18

"Wow!" sambit ko nang lumabas ako sa terrace ng kwarto niya. Nagniningning ang mga city lights sa aking paligid at ganoon din ang mga bituin sa kalangitan. Inilabas ko ang phone ko upang kunan iyon ng litrato. If I were to live here, I'd never get tired looking at this kind of view.







Nang maamoy ko na rin ang pagkain ay saka lang ako bumalik ulit kay Joaquin. Para siyang prinsipe na pinagsisilbihan ngayon. Ang daming pagkain na nakahain sa tray! What a life it is he has!








"¿Todavía necesita algo, señor?" said the maid. Umiling naman at ngumiti si Joaquin. "Eso es todo. Gracias," he answered in Spanish. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanila, pilit na hinuhulaan ang kanilang sinabi.








Nang makaalis na ang maid ay saka ako nagsalita. "Thank you lang naintindihan ko," sabi ko na lang nang makaupo na ako sa dulo ng higaan.








Natawa siya at ginulo ang buhok ko. "She asked if I still needed anything." Naupo naman siya sa tabi ko saka namin sinimulang kumain.







"Anong sabi mo?"








"Wala na, ito na 'yon. Salamat," casual niyang sagot habang nilalagyan ng salad ang plato ko.
Tumango-tango na lang ako saka nagpatuloy sa pagkain pero hindi pa rin matigil ang kadaldalan ko. "Ang ganda rito sa Barcelona. Bakit naisipan mo pang tumira sa Pinas?"







"My mom wants to live there. Sinunod iyon ng kanyang pinakamamahal na asawa. Dito lang ako nabuo pero sa Pilipinas ako ipinanganak."






Sosyal, kapag tatanungin pala siya kung saan siya ginawa, ang expensive ng sagot — Barcelona, Spain. "Saan ka pinaglihi?" tanong ko na naman.







"From a model, mom told me. Nakalimutan ko lang kung sino. Sa pagkain naman, she'd say sweets."






"Ah, hindi ba sa traffic lights?"






"Traffic lights?" Napataas ang kilay niya sa'kin.





"Ang galing mo kasi magbigay ng mixed signals, eh," asar ko sabay subo ulit ng pagkain.






"Funny, Keira." Napailing-iling na lang siya at sinabayan na ako ulit kumain. Nang makatapos kami ay saka niya na ako niyayang magpahinga. Naglagay na ako ng unan sa pagitan namin dahil kung akala niya'y nakaka-recover na 'ko, pwes, akala niya lang 'yon.







Maaga kaming nagising kinabukasan upang mag-training. Sa circuit na ako nag-almusal habang pinapanood ko siyang magmaneho. Kausap ko rin si Kuya Kenzo kapag nauubusan na ako ng sasabihin o ng mga technique. Minsan kapag hindi ko maintindihan ay itinatapat ko na lang sa mic ko ang phone para sila ang mag-usap.






[Kenzo: You always need to find a way out the pit, Joaquin.] ani Kuya Ken sa kabilang linya. May mga terms din silang hindi ko maintindihan, somewhat like codes. Hanggang sa matapos ni Joaquin ang laps niya ay silang dalawa ni Kuya ang magkausap.







Dahilan na rin iyon para iwan muna silang dalawa saglit dahil maghahanap na naman ako ng makakain. May nakita akong bilihan ngunit bago pa ako makapasok ay may mga lumapit na sa'kin at pinagkumpulan ako.






"Usted es la novia de Joaquín, ¿verdad? ¡Le vi en su Instagram!"

"Eres muy afortunada!"

"¿Cuál es su nombre, señora?" May humawak sa'king kamay na lalaki. Agad ko iyong kinuha at pilit na naghahanap ng malulusutan para makaalis sa kanila. Hindi lang ako sa pagkakagulo nila nahihilo kundi pati na rin sa kanilang lenggwahe.







"Keira? Keira!" Nilingon ko ang boses na iyon at natanaw si Joaquin. Nang makita rin siya ng mga taong pinagkukumpulan ako ay saka sila dumumog sa kanya. Nagulat ako nang biglang may humawak sa braso ko at hinila ako palayo ro'n.








