3

Nagtungo kami agad ni Joaquin kung nasaan si Lexi ngayon. Halos huli na rin pala ako sa balita dahil magdamag naka-off ang phone ko. Tahimik lang ako sa byahe habang si Joaquin ay seryosong nagmamaneho. "Malapit na tayo," he assured me.




Nasa Quezon City na kami. Tumingin ako sa labas at halos malula ako sa mga naglalakihang buildings. Ganito pala ang view ni Lexi araw-araw. Lakas maka-dukha, shet.


Mayamaya'y nag-park kami sa tapat ng isang malaking condo. Napanganga na lang ako nang malamang nandito si Lexi. Nagtungo kami sa 5th floor dahil doon ang sinabi niyang unit ng sumagip sa kanya at mayamaya'y nakita na rin namin siya. Agad akong yumakap sa kanya.






"Prank ba 'to?! Kung oo, pwes, hindi ako natutuwa!" Napataas na lang ako ng boses. Mas lalong nanlaki ang mga mata ko nang makita kong may sugat siya sa tagiliran. "Anong nangyari sa'yo?!" Yugyog ko pa.





"Keira, I'm fine, what the hell!" Hawi niya sa mga kamay ko. "Maayos na 'ko. Ligtas na 'ko at gagaling 'tong sugat ko." Malapad siyang ngumiti sa'kin na parang wala lang iyon sa kanya.



Niyakap ko na lang siya ulit, pinipigilan ang luha. I feel guilty. I wasn't there with her last night. Paano kung may nangyari pang masama sa kanya at hindi siya nailigtas?



Kaibigan ko si Lexi simula elementary kami at halos karugtong na siya ng atay at bituka ko. Hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko habangbuhay kapag nangyari 'yon.


Halos 11 p.m. na kami nakauwi ni Joaquin. Nang maihatid ako sa bahay ay may tatlong sasakyang nakaparada na sa garahe namin. Nandito pa lang ako sa labas ay naririnig ko na agad ang boses nilang tatlong sinisermonan ako.



"See you never ulit." Lingon ko kay Joaquin na nakasandal lang sa kotse niya. Tumango lang siya sa sinabi ko saka siya nagtungo sa driver's seat.




Napatigil ako sa paghakbang papuntang gate nang mag-vibrate ang phone ko. Isang text message na naman mula sa unknown number kaya napakunot ang noo ko.




Nagtaka rin ako dahil may laman agad ang usapan namin. The time and date was just from last night. Halos maningkit na ang mga mata ko habang nakatitig sa latest message ng unknown number. Hanggang sa mapagtanto ko na rin kung sino 'yon.



💌 09*********:
This is Kenzo. Where you,
Keira? Thesis?

Wag mo na uulitin



My jaw dropped and looked at him behind. Nakabukas pa ang bintana ng sasakyan niya kaya nakita ko siyang nakangisi habang nakatingin sa phone. Mayamaya'y nilingon niya na rin ako habang nagpipigil ng tawa. Pwes, 'yan mapipigil pero ang inis na nararamdaman ko ay hindi. Ibinaling ko ang atensyon ko ulit sa phone at nag-type ng reply sa kanya. You fucker.


🗨️ To: 09*********
Go to hell


Tinignan ko siya ulit para pakyuhan saka ako tuluyang pumasok ng gate. Isinandal ko ang sarili ko ro'n habang malalim na humuhugot ng hininga. Napasabunot ako sa aking sarili habang impit na napasigaw.


"Isa kang kahihiyan, Kei..." Padabog na lang akong pumasok sa bahay. Dire-diretso ako paakyat ng kwarto hanggang sa bumangga ako sa isang dibdib ng kuya ko.



Nang maingat ko ang tingin ay si Kuya Kean ang bumungad sa'kin, matalim ang tingin. Parang naririnig ko na rin ang tawag ng guardian angel ko sa'kin. "No long conversations needed. You know what you did. You're grounded." Hindi na siya nagpaligoy-ligoy pa. I already see that coming.




Tumango lang ako sa kanya at nagpatuloy na sa kwarto ko. Sasara ko na rin sana ang pinto nang bigla niyang pigilan iyon. "If it weren't for Joaquin, baka hanggang ngayon ay wala ka pa rin dito," dagdag niya pa. Saka ko lamang siya hinarap ulit.




"So, you really did asked him a favor." Pumalatak ako. "I don't need him, Kuya. I can do things by myself. I'm already an adult."




