22

Matamlay kong ibinagsak ang sarili sa kama pagkatapos kong maligo. Phone agad ang una kong inabot upang libangin ang aking sarili. Saka bumungad sa'kin ang sandumakmak na notifications galing sa mga kakilala ko at lahat iyon ay tungkol sa laban kanina.




To sum it all up, all of them are proud of me. Naluluha ako habang binabasa lahat ng mga mensahe nila sa'kin, mula Facebook hanggang Twitter. Abala pa ako sa pagso-scroll sa lahat ng iyon nang biglang lumitaw ang number ni Joaquin sa screen. Hanggang ngayon wala pa rin siyang contact name sa'kin.




💌 09*********:
Wear red

Let's have dinner by the pool :)

pls wear red





Parang bata na nagmamakaawa, amputek. Bumangon ako upang silipin siya sa pool area. Naabutan ko siyang nag-aayos ng maliit na lamesa sa pagitan ng dalawang pool lounger. Napangiti ako ng makitang pinipitas niya ang petals ng mga rosas at ikinalat sa lamesa.






Nang simulan niya nang maglagay ng dalawang wine glass ay saka ako bumalik sa loob ng kwarto upang mag-ayos. Sinuot ko ang aking red puffy crop top at ripped shorts. Kaunting makeup lang at nang maisuot ko na ang aking tsinelas ay saka ako nagtungo sa pool area.






He's almost done preparing our dinner. Nang malingon niya ang gawi ko ay malapad siyang ngumiti sa'kin kaya ganoon din ako. He welcomed me in his arms as I walked towards him. "Congratulations," aniya.






"Huh?" Kumalas ako sa yakap niya. "But I didn't win..."





"Panalo ka sa'kin lagi, Keira."





"Huy, 'wag kang ganyan. Baka lumaki ulo ko." Tawa ko saka ako naupo sa lounger. I'm already in front of the rose petals. May dalawang wine na rin at may dalawang plato ng carbonara. "Anong mayroon?"






Imbis na sagutin ang tanong ko ay inabutan niya 'ko ng bouquet. Puro pulang rosas na may halong maliliit na Lily of the Valley. Napukaw din ng isang litrato ang aking atensyon.




It was a polaroid of me, a back stolen shot of me wearing my taekwondo uniform. Naghahanda ako no'n para sa Palarong Pambansa. Mas lalong lumapad ang aking ngiti nang mabasa pa ang nakasulat sa litratong iyon.



"fave athlete ♡"
       i'm proud of u



"Thank you, Joaquin..." Balik ko ng atensyon sa kanya. Malapad lang din siyang ngumiti. Itinupi niya rin muna ang magkabilang dulo ng suot na pulang long sleeves bago magsalin ng wine sa baso namin. Ang gwapo niya ro'n. Parang anytime hahalikan ko siya dahil sa ginawa niya at kagwapuhan niya.






"Dinner kita," aniya at inaalok sa'kin ang pasta.





"Mamaya mo na 'ko gawing dinner."



"Ha?"


"Ha?" Panggagaya ko. Hindi naman siya bingi at sure akong alam niya ang ibig sabihin ko. 





"Dinner tayo kako." Tumawa siya. "Gano'n sa bicol," paglilinaw niya pa. Medyo natameme ako saglit dahil napunta agad sa ibang dimensyon ang utak ko kanina sa sinabi niya. Tangina nito, pwede namang "let's eat dinner" na lang ang sabihin.






"Taga Bicol ka?" Patay malisya ko na lang sa kahihiyan ko.





"My mom was. She grew up there. At 'yong pinsan ko rin."





"Oh, saan banda ang pinsan mo sa Bicol? Baka magkapitbahay lang sila ng kaibigan kong taga Bicol din."





"Naga, Camarines Sur," he sounded proudly. At hindi nga ako nagkamali. Taga ro'n din nga ang kaibigan kong food machine. "Baka meant to be sila ng pinsan ko."





"Si Gianna ang kaibigan kong tinutukoy ko. Allergic sa etits 'yon kaya malabong mangyari 'yan."






