31
Keira Monteza
☕
"You did the best you can." Lapit ko kay Joaquin. Parehas na kaming nakatingin ngayon sa kawalan habang dinadama ang maliliit na agos ng dagat sa aming paanan. Pinaalon niya na rin mga bulaklak na hawak niya. "They died in this place and this will be the last time I'll be stepping on it," aniya.
Napatingin ako sa lighthouse. Bantay-sarado iyon. Hindi katulad dati na isang guwardya lang ang naroon. May iilan ding mga nag-iikot, sinisiguradong ligtas ang paligid. Ibinalik ko ang tingin kay Joaquin at nahuli siyang nag-punas ng luha saglit. There's no words coming out from me. I held his hand instead at isinandal ang akinh ulo sa kanyang braso.
"Thank you for being here, Eia," he said, holding my hand back tightly. Napatingin ako muli sa kanya, gulat sa kanyang tinawag sa'kin. Isang espesyal na tao lamang ang tumatawag sa'kin no'n. Walang iba kundi si Mama lang. And that nickname means a lot to me that I don't want other people to call me that. Exception for my friends, of course.
Mrs. Risma calling me that gave me so much of a mother's warmth. And now, Joaquin. Hearing it from him sounds comforting, like a harmony assuring me as long as he's here by my side, I'll be safe...
"That's the least I can do," I replied. Muling natahimik ang paligid naming dalawa hanggang maisipan na naming bumalik sa sasakyan niya. Binalikan ko ng tingin ang lighthouse at napansing may camera na naka-pwesto sa itaas na bintana ro'n. Sumunod ay may dumungaw na babae at mas lalo akong nagulat nang makitang hawig ng kanyang tiyahin iyon.
"Nasa bahay ang tita mo, 'di ba?" tanong ko kay Joaquin, trying not to look like I'm feeling something bad. Tumango naman siya bilang sagot. "And Raven's with her. I told him to keep a keen eye on her," he said. I once again looked back at the lighthouse and the camera and woman were gone already. Para akong namilikmata pero sigurado akong hindi multo 'yon.
☕
"Come have breakfast with us downstairs," yaya sa'kin ni Joaquin nang magising na ako. I woke up seeing the brown and gray colors of his room and it's been a long time since I've been here. "Ang sarap ng tulog mo kanina sa kotse kaya hindi na kita ginising. Buti na lang sanay akong binubuhat ka." Tawa niya.
Double meaning iyon sa'kin kaya nahampas ko siya sa braso. Mas lalo rin siyang natawa. Mukhang parehas kami ng naiisip nang sabihin niya 'yon. Inayos ko na ang aking sarili pero bago bumaba... "Teka, 'di ba nand'yan ang tita mo? Ayos lang ba sa kanyang sumama ako sa hapag?"
Noong unang kita namin, ramdam ko na talagang hindi niya ako gusto. Baka naman hindi ko malunok ang kinakain ko mamaya sa sobrang ilang. "I'm here. Subukan lang niya," ani Joaquin saka kinuha ang kamay ko at sabay na kaming bumaba.
Pagdating sa kusina ay naroon sila ni Raven na naghihintay sa'min. "Goodness, I'm starving to death! Come sit, Keira," sabi nang kanyang tita at itinuro ako na maupo sa tabi niya. Ayaw pa sana akong pauupuin ni Joaquin doon pero tinignan ko siya, senyales na hayaan niya na muna bilang respeto.
Tahimik ang lahat bukod sa tiyahin nilang patuloy akong kinakausap. Kahit na ganoon ay hindi pa rin matanggal ang aking ilang sa kanya. So far, the conversation was good until all of us finished our meals. Si Raven ang nag-presentang magliligpit. Ang tita nila ay nagtungo na sa opisina ng Daddy ni Joaquin, at siya naman ay...
Sinilip ko siya sa pool area pero wala siya ro'n. Ganoon din sa kanyang kwarto. I ended up seeing him in their mansion's front lawn, vaping. Nang marating ko ang pwesto niya ay naupo ako sa kanyang tabi. Agad din niyang tinigil ang pag-hipak nang mapansin na ako.