"Hindi ka nga pinagkakaguluhan sa Pinas, dito ka naman sa Spain naging artista," aniya nang bitawan na rin ako. Nanlaki ang mga mata ko nang mamukhaan ko na ang pinsan niya. "Rav! Gago! Ginagawa mo rito?"








"I'll be watching my dumb cousin's race. By the way, I heard a deal about you two."








"H-huh? Deal? Anong deal?" Gago, sinabi ba ni Joaquin sa kanya na nagse-sex kami?!








"Fake date thing. Kaya mag-ingat ka pa rin kapag lalabas ka. Paparazzi are everywhere, you know." He shrugged.







I felt relief. Bwisit. Akala ko naman ay iba pa ang alam niya. Tumango na lang ako sa kanya bilang sagot. Posible rin namang nakikita niya sa mga Instagram stories ni Joaquin ang mga litrato na magkasama kami.






"Simula no'ng nag-date kayo, ayaw niya na akong papuntahin sa kanila." Malakas niyang tawa. "Istorbo raw ako."







"Okay, that's enough." Rinig ko na muli sa boses ni Joaquin na naglalakad papunta sa pwesto namin. Nang makalapit ay agad niya akong hinapit sa bewang. Iniangat naman ng pinsan niya ang dalawang kamay bilang pagsuko.






"'Di ko aagawin 'yan." Tawa ulit ni Raven.







"Hindi talaga. Hindi ka pa move on, eh. May mga kakilala akong single rito, reto kita."






"No, thanks. Gusto ko bigay ni Lord. Ayoko ng bigay mo."





"Sa sama ng ugali mong 'yan..."





"Tumigil na nga kayong dalawa d'yan! Kanina pa ako nagugutom! Samahan niyo na lang ako maghanap ng makakain. Kung saan hindi sana ako dudumugin ng gano'n ulit," singit ko na dahil kanina pa kumakalam ang sikmura ko.







"Okay, baby." Sunod agad sa'kin ni Joaquin sabay akbay. "What do you want to eat?"







"Kwek-kwek. Gagawin kong weapon 'yong stick no'n kapag may lumapit na gano'n sa'kin ulit." Irap ko saka tuloy-tuloy nang naglakad.






Natawa siya sa sinabi kong kwek-kwek. "Don't worry, I know a place." Hinila niya ako papunta sa ibang daan. Tama lang din ang ginawa niya dahil naroon pa rin ang mga taong dumumog sa'min kanina. We ended up at Telepizza together with his cousin. Mukha tuloy thirdwheel si Raven.






"Magugustuhan kaya 'to ni Joaquin?" tanong ko kay Agatha habang ka-video call ko siya. Saktong napadaan ako sa department store dito sa mall sa Barcelona. Sa sobrang bored ko sa bahay niya ay naisipan kong maglibot-libot kaya naiwan siya ro'n.






[Agatha: Kahit siguro bomba pa 'yang ibigay mo sa kanya tatanggapin niya, eh."






"Seryoso kasi!" Tumigil ako muli sa isang helera ng mga relos at tinignan isa-isa ang mga presyo. "Parang mas mahal pa sa buhay ko 'to, ah..." mahina kong sambit sa aking sarili.







[Agatha: Ano ba kasing mayro'n? Birthday ba ni Sir Joaquin?]






"Hindi." Lipat ko naman ulit sa isa pang helera.






[Agatha: Oh, why may pa-gift si ateng?]







Bakit nga ba? "Uhm, wala lang. Gusto ko lang ibalik sa kanya ang mga nagawa niya sa'kin."







[Agatha: Ay alam ko na sunod niyan! Aamin ka na na gusto mo siya?] Malakas na tumawa ang bruha sa kabilang linya.







"Mas pipiliin ko ang tahimik na buhay kaysa umamin." Napailing-iling na lang ako. Naglakad-lakad pa ako ulit hanggang sa makakita na ako ng afford kong bilhin para sa kanya. Hindi na ako nagdalawang-isip na ituro 'yon sa cashier. "Nakabili na ako, Aggy." Kuha ko na sa paperbag matapos kong bayaran.






