11

First Place
Keira Monteza...



Halos hindi maalis ang tingin ko sa gold medal na nakasuot na ngayon sa'kin. Hindi rin matigil sa pag-ulit sa utak ko ang pag-anunsyo ng pangalan ko kanina bilang panalo. This means that I'll be moving to Palarong Pambasa soon!






And for the last picture taking, I held the medal and proudly smiled at the camera. Kulang na lang ay umawra pa 'ko at ibida pa lalo ang medal na suot ko para lang maipakita kung gaano ako ka-proud at kasaya ngayon. Pagkatapos ay dali-dali akong tumakbo paakyat sa pwesto nina Joaquin at Agatha.






"Ang galing-galing mo! Pasipa nga sa isang Keira Monteza!" Abot ni Aggy sa aking pisngi. She squeezed my face like I'm her damn stuffy and rained it with lots of kisses like a proud sister.
Sunod akong humarap kay Joaquin at nakipag-fist bump sa kanya.






Wala na rin akong nagawa nang bigla niyang hilahin ang kamao ko upang mapalapit sa kanya at binigyan ako ng isang halik sa pisngi. Nanlaki ang mga mata ko nang tignan ko siya ulit. Luminga ako sa paligid upang tignan kung may nakakita ba ng ginawa niya ngunit lahat ay abala sa pagsi-celebrate, kahit si Aggy.






"Para saan 'yon?!" Hampas ko sa kanyang braso na tinawanan niya lang. Agad din akong lumayo sa kanya dahil baka saan niya na 'ko halikan sunod. "Congrats, love," he teased, ruffling my hair.






"Ulol." Hawi ko sa kanyang kamay sabay irap, inaayos na ang buhok ko ulit.





"That's how you say thank you?"





"Ito thank you, oh!" I raised my middle finger and finally turned my back at him. Agad kong hinila si Agatha paalis doon para samahan na ako magpalit. I need to immediately freaking distract myself from that! I won't let that things get into me!






Dahil maaga natapos ang tournament, niyaya ko si Joaquin papuntang Dash Racing Circuit. At dahil nanalo akong first place ay ginanahan akong tulungan siyang mag-training para sa papalapit naman niyang karera sa susunod. I wanted to return the favor. Nauna na ring umuwi si Agatha para hindi siya gabihin sa byahe kaya dalawa na lang kami ni Joaquin ang naiwan ulit.






Being a crew chief, I need to know the attitude of the driver I am with behind the steering wheel. That's what Kuya Kenzo told me the last time we talked about my job. "And a car racer should be passionate and fearless, Keira. So as the crew chief. It what motivates the driver to overcome new obstacles and that what makes the crew chief helps her racer win..."





Helps her racer win. Paulit-ulit iyon sa aking isipan noong naging crew chief ako ni Kuya. No matter how much I hate my racer, I need to help him win. It's what I also signed up for. I don't need to worry because I know Joaquin already has a heart of a racer. He's passionate and fearless. The only thing we need to have is trust.






He let me watch him drive. I told him to finished five laps and he did. Only... "Galit na galit ka mag maneho at kulang na lang tumilapon kayo ng sasakyan mo. Just be smooth in driving. Jerky movements on the steering wheel and treating the brakes and accelerator like on and off switches are not the way to go. Also, learn the track. You should know when to speed up and slow down."






Paliwanag ko sa kanya nang makabalik na siya sa'kin. He's a damn monster on the road that always make the crowd go wild whenever he finishes a lap but I can't deny that sometimes, he's a little too out of control. "Your driving is terrible." There, I finally got to say it in his face. I've been longing to do that. "Do you want me to show you how its done?" paghahamon ko.






"Do you know how to drive?" Wow, he sounded doubtful. I'm wounded by that. Nakalimutan niya yatang kapatid ko ang idolo niya. "Watch and learn, Steering Wheel," mayabang kong sambit saka pumasok na sa loob ng sasakyan at sinimulan ito. Limang laps din ang ginawa ko saka ako bumalik sa pwesto niya na kanina ay kinatatayuan ko.






"Smooth, right?" Sabay abot ko sa kanya ng susi. "Kuya Kenzo taught me," I proudly said.






"Huh, no doubt." Napailing-iling ito habang manghang nakangiti sa'kin. Nagpatuloy na kami sa training hanggang sa abutin na kami ng 10 ng gabi. Joaquin's always been so careful when driving. Ang dami niyang alam na daanan na walang tao masyado. At sa sobrang dami niyang alam na suotan ay pakiramdam ko pwedeng-pwede niya na 'ko iligaw.






Kunot ang noo ko habang pinagmamasdan ang mga puno sa labas ng bintana. Hindi pamilyar ang daan. Ilang oras na rin siyang nagda-drive at wala pa rin akong ideya kung saan niya kami dadalhin. Kakaunti lang din ang mga bahay na nakikita ko simula kanina.






Saan ako hihingi ng tulong nito kung sakaling abandonahin niya 'ko rito sa kalagitnaan ng byahe? "Hindi dito ang daan pauwi sa inyo. Masyado na ring malayo ito pauwi sa'min," sabi ko nang lingunin ko na siya.