"You can keep the mint smoke," I said, interrupting the silence. "Not when you're around." He put the vape away — just beside him at ibinaling na lahat ng atensyon sa'kin. Lumapit pa ako sa kanya ng kaunti upang maihiga ko ang aking ulo sa kanyang balikat. "You okay?" he asked.
"I should be the one asking you that."
"Was that a yes or no?"
"Is it safe to answer that I will be okay when you're okay? Because I don't think I will be knowing that someone's dealing with something heavy?"
Instead of answering my question back, he just laughed a little and ruffled my hair. "You'll be fine..." Kinuha ko ang kamay niya at mahigpit iyong hinawakan. Ngumiti siya sabay dampi ng kanyang labi sa aking ulo na nakahiga ulit sa kanyang balikat.
"Can I ask you about something? If it's okay..."
"Go ahead."
"How do you lost your..." Hirap na hirap siyang banggitin ang mga salita kaya ako na ang nagtuloy ng kanyang sasabihin, "Ang mga magulang ko ba?"
Tumango siya.
"Well, my mom was a teacher in Japan. Nag-crash ang eroplanong sinasakyan nila noong pabalik sila ro'n ng mga kasamahan niyang guro. While my dad died saving lives. He was a soldier. Kabaliktaran naman ng kay Mommy. Kung siya ay papunta sa trabaho, si Daddy naman ay pauwi sa'min. Malayo pa ang kanilang byahe nang may madaanan silang bahay na nasusunog. They helped immediately. Unfortunately, it took my dad's life while others survived that fire," saad ko.
Noong high school naman ako, akala ko ay mawawalan ako ulit ng isang miyembro ng pamilya noong naaksidente sa karera si Kuya Kenzo. Iyon din ang pinakaunang beses na nakausap ko si Joaquin, panahong iritado ako sa presenya niya. Pero tignan mo nga naman...
"No wonder how overprotective your brothers are."
Tumango-tango ako sa kanyang sinabi. "I can't blame them, you know."
"And no wonder how brave you are, Keira."
Napangiti na lamang ako at tinignan siya. Maraming nagsasabi no'n sa'kin. Hindi ko alam kung dahil ba namana ko sa sundalo kong tatay o sadyang namamalditahan ang karamihan sa'kin noon. I don't know but I never called myself one maybe because... "I'm only brave when I have to be..."
"Hindi ba naikwento ni Kuya Kenzo sa'yo ang tungkol sa magulang namin? Knowing both of you, you're too close with each other. Mas napagkakamalang kapatid ka pa nga kaysa sa'kin."
Umiling siya. "No matter how close we are, Kenzo is still a very private person. He's unpredictable at some point." He shrugged. He's not wrong with that, though. Matapos ang ilang minutong pagtambay doon ay napagdesisyunan ko nang umalis ng mansyon nila dahil magsisimula na ang unang araw ko ulit sa coffee shop namin.
Nagpaalam ako kanila Raven na mauuna na. Nang simulan na naming bumyahe ulit ay sinimulan ko ring itulog ang natitirang oras ko bago makapuntang shop dahil alas tres pa lang ay gising na ako upang pumuntang Cagayan.
☕
"Wala ka pa rin bang balak ipaalam kay Joaquin o sa mga kuya mo ang tungkol sa notebook?" tanong ni Agatha habang sabay naming pinagmamasdan ang lupa kung saan nakatago ang sinumpang notebook na 'yon. Umiling ako bilang sagot.
Kahit gustong-gusto ko nang ipaalam sa kanila, mayroon pa ring parte sa'kin na nag-uudyok na 'wag sabihin. Hindi ko maipaliwanag pero sinasabi ng aking katawan na hindi magiging maganda ang mangyayari kapag nalaman nila ang tungkol sa notebook na 'yon. "Marami na rin silang iniisip," sabi ko.
