16

TW: Suicidal. This chapter includes self-harm and drug abuse that can/might trigger audiences. Feel free to skip this chapter and proceed to the next ones.

🪻 To everyone struggling, surviving and fighting demons everyday, hugs to you. Remember that you are loved, you are important, your feelings and emotions are valid, and everything will be okay.

Always check your loved ones :) Sometimes, a single tap on a shoulder can save lives.




"One, two, three... Oh my gosh, ang dami..." bulong ko sa aking sarili habang pinagmamasdan ang aking bandang leeg at dibdib. We had a quick sex in my room this morning after his swim. Ako na yata ang paboritong almusalin ni Joaquin. Buti na lang din ay hindi ako nauubusan ng turtleneck. Mukhang di na rin kasi ako mauubusan ng hickey.





"You ready to go, miss?" Knocked Joaquin. Then he put his hands inside his pockets as he leans on the door, waiting for me. Nang makita niya kung ano ang ginagawa ko sa salamin ay natawa siya.




"Sorry 'bout that." Turo niya pa. Umirap lang ako saka sinuot na ang damit ko. Hindi naman ako nagrereklamo kung marami 'yon. Masarap naman. Malapit na nga rin akong maniwala na totoo ang mga bampira. Joaquin is a living proof.



"Don't worry, she's a very nice fashion designer but a little perfectionist, though," ani Joaquin nang ma-ipark na niya ang kanyang sasakyan saka kami tumungo sa isang malaking gusali. May iilang mga truck din ang nakaparada sa labas, mukhang nag-deliver ng mga materyales. Nang makapasok ay sinalubong agad ng puri at bati si Joaquin.





Agad akong lumayo sa kanila para hindi na nila ako mapansin. Marami ring tao ang abala sa kani-kanilang mga gawain. Nang ilibot ko ang ang aking mga mata ay iba't-ibang mga damit, sapatos, bags, at kung ano-ano pa ang mga nakita. Kahit ang isang fashion runway ay hindi nakatakas sa paningin ko. The place was damn big than I imagine.






"'Di ba ang sabi mo, busy siyang tao. Hindi ba natin siya maaabala ngayon?" I'm getting a little anxious as the elevator finally reach the 6th floor of the building.






"This is the day she told me to meet her." He glanced at his watch. "Well, if she's not, her daughter might be around. Baka ang anak niya ang mag-asikaso sa atin kung gano'n."





Matapos ang kaunting paglalakad ay narating na rin namin ang isang pinto. Kumatok si Joaquin doon at isang babae na halos ka-edaran ko lang ang nagbukas. "Good morning, may appointment po ba kayo kay Mrs. Flores? Kayo po ba si Joaquin De Vera?" tanong nito habang may binabasa sa clipboard na hawak niya. Tumango at ngumiti naman si Joaquin sa kanya.






"He's here already, anak?" Rinig namin sa boses mula sa loob. Mayamaya'y pinapasok na rin kami nito. Malapad na ngumiti ang babae sa akin nang magkatinginan kami at ganoon din ako, 'yon nga lang, may kaunting ilang akong nararamdaman.






"Nice to see you again, too, Ninang." Joaquin gave the woman in front of us a hug. Binati niya naman ako nang magtama rin ang tingin namin. Ipinakilala niya na rin ang babae kanina bilang anak niya, si Arabella Flores. Nakikita ko sa kanya si Aggy. Ngunit ang isang 'to ay mukhang mas lamang ng katarayan kaysa sa kanya.






"So, you wanted ballet shoes for the business, huh? What a great idea, my dear!" sabi nito sa akin nang makaupo na kaming tatlo. Iyong anak niya ay nasa mahabang sofa.






"Actually, we're planning a new fashion show inspired by Barbie this year in London. I'll be back there this Christmas. My fellow designers are preparing for that since right after our first meeting about it. And since, ballet shoes, we can add that up in the fashion show! What do you say, Keira?"






I didn't think twice and agreed immediately. It can be a big help to the product, and it'll be one of the ways to market it! Pinag-usapan pa namin ang mga pwedeng idagdag sa shop. Hindi lang ako ang may balak, kundi si Joaquin din.





