34

"Keira, totoo bang hindi ikaw iyong babae sa club na kasama ni Joaquin?"



"Magkaibigan lang ba talaga kayo?"





"Keira, is it true na kayo ang may-ari ni Kenzo Monteza ng coffee shop na 'to?"




"May alam ka ba sa pagkamatay ng pamilya ni De Vera?"





Ayon agad ang bumungad sa'kin nang makalabas na ako ng shop namin. It was all clear minutes ago then little by little, strangers started to follow me. I got cornered kahit anong madali ko. If only I can use my taekwondo skills to kick these asses away from me, it'll solve half of my problems.







Sumasakit na ang mata't tenga ko sa kanila. Keira rito, Keira ro'n, at walang katapusang kontrobersyal na mga tanong. Nakakapagod marinig.  Pinagkukumpulan nila ako at halos wala na akong makitang daan palabas sa kanila. Hanggang sa makarinig na lang ako ng malakas na busina. Laking gulat ko kung sino ang lumabas doon at pilit na pinapaalis ang mga taong nakapalibot sa akin.






"Kuya Ken..." mahina kong sambit sa aking sarili. Nang makita niya ako ay agad niya akong hinatak papasok ng kanyang sasakyan. Hindi siya sumunod sa akin sa loob. Hindi ko rin siya marinig sa labas but I can see how furious he is in front of them. Pakiramdam ko ay pinagmumumura niya ang mga tao sa labas.






"Fuck them all." Padabog na umupo si Kuya Ken sa driver's seat. Pulang-pula ang mga tenga niya sa sobrang galit. Nagulat ako nang hampasin pa niya ang manibela. "Are you alright?" Lingon niya sa'kin. Tumango lang ako bilang sagot. "Did they hurt you?" tanong niya muli. Tango lang din ulit ang aking sagot.





Mayamaya'y sinimulan niya nang magmaneho. Mayroon pa siyang muntik masagasaan na reporter dahil ayaw nitong umalis sa daan at patuloy pa rin sa pagkuha ng litrato. Pinapatigil pa nito si Kuya upang interviewhin. "Stay fucking out of the way!" Binuksan niya saglit ang bintana ng kotse. Hindi niya na iyon binaba muli para marinig siya ng mga may gusto pang lumapit sa kanya.





Nang magsunod-sunod na siya sa pagbusina ay tinakpan ko na ang aking tenga dahil mukhang hindi iyon titigil hangga't 'di nakakaalis ang mga taong gusto kaming sundan. Mayamaya'y nakarinig na kami ni Kuya ng tunog ng mga pulis. Behind it was Kuya Kel's car. Nakita namin siyang lumabas doon saka dumiretso sa aming sasakyan.






Tumabi ito sa akin sa backseat nang makapasok. "I'll bail you out, go," ani Kuya Kel. Nang hindi iyon sundin ni Kuya Ken ay lumipat siya sa passenger's seat at siya na ang tumapak sa gas pedal. "What the fuck are you doing?!" Kuya Ken had no choice but to drive us out from the crowd, worried we might hit someone.






Napakapit ako sa aking kinauupuan dahil sa bilis ng kanilang pagpapatakbo. Napatili rin ako nang may muntikan silang mabangga. Parang kaunti na lang din ay lilipad na ako rito sa likod. Nang malagpasan namin ang dami ng mga sumusunod ay nagkaroon na ng pagkakataong harangan sila ng mga pulis.






"Okay, Kelvin. Calm down! You're going to get us killed!" sambit ni Kuya Ken. Binitawan na ng paa ni Kuya Kelvin ang pedal at pabagsak na isinandal ang kanyang sarili. Saka rin huminahon ang byahe namin hanggang sa makarating na kami sa bahay ni Kuya Kel.






Tahimik ang aming paligid na para bang walang nangyari. Ibinagsak ni Kuya Ken ang kanyang ulo sa manibela habang rinig namin ang kanyang mabigat na paghinga. "I'm sorry, Keira," aniya dahilan para malingon namin siya ni Kuya Kel.






