24

First round...


Second round...



Third round...


Fourth and...



Fifth.





It's a little too rough but damn, it's like heaven. Hindi lang kami ang nasa sahig ng walk-in closet kundi ang ibang gamit ko rin dahil naglaglagan kanina habang nakakapit ako. Dalawang lingerie ko rin ang napunit ni Joaquin sa sobrang gigil. At dahil wala na rin akong balak magsuot pa ng damit, I ended up wearing my undies only.







And we finally ended up in my bed, sharing french kisses, and still enjoying being on top of him. "I enjoyed your little dress up, miss," he whispered on my neck. Kada lalabasan ba naman siya ay nagpapalit ako ng bra. Ayokong sa sahig niya 'yon iputok lahat, 'no. Sayang.






"I thought you will say you like my legs shaking."






He laughed a little. "That, too. And I like your tops. But I love you more being on top of me." He caressed my buttcheek. "Hm, raising my white flag and it's already dark. You need to go home."








"I'll miss sleeping with you."






Natawa lang ako at napailing-iling. Mayamaya'y kinuha ko na rin ang damit niya at pinagbihis. Wala siyang dalang sasakyan ngayon, baka mahirapan siyang umuwi. Pero imbis na magbihis, ibinalot niya pa ang kumot sa kanya.







"Can I sleep here? Sabi mo na rin, madilim na sa labas. Delikado na sa'kin ang umuwi mag-isa." He tapped the empty space beside him. "Come back to bed. We'll sleep together."







"Hindi ka ba natatakot na baka mahuli na talaga nila tayo?"






"We already had sex for hours with a two or three minute break." He laughed. "Promise, I'll go home before your mom finds out I'm here. Tatalon ako sa bintana makaalis lang," biro niya pa. Siraulong nilalang.





Tinignan ko ang pinto, well, as long as my bedroom door is locked... Nag-text na rin naman sa'kin si Kuya Ken kanina na uuwi na sila. Wala na akong dapat masyadong alalahanin.







Nag-shower na lang ako at gano'n din siya. Hindi ko na siya hinayaang mamomblema sa damit dahil iyong t-shirt na pinahiram niya sa'kin noon ay nandito pa rin.





I also have big jersey shorts that will fit him. And of course, he's a boy scout sometimes. Natawa ako na namangha nang sabihin niya sa'king may dala siyang sariling brief.







Pinakalkal niya pa sa'kin ang maliit niyang bag na dala. Nakita kong may toothbrush pa siya ro'n and other essentials. "For trip emergencies. Pwede ring hotel," aniya matapos magdamit. Hindi ko siya masisisi at naiintindihan ko rin naman siya. Ganito rin ako kapag mag-iinuman kaming magkakaibigan, kung sakali mang hindi na ako makauwi.








"Hotel?" takang tanong ko nang ayusin ko na ang aking sarili sa higaan. Matapos niyang isampay ang towel na pinahiram ko ay tumabi na rin siya sa'kin. "Yup, we'll never know, lalo na kapag kasama kita," asar niya. Mahina kong hinampas sa kanya ang bag niya at nagharang na ng unan sa pagitan namin. Baka mapasabak kami ulit, eh.






Gaya nga ng sabi niya, maaga siyang umalis sa'min. Nag-Grab lang siya pauwi sa kanila. Matapos kong pagmasdan ang pag-alis niya ay sinamahan ko na si Mama sa likod-bahay. Abala siya sa pagdidilig ng halaman habang ako ay abala sa pagtitig sa notebook na napulot ko kahapon.








Ilang minuto pa ulit ang pinalipas ko hanggang sa maisipan ko na iyon galawin. Nang mapansin ko ulit ang simbolong nakaukit sa notebook ay nakaramdaman ako agad ng bigat.





Tumambad sa akin ang mga drawings nang buksan ko na 'yon. May mga guhit ng mga babae't lalaki na hindi ko kilala. Marami iyon hanggang sa marating ko ang mga pahina na puro pangalan ang laman.








There were hundreds of them. Hindi lamang pangalan kundi may mga pangalan din ng bansang nakalagay sa gilid ng mga pangalan nila. I don't know any of them not until I reached the one being listed on number 352.