Balak niya ring magdagdag ng mga bago para naman sa mga lalaking costumers. Iilan doon ay kasama sa ballet shoes na balak ko. Balak niya ring palakihan ang lugar kaya may tinawagan kaming architect.



Bandang huli, tatlo kami ni Arabella at Mrs. Flores ang nag-uusap tungkol sa ballet shoes at fashion show. Habang si Joaquin naman ay kausap na ang isang architect at ang anak no'n na engineering student naman na boyfriend din Bella.





Mayroong ipinapakitang disenyo ng sapatos at damit ang mag-ina sa akin. Samantalang blue-print naman ang hawak ni Joaquin ngayon. Mayamaya'y iniwan na rin kami ni Mrs. Flores dahil may inaasikaso pa siyang isang trabaho.





Arabella and I are having a great time together. Sunod naman na dumating ang kanyang kaibigan na nagngangalang Erica Young. Ayon kay Mrs. Flores kanina, isa siya sa mga bagong modelo ngayon.





She'll be modeling the new products soon kaya ipinakita rin ni Bella sa kanya ang mga designs na susuotin niya sa susunod. At kapag tumagal pa, maaari na rin siyang makasama sa mga modelo sa London.





We had everything settled. Nagtanghalian kami kasama ang mga Flores at ang kanyang kaibigan. Kasama rin namin ang mag-amang architect at engineering student. Pagkatapos ay saka ako hinatid ni Joaquin sa school dahil may afternoon class kami. Hindi pa ako nakakababa ay tanaw ko na si Agatha sa gate.






Nagpaalam na ako kay Joaquin nang makababa na ako ng sasakyan at tumakbo palapit kay Agatha. Dumiretso kaming library agad para mag-review para sa mga quiz namin ngayon. Mayroon kasi kaming subjects na iisang professor ang may hawak.






Pero bago pa kami makarating doon, may humila bigla sa akin at dinala ako sa may likod ng building namin. It's been a long time since the last time we saw each other at the Dash Racing Circuit where he humiliated both me and Joaquin. Nagpupumiglas ako at nang makawala ang braso ko sa kanyang pagkakahawak ay agad ko siyang pinalayo sa'kin.






"Ano bang problema mo?!" singhal ko.





"Keira, please, heart me out," panimula niya agad. I was about to say something when I heard Agatha's voice calling for me. Nang makarating siya sa pwesto naming dalawa ni Jayson ay agad niya akong hinila palayo sa kanya. "Kei, nasaktan ka ba?" nag-aalala niyang tanong.







"Ayos lang ako," sagot ko habang 'di inaalis ang tingin sa damuhong nasa harap ko. "Ano bang kaylangan mo sa'kin? I believe you grabbed the wrong girl. And I believe we don't have any reasons to see each other anymore. Bakit ba ginugulo mo na naman ako?"






No one knows he's hitting up on me again. I don't know if his girlfriend knows about it but I'm hell sure that she's aware of this. She's aware that Jayson cheats whenever he wants to. And he's doing it again, with the same girls. But no matter how bad it hurt me that night, I don't want her to feel the same way like I did.







"Look, I'm realizing a lot since the day we broken up. And I am here now, apologizing for all the things I did to you. I regret it everyday."






"Huh, nakakaramdam ka pa pala ng ganyan? O sige, ano pang kasinungalingan ang sasabihin mo sa'kin? Papakinggan ko." Nagpamewang ako.






"I was wrong, Keira. Please, accept my apology and be together again. Promise, I will treat you right this time. Right and better than Joaquin does. Come back to me. Let's fix this." Sabay kuha niya sa aking kamay. Matagal akong nakatitig doon habang nagpipigil na ng nagbabadyang mga luha.






"Fix..." I laughed sarcastically. Saka ko lang din siya natignan ulit at kinuha na ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya. "Even a thousand apologies can't take away the pain I felt from that betrayal during my birthday. My birthday, Jayson. What you did was a very unforgettable gift."