"No, you can't. You're irresponsible. Ni hindi ka nga marunong magpaalam. Paano kung may mangyari sa'yong masama?" Napailing-iling ito. "I already had enough of you."




"Kuya, look, I'm alive! There's nothing to worry!"




"You're not just grounded, Keira Denise. You won't be receiving any allowance 'til you learn." Inilahad niya ang isang kamay niya sa'kin at hindi pinansin ang huli kong sinabi. Nakakunot lamang ako habang tinitignan ko ang palad niya. "Cards, Keira."




"H-huh?" Saka ko siya ulit natignan.



"Credit cards. Ako ang hahawak at hindi ko ibibigay hangga't hindi ka natututo."



"What?! No way! I need this!"



"Don't you raise your voice at me, young lady. Hand it over. Now," mariin niya nang sambit.



"Paano ako mabubuhay kung wala akong pera, Kuya?!"



"Gawan mo ng paraan. Matuto ka. 'Wag kang umasa sa mga laman niyan. We let you do things on your own because we trust you. I trusted you. But everything's just getting out of hand. Nakakalimutan mo ang mga limitasyon mo, Keira. Money isn't easy and this isn't just about money. Besides, you said you can do things on your own because you're already an adult." He backfired. Unbelievable!




Nakalahad pa rin ang kamay niya sa'kin hanggang sa wala na lang akong nagawa. Kung hindi ko iyon susundin ay may mas mabigat iyong kapalit. Kinuha ko ang tirang pera ko saka ko ibinigay sa kanya ang buong wallet. "I'm sorry but this is for your own good. Don't lose yourself." He finally left my room.




Kumuha na lang ako ng tuwalya at dumiretsong banyo para linisin na ang sarili. Pinahiram din ako ni Joaquin ng damit niya pero 'di sapat 'yon para 'di ko maramdaman ang lagkit sa katawan ko.


Pinagmamasdan ko iyon sa salamin. "'Di raw ako isusumbong, tss. Punitin ko 'to, eh." Umirap ako saka ko tuluyang hinubad iyon.



Pagkatapos ko maligo ay nahiga na ako sa kama at hindi na napigilang maiyak sa sobrang inis. Noong nakaraan pa ako minamalas, ah? Sino bang nangkulam sa'kin? Kukulamin ko rin pabalik. Pumikit akong nakakunot ang noo, malalim ang iniisip hanggang sa makatulog na lang din ako.


Hindi ko maiwasang mapamura na lang habang binibilang ang perang naiwan sa'kin. Hindi iyon sapat para buhayin ako ngayong araw. Nakarating na rin ako sa classroom namin at hindi pa nagsisimula ang klase ay gutom na gutom na 'ko. Tatlo ang kuya ko pero ni isa sa kanila ay hindi ako nilutuan ng almusal. They even told Mrs. Risma not to cook for me either.



Fuck, para akong tinotorture!



I spent two hours on my major class and that was my only class for today. Ang haba ng vacant at ang dami kong gustong gawin. Wala lang talaga akong pera. The coffee shop was also closed for the meantime dahil nirerenovate. "Hay buhay..." Nagpakawala ako ng malalim na paghinga.




Nakatambay lang din ako sa loob ng girl's restroom. Halos wala na rin akong kausapin sa mga kaklase ko dahil sa nangyari sa'kin no'ng birthday ko. Hindi ko alam kung may idea sila sa nangyari pero sana ay wala. Mas okay na sa'king tatlo na lang kaming nakakaalam...




Nakita ko rin ang damit ni Joaquin sa bag ko habang hinahanap ang phone ko. Saka 'ko naisipan na puntahan siya para maisoli 'yon. Hindi na 'ko nahirapang kontakin siya dahil may number na niya ako. Uminit din agad ang ulo ko nang makita ko ang huling message niya sa'kin ulit. "Patay ka sa'kin." Saka ako nagsimulang mag-type.





🗨️ To: 09*********
Saang parte ka ng impyerno
ngayon?


I'm not expecting him to reply right away after I sent it. He's a celebrity and I bet he's always busy. But then my phone vibrated, showing his reply. Kung anong oras ko sinend ang akin ay gano'ng oras ko rin nabasa ang kanya. Wala siyang ginagawa? Good for us, then. I'll take that as an opportunity to choke him to death when I see him.