We both looked confused. Lumipat ang tingin ko kay Kuya Kel at kunot ang noo niya. Napailing na lang siya matapos tignan si Kuya Ken saka nauna nang lumabas. "Kuya..." sambit ko nang dalawa na lang kami ang maiwan.





"You go inside. Sunod na lang ako."





Tumango na lang ako kahit hindi niya nakita. Hinubad ko na ang aking seatbelt at lumabas ng sasakyan. Habang naglalakad patungong bahay ni Kuya Kel ay saktong kararating lang din ni Kuya Kean. He stopped and looked at me for a while then turned his gaze at Kuya Ken next. Napalingon din ako muli sa pwesto ni Kuya, nakayuko pa rin siya sa manibela.






Hindi tumuloy si Kuya Kean sa bahay bagkus dumiretso siya sa kotse ni Kuya Ken. Hindi ko na hinintay pa kung anong mangyayari sa kanilang dalawa at pumasok na lang sa loob. Hindi ko na rin pinansin si Kuya Kel na umiinom ng tubig sa kusina upang pakalmahin ang sarili. Dumiretso na lang ako sa aking kwarto at nagmukmok. Nawalan ako ng gana at buong maghapon na lang inisip ang nangyari.





I'm still not touching my phone, not even watching the television. Pero kahit anong gawin kong pag-iwas sa balita, hangga't may tenga ako, hindi ako makakatakas sa mga iyon. Kalat ngayon ang tungkol sa statement na inilabas ni Joaquin at ang nangyari sa labas ng coffee shop noong isang araw. Iyon ang bungad sa'kin nang makababa ako ng kwarto at naabutang nanonood si Kuya Kel ng TV.







Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nababasa ang pinost ni Joaquin tungkol sa issue. Kahit ang mga kaibigan ko ay sinabihan kong 'wag na lang ipaalam sa'kin kung anong laman ng statement na niya 'yon. Ang bagsak lang naman no'n kapag nabasa ko ay masasaktan ako. But I'm sure as hell that it's for the best. Denying me is the least he can do...







Muli ko na naman tuloy naisip ang sinabi sa'kin noon ni Kuya Kel. Nabalik lang ako sa wisyo nang maramdaman ko ang pag-vibrate ng phone ko. It was a text message from Joaquin. It's been a while since the last time we had a conversation. Matapos no'ng gabi ng huling kita namin ay sinimulan ko na ring bawasan ang pakikipag-usap sa kanya.







I started to limit my replies until I finally got the courage to not reply at all. Pero minsan hindi ko natitiis. Pero minsan... Kaylangan ko... I was just staring at my phone screen blankly, looking at the new messages. Hanggang sa hindi ko na lang namalayan, may pumatak na lang bigla sa aking pisngi. Agad ko iyon pinunasan at nagmadaling bumalik sa kwarto upang ayusin muli ang sarili.







Nilibang ko ng ilang minuto ang aking sarili bago tuluyan nang bumaba ulit. Palabas na sana ako ng bahay ni Kuya Kel nang bigla niya akong tawagin. "You don't have work today," sabi niya matapos niyang patayin ang TV.






"Huwebes pa lang, ah," sagot ko habang nakatigil sa pinto.






"Hindi ka na raw muna magpapatuloy sa trabaho mo, delikado."




"Sabi nino?"


"Ng panganay mong kapatid. Temporary closed din ang coffee shop simula ngayon hangga't hindi humuhupa ang balita."




"Pero-"


"Keira, makinig na lang, please? Parang awa mo na, 'wag ka na umangal o kung ano pang gusto mong gawin. It's for you to be safe." Lumapit ito sa'kin. "And I hope you two have no communication from now on."





"Kami ni Joaquin?"




"May iba pa ba?"





Napatingin na lang ako kay Kuya habang mahigpit na napahawak sa aking phone. I can still feel its vibration. Umilaw din muli ang screen, showing me he's calling. Kahit labag na labag sa aking loob ay pinatay ko iyon. Nakita iyon ni Kuya Kel. "W-wala na. Hindi na kami nag-uusap," sabi ko na lamang. Parang may kung anong tumutusok sa aking dibdib habang binabalewala ko ang lahat ngayon sa kanya.