"Marami na rin naman tayong napagdaanan noon, 'di ba? At sa dami no'n nalagpasan naman natin. Naaayos naman natin palagi. Kaya kagaya ng dati, kaya rin natin maayos 'to ngayon."





"Natin?" I raised a brow and laughed again sarcastically. "Oo tama ka ngang marami ngang nagdaang bagyo sa relasyon natin. Pero, Jayson, putangina, sa lahat ng 'yon, pinabayaan mo 'ko! Sa lahat ng 'yon, ako lang mag-isa ang nag-aayos! I was fucking alone and all I wanted was for you to be there for me, with me!"





Tumataas na ang aking boses at kasabay no'n ang unti-unti ring pagpatak ng aking mga luha. Memories of me being scared and humiliated by everyone, it all came back. At bukod sa tulong ng mga kuya ko, walang nag-alis sa'kin sa bangungot na 'yon kundi ang sarili ko.







"Nasaan ka noong panahon na ikaw ang gusto kong nasa tabi ko? Nasaan ka noong halos ayaw akong tigilan ng mga humahanga sa'yo? Where were you when I received a lot of death threats from them? Saving some other girl's ass? Wala ka, Jayson. Palagi kang wala. And you... You always left me hanging. Tapos ngayon haharap ka sa'kin at pababalikin mo 'ko na parang walang nangyari? Na parang ang dali lang kalimutan ng lahat ng 'yon? Oo, lahat ng kagaguhan mo tinanggap ko at pinatawad kita. Pero ang ginawa mo sa aming dalawa ng kaibigan ko... Hinding-hindi mawawala ang galit ko ro'n at habangbuhay kitang kasusuklaman dahil doon."






Pinunasan ko na ang luha ko at tatalikod na sana nang bigla niyang hawakan ng mahigpit ang braso ko at napaharap muli sa kanya. "Keira, please. Give me one last chance to prove things to you. I'll be good."





"Save it. Be good, for yourself."


"But I need you."



"No, Jayson. You need yourself. If there's something that needs to be fixed, it's you. It's fucking you."



"Kaya ba hindi kita makuha ngayon dahil masaya na kayo ni Joaquin?"




"'Wag mong idamay si Joaquin dito. And yes, I guess Joaquin can treat me better than you do. Pero nand'yan man siya para sa'kin o wala, hinding-hindi mo na 'ko makukuha ulit."




Habang tumatagal ay mas lalong humihigpit ang hawak niya sa braso ko at nararamdaman ko na rin ang sakit. Nagpupumiglas na ako pero ayaw niya pa rin ako bitawan. Lumapit din agad si Agatha upang kunin ako. "Bitawan mo ang kaibigan ko o ipapapulis kita," mariin niyang sabi. At sumunod siya ro'n.





"Fine, I'm a guy anyway. I will never lose anything. But you women will, a lot," iyon na ang huli niyang sinabi bago kami tuluyang iwan ni Aggy. Litong-lito ako sa mga sinabi niya pero hindi ko na inisip pa. Sinamahan na lang din ako ni Agatha sa restroom upang doon mag-ayos ng sarili ulit.





Naglalakad na kami sa mahabang hallway patungo ro'n. At nang makarating kami ay mayroon agad na sumalubong sa amin na hindi rin namin inaasahan. Napatigil ako agad nang siya ang bumungad sa'min sa loob. Gulat din siya nang magtama ang mata namin ulit.





Ashley's holding something in her hand and a bottle of I don't know was placed on the sink. "K-keira..." It was almost whispered. Mugto rin ang mga mata niya. Nang maalala ko ang ginawa sa'kin ng boyfriend niya kanina ay uminit agad ang ulo ko.





"Nilalandi ako ulit ng boyfriend mo. Kung hindi mo pa alam, pwes, ako na ang magpapaalam sa'yo para makapagdesisyon ka ng maaga at maayos." Nilagpasan ko na siya. Si Aggy ay naghintay na lamang sa akin sa pinto. Bago pa ako makapasok sa isang cubicle sa bandang dulo ay nagsalita si Ashley sa'kin.





"I know he wanted you back so bad since the day he got me pregnant."