"Sino bang nagsabing sa bahay tayo natin uuwi?"






"Wha- Where the hell are you taking us? Kidnapping na naman 'to!"






"I will not bring you to a nice place if this is kidnapping. Chill, little grumpy curls. We're going to Tagaytay."






"H-huh? Anong gagawin natin doon?"





"Magkakape," aniya. Nagpatuloy pa rin siya sa pagmamaneho at hindi na rin ako nakaangal. Papunta na kami, ano pa ba ang magagawa ko? Matapos ang 30 minutes ay nag-park na siya malapit sa Starbucks. Naiwan ako sa loob ng sasakyan habang pinagmamasdan siyang may kinakausap na guard doon. Huh, he's serious and probably has a lot of connections.






Oh, of course. He's freaking Joaquin De Vera! He knows everyone and everyone knows him! Bumalik siya rito sa sasakyan niya saka ako pinagbuksan. "Iba talaga kapag mayayaman. Magkakape na lang, sa ibang lugar pa." Hindi na rin siguro ako dapat magulat kung yayayain niya 'kong magkape ulit pero sa ibang bansa na.







"Iyong totoo, hindi ba patibong 'to?" Taas kilay kong tanong sa kanya habang nakatitig lamang sa mainit kong kape. Baka pinalagyan niya pa ng lason 'to, eh!




"Why the hell would I do that?"





"Ha! Kung akala mo nakakalimutan ko na ang paghingi sa'yo ng pabor ng mga kapatid ko na bantayan ako, pwes, hindi. Sa lahat ng kataksilan, ang ginawa niyo sa'kin ang hindi ko pa rin tanggap."





"You're not glad that someone is looking out for you?" Napataas din siya ng kilay sa'kin.




"Masaya ako na may pakialam sila kuya sa'kin. Nasasaktan lang ako sa ginagawa nila." Saka ko na kinuha ang kubyertos para kainin ang slice ng cake sa harap ko.





"Nasasaktan? Saan? They just want your safety. Also, you're the youngest."





"Alam ko. Ang sa'kin lang, parang pinapamukha nila sa'kin na hindi ko kayang tumayo sa sarili kong mga paa. Pakiramdam ko, ang baba ng tingin nila sa'kin lalo pa't halos lagyan ko ng kahihiyan ang pangalan namin noon. I'm nothing compare to them. They're already billionaires and I'm nothing but a someone who lives under their shadows. And I'm so sick of it. That's why I'm making my own name."





Tuloy-tuloy na naman ang pagkukwento ko. Agad ko ring pinunasan ang mga mata ko na medyo nangingilid na ang mga luha. What I'm doing right now isn't just for myself but for them to be proud. Saka ko lang din natignan si Joaquin nang hawakan niya ang kamay ko.






"And you're doing great making your own name now. I've been with you for months already and I witnessed all of your hardworks. You're actually a perfect 100 as our employee and a working student and athlete. I'm proud of you, Keira." He smiled sweetly at me as he tapped the back of my hand.






Napatitig ako ng ilang segundo at tila ba'y mukhang ginugulo na naman ng mga paru-paro ang aking t'yan. Lalo na nang marinig ang kanyang huling sinabi. "This treat doesn't involve your brothers if that's what you're thinking why I brought you here. The truth is, I want to say thank you. I know we really didn't have a good start but... I'll be your company when you need one. I'm always right here, Keira."






Hindi na napigilan ng sarili ko ang pagtulo ng luha ko. Ang dami namang lugar kung saan ako pwedeng paiyakin, dito pa talaga sa maraming nagkakape. "Para ka namang gago," I sobbed as I keep on wiping my tears hanggang sa makatahan na 'ko. Narinig ko siyang natawa saka niya 'ko tinulungang punasan ang pisngi ko. "Being tough isn't always the answer. We need tears, too. By the way, I like your soft side." Hawak niya na ngayon sa baba ko.







"Ang landi mo talaga!" Mahina ko na lang hinawi ang kanyang kamay. Hindi niya alam kung gaano na ako hirap na hirap kontrolin ang nararamdaman ko dahil sa mga simpleng ganyan niya! "Salamat. Ayoko pa rin sa'yo pero salamat sa lahat ngayon."






"You're welcome, Chief. I got you." Kindat niya pa saka pinagpatuloy na ang pagsimsim sa kanyang kape. It isn't just about his flirty remarks but his words and actions that combined to make me go nuts. But his last words is what I don't trust. He got me? Oh, I wouldn't let myself get fooled again by a racer. Basta racer, heartbreaker.







Tumuloy kami sa isang hotel nang sumapit ang gabi. At dahil kape at desserts lang ang kinain namin kanina, nagpatawag pa siya ng food service para sa dinner namin. It was fancy. And imagine having dinner with your celebrity crush, that'll be a dream come true.






Kung nabuhay lang ako para maging fan ni Joaquin ay panigurado, baka hinimatay na 'ko sa sobrang kaswertihan ko ngayon. Eh, kaso hindi. Mukhang normal na gabi lang sa'kin ang nangyayari. But sometimes, I do wonder if dating a fan isn't a big deal to him or how many celebrities he dated before. Ilan kaming nakaranas ng ganito sa kanya?