Nanlaki ang mga mata ko nang mabasa ko ang pangalan ni Mr. Clarkson doon. My heart started beating fast when I continued reading and found more names I'm familiar with. Ang pinakahuling pangalan na nabasa ko na nakalista sa bilang na #357 ay pangalan ng isang abogado na malapit kay Kuya Kean.






Hanggang sa makarating ako sa pinakadulo. There's a name written: Jane Pre Yszo. Saka ako  nagpaalam kay Mama na pupunta akong kwarto ko at doon sinimulan mag-search. I started with the very first name on the list: Mayeah Real, a billionaire from the Philippines, found dead at her condo.








I went through the first article news about her and saw pictures of footage on how she got killed. She was the very first victim. Second: Jocella Lim, from the Philippines, murdered during the night on a sidewalk when she was walking home. Hindi ko na tinignan ang mga litratong nandoon sa article na pinindot ko dahil mukhang hindi ko kakayanin at nagpatuloy na sa listahan.







Hanggang sa makarating ako sa bandang gitna. I started scanning the pages again and saw more drawings. Iyong iba ay kinukumpara ko sa mga litratong nakita ko sa Google at hindi nagkakalayo ng itsura.





Ilang oras pa ang ginugol ko. Inabot na ako ng gabi hanggang sa tuluyan na ako nakakita ng pamilyar na bagay. Ang saktong na sa 200 na bilang: Jolina Yuz, Spain, found dead backstage after winning her very first beauty pageant.






Mayroong video ro'n kung saan may dalawang lalaki na lumabas galing sa backstage and what caught my attention was the laurel leaf symbol on their black bonets. Mayroon silang dalang suitcase pagkalabas, probably the cashprize of Jolina from the pageant.







After seeing the video, I scrolled through my gallery. Hinanap ko ang litrato na nakita ko sa Twitter noong nag-trending si Jayson. Itinabi ko ang aking phone sa screen ng aking laptop at nang obserbahang maigi, hindi nagkakalayo ang suot ng mga pumatay sa pang dalawangdaan na biktima at sa pumatay kay Mr. Clarkson sa España. My heart started breathing heavily as I started concluding a lot. I guess there'll be a change of plans.






I started having bad dreams ever since I brought that devil notebook with me. I kept on seeing those names, those pictures and videos I saw during my research about the victims, but most of all, the name that was written on the very last page. All those things started haunting me that made me sleep beside my Mama instead during the nights.





Pero kahit na nababaliw na ako, dala-dala ko pa rin kahit saan ang notebook na 'yon. Hindi ko alam pero sabi ng pakiramdam ko ay hindi ko 'to pwedeng iwan sa bahay. Kahit sa school ay hindi rin ako makahinga ng maayos dahil sa takot. Mabuti na lang ay palaging nand'yan si Aggy upang pagaanin ang nararamdaman ko. Speaking of, I'm planning to tell her everything. I don't think I can carry all of these alone.








"Hala, 'yong poging naka-buzz cut iyong suspect mo?" Napalakas masyado ang boses ni Aggy kaya agad kong tinakpan ang bibig niya. Nandito pa man din kami sa library. "Oo nga, pero hindi ko alam kung bakit. Sadyang masama lang ang kutob ko sa kanya. Para akong binulungan ng ninuno ko na mag-ingat ako sa taong 'yon," sabi ko.








Yeah, that guy was a buzz cut. As far as I remember his looks, he looked like he has the same age as me or Joaquin pero ang tangkad ay lumalaban sa tatlo kong mga kapatid.





What made him more suspicious was the tattoo I saw on him. Nababaliw na ako kakaisip ng masama sa kanya but at the same time, I'm gaslighting myself that maybe I was judging him too early and that he's innocent to death.








Ewan ko na! May mga oras talaga minsan na gusto ko na lang maging manghuhula o 'di naman kaya iyong mga taong may kakayahan makita ang future para naman aware ako sa mga papasukin ko.





"So, do you have any plans? Or itutuloy mo pa 'yong balak mo na kornerin ang biggest mistake of your life mo na tinanggihan ni Kuya Kean?" sabi muli ni Aggy.








