27
"Those women were architects and that time was the only time where we're all free for a meeting. They work under the renovation of Womanscape. May pinakita silang design sa akin na pwede nating idagdag sa shop. Also, they work for my Ninang, if you still remember the fashion designer, Mrs. Flores," saad niya na.
Nakahiga na kami ngayon, parehas na nakatingin sa kisame ng aking kwarto. "Mukhang type ka nila," sabi ko, naiinis pa rin. Natawa lang din si Joaquin sa sinabi ko saka ako hinapit sa bewang. "May mga asawa't-anak na 'yon, Keira," sabi niya muli.
Kunot-noo na akong lumingon sa kanya. "Halos mukhang ka-edad mo nga lang sila!"
"You're saying I look old?"
"I'm saying they look so young and single na mukhang pasok na pasok sa taste mo sa babae. Para silang mga modelo na kasama mo sa mga photoshoots."
"They're already in their 40s, Keira."
"Kahit na, edi sugar mommy mo, gano'n." Umirap ako nang marinig ko na naman siyang tumawa.
"You're the only one I want." Ginulo niya ang buhok ko. Hinawi ko ang kanyang kamay saka ko napansin na malapit nang mag-hatinggabi. Inabot ko na sa kanya ang sumbrero niya nang makabangon ako. Imbis na iyon ang kunin ay ako ang inabot niya saka hinalikan.
"I'll see you tomorrow after class."
"Hm, mukhang negative tayo r'yan. May group work kami bukas."
"We're not gonna have sex, you silly. I'll take you out for dinner, a proper one," paglilinaw niya kaya natawa ako. "Double date. If it's okay with you?"
"Sure! Okay lang. Mas marami, mas masaya. Sino bang kasama?"
"Raven will bring his plus one."
Lumapad ang ngiti ko at nanlaki ang mga mata." Si Raven may plus one? Talaga? Kaylan pa? So, moved on na siya? Ay, kung may bago na siya, may girlfriend na ulit, hindi ka na magseselos?" biro ko.
Matalim niya akong tinignan at tinaasan ng kilay. Ah, ngayon ako naman ang mang-aasar. Umirap siya sa'kin at umiling na lang habang sinusuot na ang sapatos. Natawa na lang ako nang hindi niya sagutin ang mga tanong ko. "Ang territorial mo naman, grabe." Umupo ako sa tabi niya.
Napatigil siya sa pag-sisintas at tinignan ako muli. "Coming from someone who almost ghosted me because she got jealous." Ngisi niya. Wow, it backfired that fast. Nang makatapos siya sa kanyang ginagawa ay tumayo na siya ulit saka niya ako hinila patayo rin at niyakap.
Tahimik lang kami hanggang sa maramdaman ko ang pag-lapat ng kanyang labi sa aking leeg. "A-akala ko ba uuwi na?" I said but obviously enjoying it.
"I'll miss this again for the night." He pressed my waist. Inilapat ko rin ang aking labi sa kanya at ipinulupot ang mga braso sa kanyang leeg. Habang pumupusok ang bawat halik ay humihigpit lalo ang kapit niya sa bewang ko. I walked backwards habang hindi pa rin binibitawan ang halik. Nang maramdaman ko na ang higaan ko ay saka ko inilapag ang sarili namin ulit doon.
I placed both of his hands on my boobs as I let go of the kiss. "You can enjoy me for tonight," I whispered on his neck. Bakit pa magpapaligoy-ligoy kung alam na rin naman ang patutunguhan?
☕
"Keira, lunch na!" Nagising ako sa boses ni Agatha. Sa sobrang himbing ng tulog ko sa library ay hindi ko na namalayan ang oras. Buti na lang at dalawang oras ang vacant. Umunat ako at wala sa sariling niligpit na ang mga gamit.
"Kanina pa kita ginigising. Anong nangyari sa'yo at puyat na puyat ka?"
Pinuyat ako ng asawa ko, charot. Matamis lang akong ngumiti kay Agatha saka kinuha ang kamay niya at naglakad na palabas ng library. Hanggang sa makarating kami sa canteen ay halos mapunit ang labi ko sa sobrang saya. Takang-taka na rin si Agatha. Himala at hindi niya yata mahulaan ang nangyayari sa'kin ngayon.