"Pumunta siya rito kanina, hinahanap ka. Sinabi ko na lang na wala ka rito at hindi ko alam kung kaninong kaibigan ka pumunta," saad muli ni Kuya. Tumango na lang ako. Nang hindi na kayanin ng aking mga mata ay tinakpan ko agad ang aking mukha at sumandal sa pinto, wala ng tigil sa paghikbi.







Unti-unti akong napaupo sa sahig. Joaquin... I'm sorry... Mayamaya'y naramdaman ko ang paghawak ni Kuya Kel sa aking balikat. "Keira, you have to do what you need to do and I'm proud of you by doing it kahit alam kong ayaw mo rin." I heard him sigh.






Nang sabihin niya iyon ay saka ko lang siya natignan. "Ayaw ko rin kayong nakikitang nasasaktan pero sa ngayon kaylangan niyo na munang maglayo. I'm sure he'll understand." Sabay kaming napatingin ni Kuya nang magliwanag muli ang phone screen ko, pinapakita muling natawag siya.






"Malalagpasan mo 'to, ikaw pa." Tabi na sa'kin ni Kuya. "Tigasin ka, eh."





Umiling-iling ako. Hindi naman 'yon totoo. May kahinaan ako at ngayon sigurado na akong si Joaquin 'yon. Hanggang kaylan ko 'to kakayanin? Hanggang kaylan ako tatakbo palayo sa mga taong ayaw at panay ang pakialam sa akin dahil may tao akong nagugustuhan? Putangina, kaylan ba ako makakapagpahinga?








Bakit... Bakit sa tuwing nararamdaman kong masaya ako ay may pilit na humahadlang? Wala ba akong karapatan doon? Bakit? Dahil ba matigas ang ulo ko? Masama ang ugali ko? Malandi ako? B-boring ako? Sinusubukan ko naman, eh... Sinusubukan ko naman maging maayos.






Well, then, loving someone out of your league will always be wrong. Siguro nga tama sila na ang malas ni Joaquin kung sa akin lang siya babagsak. He's a damn fucking star while I'm just a stubborn girl trying to live a life. He... He deserves someone his level... And I'm afraid it's not me. Hindi ko na ipipilit. Wala na akong dapat ipilit... Noon pa lang naman, malayo na talaga kami sa isa't-isa.





"Hi, Mitch." Haplos ko sa mga bulaklak na nakatanim sa tulay na malapit sa dagat. Dito ako dumiretso pagkatapos kong magpapirma ng clearance namin. Tapos na ang buwan ng Mayo at huling araw na rin namin 'tong babalik sa school para may tapusin pa. Sa bakasyon ay mabubulok na ko sa bahay ni Kuya Kel dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makabalik sa dati naming bahay.






Sinubukan kong bisitahin iyon pero malayo pa lang ako ay may natanaw na agad akong nag-aabang na media at kung sino-sino sa labas ng gate namin. I ended up walking back home at Kuya Kel's house. Kasama ko si Aggy no'n at mabuti na lang dahil hindi nila kami nakita.






Pumitas ako ng maliit na sunflower saka naupo sa pinakadulo ng tulay, iyong malapit na sa dagat at nagpahangin. Tahimik lang akong dinadama iyon at pinapakinggan ang alon. I smiled a little when the sun was finally setting. Muli kong tinignan ang bulaklak na hawak ko - sunflowers were her favorite.






Sa mga oras na hindi ako okay, ano na kayang ginagawa naming siyam sa apartment mo ngayon? Ano na rin kaya ang mga payo niya sa'kin? Habang pinagmamasdan ang bulaklak ay may nakatakas na luha sa'king mata. "Ang hirap, Michelle..." Humihikbi na naman ako. Hindi ko na naman mapigilan ang emosyon ko. Panigurado rin ay niyayakap mo na 'ko ngayon, Mitch. Only if you were still here...







