10
Nasa kalagitnaan na ako ng panaginip ko nang bigla akong may naramdaman na brasong pumulupot sa bewang ko. Agad akong napabalikwas at muntik nang makasapak nang makita ko kung sino ito. "Tangina mo! May kasalanan ka pa sa'kin!" Agad na sinugod ng aking mga palad ang leeg ni Gianna nang makabangon din ito. "Ikaw ang dahilan kung bakit ako nandito!" Yugyog ko.
"Oh, bakit kasalanan ko pa? Dapat nga magpasalamat ka, eh!" Hinahampas niya na ngayon ang aking palapulsuhan. I wasn't really choking her, though. I was just holding her neck.
"Nagpapasalamat ako sa parteng 'yan! Pero hindi mo man lang ako sinabihan na magiging boss ko pala ang taong kinaiinisan ko! Hindi kita kayang patawarin don!" Yugyog ko ulit nang malakas saka ko siya binitawan.
Naubo siya saglit habang hawak-hawak ang kanyang leeg. "Hindi naman ako nasabihan ni Joaquin na sakalan pala almusal dito sainyo."
"Ano ba kasing ginagawa mo rito?"
"Katatapos ko lang mag-enroll para sa ngayong sem. Ayaw ko pang umuwi. Si Solene hindi ko na muna mayayaya ngayon." Bored siyang bumangon at tinulungan akong ligpitin ang higaan.
"Himala yata 'yan?"
She laughed nervously. "May h-himala talaga," mahina niyang sambit pero sapat na para marinig ko. Hindi ko iyon pinansin kaya nagtanong na lang ako ulit. "Kamusta na pala si Sol? Hindi na masyadong lumalapag sa group chat natin 'yon, ah? Ayos lang ba siya?"
"Oo naman! Nako, hindi ka pa nasanay sa ghosting phase no'n. Simula high school naman tayo biglang nawawala 'yan tapos magpaparamdam ulit na parang walang nangyari."
"I don't know. It's just... Parang sobrang tagal naman yata ngayon? It's unusual for me. Mostly three weeks lang ang self-isolation niya. Ngayon, parang pa-dalawang buwan na. Sure ka ayos lang siya, ah?"
"Ano ka ba, magsasabi naman 'yon kung hindi. Alam mo namang dolphin 'yon si Solene, eh. Antayin na lang natin lumitaw ulit."
Nagkibit-balikat na lang ako sa sinabi niya. Sabagay ay totoo namang ganoon nga ang kaibigan namin. Hindi ko lang maiwasan mag-alala ngayon at dahil tungkol sa kanya ang panaginip ko kanina at buti na lang ay nagising ako dahil mukhang hindi rin maganda ang susunod na mangyayari.
☕
Pagkatapos sumaglit ni Gianna dito ay dumiretso ako sa garahe kung nasaan si Joaquin. He was there busy wiping the front window of his car. Napansin niya ako agad at halos mapunit ang kanyang labi nang makita niya ako. "Finally, you're up. I need your help," aniya.
"Saan naman?" Humalukipkip ako at sumandal sa puno na nasa tabi ko lang. "We will give Lykan a make-over," sagot niya saka itinabi ang mga panglinis. "Lykan? Who's Lykan?" Napataas ang kilay ko at hindi ko malaman kung bakit may naramdaman akong inis pagkatapos niyang magbanggit ng pangalan.
Humarap ito sa'kin muli at tinapik-tapik ang ibabaw ng kotse niya. "You've been here for a month already yet you still don't know my baby." Napailing-iling ito.
"What the heck do you even mean?" Mas lalong kumunot ang noo ko. "May ibang babae pa rito bukod sa'kin at hindi ko man lang alam?"
I saw amusement in his eyes, already smiling playfully at me. "Didn't know you're a jealous type, Keira." He chuckled.
Umawang na lamang ang labi ko sa sinabi niya. Hindi niya ako gets! Do I really need to explain everything to this guy? "I'm not jealous! Pakialam ko kung sino-sinong babae ang pinapapunta mo rito! Bahay mo naman 'to! Ang ibig kong sabihin ay—" Napatigil ako sa sasabihin ko nang marinig ko siyang tumawa ulit. Mukha ba akong nagpapatawa? Sana sabihin niya sa'kin kung saan banda ang nakakatawa sa mga sinabi ko para aware ako at masabayan ko siya.
"I'm not talking about a certain girl, Keira. I'm referring to my car. We'll give him a makeover after she finally dries."
"H-huh? Wala kang babae rito?"