"Umamin na ako," diretso ko na. Halos masamid siya sa iniinom na juice nang marinig iyon. Agad ko siyang inabutan ng tissue dahil nabasa ng kaunti ang pwesto niya. "S-seryoso ka ba? Ang tigasing Keira Denise, umamin na? Mukhang nag-lalamangan kayo ni Joaquin sa pagiging marupok, ah!" sambit niya.
At dahil nabanggit ko na, sinimulan ko na rin mag-kwento. I told her everything that had happened last night, except for the sex part, of course. "Oh my gosh, Keira! I'm so happy for you!" Yakap niya sa'kin. Mas nakakakilig pala kapag kinuwento sa kaibigan ang nangyari kaya parehas kaming inuulan ng hampas ng isa't-isa.
"Right after your dates, tayo naman. Huy, kaylangan natin i-celebrate 'yang kalandian mo!" Hampas niya na naman sa'kin. Kahit kaylan talaga ay hindi siya magpapahuli. Well, expected ko na rin naman 'to. Mas lalo akong naging masaya nang makita ang reaksyon niya.
☕
10 p.m., I'm already done with my looks, thanks to Agatha for helping me out. She decided to stay for the night lalo pa't ganitong aalis ako at mawawalan ng kasama si Mama. And speaking of, kinakatok niya na ako dahil narito na si Joaquin, naghihintay na sa'kin sa labas.
"Kinakabahan ka ba, Ma'am Keira?" Lapit sa'kin ni Aggy habang ako ay nananatiling nakaupo sa harap ng salamin. Dahan-dahan akong tumango bilang sagot. "Just enjoy the rest of the night. I got you at ako ang bahala rito. I'll take care of Mama." Yakap niya mula sa likod.
Pinagmamasdan na namin parehas ngayon ang repleksyon namin. Naisipan ko na rin kunan ng litrato iyon. Mayamaya'y humalik na ako sa kanyang pisngi at nag-paalam. Pagkababa ko ng kwarto ay gano'n din ang ginawa ko kay Mama.
Tanaw ko na sa labas si Joaquin at ang kanyang sasakyan. He walked towards and stopped at the doorway. Habang naglalakad papalapit din sa kanya ay bumibilis ang kabog ng dibdib ko. He reached for my hand as he guided me to the car. "You look gorgeous," he said as he opened the door for me.
"Thanks. As always," taas-noo kong sabi at tuluyan nang naupo sa loob. Nang makapasok na rin siya ay kinuha niya ang kamay ko upang halikan iyon. Pagkatapos ay mahigpit niyang hinawakan saka sinimulan mag-drive. Sanay na sanay na rin siyang isang kamay lang ang nag-mamanibela at iyong isa ay nakahawak sa lever kasama ang kamay ko.
Simula nang umamin siya sa'kin ay ganito na palagi ang pwesto ng kamay naming dalawa sa sasakyan. Mukhang mas mapapadalas pa lalo ngayon dahil umamin na rin ako. Wala rin akong ideya kung saan kami pupunta ngayon. Basta ako, eenjoyin ko 'tong gabing 'to na kasama ko siya...
☕
Tanging ang tugtog lang sa sasakyan ang nagsisilbing ingay sa pagitan naming dalawa. Abala siya sa pagda-drive habang ako ay abala rin sa pag-sulyap ng tingin sa kanya. Wala na rin naman akong pakialam kung mapansin niya man o hindi. Wala na rin naman akong dapat itago sa kanya maliban sa kilig.
Hindi ko pwedeng ipakita na kaunti na lang siguro ay hihimatayin na 'ko sa tuwing napapansin ko rin siyang sumusulyap sa'kin. Minsanan niya pang sinusuklay ang kanyang buhok kapag naiinis sa sobrang traffic. Kapag gano'n ay hinahaplos ko ang kanyang kamay gamit ang aking hinlalaki para pakalmahin siya.
