20
Pagkatapos mag-shower ay lumabas agad ako ng kwarto para maghanap ng makakakain sa kusina. Saktong pagkalabas ko, paakyat naman si Raven. Sabay kaming napatigil nang magkatinginan kami. Nalipat din ang tingin ko sa likuran dahil may tinignan siya ro'n. Saka ko napansin ang nakapaskil sa pintuan ng kwarto ni Joaquin.
"No molestar. En un momento muy ocupado."
Narinig ko siyang natawa saka ako napalingon agad sa kanya ulit. "Pwede ko na ba maistorbo 'yong isa?" aniya, sa tonong nang-aasar at may ideya na kung anong kaganapan ang mayroon kanina kung bakit nagpaskil si Joaquin ng gano'n. Hindi ko man maintindihan ang lenggwaheng gamit pero sigurado akong konektado 'yon sa'ming dalawa kanina.
"Kahit patayan mo pa siya ng tubig at ilaw habang naliligo ngayon, ayos lang," iyon na lang sinagot ko saka ako naglakad pababa ng hagdan. Narinig ko siyang tumawa ulit pero hindi ko na pinansin. Dumiretso ako sa kusina at saktong may mga meryenda nang nakahanda ro'n.
Kumuha ako ng croissant at isang juice saka tumungong pool area at doon naisipang magpahangin. Hawak ko ang croissant sa kanang kamay at sa kaliwa naman ang juice habang nagiikot-ikot ako sa area.
Habang nag-iikot ay napansin ko ang terrace ng kwarto ni Joaquin. Naroon sila at magkausap ni Raven. At sa nakikita ko, parang hindi maganda ang topic ng dalawa. Nakita kong napahilamos sa mukha si Joaquin bago tuluyang malingon ang gawi ko. Agad akong umiwas ng tingin nang magtama ang mata namin.
Hindi ko alam kung bakit pero nakaramdam ako agad ng hindi maganda. Naglakad-lakad ako ulit habang pilit na nilulunok ang pagkain. Nang biglang may yumakap sa'kin sa likod. Hindi na ako nagulat at hindi ko na rin inisip kung sino dahil madalas niyang ginagawa sa'kin 'to lalo na kapag naabutang mag-isa lang.
"Meryenda?" Humarap ako sa kanya saka inilapit sa kanya ang pagkain na hawak ko. Kinagatan niya rin naman 'yon. Pagkatapos ay pinainom ko siya ng juice. Yumakap siya ulit sa'kin dahilan para ilapag ko saglit ang meryenda namin sa lamesa sa gilid namin. Saka ako yumakap pabalik sa kanya.
Napansin ko agad ang ekspresyon ng kanyang mukha na walang kagana-gana ngayon. Parang kanina lang... "Uhm, nag-away ba kayo?" tanong ko agad. Umiling lamang siya bilang sagot at mas lalong humigpit ang kanyang pagkakayakap sa'kin.
"Ayos ka lang ba?" tanong ko muli pero kahit tango ay wala siyang isinagot. "Keira..." aniya nang makabitaw siya sa yakap. He looked straight at me, like he's looking straight at my soul. I don't know why but his eyes, it gave me a heavy feeling by just looking back at them.
"Yes?"
Imbis na sagutin ako ay dahan-dahan niyang inilapat ang labi niya sa'kin. And this time, it doesn't feel sexual. It's a raw feeling. It wasn't seductive but gentle... And sweet... Matapos sa labi ay pinatakan niya naman ng halik ang aking noo.
"We can't stay here for too long. We need to go home tomorrow. I have an important thing to do. Kung ayos lang sa'yo? I know you want to explore Barcelona more but..." He held my chin and caressed it with his thumb.
"Hindi naman aalis ang Barcelona sa mapa. Pwede ko 'to balikan kapag mayaman na 'ko. Unahin na muna natin ang importante." I smiled. "And I still have trainings to do, too, back in our country. Ako naman ang papanoorin mong lumaban."
"And you still have studies to catch up." He chuckled before giving me a kiss on the cheek. Inakbayan niya na ako saka kami pumasok sa loob. Hindi pa rin ako mapakali pero hindi ko na siya kinulit pang magsabi sa'kin. I know he'll tell me. All I need is to wait.