"I don't have plans right now. I guess, all I need to do for now is to search more. Connect the dots, investigate or whatever you call things like that. I can't just make a move without holding on to something like big evidence or backups."







"I can back you up."






"This situation I'll be putting myself in is dangerous." Mahina kong ibinagsak ang ulo sa mahabang lamesa.
"I don't want to put you at risk."







"Hey, if you're gonna die, I'll go die with you. Duh, do you think I will let you go studying or whatever you are doing with a case like this alone?" She rolled her eyes. Inabot niya rin ang kamay ko upang hawakan iyon ng mahigpit.







"Keira, kung kaylangan mo ng kasama, nandito ako palagi. Kung kaylangan mo rin ng tulong para makumbinsi ang Kuya Kean mo, tutulungan kita. Gagawan pa natin siya ng PowerPoint presentation kung bakit kaylangan nating gawin ang mga naiisip mong plano. Ride or die! Hindi kita pababayaan!"







At dahil napalakas na naman ang boses ni Aggy, sinita na kami ng librarian kaya nagtawanan kami saglit. Hindi ko naman siya tinanggihan ngunit nag-aalala rin naman ako para sa kanya. Pero gaya nga ng sabi niya, hindi niya 'ko pababayaan.








Isang buwan na ang nakalipas simula nang matuklasan ko ang bagay sa loob ng notebook na 'yon. Tapos na ako sa mga biktima kaya ang hinahanap ko na ngayon ay ang pangalan na nakasulat sa pinahuling pahina. "Jane Pre Yzso..." mahina kong sabi habang tina-type iyon. Pagka-enter ay no result lang ang lumabas.








Facebook, Twitter, Instagram, Tiktok at sa kung ano-ano pang account bukod sa Google ay hinanap ko ang pangalan na 'yon ngunit ni isa ay walang lumalabas. Nang sumapit na ang alas dose ay itinabi ko na ang notebook. Itinago ko iyon sa kasuluk-sulukan ng aking walk-in closet. I locked everything in my room.







Naglagay na rin ako ng camera sa kung saan makikita ang buong kwarto ko. Mayroon ding alarm ang bawat kwarto namin kung may intruder. Kuya Kean bought it for our protection. Sinigurado kong safe ang lahat bago ako tuluyang pumunta sa kwarto ni Mama para matulog na.






Naging gano'n ang set-up ko tuwing gabi o aalis ako ng bahay. Nagtataka na nga lang din si Mama kung bakit pero hindi ko magawang banggitin sa kanya. Mayroon ding CCTV sa bahay na konektado sa phone naming magkakapatid at kahit saan kami magpunta, mache-check namin si Mama.







"Gagabihin ka ba, anak?" tanong sa'kin ni Mama matapos kong humalik sa kanyang pisngi. Nagpaalam akong pupunta kanila Agatha pagkatapos ng klase mamaya dahil nagpapatulong siya sa isang project niya. "Hindi po ako pwedeng gabihin. Wala po kayong kasama rito, eh," sagot ko.








"Hm, masyado yata nagiging mabait ang bunso? Ano kayang kaylangan nito?" Tawa niya pa.








"Loka ka, Ma!" Mahina kong hampas sa kanyang braso. "Wala na po akong ibang kaylangan. Safety niyo na lang. At tska po 'di ba lulutuan niyo 'ko ng tempura mamaya pagkauwi?" hirit ko dahil baka makalimutan niyang sinabi niya 'yon sa'kin kagabi bago kami matulog.








"Ay, oo nga pala. Hindi dapat pinaghihintay ang luto ko." Nagpamewang siya. Kaunting biruan pa ulit bago ako tuluyang makaalis. Kahit sa byahe ay hindi ako mapakali, panay ako silip sa phone upang tignan ang lagay ng Mama ko.








My life's been so risky since that day I found out what's inside that notebook. But I need to deal with this. I can't let whoever that Jane Pre Yszo is find it or have a new one and write new victims. No matter what happens, all I hope is that everything will be okay and for justice to be served.






Kalagitnaan ng buwan at halos wala na kaming naririnig na balita ni Aggy tungkol kay Jayson o sa kahit anong mga patayan. Halos wala na kaming makitang mali pero ang pakiramdam naming dalawa ay hindi pa rin mapakali. "Shall we take a break from this or nah?" she asked, watching the TV.