"Keira?" Napapunas ako ng mata nang may marinig akong boses saka iyon nilingon. "Uy, Jacob, kamusta?" Ngumiti ako sa kanya. Mas lumapad iyon nang makita ko ang kanyang kamay na may bitbit na watering can. Balita ko rin mula kay Gabby noon, simula nang mawala si Michelle, palaging pumupunta si Jacob dito.





"I'm good. You?"



"A-ayos lang din..."




"What brings you here?" He started watering the sunflowers. "Nice to see you, by the way. It's been a long time."





"Oo nga, eh. Napadaan lang ako rito dahil maaga ang uwian kanina. Pauwi na rin ako. Ikaw?"






"I'm almost done, actually. Sabay ka na sa'kin. Dala ko naman ang sasakyan ko," yaya niya. Hindi na ako tumanggi dahil parang wala na ring ganang maglakad ang aking mga paa. Malapit na rin magdilim at delikado maglakad dito kapag gabi na. Nang makatapos siya sa pagdidilig ay nagtungo na kami papuntang kotse niya. Laking gulat ko na lang nang may makita pa akong pamilyar na isa na katabi lang ng kanya.






Dinaanan lamang iyon ni Jacob, halatang wala siyang pakialam kung kanino 'yon pero ako ay hindi na mapakali. Sumunod na lang ako kay Jacob papasok sana ng sasakyan nang biglang bumusina ang katabing kotse. Nagulat si Jacob doon pero hindi niya na lang pinansin.






Nakatingin lamang ako sa bintana. It was tinted kaya hindi ko alam kung nakatingin na rin ba sa'kin ang nasa loob no'n o baka naman pinapakyuhan na 'ko. Isa lang ang sigurado ko, nakikita niya ako. Nakita niya na ulit ako matapos kong hindi na magparamdam. "Keira, are you coming?" Tawag ni Jacob, handa na umalis.







"I'll just take care of something." Sinimulan ko nang maglakad papunta sa kabilang pinto. "You know this car?" tanong muli ni Jacob. I raised my thumbs up as an answer before I entered his car. It's now or never, Keira. You have to do this...






"So, you got a new guy now that's why you ghosted me?" Iyon agad ang bungad ni Joaquin nang makaupo na ako sa passenge's seat.




"He's not."




"What? A new fuck buddy?"




"He's not."




Tumango-tango lamang siya. "I've been following you for weeks, looking for a better time to approach you and I ended up seeing you with someone." Napansin ko ang pagkakahigpit ng kanyang hawak sa manibela. "And yet you answered like he was nothing. Now I'm back looking for answers why you just ignored me one day." He scoffed.







"'Wag ka na magpaligoy-ligoy. Sabihin mo na lahat ng gusto mong sabihin." Napalunok ako. Hindi ko sigurado kung handa na nga ba akong marinig ang lahat ng 'yon.






"I'm not. I just want to know why you just... You just did it like nothing happened... I want an honest answer, Keira."






Tumango ako. I'm trying to control everything in me. I need to stand with the decision I made, with the actions I started. "Honest answer..." Nanginginig ang aking labi. If only I can say what I truly feel... But I need to push him away this time when I actually don't want to let go. But the world's making me feel that I have to.







"I lost interest." Nang maramdaman ko ang kanyang pagtingin sa akin ay saka ko lamang din siya nilingon. "And I don't know why. It's just that." Kibit-balikat ko. Natahimik ang aming paligid. Umiwas na rin ako ulit ng tingin.








"So what's the point of confessing and shits kung mawawalan rin lang naman pala ng gana sa huli?" Ngumisi siya. "Okay, you won, Keira. You're really good at playing games after all."






Nagsimula nang magbadya ang luha ko nang marinig ko 'yon. I don't like playing games at all but I need to play cards even though I don't want to... "But I'm hoping you'll take it back..." he continued. Mas lalong kumirot ang dibdib ko nang sabihin niya 'yon. As much as I wanted to, Joaquin... As much as I wanted to...