💌 09*********:
Dash racing circuit

🗨️ To: 09**********
Omw

💌 09*********:
Miss me already?

🗨️ To: 09*********
Kapal naman ng mukha mo
sino ka ba para mamiss

💌 09*********:
The hell you need?


Kapag ba sinabi kong pera ay bibigyan niya 'ko? Hindi naman kaya hindi ko na rin siya nireplayan pa. Dumiretso na ako kung nasaan siya at saktong naabutan ko siyang paalis mula sa grupo nila. Sinundan ko siya at natigil lang ako nang makita ko siyang sa restroom dumiretso.



I waited there for five minutes and when he finally stepped out, hinawakan ko agad ang leeg niya at isinandal sa pader. I wasn't really choking him, though. "Kasalanan mo 'to!" Halos bugahan ko na siya ng apoy sa mukha.




"What the heck is your problem, you dragon?" Wala man lang bakas sa mukha at tono niya ang gulat kahit ganitong sinugod ko na siya. Paano pala kung totoo nang sinasakal ko siya ngayon? Hindi ba siya natatakot sa'kin? Hindi pwede! Dapat siyang matakot!



"Sinumbong mo 'ko kanila kuya! Taksil! Sabi mo hindi mo gagawin 'yon!"



Tumawa lang siya at kinuha na ang kamay kong hindi ko namalayan na sa mga dibdib na niya pala nakahawak. "I didn't, you silly. Ikaw mismo ang nagpahuli. Naunahan ka pa nila umuwi."



And I realized that. Mas lalo lang kumunot ang noo ko dahil wala na akong maisip na pambato sa kanya. Nakakainis! "Pinagtutulungan niyo 'ko." Umirap ako at tumalikod sa kanya at saktong nakita ko si Kuya Kenzo sa isang bench na may kausap na babae.



She seems familiar to me pero dahil nakatalikod ay ipinasawalang-bahala ko na lang. Baka maling tao ang nasa isip ko ngayon at magkaparehas lang talaga sila ng likod.


Maglalakad sana ako papunta kay Kuya nang biglang may dumunog sa kanyang mga fans. Ito ang ayaw ko, ang pagkaguluhan. Minsan kapag tinatanong ng ibang tao kung kapatid ko ba siya ay tinatanggi ko. I don't like being in someone else's spotlight. It feels like living in someone else's shadow.



Pumasok na lang ako sa pangbabaeng restroom na katapat lang ng male's at naupo sa may lababo. Naisipan ko na lang din mag-charge at doon na lang muna tatambay dahil ayaw ko pang umuwi. Wala si Mrs. Risma ngayon, isinama ni Kuya Kean lumabas para mamasyal. Mabo-bored lang ako sa bahay.



"Kumain ka na ba?" tanong sa'kin ni Joaquin na nakasandal pa rin sa pader. Katapat lang ng lababo ang pinto kaya hindi maiiwasan ang presensya niya maliban na lang kung aalis siya ro'n.



"Gasgas na 'yan. 'Wag mo na 'ko balaking landiin. I told you, you're not my type," sagot ko habang nananatili pa rin ang atensyon sa phone, bored na bored kaka-scroll.


"I'm not hitting on you. I'm just asking."


"And why the hell you care if I did or not? Para namang sagot mo ang pangkain ko. Hindi naman kita magulang."


"I'll be at Diner's. Sunod ka na lang."


"Sunod? Bakit? Libre mo ba 'ko?" Saka ko siya nilingon pero wala na siya ro'n sa pwesto niya. Sinilip ko sa labas pero wala na rin.


Ganoon din sina Kuya Kenzo at ang mga fans niya. Pinag-isipan ko munang mabuti kung susunod ba 'ko dahil baka isang patibong na naman 'to sa'kin. At the same time, my tummy's grumbling so bad. Wala akong kinaing almusal at magtatanghalian na rin. Kanina pa kumukulo ang mga intestines ko.



I badly wanted to eat but I need to make sure that this isn't some kind of a trick. I texted him once again. He's already at Diner's.


🗨️ To: 09*********
Libre mo ba ko?


💌 09*********:
Ayaw mo ba?


Bakit niya ba binabalik sa'kin 'yong tanong? Sino rin bang tatanggi sa ganyan?

🗨️ To: 09*********
Gusto ko lang siguraduhing di mo ko niloloko

Wow, parang double meaning tuloy sa'kin...


💌 09*********:
Just come over here and
eat with me baby

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top