Matapos ang ilang traffic na napagdaanan ay nakarating na rin kami sa isang restaurant. Natuwa pa ako nang mapagtanto kong nasa Intramuros kami ngayong gabi. Alam na alam niya talaga kung saan ako mahina, parang delikado na talaga 'to.
Pagkapasok namin ay halos walang tao pero puro bodyguards lang kaya takang-taka ako kung tama ba ang lugar na pinuntahan namin. "I rented the place," he said as he pulled a chair for me, already sitting on a table for four. Hindi na rin naman ako nagulat, sa yaman niya ba naman.
"W-wala bang nag-aabang na mga fans mo sa labas?"
"We're secured, don't worry. Even my cousin and his plus one."
Napalingon ako sa aking likuran nang may ituro siya ro'n. Saktong nakita ko si Raven na naglalakad patungo rito at may kasamang babae. Natuwa ako dahil may kasama ako pero nang makita ko na ng malapitan ang kanyang itsura ay mukhang maldita at hindi ko yata makakasundo.
Nag-batian pa ang mag-pinsan na akala mo naman hindi nagkikita. "Long time, no see, Keira. This is Jaime," pakilala ni Raven sa kanyang kasama. Tumayo ako at nakipagkamayan. Masayang ngumiti at kumaway ang babae sa'kin matapos no'n. "Hello po." She even bowed! Napa-bow din tuloy ako.
Nakaranas naman na ako ng dates noon but not as fancy as this tonight. Hindi ko tuloy alam kung paano ba ako hihinga sa ganitong lugar, masyadong mamahalin. "Keira, relax." Inabot ni Joaquin ang kamay ko. Ngumiti na lamang ako at parang sa mga ganitong oras ay kaylangan ko sina Jewel at Solene para bulungan ako kung paano ba ang mga dapat gawin sa fancy dates.
☕
Naging masaya ang double date namin. Si Jaime na akala ko maldita ay mabilis ko lang nakabiruan. Nagkakahiyaan lang kami no'ng una. Mas lalo kaming nagkaroon ng oras nang iwanan kami ng dalawang lalaki. Umupo ako sa tabi niya para makapag-usap kami ng maayos.
"Congrats, ha. New girlfriend ni Rav." Mahina kong hampas sa kanyang balikat bago uminom ng wine.
"Huh? Ah, eh, friends lang po kami ni Kuya Raven," simpleng sagot niya lamang pero muntik na akong masamid dahil sa huling sinabi niya. Kuya? Seryoso ba?
"K-kuya? Seryoso ka ba? Nako, 'wag kang mahiyang umamin sa'kin. Ibabaon ko pa sa kailaliman ng lupa ang sekreto mo."
Natawa siya. "Ate Kei, wala akong kahit anong pag-tingin sa kanya. Same school lang kami kaya nagkakilala, common friends. Tska mukha siyang fuckboy."
Kaunti na lang talaga ay maibubuga ko na kay Jaime ang iniinom ko. Natawa ako sa huling sinabi niya. Fuckboy, amputa. Well, anyway, gano'n din naman ang first impression ko sa pinsan niya. Actually, kung 'di ko sila nakilalang dalawa mukha silang mahilig manggago na mag-pinsan. Tandem sa pagiging heartbreaker na laging hinahabol.
"You know, Ate Keira, I respect him as a brother. I treasure our friendship. Kung may magiging girlfriend man siya, sigurado akong hindi ako 'yon. Ikaw po dapat ang kino-congrats ko! Swerte ni Kuya Joaquin sa'yo," pag-iiba niya ng usapan.
Magsasalita na rin sana ako pero biglang bumalik na ang dalawang mag-pinsan. Hindi na ako umalis sa tabi ni Jaime hanggang sa matapos kami mag-dinner. Naisipan kong yayain si Joaquin lumabas at mag-pahangin habang ang dalawa ay naiwan doon sa loob ng resto. I'm sure they need time alone, too.
"Thank you," sabi ko nang isandal ko ang ulo sa kanyang balikat habang pinagmamasdan ang kalangitan. "To more nights with you, Keira." Halik niya sa aking ulo. Natahimik saglit ang paligid namin hanggang sa yayain ko na lang siyang maglakad-lakad.