Nanatili ang kamay ko sa handle ng pinto at tila ba'y tumigil ang aking paghinga ng ilang segundo nang marinig ko 'yon. Bigla rin ako nakaramdam ng bigat sa aking mga balikat at matinding pagkabog ng dibdib. She's pregnant? Please, I hope I heard it wrong...





"I know I shouldn't be telling you this. It's not your concern anyway. But I just wanted to tell you that I'm aware of what's happening right now." Narinig ko ang pagbukas ng basurahan at tinapon ang pregnancy test na hawak niya. Sunod niyang binuksan ang bote na nasa gilid niya at kumuha ng iilang mga gamot doon.






"Anong ginagawa mo?!" Kinuha ko agad ang kanyang palapulsuhan upang pigilan siya.




"Why the hell are you even stopping me?! Everybody wants me dead instead!"





"And you will let that kill you?!"




"Oo, Keira! Doon din naman ang patutunguhan ko dahil maraming tao ang nakaabang sa'kin!"





Mas lalo akong nanghina. Alam ko ang tinutukoy niya kahit hindi niya na banggitin pa sa'kin. "I won't let you kill yourself."





"But why?! Oh, I'm sure that's what you want to happen since that night I fucked your boyfriend! Don't play pretend with me, Keira. We're not kids anymore." Kukuha pa sana siya ulit ngunit kinuha agad ni Agatha ang bote. Sinubukan niya iyon agawin ngunit nahawakan ko ulit ang kanyang isa pang palapulsuhan. Saka ko lamang iyon nabitawan nang umaray siya.






Natanggal ang nakataling panyo ro'n dahilan para makita ko kung ano ang nasa ilalim. Parang sinaksak ng libo-libong kutsilyo ang aking puso nang makita kung gaano karami, kahaba at kapula ang mga sugat na naroon. Iyong iba ay dumudugo pa.






Hinaplos niya iyon. Nang makatapos ay isinandal niya ang kanyang sarili sa pintuan ng cubicle at unti-unti nang napaluhod, mahinang humihikbi. "Iwan niyo na 'ko, please..."






Nagpaalam sa'kin si Agatha na maghihintay na lamang muna sa labas at babalik kapag kakaylanganin ko na. Binigyan niya kami ng oras ni Ashley. Lumuhod ako upang pantayan siya. Sinubukan kong hawakan ang kanyang kamay pero hinawi niya ang akin agad. "Sabing umalis ka na, eh! Bakit hindi mo na lang sundan ang kaibigan mo ro'n?!"





"At ano? Pabayaan ka rito na ganyan ang lagay mo? Tapos ano? Kargo de konsensya ko kapag may nangyari sa'yong masama? Hindi kita iiwan rito. Alam ko ang pinagdadaanan mo ngayon, Ashley."





"Wala kang alam, Keira. Hindi mo maiintindihan ang nangyayari at nararamdaman ko ngayon."





Huminga ako ng malalim at tinabihan siya."We're not the same, I know, but trust me. I've been there, in that same situation where almost the whole world hates you and wishes you dead." I look at her. "Wala akong pakialam kung galit tayo sa isa't-isa. Pero bilang tao, hindi kita hahayaan mag-isa sa dilim na napagdaanan ko na rin."





Tinignan niya ako para irapan. Not minding what I said. "Umalis ka na, Keira. Hindi kita kaylangan."




"I don't need you to need me." Nangingilid muli ang aking luha. Sa tuwing nagtatama ang paningin namin at nakikita ko siyang ganyan, nanghihina ako. Galit ako sa kanya pero hindi ko pa rin siya kayang makitang ganito. Dahil naging kaibigan ko pa rin siya...




"Then why are you still here?! Don't act as if you really care."




"I do care, Ash. Kahit masama ang loob ko sa'yo, hindi kita kayang pabayaan dito. Pero kung gusto mong mapag-isa, pagbibigyan kita pero dadalhin ko lahat ng bagay na dala mo. Hindi ko hahayaang patayin mo ang sarili mo rito."





"Ang batang nasa t'yan ko ang gusto kong mawala, hindi ako."