Tatlong araw na ang nakalipas noong huling kita namin ni Joaquin. Bukod sa nagiging abala ako ulit sa trabaho, I'm sure he needs time for himself, too. Kapag libre naman ang oras ay tinatawagan namin ang isa't-isa. Minsan sa pinsan niya ako humihingi ng update tungkol sa kanya.
"Hanggang kaylan natin 'to itatago sa kanila?" tanong muli ni Aggy. Simula noong itinago namin ang notebook na iyon, naging tahimik ang paligid. Ngayon lamang may nangyari ulit — ang pagkawala ng pamilya ni Joaquin. It may sound funny but I can feel that the person behind this is starting to haunt victims again. That notebook will stay underground until evidences are enough to dig it up.
Kinuha ko ang aking phone at may pinakita kay Aggy. "Hanggang sa malaman natin kung sino 'to." I showed her the name of which I believe the owner of that freaking notebook "Jane Pre Yzso..." Basa ni Aggy ro'n at tumango.
Patapos na ang lunch time kaya naisipan na naming bumalik ng school. Hindi na kami nagastos ni Aggy para sa pagkain dahil umuuwi kami sa kanila upang magtanghalian. Malapit lang kasi ang bahay nila sa school namin. Mayroong two hours vacant si Aggy at tatlo naman ang sa'kin. Kaya nang makabalik ay tumambay muna ako sa library habang siya'y nagpatuloy na sa kanyang klase.
Binuksan ko ang aking laptop upang simulan na ang individual activity namin sa isang major subject nang mag-vibrate ang phone ko. Dali-dali ko iyon kinuha sa aking bulsa ng uniform dahil akala ko ay notification mula kay Joaquin ang dahilan pero napakunot ang noo ko nang makitang isang unknown number iyon.
📱09*********:
Give it back.
Mas lalong napakunot ang noo ko nang mabasa ang message na 'yon.
🗨️ To: 09*********
who tf are u?
📱 09*********:
You know me well.
"Gago?" I whispered to myself, getting a little irritated. This might be a prank. Pwes, marami pa akong gagawin para aksayahin ang oras ko sa mga ganito. Umirap na lang ako at itinabi ang phone ko nang mag-vibrate na naman ito. Gano'n ulit ang message niya, na may gusto siyang ipabalik.
🗨️ To: 09*********
ano bang gusto mong ibalik ko sayo? utak mo? mukhang wala ka naman non eh
Naghintay ako ng ilang minuto sa kanyang reply pero sa wakas at wala na 'kong natanggap. "Istorbo, bwiset. Nasaan na nga 'ko?" Ibinalik ko na lamang ang atensyon sa'king laptop. Nang matapos ko ang aking gawain, saktong oras na rin para sa sunod kong klase.
Iyon nga lang, as much as I wanted to focus, my mind's stuck trying to guess — curious perhaps — who the person was behind that text. And what does it want me to give back? As if I stole something from whoever that dimwit was. Kahit gipit na gipit na ako sa buhay ay hindi ko naman iyon gagawin. Kahit abogado ang panganay kong kapatid, I'm sure he won't help me get out of jail.
☕
"May natanggap ka rin bang gano'n?" tanong ko kay Aggy sa kabilang linya. Wala na akong gagawin kaya buhay na buhay ako makipag-chismisan ngayon sa kanya. Kinuwento ko ang tungkol sa lokong nag-text sa'kin kanina.
[Agatha: That was hell creepy pero wala. Walang ibang laman ang inbox ko kundi puro load, subscriptions, codes...]
"Hm, odd." I sighed as I lay myself down in bed, already looking at the ceiling as if the answer's up there.
[Agatha: Baka naman prank lang 'yon. May iba pa bang nakakaalam sa number mo bukod sa aming malalapit sa'yo? Naka-public ba sa Facebook mo 'yon?]
"Hindi." Umiling ako na para bang nakikita niya. Napahaba pa ang aming usapan hanggang sa mapunta na kami sa kung ano-anong topic. Matapos ang dalawang oras nang pag-uusap ay ibinaba na rin namin. I tried contacting Joaquin the same night but he didn't pick up the five missed calls I did.