We're swaying our hands together, laughing together, hugging like a happy couple, and him showering me lots of cheek kisses. It feels like we literally own the whole place. Natigil lang kami sa paglalakad nang makarating kami sa parking lot malapit sa Fort Santiago.
Nasa gitna kami at wala akong ideya kung anong gagawin namin dito nang bigla niya akong inikot papasok sa kanyang mga braso. We started swaying like we're surrounded by sweet melodies. Natigil lang kami nang unti-unting pumapatak ang ulan. Dali-dali kaming tumakbo pabalik sa resto pero dahil malayo ay naabutan kami ng pag-lakas nito at basang-basang nakabalik doon.
Wala na ro'n sina Raven at Jaime nang silipin namin. I promise to keep Jaime's secret kaya hindi ko na binanggit pa kay Joaquin. Isa pa, wala rin naman ako sa posisyon para mag-kwento. Hindi na kami pumasok pa sa loob ng resto ulit dahil basa na kami at nanatili na lang sa labas, pinagmamasdan ang ulan.
Mayamaya'y naramdaman ko ulit ang braso niyang yumakap sa'kin at dahan-dahan akong isinayaw. Tahimik, payapa, masaya... Ganoon ko mailalarawan ang lahat ngayon. My, I wish we could be like this as much as we wanted too...
☕
Hatinggabi na nang maihatid niya na 'ko sa bahay. May baon siyang extra na coat at pinahiram iyon sa'kin, suot-suot ko hanggang sa makauwi ako. "Balik ko na lang 'to bukas," sabi ko dahil medyo basa na rin dahil sa damit ko kanina na naulanan.
"You can have it," casual lang niyang sagot kaya napatingin ako nang matagal sa kanya. Iyong coat niya ay mukhang mamahalin at ayoko namang masira o madumihan ko! "S-seryoso ka ba? I mean, pwede mo pa 'to magamit sa ibang events mo," angal ko pero nginitian niya lang at lumapit sa'kin.
"Keep it, it's yours. You can put it around you when you miss me," he teased.
"Landi mo talaga," iyon na lang ang nasabi ko. Nag-paalam na 'ko pero bago pa ako makapasok sa loob ay hinapit niya ako sa bewang at hinalikan. Hindi ko alam kung bakit pa rin ako nagugulat sa tuwing ginaganito niya 'ko. He caressed my cheek with his thumb when our lips parted. "I'll see you," he whispered.
"Anytime you want," I whispered back. Hahalik pa sana ako ulit nang biglang tumunog ang CCTV camera malapit sa bintana at pintuan.
[Kel: Tulog na.] Rinig namin parehas sa boses ni Kuya Kel mula sa CCTV. Nakalimutan kong konektado nga pala ang frontdoor camera sa mga phones namin at nakikita nila ang mga nangyayari rito!
[Ken: Go to bed, sis. Give Joaquin a rest.] Rinig naman namin kay Kuya Ken. Sabay pa silang nag-tawanan ni Kuya Kel dahilan nang bigla kong pagkahiya. Napatakip na lang ako ng mukha. Para kaming kriminal na nahuli!
Kumaway pa sa camera si Joaquin, parang timang! Mahina ko na lang siyang binatukan habang nagpipigil ng tawa. "Alam na nila," kalmado niyang sambit.
"Ang alin? Hindi naman tayo mag-jowa."
"I'm sure they saw us kissing. Ano sa tingin mo iisipin nila?" Taas-kilay niyang tanong sa'kin."Well, anyway, we'll get there. Handa naman akong iharap ang sarili ko sa kanilang tatlo."
"Yabang nito." Siniko ko na lang siya at pumasok na sa loob. Dali-dali rin akong umakyat sa aking kwarto upang silipin siya mula sa aking terrace. I waved goodbye when I saw him, ganoon din siya. I watched him drive away before I went back inside the room.
Halos hindi maalis ang ngiti ko sa aking labi. I never felt anything like this before. I still can't believe that we're here... I felt so free, letting myself fall knowing someone will catch me. Knowing he'll be there to catch me...
Damn, Joaquin Dominic, you are really a risk I am fearlessly willing to take.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top