"Dinner, we're eating." Natatawa niyang sambit. "We can talk about that later."






"Talk later? Baka eat you ang gawin mo sa'kin later." Tumawa ako ng malakas. Pagkatapos ay sinimulan ko nang sumubo ng pasta para wala na akong masabi pa. Pinatulan niya ang mga hirit ko pero palaging na sa akin ang huling halakhak.





We ended up swimming together after dinner. Nang makita ko ang phone niya sa gilid ay kinuha ko iyon upang videohan ang sarili. Napatigil ako saglit sa aking ginagawa nang bigla niya akong hatakin sa bewang upang mapalapit sa kanya. "Full storage na 'yan," mahina niyang sabi nang simulan niya akong halik-halikan sa leeg.






"Swerte ng storage mo, may magandang laman," biro ko nang ipagpatuloy ko na ang pagvi-video. Gano'n din ang kanyang paghalik. Nang ilipat niya iyon sa aking labi ay agad kong inilayo ang camera sa amin. Nang hindi niya tigilan ay saka ko ibinalik ang phone sa gilid ng pool.





"You're camera shy now?" He chuckled.





"Shut up." Lumangoy ako pabalik sa kanya at sumunggab. Naramdaman ko na ang pag-unhook niya ng bra ko at mabilis na lumapat doon ang kanyang mga palad upang laruin.  "Another round for dinner." Saka niya ako binuhat upang paupuin sa gilid ng pool railings.






Nagpakawala na ako ng ungol ng maramdaman ko ang daliri niya sa pagitan ng mga hita ko. Nang bumilis ay napakapit na ako sa railings. Hindi rin ako nagtagal sa pagkakaupo nang hilahin niya rin ako pabalik sa pool kasabay ang pagtanggal ng aking panty. Lumulutang na iyon kasama ng bra ko.





"Have a great night, Denise."





"Oh, fuck me already." Irap ko habang nakapulupot na ang mga braso sa kanya. Natawa siya saka sumunggab ulit. Goodness, akala ko dinner lang talaga. Nagbibiro lang naman ako kanina...




Nauna akong mag-shower at nang makatapos ay humiga na ako at nag-phone. I opened the Twitter app and saw tweets about the race in Spain. "Tagal na nito, ah..." mahina kong sambit habang nagso-scroll pa. Nang tignan ko ang trending list ay napataas ako ng kilay nang makita ang pangalan ni Jayson.



# JOAQUIN DE VERA
# Number 9
# Jayson Perez




Sa sobrang kuryosidad ay pinindot ko ang kanyang pangalan para makita kung anong mga laman no'n. Nanlaki ang mga mata ko nang hindi tungkol sa karera nila ang lumabas. It's an issue kaya naman nabuhayan ako. Isa-isa kong binasa ang mga iyon. Half of me were celebrating that people are slowly getting their eyes open but half of me is boiling mad.






Tweet:  ARTICLE: Famous runner up, Jayson Perez, attempted murder towards the legendary Harvey Clarkson...





There's a lot of CCTV footage clips and articles. At hindi lamang si Clarkson ang biktima, kundi isang abogado rin. At lahat ng 'yon ay nangyari sa Espanya. Hindi nalalayo sa araw kung kailan kami umalis doon ni Joaquin.





Nanginginig ako sa galit at takot habang nagso-scroll. Naiiyak na ako sa mga nakikita ko lalo na nang mabasa ko ang latest na article sa isang tweet. Mayroong bagong mga biktima, dalawang abogado at isang karerista ulit. Napatakip na lamang ako ng aking bibig.





"Hey, that's familiar..." Napalingon ako sa aking likuran nang marinig ang boses ni Joaquin na katatapos lang maligo. Naupo ito sa aking tabi at sinuri nang maigi ang litrato sa screen. "That laurel symbol and a mask. I saw it before. 'Yan din ang suot ng mga pumatay kay Primo noon." Turo nito sa screen.






He started scrolling on the app while holding my hand tight. "Kaya ba tayo umalis agad ng Espanya no'n dahil d'yan? May alam ka ba tungkol sa mga ganyang balita kay Jayson?" tanong ko habang kinakabahan sa magiging sagot niya.