Right after dinner, we sipped on our red wine at the terrace as we both watch the city lights together at peace. "Kamusta na pala ang pinsan mo? Hindi na ba siya broken?" Putol ko sa katahimikan namin.






"Bakit natin pag-uusapan si Raven ngayon?"






"Naisip ko lang, yayain natin siya ngayon uminom. May tatlong bote pa, oh!"






"He's busy."





"Artista din ba 'yon?"






"No."





"Ay, bakit hindi? Ang pogi niya pa naman!" Sabay inom ko na lang ulit sa baso na hawak ko. Natigilan lang ako nang tumahimik ulit ang paligid. Naramdaman ko ring nakatangin siya sa'kin kaya nilingon ko ulit. "Can't we just enjoy the moment right now and not involve other people? Only the two of us. 'Wag ka na maghanap pa ng iba," masungit niyang sambit.







Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko at nagustuhan ko pa siyang asarin. His tone is a little different. I can sense something in it but I don't want to assume things. But with the help of teasing, it may confirm it. "Paano kung type ko pinsan mo?" I tried to hide my smile as I saw his reaction again. Masama na ngayon ang tingin niya sa'kin.






"Sesante ka na," malamig niyang sabi saka ibinaling na ulit ang atensyon sa city lights. Hindi ko na napigilan ang pagtawa ko. He's not jealous, isn't he? "Hindi ka rin mabiro. Sa sobrang dikit na natin ngayon, namamana mo na ugali ko," sabi ko ulit.





"Magkasing pangit pala tayo ng humor, thanks for making me realize that." Napailing-iling siya nang ubusin niya ang tirang laman ng bote ng wine. Nakakadalawa na kami pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nalalasing. I got bored so I went back inside to play some music.






Nagbukas ako ng ilang drawer para maghanap ng pwedeng libangan hanggang sa makakita ako ng Uno Cards. Agad ko siyang niyaya para maglaro. Nag-indian sit ako habang siya ay nakaupo na ngayon sa bandang dulo ng sofa. The wine is still with us along the game. Parehas kaming mataas ang tolerance kaya mas nae-excite ako malaman kung sino ang unang babagsak sa'min mamaya. Ang maunang matulog ay siyang bahala sa breakfast bukas.





"I won again," mayabang na sambit ni Joaquin nang ilapag niya ang +4 niyang card. Isinandal ko na lang ang sarili ko, accepting my seven rows of defeat! Namumula na nga rin ang noo ko dahil sa pitik na dare niya kahit mahina lang. "Wala na bang mas challenging sa dare mo? Puro pitik sa noo, ang boring!" hamon ko.







"You think it's boring?" Pinaningkitan niya 'ko ng mga mata nang isandal niya rin ang kanyang sarili. "You really are testing me, Keira. I'm really thrilled." Inilagay niya ang kanyang mga braso sa mahabang sandalan habang nakatingin pa rin sa'kin.







"Uh-huh, and I like thrills. So, what's your dare, Steering wheel?" I crossed my arms in front of my chest. Hindi rin ako nagpapatalo sa titig niya. Ilang minuto muna ang lumipas bago siya magsalita ulit. But this time I wasn't expecting the words that will come out from his mouth. "Kiss me for 10 seconds. If you did, I'll finish the wine by myself. Fair?"







Tinignan ko ang bote ng wine sa maliit na mesa sa harap namin at hindi pa ito nangangalahati. Ito na ang huling bote at ayaw ko na ring uminom. I feel like I'm going to throw up anytime. Hindi ko malaman kung sa iniinom ba namin ako nahilo o sa mga pitik niya. I was also expecting a dare something that is related to our sports or at work. And yet...





Pinag-isipan ko iyong mabuti. Tumayo ako para abutin ang bote at lumagok ng kaunti, pandagdag pa sa lakas ng loob. I did kiss him once at the club. I'm sure I can do it again. Kinuha ko ang phone ko para mag-set ng oras saka ko bumalik sa kanya. "Kiss lang pala, eh." Pinindot ko na ang oras saka ko isinampa ang isang tuhod sa kanyang gilid habang ang isa ay nakatayo pa rin upang alalayan ang aking sarili.






"You're-" He was about to say something but I didn't let him. Inilapat ko na agad ang labi ko sa kanya. And I thought it'll only be just a smack. I suddenly felt his warm hand on my nape as our kiss got a little deeper. I can already feel his tongue tasting every corner of my mouth. He slowly let me sit on his top, too and I flinched when my bestie down there felt another bestie.






Sabay naming narinig ang tunog ng orasan sa phone ko. I tried to let go but he won't let me. "Joaquin, 10 second's done," I said between our kiss.





"I'll be adding more." Sabay pisil nito sa aking bewang at pinagpatuloy muli ang mapupusok niyang halik. Habang tumatagal ay parang ayoko na ring bumitaw. His lips... His touch... It's so fucking addicting... It made me feel more than just butterflies this time.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top