Tumingin siya sa'kin at nilapitan na ako sa wakas. "You're funny. Wala." Sabay gulo nito sa aking buhok. H-He named that race car Lykan and I was acting irrational? Para tuloy akong binunutan ng tinik. "B-bakit Lykan ang tawag mo r'yan?"
"Dahil 'yon ang tatak niya. So..." May inihagis siyang spray paint sa'kin na agad kong nasalo. "As a crew chief, you should know how to design the body of your racer's car. You will just do the painting."
"And what's in it for me?"
"First salary from me right after you finished."
"Okay!" Doon ako ginanahan. Wala namang kaso sa'kin ang mag-paint dahil kahit paano ay marunong naman ako sa arts. Ang may kaso sa'kin ay 'yong wala akong makukuha. Mahirap ang gagawin ko at higit sa lahat, wala ng libre ngayon. "Anong desenyo ang gagawin ko rito sa kotse mo?"
"Bahala ka na." Kibit-balikat niya lamang sa'kin at nagsimula nang maglakad pabalik sa loob. "Does the racer itself doesn't have any idea in mind?" malakas kong tanong.
"You're the chief. You decide. Take good care of Baby Lykan," aniya na sapat na para marinig ko rin mula rito sa pwesto ko. Now, it's just me and his car. Tinititigan ko lang ito dahil wala rin akong maisip na disenyo. Hanggang sa maisip kong tawagan si Gianna at papuntahin ulit rito para tulungan ako.
[Gian: What's in it for me? Wala ng libre ngayon, oy!] sambit niya mula sa kabilang linya ng video call namin. "Sagot ko baon mo ng isang linggo." Irap ko rito.
[Gian: Hindi ba scam 'yan? Naku, pagkain 'yan. Ayokong pinapaasa ako pagdating sa ganyan.] Tawa niya pa.
"Kapal ng mukha nito! Ikaw nga 'tong may kasalanan sa'kin! Pumunta ka na rito. Pati meryenda mo ngayon sagot ko."
Nagpalinga-linga muna siya sa paligid saka ako minura ng malutong dahil lalakad na naman siya ng malayo pabalik. Wala pa naman masyadong sasakyan ang dumadaan kapag papunta na sa bahay nila Joaquin kaya wala siyang choice kundi ang lakarin ulit. Swerte niya kanina dahil naka-Grab siya papunta rito. Ngunit malas niya dahil tumawag ako. Ito na siguro ang ganti ng isang api.
☕
"Car painting? Wala ka namang kotse, ah. Bakit bumili ka na ba o sa mga kuya mo ang gagawin natin?" sunod-sunod na sambit ni Gianna habang kinakalkal na ang mga materyales na iniwan sa'min ni Joaquin. Kinuwento ko na rin ang lahat habang sinasamahan ko siyang mag-meryenda.
Nang makatapos ay nagsimula na ring gumuhit si Gian para sa gagayahin naming design. Nagtatalo pa kami kung anong kulay ang mas maganda. Pero dahil mas alam ko ang mga paboritong kulay ni Joaquin ay ang akin ang nasunod. "'Wag mong kalimutan ang number 26," paalala ko nang makatayo ako para kumuha ng juice ulit.
"Bakit 26? Monthsary niyo?" sabi niya sa tonong nang-aasar habang abala pa rin sa pag guhit. Napatigil ako sa pagsalin ng juice dahil doon. "Iyon ang ibinilin niyang numero ng sasakyan niya sa'kin," maikli kong paliwanag saka ako bumalik sa kanya. "Sige, lagyan mo ng meaning lahat ng nakalagay d'yan, bubuhos ko sa'yo 'tong iced tea," banta ko na rin.
Tinawanan niya lang ang sinabi ko saka nagsimula nang kumuha ng mga pangkulay. Halos apat na oras na kaming nakatutok sa papel. She take arts seriously than me. Art materials are also her best friends. Maliban sa kumain, ang pag-guhit din ang specialty ng babaeng 'to.
☕
Sa sobrang abala ay hindi ko namalayan na nakatulugan ko si Gianna. Inabot siya ng alas sais sa pag guhit lamang. Nang makatapos ay saka niya ipinakita sa'kin ang finished product niya. May mga ipinaliwanag pa siya sa'king mga detalye. The car colors were a mix of purple, pink and blue which has different meanings why it was Joaquin's favorites.
Hindi nga rin nawala ang numerong bente-sais. May mga japanese writings din na nakalagay na kung ita-translate ay ang tatak ng kotse niya. It was kinda cute. Hindi mo mahahalatang medyo pilyo ang sasakay rito dahil mukhang pang-soft boy ang kulay.