Umiling siya. "No. I was eager to go home when Raven told me the news about my father. Iyon lang ang pinakadahilan ko kung bakit kinailangan nating umuwi, para hanapin siya. Pero wala na akong ibang alam kay Jayson at sa mga ginagawa niya. Ang alam ko lang ay gago siya."







Nang ibalik niya sa'kin ang phone ay nag-scroll ako muli hanggang sa may madaanan akong bagong article. Kumakalat na ngayon na nakabalik na ng Pilipinas si Jayson. "I want to find him," diterminado kong sambit. Of course, I can't do it alone and I know someone who can help me in this kind of thing...








"No, I won't let you do that. It's too dangerous, Keira. Nakita mo naman lahat ng balita tungkol sa mga ginawa niya," ani Kuya Kean nang ibaba niya ang kanyang tasa ng kape. Maaga akong nagpunta sa firm niya upang kausapin siya sa plano na gusto kong gawin.






At ang plano ko? I will offer myself to help Jayson clean his name. But all I want to do is to frame him habang naghahanap ang Kuya ko ng mga ebedensya kasama ang kilala niyang prosecutor. At kapag naging matagumpay ang plano ko, I'll make sure that it'll be the last time we're gonna see each other eye to eye.






"I know, that's why I'm here. I need a backup. Please, I know I can't do this alone. That's why I'm here..." Napayuko ako at umiwas ng tingin.






"I can't lose another family member, Keira. I can't lose you, the three of you. I can't let you risk your life."





"And there's one life I can't lose, too!" I snapped. "I lost her once, Kuya, and I can't lose her again, this time, forever... I'm not doing this to make myself a hero. I want to protect lives, too! Ngayon na may kaya akong gawin, 'wag mo naman sana ako pigilan..."






She might be in a different country now but I can't just let myself sit here knowing a demon's around. Jayson can go anywhere. Hindi malabong magawa niya ang krimen kay Ashley at hindi ko iyon hahayaang mangyari.






"It's not always about revenge, Keira."





"I'm not talking about revenge, Kuya. I'm talking about justice here. Justice to those innocent lives he took!"






Napamasahe na lamang siya sa kanyang sentido bago muling ibalik sa'kin ang tingin. "I understand your plan but I won't let you do it. We'll assign someone to do that for you. Someone's danger proof," he said before sipping his coffee again.



"Ulol."


"Language, missy." Matalim niya akong tinignan.





"Ako ang gagawa, Kuya. Sa ayaw't  gusto mo. Not everyone needs to be a lawyer, a doctor, or a police officer to help people. Kung ayaw mo akong tulungan, hahanap ako ng pwedeng tumulong sa'kin." Iyon na ang huling sinabi ko saka ako nag-martsa palabas ng kanyang opisina. Narinig ko pa ang pagtawag niya sa pangalan ko ngunit hindi ko na nilingon.






"How'd it go?" tanong agad sa'kin ni Joaquin nang makabalik na ako ng sasakyan. Umiling ako bilang sagot. "He won't let me do it," sabi ko at isinandal na lamang ang sarili sa passenger seat saka nagpakawala ng hininga.






"I told you, he won't let you."





"Parang tanga si Kuya." Tipid akong tumawa habang si Joaquin ay kunot pa rin ang noo. "Wala namang taong danger proof, siraulo siya." Humalukipkip ako.






"Ayaw ka lang niya mawala, Keira."






"Naiintindihan ko 'yon." Nagpakawala ulit ako ng hininga. Tipid na lamang din akong ngumiti nang hawakan niya ang kamay ko.





Bigla akong nawalan ng gana sa buong araw. Kahit nang simulan na namin bumyahe papuntang Cagayan ay hindi ako nagsalita. Buong byahe ay umiisip ako ng iba't-ibang plano kung paano ko mahuhuli si Jayson, may tutulong man o wala.




