sinasabi ko sa'yo," banta ko nang subukan kong itayo muli ang sarili.



He lend his arm this time for me to hold but I pushed him a little away from me and let myself learn how to freaking skate. Pasalamat na lang talaga ako dahil hindi ako kilala ng mga ibang naririto.


May napadaan sa harap namin ni Joaquin na bata, mas magaling pa sa'kin. She seemed like a professional skater as she did some twirls. "Payag ka no'n?" Turo ni Joaquin doon.



"Oh, shut up." I rolled my eyes again and continue skating. I tried and tried 'til I can finally catch up to him. Nang matuto na ako ay saka kami naghabulan na parang bata sa loob ng rink.


"Ang yabang mo na, ah?" aniya nang kornerin niya ako sa isang gilid. "Sus, hindi mo lang matanggap ang ganti ng isang api." Malakas ko siyang tinulak at nagpatuloy ulit.


"I'll race you," hamon niya nang sabayan niya 'ko.


"Game!"


"Three laps. To that entrance." He pointed.



"Okay. One for the money," I started.


"Two for the show. Three to get ready and four to-"



"Go!" I started skating as fast as I could. My competitive ass won't let me get lose by him. We didn't talk about any rules yet, at mamaya na lang namin pag-usapan kung anong mangyayari sa matatalo.



I finally got two lapses done! Malapit na ako matapos nang biglang may bumuhat sa akin mula sa likod kaya rin ako napatili. Sinabayan niya pa iyon ng kiliti. "I'm winning this thing," asar niya.




"Madaya ka!" Hampas ko sa kanyang mga braso dahil ayaw niya akong bitawan. Hindi ko rin naman mapigilan ang pagtawa dahil sa ginagawa niya. At dahil competitive nga ako, kinilit ko siya pabalik.



We ended up on the floor, laughing like kids. Everything just feels so comfortable. Parang may kung anong pakiramdam ang gumagaan sa akin ngayon.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top