☕
"Keira!" Salubong agad sa'kin ni Lexi nang makarating na kaming airport. Ngayon ang flight nila, papunta ring Barcelona kaya naman hindi ko siya magawang i-spoil kung anong mayroon doon. Mayamaya'y nagpaalam na sila sa'kin na mauuna na. May kasama pa silang dalawang lalaki pero hindi ko na nakilala nang hapitin na ako ni Joaquin sa bewang.
Grabe ang security niya ngayon lalo pa't ang daming naghihintay sa kanyang mga Filipino fans niya. Malayo pa lang ay tanaw ko na kung gaano karami ang dudumog sa kanya. Agad akong lumayo sa kanya at tumabi sa isang security guard upang protektahan ang aking sarili. Nagmadali akong maglakad habang tinatago ang mukha.
Nang matanaw ko na ang isa pang naghihintay sa amin ay agad akong tumakbo sa gawi niya. "Kuya Ken," mahina kong sambit nang makalapit na ako. Agad niya akong inakay palabas ng airport at isinakay sa sasakyan niya. Hinintay niya si Joaquin sa loob. Iyon nga lang, mas nahirapan silang makalabas dahil dalawa na sila ang pinagkaguluhan.
Nang makarating na sa sasakyan ay dali-daling isinara iyon ng isang security guard. Kahit nang makalayo na kami ay hindi pa rin nag-aalisan ang mga fans nila. Tahimik lamang si Joaquin buong byahe at hindi ko alam ang dahilan. Gusto kong hawakan ang kamay niya ngunit hindi naman pwede dahil kasama namin si Kuya.
Nakapag-usap lang kami nang makauwi na kami sa mansyon nila. Kuya Kenzo bought me some essentials, too, before leaving. Mayroon din naman akong pinasuyong pasalubong para kay Mama Ellen sa kanya. Agad akong yumakap kay Joaquin nang tuluyan nang mawala sa paningin ko ang sasakyan ni Kuya.
"Hindi ako sanay!" panimula ko. Hindi ko rin alam kung bakit ako naiiyak. Pakiramdam ko ay dumidistansya siya sa'kin ngayon. Pero kung hawakan niya naman ang bewang ko ngayon ay parang ayaw niya akong pakawalan.
"Huh?" He looked so damn confused! Kahit no'ng nasa Barcelona pa kami, bago pumuntang airport ay hindi niya ako masyadong pinapansin! Ano ba ang nangyayari?!
"Hindi ako sanay na hindi mo 'ko inaasar sa isang araw! Kanina ka pa tahimik, hindi bagay sa'yo! May nagawa ba akong mali? Please, sabihin mo sa'kin. Makakaintindi naman ako." Pinaghahahampas ko ang kanyang dibdib sa sobrang inis. Hindi lang sa kanya, pati na rin sa sarili ko.
Maiintindihan ko ang rason niya o kung ano pa man, pero ang sarili ko yata ngayon ay hindi. Dati ay ayos lang naman at mas gusto kong hindi kami nag-uusap. Ayokong nagsasalubong ang landas namin. Gusto ko ang malayo siya sa'kin. Pero ngayon, hindi na ako mapakali!
"Hey, you didn't do anything." Hawak niya na ngayon ang aking mga palapulsuhan. "It's just... Some news I need to deal with right now. At ayokong madamay ka. Don't worry, I'll tell you kapag kaya ko na."
"Pero bakit parang nilalayuan mo 'ko?"
"Hindi, Keira. It's not like that, it's just..." He sighed heavily before wrapping me inside his arms. "I need to deal with this alone. I'm sorry if it made you feel that way."
"Promise you'll tell me..." Hindi ko napigilang humikbi sa kanyang dibdib. Para akong tanga! I shouldn't be worried if he's hiding secrets from me or if I'm getting played with. It happened to me before pero bakit naman nababaliw ako ngayon? Dapat wala akong pakialam!
"When I'm ready." He kissed my forehead. "Magpahinga na muna tayo, Keira." Pinunasan niya ang nakatakas na luha sa aking pisngi. Agad akong tumalikod sa kanya nang maramdaman kong babagsak na iyon lahat.