Nang makarating sa isang beach ay bumungad sa'min ang maraming tao, nagkukumpulan sa 'di kalayuan. Nang lapitan namin ni Joaquin ang pwestong iyon ay tumambad sa'min ang ilang nakahelerang balot ng bangkay. Napakapit ako sa braso ni Joaquin nang mapansin ko ang dalawang pinakamaliit na balot.







At hindi nga mali ang naiisip ko, dalawang batang biktima iyon. At lahat ng bangkay na iyon ay naninirahan lamang dito malapit sa dagat. I looked around to find out if something was suspicious. Natigil lang ako sa pagtitingin nang may mapansin akong lighthouse sa 'di gaanong kalayuan. Bumitaw ako kay Joaquin at tumakbo papunta ro'n.






Nang marating ang bungad ay agad na may humarang sa'king pulis. "Hindi po kayo pwede rito, ma'am," aniya. Malaki ang katawan at may katangkaran, medyo bata pa ang itsura at mukhang kaedad ko lamang.






"Ano pong meron sa lugar na 'to at bakit ako bawal at ikaw lang ang pwede?"





"Mayroong mga nag-iinspect sa lugar na 'to tungkol sa nangyari kaninang umaga lamang. Hindi pinapayagan ang sino mang mamamayan na pumunta rito, para rin sa ikabubuti."






"But can't they inspect, too? It's their loved ones who got killed earlier."





"Leave that to the police and other professionals. You have no business here." Lapit nito sa'kin dahilan para mapahakbang ako paatras. Medyo malayo na ako sa pinto ng lighthouse. Pinagmasdan ko iyon ng mabuti, kahit ang pulis na nasa harap ko ngayon. Naalis ko lang ang tingin ko sa kanya nang marinig ko ang tawag sa'kin ni Joaquin.






"What the hell are you even doing here?! Hindi ka man lang nagpaalam na aalis ka." Hawak niya na ngayon ang dalawang braso ko.





"Oh, sinusundo ka na ng nobyo mo, miss." The guy in front of us laughed a little at me before turning to Joaquin. "Tell your girlfriend not to wander around alone. It's not safe around here." Ngisi niya saka bumalik na sa loob. Saka lang din kami naglakad pabalik sa maraming tao nang tuluyan nang umakyat ng lighthouse ang lalaki.






Akala ko rin ay sesermonan ako ni Joaquin ngunit hawak-hawak lang niya ang palapulsuhan ko at patuloy sa paglalakad. Tahimik man siya pero ramdam ko ang bigat ng kanyang paghinga. "Something's off in this place." Putol ko sa aming katahimikan. Sabay din kaming napatigil sa paglalakad at saka niya lamang ako nilingon, kunot pa ang noo, halatang iritado.







"Alam mo naman pala 'yan, bakit ka biglang umalis kanina? Keira, papatayin mo ba 'ko sa nerbyos? Naiintindihan kong gusto mong tumulong pero mag-ingat ka naman."






Tumango na lamang ako dahil hindi ko alam ang aking sasabihin. Hindi ko maintindihan kung paano ko rin ipapaliwanag ang mga nararamdaman ko ngayon pagtapos kong magpunta sa lighthouse na 'yon. Binalikan ko ang lugar na iyon ng tingin at nakitang naroon ulit 'yong pulis na humarang sa'kin.






Hindi malabo ang paningin ko kaya malinaw na nakatingin siya rito sa gawi namin. I find him suspicious so as the lighthouse behind him. Hindi ko alam, pero hindi ako naniniwalang may nag-iinspect doon. "Crush mo 'yong pulis?" sambit ni Joaquin kaya ako naman ang kunot-noong napalingon sa kanya.






"Tangina?" Napataas ako ng kilay. "Ano, mag-aaway ba tayo rito? Mag-away na tayo para matapos na agad," hamon ko.






"Oh, hindi naman pala. Mauna ka na maglakad." Biglang huminahon ang kanyang boses. Samantalang kanina ay para niya na akong dadaragin, gagong 'to. At gaya nga ng sabi niya, nauna akong maglakad habang siya'y nakasunod sa likod ko hanggang makabalik kami sa maraming tao.