"Bakit? Sa ginagawa mo ngayon, akala mo ba bata lang ang mawawala?"





Umiwas na lang siya ng tingin at hindi na nagsalita pa. Kinuha ko ang blade na alam kong nasa bulsa niya ngayon. Base sa mga sugat, halatang bago lang ang mga iyon kaya alam kong may dala siya at kanina niya lang din ginawa. Kinuha ko rin ang bag niyang nakasabit sa pintuan ng cubicle at kinalkal iyon.






May nakita akong iilang mga gamot. Mayroon ding isang sachet doon. No wonder she did all of these to herself. She's high. May maliit pang bote ng alak doon. "Fuck, Ashley..." Napatakip ako ng mukha dahil umaagos na naman ang luha ko dahil sa mga nakikita ko. "Putangina mo, Ashley... Bakit..."





"I-I'm sorry..." Muli ko siyang narinig na humihikbi. "But is that enough for you to leave me now?"



"No..." Umiling ako.





"Bakit ba ayaw mo pa rin akong iwan dito?"




"Kasi..." Sa bawat patak ng luha ay nahihirapan na ako huminga. "Kasi mahal kita. Mahal kita, Ash. Kahit pinuputangina ako minsan sa gabi ng mga ginawa mo sa'kin, hanggang ngayon, kaibigan pa rin ang tingin ko sa'yo. Hindi kita kayang hayaan dito. Please, Ashley... Tutulungan kita..."






"Tanga ka talaga, Keira!" Nanginginig ang kanyang boses at lumalakas na rin ang kanyang pag-iyak kasabay ng akin. Pinunasan ko ang aking pisngi at sinimulang kunin ang mga importanteng gamit sa bag niya saka ko siya hinarap muli habang siyang nakaupo pa rin sa sahig.





"Hindi mo makukuha sa'kin 'tong bag mo. Kung ano ang alam kong tulong na pwede kong ibigay sa'yo ay gagawin ko. I won't let you die. There's so much more in you and I won't let a boy make you kill yourself." Saka ako nag-martsa palabas ng restroom bitbit ang bag niya.





Aggy immediately gave me a hug when I went out. Tinapon niya na rin ang bote. "Pwede ko ba siya makausap?" tanong niya nang makabitaw siya.




"'Wag mo na awayin."




"Really, Ma'am Keira? Wala ako sa posisyon para mang-away. Kakausapin ko lang, promise." Mahigpit niyang hinawakan ang aking kamay bago pumasok muli sa loob. Sumandal ako sa pinto agad nang maisara niya ito. Pinunasan ko ulit ang aking pisngi at napatigil lang nang marinig ko nang nagsasalita ang dalawa.





[Agatha: Hindi pa kita lubos na kilala. Nakilala lang kita dahil sa kwento ng kaibigan natin. At ayaw kong doon lamang ako babase tungkol sa pagkatao mo."



Ashley: Kaibigan natin? She's all yours. Matagal na kaming tapos ni Keira dahil sa ginawa ko.



Agatha: Your mind has already set. Iyon na ang tumatak sa inyong dalawa. But let me take this chance to tell you this. Keira misses you everyday. You still have a spot in her heart no matter what. Pero kapag naalala niya ang ginawa niyo sa kanya, bumabalik ang galit niya. Pero kahit na gano'n, nangingibabaw pa rin sa kanya ang pagmamahal niya sa'yo.




Ashley: I... I love her, too. But I know we can't go back to what we used to and I think that's better. I don't deserve her...




Agatha: Please, take care of yourself. You might be rebellious, but I know someone's still there for you. Someone who is ready to protect you. Like your family. Like Keira...]




My tears started falling again. Hindi ko na rin alam kung paano ako kukuha ng hangin dahil sa aking tahimik na paghagulgol. Mas lalo ring humigpit ang aking pagkakayakap sa bag ni Ashley. I'm already praying, hoping that things in her life will be put into the right places again.




[Ashley: Can you do me a favor? Well, I know you've been doing it since.


Agatha: What?



Ashley: Please, always look after her. Take care of her. Sounds crazy but Keira's been one of the best things that has happened in my life. And she will always be...]

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top