[Agatha: Buti pa si Joaquin may gift. Pasalubong ko, ah. Kahit isang karerista lang din para may kasama ka ng manood ng karera sa susunod.] biro niya pa. Saka ko lang din naalala na ngayong Sabado pala ang karera niya!






Dali-dali akong pumara ng sasakyan papunta sa circuit. Minalas-malas ko pa dahil traffic. Nang buksan ko ang phone ko ulit ay sunod-sunod na doon ang messages ng mag-pinsan pati ng manager niya at ng iba naming ka-team. Mas lalo tuloy akong natataranta.







Mayamaya'y umusad na rin pero hindi rin nagtagal ay nag-traffic ulit. Hindi na ako nakatiis at sinimulan na lang takbuhin ang daan. Inabot ako ng kinse minutos bago tuluyang makarating sa lugar. Dali-dali ko ring hinanap kung nasaan ang team namin.







"Saan ka galing? Nagsimula na," sabi agad ni Raven at inabot sa'kin ang headset at Icom F1000 Handheld Radio. The place were already filled with cars and die hard fans. May mga sponsor's tent at mga trailer trucks din kahit saan ako lumingon. Bukod pa ro'n ay mas lalong umiingay ang paligid. Halos wala na akong ibang marinig kundi ang tunog ng mga sasakyan.








Isang linggo ang lumipas at sa isang linggo na 'yon ay pursigido si Joaquin kahit training palang. Kaya naman kitang-kita ko sa big screen kung paano niya painitin ang daan ngayon. I can tell that most of his techniques were taught by Kuya Kenzo, at s'yempre, ang mga tinuro ko rin. 








"Crew chief speaking," bigkas ko sa mic habang pinapanood pa rin siya. 






[Joaquin: Keira! I thought you won't make it. Where were you?]






"It doesn't matter."





[Joaquin: I missed you.]






"Mamaya ka na lumandi, pwede ba?" I rolled my eyes as if he can see it. 





[Joaquin: Okay po.]





"Inamo..." mahina kong sambit dahil baka marinig ng manager niyang nasa tabi lang namin ng pinsan niya. Narinig ko rin siyang tumawa kaya napairap ako ulit, pilit na pinipigilan ang ngiti. "Okay, De Vera, don't focus on the car in front of you but keep your eyes up and look through the windshield of the car ahead."






Agad kong ipinokus ang atensyon sa karera habang inoobserbahan na ang kanyang mga galaw sa malaking screen. Hindi ko rin maipaliwanag ang kabang nararamdaman sa tuwing lumiliko siya. "Maraming sasakyan sa harap mo. Look through the spaces between them and drive as fast as you could," bigkas ko muli sa mic.







[Joaquin: As fast as I rode you the last time?] he chuckled. Nagulat ako sa sinabi niya at agad napalingon sa paligid kung may nakarinig ba. Mukhang wala naman dahil naka-focus din sila sa karera. "Nandito ang pinsan at manager mo, tarantado ka talagang gago ka," mahina at maingat kong sambit.







Natawa na lamang siya at hindi na sumagot bagkus nagpatuloy na ulit. Kada natatapos niya ang isang lap ay umiingay lalo ang paligid. At habang tumatagal ay mas lalong nag-iinit ang kompetisyon sa bawat sasakyan.







"You can steer, brake, or accelerate, Joaquin. But for Pete's sake, you should only do one at a time. Gusto mo bang mamatay?" bigkas ko muli sa mic nang makitang bumabalik na naman siya sa dati niyang pagda-drive at kulang na lang ay tumilapon sila ni Lykan. Be gentle, be smooth." 








[Joaquin: Gentle and smooth it is...] Tawa niya muli sa kabilang linya.







Ipinikit ko na lamang ang aking mga mata at huminga ng malalim. Sa tono niyang malandi ay alam ko ang ibig sabihin niya. Nilingon ko muli ang mga kasama ko at mabuti naman dahil nasa karera pa rin ang atensyon nila.