Nang makita ko na ang sasakyan namin papuntang kabilang bayan para sa search and rescue ng mga empleyadong hindi na nakauwi ng ilang buwan mula sa business trip, umupo ako agad sa pinakadulo, kung saan maliit lang ang espasyo upang hindi ko makatabi si Joaquin dahil naiirita ako.






Nang makasampa na rin siya ay pilit niyang isiniksik ang kanyang sarili sa aking tabi. "Bwisit...." mahina kong sambit sa aking sarili. Ako ang naipit sa'ming dalawa ngayon, ako na ang hindi makagalaw sa pwesto ko!






"You'll be the death of me..." mahina niya ring sambit pero sapat na para marinig ko kaya sinamaan ko siya ng tingin ngunit parang wala lang sa kanya. Sunod-sunod na ring pumasok ang mga kasama namin sa sasakyan at sinimulan na bumyahe.





"Chief, nakita na po ang katawan ni Mrs. Gracia!" Lahat kami napalingon at napatakbo sa gawi ng isa naming kasama nang matapos niyang magtingin-tingin sa pwesto ng palayan. Umaksyon agad ang iba naming kasama. Hindi ko na masyadong nakita ang ginawa nila dahil nag dagsaan ang iba ro'n.






Ang huli ko na lamang nakita ay
isinakay ang katawang iyon sa isa sa mga sasakyan. Sunod kaming nakarinig ng sigaw ng isang babae sa 'di rin kalayuan sa palayan. Naunang pumunta ro'n ang namumuno sa'min, hinalughog niya ang mga naglalakihang halaman sa paligid, gano'n din kami, hanggang sa matagpuan namin ang boses na 'yon.






"Ma'am Hadia!" malakas kong sambit at nanlaki ang mga mata nang mamukhaan ko siya. Agad akong lumapit at inalalayan siyang tumayo. "Ma'am, ako po ito, si Keira Monteza, naging estudyante niyo po no'ng high school. Magiging maayos po ang lahat. Tutulungan po namin kayo."





Yumakap ito nang mahigpit sa'kin. "Tulungan niyo 'ko! Ang kaibigan ko... Tulungan niyo kami ng kaibigan ko! May mamamatay tao sa paligid! Tulong!" Muli siyang bumagsak sa sahig at naglupasay. Nang tumigil siya saglit at tignan ako ay bigla niya akong inatake. "Hayop ka! Binaboy mo ang kaibigan ko! Pinatay mo ang kaibigan ko!"






Agad akong hinila ni Joaquin palayo sa kanya at ang iba naman naming kasama ay inawat siya. Maraming umalalay sa kanya papuntang sasakyan at pilit pa rin siyang inaawat at pinapakalma.




"Magkaibigan sila ni Mrs. Castro, base rito sa interview namin noong isang araw sa isang trabahador nila sa kompanya ng mga De Vera."






Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak ni Joaquin sa'king mga braso kaya napatingin ako sa kanya. Narito lang kaming dalawa sa gilid, naiwan at nakikinig sa usapan. "Any sign of them?" singit ni Joaquin.





Tinignan ng pulis ang listahan ng mga report at lumong umiling sa kanya. "Pasensya na, Sir Joaquin, pero hanggang ngayon, kasama pa rin po ang lolo at ama niyo sa mga hindi pa rin po nahahanap. Sa dami rin po nila, pito pa lang po ang natatagpuan namin," saad ng pulis.






"We will do our best to look for the others, Mr. De Vera. At sa bawat pagkakataon na may nakikita tayo, 'wag tayo mawalan ng pag-asa." Tapik pa nito sa kanyang balikat bago tuluyang nagtungo sa sasakyan kung nasaan si Ma'am Hadia.






"Are you hurt?" tanong agad ni Joaquin nang maiwan kaming dalawa ulit. Umiling lang ako habang pinagmamasdan si Mrs. Hadia sa loob ng sasakyan.





Matapos naming grumaduate noon ay umalis na rin siya sa school namin kung saan siya nagturo ng labing-dalawang taon. At ngayon na lang din kami ulit nagkita, sa ganitong sitwasyon pa.




Hindi ko na ito hahayaang maulit ulit. I'll make whoever did this pay.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top