"Why are you crying?" now, he sounds worried, too. Hinila niya ako palapit ulit sa kanya upang yakapin. Sinisilip niya rin ang mukha ko pero pilit kong hinaharang ang aking buhok. Umiling lang ako bilang sagot at hindi na nagsalita pa. Pinilit kong pigilan ang lahat hanggang sa maghiwalay na kami ulit.
Dumiretso na ako sa kwarto ko at ganoon din siya. I didn't say goodnight. I restrained myself from going to his room just to wish him sweet dreams. Naglinis na lamang ako ng sarili at nang makatapos ay agad akong tumawag kay Agatha. "Nahuhulog na yata ako..."
☕
Nagsimula nang mapadalas ang pag-alis at pag-uwi ng gabing-gabi ni Joaquin. Minsan ay hinihintay ko siyang dumaan sa shop pero wala rin. Kahit nang magsimula ang training ko para sa Palarong Pambasa. My schedules were getting tight at halos hindi na kami magkita kahit sa mansyon.
Kapag tapos ng klase ay hindi na rin siya ang sumusundo kundi ang personal driver niya. Minsan ko na ring itinanong sa mga kasamahan ko sa trabaho o kahit sa mga kasama namin sa bahay kung saan siya pero hindi rin daw nila alam. Dalawa lang iyon: Hindi nila alam o ayaw lang talaga nila ipaalam.
Sinubukan kong lapitan si Raven pero kahit siya ay hindi ko naaabutan sa kanila. Hanggang sa mapagdesisyunan ko na lang na umuwi sa amin. Wala akong kasama sa mansyon nila at mas lalo akong nabuburyo at nababaliw.
I tried calling him sometimes pero laging "cannot be reached" ang naririnig ko. Nakakapag-usap naman kami sa text pero sobrang tagal mag-reply. Hindi ko na alam kung ano na ba ang dapat kong isipin. Gulong-gulo na rin ako. I tried distracting myself many times too but it's not working this time. Minsan ay naiinip na ako pero may mga oras talaga na bigla na lang ako tatamaan ng lintik.
"Feeling ko niloloko niya na 'ko," sabi ko habang nakatingin sa kawalan.
"Feeling ko hindi. Knowing Sir Joaquin, he's a very busy guy. At kagaya nga ng sabi mo, gusto niyang solohin muna ang problema niya. Baka kasi ayaw ka talaga niya madamay sa kung ano man iyon."
Malalim na lamang akong huminga at inikot-ikot ang kutsara ko sa maliit na tasa na may laman na malamig ng kape. Kaunti lang ang nainom ko dahil wala akong gana. "Huy, Keira! Seryoso ako pero minsan talaga ang sarap mo sampalin ng reyalidad." Agatha snapped her fingers to get my attention.
"Oo na, hindi kami at wala akong karapatan mag-isip ng kung ano-ano. Ano naman kung may kinikita siyang iba? Ano naman kung may ka-fuck- May ka-fake date pa siyang iba?" At doon lamang ako nabuhayan muli. Muntik na akong madulas!
Kitang-kita ko rin kung paano nanlaki ang mga mata ni Agatha nang mabanggit ko ang salitang 'yon. Dalawa na kaming hindi malagok ang kape ngayon. "Fuck ano?"
"Wala, bingi ka. Hindi mo narinig 'yon." Sabay inom ko ng kape ko.
"Huy, fuck buddy mo ba si Sir?!" Hinampas niya ang kamay kong nasa lamesa na ulit. Mahina kong hinila ang dulo ng buhok niya dahil sa sinabi niya. "Ang ingay mo, puta!" mahina kong sambit.
"Pero 'yong totoo? Level up na ang fake date niyo?"
Tinignan ko siya ng masama at inirapan saka ko tuluyang inubos ang malamig na kape ko. Hindi ko siya sinagot kaya mas lalo siyang nabuhayan mang-asar. "Oh my god, Keira! Ang dami palang pinagmumulan ng pagiging ganyan mo ngayon! Super lalim!" Napapalakpak pa siya habang natatawa.
"Hoy, hindi ako nahulog dahil lang sa nag-sex na kami, 'no!"
"Hindi naman 'yon ang ibig kong sabihin! Kung may gano'n man, bonus na lang! Wala naman akong pakialam kung nagse-sex kayo. Ang ibig kong sabihin, level up na. Na hindi na lang basta fake date ang nangyayari sa inyo. Bukod sa nagse-sex kayo, may mas malalim pa."