"Busy ka ba?" Basa ko sa aking tinype na text na agad ko rin namang binura, wala ng ganang i-send. I bet he is. Probably dealing with his terror aunt. I swear, she horrifies me down to the core no matter how sweet she was the last time we talked about her Europe experience during my first breakfast with her.
Nakailang ikot na rin ako sa aking higaan ngunit hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Naisipan kong bumaba sa kusina upang mag-timpla ng gatas. Tinignan ko na rin si Mama sa kanyang kwarto at mahimbing nang natutulog. Bumalik din ako sa kusina upang tignan kung kumulo na ang aking pinapainit na tubig.
Nang makitang okay na saka ko iyon sinalin sa aking tasa. I was about to get some food from the fridge for a little midnight snack when something covered my whole face and snatched me out of the kitchen. And the last thing that I remember was everything went black.
☕
Bumungad sa'kin ang malawak na damuhan. Sa bandang dulo no'n ay maraming puno at madilim ang lalakaran. Sa aking likuran naman ay tanaw ang isang circuit. Iyon lang ang pamilyar sa'kin ngayon. Agad akong tumayo at hindi na nagsayang pa ng oras at tumakbo palayo sa aking pwesto.
"Let's see how far can you go 'til a bullet reaches you." Napatigil ako nang may magsalita kasabay no'n ang tunog ng pagkasa ng baril. Nang malingon ko ay isang malaking lalaki ang bumungad sa'kin. He was wearing a black bonnet and a mask. His eyes were dark, seems like I've seen it before. Pero may isa pang nakapukaw ng aking atensyon — iyong laurel leaf na simbolo sa kanyang suot na bonnet.
There's no words coming out from me. I want to run but I'm not sure if he'll miss a shot. I want to scream but obviously there's no one here but me, awfully trembling in front of someone I don't know. Unti-unti na lamang akong napaatras.
"Hand me over and you can run free, as far as you want. Don't try calling the police, they're useless." His gun is still pointing at me.
Hand me over? Napatigil ako sa pag-atras. That was familiar. Posible kayang... "You're the guy behind that number who texted me earlier, aren't you?"
"Hm, smart girl." He chuckled.
"What do you want from me?"
"We're not here to play. I know you have it."
My heart started beating fast when I realized what he was talking about. The bonnet, maybe this was what Joaquin saw when his best friend died. The notebook... I'm sure that's what he was referring to. Iyon lang naman ang delikadong bagay na mayroon ako ngayon. Sumaktong delikadong tao rin ang nagpupumilit sa'kin ngayon.
"I don't know what you're talking about," I denied. Lumapit ito sa'kin dahilan nang mas malapit na pagtutok ng kanyang baril sa akin — sa aking ulo.
"I'm giving you chances. As much as I wanted to kill you, I won't this time. Not until you give it back."
"You're wasting your time with me dahil hindi ko alam ang tinutukoy mo," taas-noo kong sambit. Hangga't kaya kong 'wag ipakitang natatakot ako... "Pero kung sakaling alam ko man, I'd rather die than letting you know whatever it is you need to know. And when you kill me, you will never have your answers. You can choose, let me be the one dying or let the curiosity kill you," mariin kong sabi.
Wala akong naiisip na plano bukod sa tumakbo. At sa bawat tensyon na nararamdaman ko sa aming dalawa ay mas lalong bumibilis at lumalakas ang pagkabog ng aking dibdib. I started sweating so hard, too. Matalim niya akong tinignan at tinutok ang kanyang hawak na baril sa kalangitan.
"The notebook, Keira. I know you have it." There he finally said it. Mas lalo pa akong natakot dahil alam niya ang pangalan ko. Where the hell did he come from?
Hindi na ako nakapagsalita. I was cornered and I'm already in an it-is-what-it-is-situation. He said he won't kill me yet. Iyon ang naging dahilan ko nang simulan ko nang tumakbo. Hindi pa ako ganoon na nakakalayo nang marinig ko na ang pagputok ng baril.
"You bitch... Run, Monteza, run!The next time we meet, I'll make sure your blood will be the last thing to run."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top