Mabigat sa loob kong akong umiling. "Yon na 'yon, Joaquin. 'Wag na natin ipilit. Don't you want your peaceful career back?"






"I'd rather lose that kind of life than lose a chance to live a life with you. Keira, please..."





"Joaquin, tama na. Kung ayaw mong mabuhay ng payapa, ako gusto ko. I want to walk in the streets at peace again without a swarm of strangers following me, invading my life."







"Don't you think I don't want to live a normal life?"





"We both want to! And in order to achieve that is by going our separate ways! Joaquin, noon pa lang alam mo ng malayo tayo sa isa't-isa kaya 'wag mo tayong ipilit-"





"Ano bang pinagkaiba nating dalawa, Keira?" He sounds frustrated. "We both feel what a person should feel."






"I know... We're both people. Pero ang pinagkaiba natin... Joaquin, artista ka. Kung ilalarawan, hindi ka lang basta ordinaryong tao. Kilala ka ng lahat. Hinahangad ka ng lahat. Samantalang ako-"






"Bakit, hindi mo ba 'ko hinangad? Sa buong pagsasama natin? Was your confession a joke? Well, another one point for you because I took it seriously."





Hinangad kita... At ang pinagkaiba ko sa lahat, dahil ako ang nagustuhan mo pabalik... Hindi na ako ulit nakapagsalita at saglit na natahimik ang aming paligid. "I don't get it. We're just starting..." aniya. Iniyuko niya ang kanyang ulo sa manibela.






"And we better end it as early as we should before it hurts us more. 'Wag natin piliting ayusin pa, mas lalo lang magiging komplikado ang lahat."






"Sabi mo mahal mo 'ko..." mahina niyang sambit pero sapat na sapat sa'kin para marinig ko. Hindi niya rin pinansin ang huling sinabi ko. Ni hindi niya na rin ako nilingon muli. And by hearing that, my tears finally started streaming down my cheeks. "Mahal mo 'ko... Keira..."






"You need to stop."




"Do I need to kill someone for you to stay?"




"No."



"Just tell me what to do."





"Iyon na nga, ang tumigil ka na. Ayoko na, Joaquin. Pagod na 'ko." Nang hindi niya na ako imikin ay saka ko napagdesisyunang lumabas na pero bago ako tuluyang makababa ay naabot niya ang aking kamay. Napapikit na lamang ako. Kahit gusto kong hawakan iyon ng mahigpit ay hindi pwede. Hindi na pwede...





"Keira, please stay.... Please..."




Umiling ako. "Bumitaw ka na."





"I love you..." he said, almost a whisper. Parang may kung anong tumusok sa dibdib ko nang marinig ko 'yon. Mas lalong sumasakit dahil hindi ko pwedeng sagutin. "Let go." I pulled my hand back but I don't need to try harder. Napatakip na lamang ako ng aking mga mata habang dinadama ang unti-unti niya nang pagbitaw.






Nang tuluyan nang makawala ang aking kamay ay bumalik na ako sa kotse ni Jacob. "Sorry, pinagantay kita," sabi ko habang pinupunasan ang pisngi. Hindi na ako nahihiyang makita niyang umiiyak. He already saw me a lot of times in this kind of state. Iba na nga lang ang rason ngayon. Hindi na siya nagtanong at inabot na lamang ako ng tissue.







I told him where the address was to Kuya Kel's house. Nang makarating ay saktong nakaabang sa'kin sa sala si Kuya. "Gabi na, saan ka galing?" Hindi ko iyon sinagot. Nakatigil lamang ako sa pintuan, pagod na pagod. Saka siya napatayo nang makitang umiiyak ako ulit. "Keira." Lapit nito sa'kin at hinayaan akong umiyak sa kanyang dibdib.







Habang iniisip ang nangyari kanina ay mas lalong bumibigat ang aking dibdib. Mas lalo akong nahihirapan huminga. Sa bawat salitang binitawan ko ay pinagsisisihan ko. "Kuya... Tinapos ko na..."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top