"The whole world may having a break but I don't trust the silence," I replied as I pour some milk on my cup.







"Sabagay, may point. Silence is deadly." She shrugged before biting her pizza. Ayon, naintindihan niya agad ang ibig kong sabihin. Mayamaya'y bumalik na rin dito si Mama sa kusina na may dala-dalang bagong mga pagkain. At laking gulat ko ng may dala-dala rin siyang pagkain na naglalakad— este tao.







"Sir Joaquin! Long time, no see, ah?" bati agad ni Aggy sa kanya. Hindi ako nakapagsalita agad dahil sa hindi inaasahang pagpunta niya rito ngayong gabi. Though, we still have contact. We're just not seeing each other these past few weeks because I have my own business to do at gano'n din naman siya.







At dahil close na nina Aggy at Joaquin si Mama dahil sa minsanan nilang pagbisita nila rito, halos silang tatlo rin ang maingay sa hapag. Parang mas anak na ni Mama silang dalawa ngayon. Aggy will be having her slumber here and Mama decided for Joaquin to stay for the night dahil malayo pa ang iba-byahe niya pauwi.






"I'll be sleeping on the sofa," ani Joaquin nang maupo siya ro'n. Agad na umangal si Mama at sinabing sa kwarto ko siya matutulog. Nagkatinginan kaming dalawa dahil alam naming baka hindi tulog ang mangyari sa'min. Nilingon ko rin si Aggy sa tabi ko na nagpipigil ng tawa kaya mahina ko siyang kinurot sa tagiliran.









"Si Agatha ang katabi ko ngayon sa kwarto. Tabihan mo muna ang nobyo mo," ani Mama nang akayin niya na si Aggy papuntang kwarto niya.







"Hindi ko po siya nobyo," walang gana kong sabi at kinuha ang ilang gamit ni Joaquin papunta sa kwarto ko. "Friends lang po kami," singit ni Joaquin na tinawanan lang din ni Mama. "Ay, nako, ijo. Marami na akong napagdaanan at isa na 'yang ganyan." Tawa muli ni Mama.









Hinila ko na si Joaquin paakyat dahil baka may kung ano pang masabi si Mama sa kanya. Mahirap na rin dahil alam kong sasabay sa kalokohan si Aggy. I locked the door when we reached my room. Pinag-shower ko lang si Joaquin saka pinatabi na sa'kin.







"You have class tomorrow?" he asked as he cuddled up with one of my pillows. Tumango lamang ako habang inaayos ang pagkaka-lock ng mga bintana. "What do you want for breakfast? I'll cook," tanong niya ulit.








"Ikaw," balagbag kong sagot nang makahiga na rin ako sa tabi niya. Tinawanan niya lang 'yon sabay hapit sa'kin sa bewang upang mapalapit sa kanya. "Okay, noted. Goodnight," aniya sabay halik sa'king noo.






"Ay talaga, matutulog ka na?"






"Kung wala ka lang pasok bukas, Keira, pupuyatin talaga kita," pabirong hirit niya pabalik. Yumakap na rin ako sa kanya, handa na pumikit. Nagsimula na akong antukin nang laruin niya ang aking buhok. 






"Keira..."

"Hm?"

"If someone tells you he likes you, what will you do?"






Tumingin ako saglit sa kisame, sakaling makakakita ro'n ng sagot. "I... I don't know? Maraming nagsasabi noon na gusto nila ako, mahal nila ako pero bandang huli pinaglalaruan lang naman nila ako. Ewan, siguro hindi ko na kayang paniwalaan."






"What if it's from me?"





"What do you mean?" Kunot na ang noo ko habang nakatingin pa rin sa kisame.







"I don't think I can still hold this for too long."







"Hold what?" Imbis na sagutin ay inilapat niya ang kamay niya mula sa pagkakahawak sa'king bewang papunta sa aking mga kamay. "I don't know any other words on how to say it but I really do. Keira, I like you," he said seriously as he looked at me straight to my soul.





And I was too stunned to speak after hearing it! Or did I really heard it right or I'm already dreaming?!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top