"Minsan talaga nagugulat na lang ako sa bunganga mo." Napailing-iling ako. "Oo, parang gano'n na nga... May mas malalim pa."
"Sabi ko na nga ba, eh! Tama ako, noon pa lang, na hulog ka na talaga kay Sir Joaquin! Huh, curls don't lie, I guess." Nilaro niya ang buhok ko. Hinawi ko naman agad ang kamay niya. May maitatago pa ba ako sa babaeng 'to? Wala na siguro. Basang-basa niya na ang pagkatao ko.
☕
Sumapit na ang buwan ng Abril. At imbis na si Joaquin ang kasama ko mag-training ay naging si Kuya Kean na lang dahil hanggang ngayon din naman ay nandito pa rin ako sa bahay namin. Madalas na nagsisimula kami ng alas otso ng umaga hanggang gabi sa training ni Kuya kapag walang pasok. At ala una ng tanghali hanggang alas singko naman ng hapon kapag si Coach Alec ang kasama ko.
"Target," ani Kuya Kean nang matamaan ko ang bewang niya. "Focus, Keira," sabi niya muli. Sisipa na sana ako ulit nang dumating si Mama na may dalang hapunan para sa amin.
Saka kami nagpahinga ni Kuya. Naupo kami sa steps ng hagdan. Tubig lamang ang kinuha ko dahil hindi ako pwede kumain.
"Keira, what does winning mean to you?" tanong ni Kuya habang kasabay ko siyang tinitingala ang langit.
"Achievement of a weak person once. It means, all the pain I endured has been paid off. And it means, I have proved something."
Tumango-tango siya saka uminom din ng tubig. Pagkatapos ay saka siya nagsalita ulit. "Let me give you an example. Just like in love, after having your sleepless nights because of your heartbreak, someday, someone will finally make you smile before you go to sleep. And you're gonna wear that smile until morning. Halimbawa, pagkatapos mong masaktan doon sa gago mong karerista noon, napawi ang lahat ng 'yon no'ng nakilala mo si Joaquin."
Nanlaki agad ang mga mata ko at nilingon siya. Tinignan niya rin ako pabalik at natawa. "Just an example, though." He shrugged. "There's nothing to defend, right?" dagdag niya pa.
Mabilis akong tumango saka umiwas ng tingin. "Because you waited for the right time to be loved again, now, you got what you deserve. Halimbawa lang ulit," paglilinaw niya muli. "Just like winning, after those tournaments you joined, been injured a lot of times, all of it will be paid off."
Tumango-tango ulit ako sa kanyang sinabi saka ko inubos ang tubig sa tumblr na hawak ko. Mayamaya ay tumunog ang phone ni Kuya. May binasa siya ro'n at pagkatapos ay iniwan ako saglit dito sa backyard. Kumuha rin ako saglit ng tempura sa plato at kamuntikan na akong mabulunan nang may marinig akong pamilyar sa boses.
Sumilip ako at nanlaki ang mga mata ko agad nang masilayan ko siya ro'n sa sala, kausap si Kuya Kean. Nanatili ang tempura sa gilid ng aking pisngi at hindi malaman kung paano ngunguyain ito. Nang umalis si Kuya sa harap niya ay saka siya naglakad patungo rito.
Mabilis kong nginuya ang kinakain ko at inayos ang sarili saka ako humarap at sinalubong na ang presensya niya. His bloodshot eyes finally met mine after weeks of not seeing each other. Hindi ko alam kung ano ang una kong sasabihin. I became awkward since we haven't spoken to each other like we used to.
Nagulat ako nang bigla niya na lang ako yakapin. Saka ko lamang naamoy ang alak sa kanya. "I missed you..." He buried his face on my neck as his hugs are getting tighter. "I'm sorry..."
Sa hindi inaasahan, mayroong pumatak na luha sa aking balikat. Saka ako kumawala sa yakap upang tignan siya. He looked so exhausted and wasted. "Keira... Umuwi ka na ulit sa mansyon. Umuwi ka na sa'kin... Parang mas mababaliw ako kapag wala ka sa tabi ko."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top