"Hindi ako ang sinasakyan mo kaya umayos ka r'yan. Mag-focus ka nga, tangina nito," mahina kong sambit ulit. Muli ko na naman siyang narinig na natawa. Pasalamat siya at magkalayo kami ngayon dahil kung hindi kanina pa siya nakatikim ng suntok sa'kin. 








Nagkakaintindihan naman kami kahit minsan hindi ko malaman kung seryoso ba siya sa ginagawa niya o hindi. At habang tumatagal, mas lalong umiinit ang paligsahan. Ilang sasakyan na rin ang nasaksihan naming tumilapon at sumabog. Mabibilang mo na lang din kung ilan na lang ang tira kaya hindi ko maiwasang kabahan.








188 laps... 235 laps... 385 laps... 435 laps... 65 laps left for Joaquin and for the other racers to win. Upon watching, a familiar car suddenly appeared right in front of him. Mas lalong kumabog ang dibdib ko. Ngunit kasabay din no'n ang maintinding pag-init ng ulo dahil alam ko kung kanino 'yon.







[Announcer 1: Look! Car racer number 5, Jayson Perez is back on the track like nothing happened! He passed De Vera!]




[Announcer 2: Right, and when these two are on the track, the race is getting more intense!]







Ayan ang mga narinig namin mula sa dalawang tiga-anunsyo kasabay din nang pag-focus ng mga camera sa dalawa. Habang tumatagal din ay halos magdikit na ang kanilang mga sasakyan. Halos lumabas na ang puso ko nang makita kong ginitgit siya ng sasakyan ni Jayson.







"Joaquin... Don't you ever do it. No matter what happens, don't play dirty. Remember your goal to this. Don't let him distract you." Pilit kong pinapakalma ang sarili ko.







The announcers were right, it's getting more intense. Nalingon ko rin ang manager ni Joaquin na lumapit sa akin. "Trust him," aniya.






"P-po?"





"Trust him, he will win this thing. Joaquin won't hit any wall unless he wanted to. Just watch..." Saka niya ibinalik ang mukha ko sa pagkakapanood sa malaking screen.






Hindi ko alam kung ano ang gustong iparating ng manager niya kaya mas lalo akong kinabahan lalo pa't nakita kong umuusok na ang daan sa sobrang galit nila magmaneho pareho.







"But Joaquin will lose a tire! Pit stop, get ready!" sambit ko sa mga tauhan sa aking likuran. Sumunod naman sila sa'kin at inaabangan na rin ang pagliko ng sasakyan ni Joaquin papunta sa gawi namin ulit.







"Monteza, look." Turo ng manager niya muli sa screen kaya napalingon ako ulit. I even heard Joaquin cursed on the other line. And later that...







[Announcer 1: Whoa! What an unexpected move by Number 26! And now he passed the car racer, Number 5! Both have no mercy on the road!]







Everyone saw how Joaquin's car went over Jayson's to pass him. It was a damn aggressive move but he landed back smoothly on the ground like nothing happened. Everyone cheered and celebrates when he got back on the lead.











[Joaquin: YES! FUCK YOU, PEREZ! FUCK YOU! WHOO!] Rinig ko sa kanya kaya natawa ako. You monster, that was close... Mayamaya'y narating niya na rin ang aming pwesto para sa pit stop. Mabilis na kumilos ang team namin upang palitan ng tires at mag-gas ng sasakyan niya.






"Ayos ka lang ba?" tanong ko rito nang maibaba niya ang bintana ng kanyang sasakyan.







"No. But I need something." Walang anu-ano'y bigla niya na lang hinatak ang braso ko saka ako hinalikan. "There, I feel better." He smirked before going back on the track again.







Agad akong napalingon at nakitang nakangisi na ngayon sa'kin ang pinsan niya. Ang ibang kasama naman namin ay umiwas ng tingin na tila ba'y kaunti na lang ay bibilangin na nila ang hibla ng kanilang buhok.







"That's Joaquin's lucky charm!" Malakas na tumawa ang manager niya sabay mahinang kurot sa aking bewang, halatang kinikilig din. Pakiramdam ko tuloy ay mas pula pa sa kamatis ang mukha ko ngayon dahil sa hiya! Wala talagang pinipiling lugar si Joaquin!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top