☕
Inabot na kami ng 11 p.m. ni Gianna at isang side pa lang ng kotse ang may desenyo. At dahil gabi na ay pinauwi ko na siya. Ibinooked ko siya ng Grab para mapadali ang paguwi niya. Pagkatapos kong isara ang gate na malaki ay naupo na muna ako sa steps ng hagdan upang magpahinga.
Hindi rin maiwasan ng mga mata ko na mapapikit. Napansin ko rin ang presenya ni Joaquin sa aking tabi. "You can sleep now, Keira," aniya habang nakatayo sa gilid ko.
"Pero hindi pa tapos ang gawain ko kay Lykan."
"My baby can wait. And my other baby needs to rest," he teased. Saka ko siya binalingan ng masamang tingin. "Anong other baby pinagsasasabi mo r'yan? Hibang ka na ba?" singhal ko.
"And now she's grumpy. Mukhang inaantok na nga talaga." Natawa ito at ginulo ang buhok ko. Napairap na lang ako sa pinagsasasabi niya. Nananaginip na naman siya ng gising. Hindi ko na lamang 'yon pinansin at nagpaalam na matutulog na. Bago pa man din ako makapasok sa loob ay hinila ako nito pabalik sa kanya.
"Ano na naman ba?" Hindi ako kumawala sa hawak niya dahil ubos na ang lakas ko buong araw. "Wala bang goodnight kiss?" Nguso nito, halatang ginagago na naman ako. Inangat ko naman ang kamao ko. "Goodnight sapak, gusto mo?"
Natawa lamang ito ulit saka na ako binitawan at hinayaan nang pumunta sa kwarto. Naglinis na rin muna ako ng katawan bago ko iitcha ang sarili sa higaan. Gigising na lang din ako ng maaga bukas para ipagpatuloy ang pag-desenyo sa kotse niya.
☕
"Oh my god, tapos na!" Hiyaw ko nang matapos kong pasadahan ng huling kulay si Lykan. Saktong-sakto lang ang paggising ko ng alas tres ng madaling araw para tapusin 'to! I can finally put away the materials and cook breakfast for us.
Pero bago iyon, nilinis ko na muna ang aking sarili, nag-ayos at nagbihis ng school uniform. Pagbalik ko sa baba ay mayroon na akong naamoy na masarap mula sa kusina. Gising na siya. Naunahan na naman niya 'ko sa pagluto! Bukod sa mabangong amoy, a topless Joaquin and his broad shoulders welcomed me in the kitchen.
Hindi lamang iyon dahil nang maramdaman ang presensya ko'y humarap na ito sa'kin, bitbit na rin ang kanyang mga niluto. Nang mailapag ang pagkain sa countertop table ay tinanggal niya na rin ang kanyang apron na suot. "Good morning." He smiled.
"G-good morning." Agad akong umiwas ng tingin at humanap na lang ng mauupuan. Bigla akong nalito kung alin ba dapat ang aalmusalin ko. "Uh, si Lykan tapos ko nang pinturahan," I opened a topic to distract myself from all of the views in front of me!
"I'll check that baby later," aniya habang nakatayo pa rin sa harap ako. Nagtataka na 'ko kung bakit ayaw niya pang umupo kung sasabayan niya 'ko kumain. "Bakit mamaya pa? Hindi ka ba excited makita itsura ng baby mo?" Tusok ko na lamang sa ulam, hindi pa rin siya tinatapunan ng tingin dahil baka malito ako ulit kung ano ang ulam.
"Can't I see my baby first here and have breakfast?" He leaned towards the table. Saka ko lamang siya natignan nang gawin niya 'yon. Halos mabulunan din ako dahil sa mga pinagsasasabi niya. Agad kong itinulak ang mukha niya palayo sa'kin. "Kumain ka na nga lang. Dami mong satsat!" Kinuha ko na lang ulit ang kubyertos at kumain.
"Hirap mo talaga biruin." Patawa-tawa siyang kumuha ng plato at umupo na rin sa harap ko. Napatigil ako sa pag nguya at matalim siyang tinignan. "Ang pangit ng humor mo." Umirap na lamang ako saka inubos na ang pagkain. This guy is a damn fucking walking trouble!
☕
Matapos naming mapag-usapan ang pagtaas ng sales at ang paglabas ng mga bagong produkto para sa Womanscapes, pinayagan ako ni Joaquin na mag-focus muna sa taekwondo training para sa papalapit kong tournament. Inatasan din ni Joaquin si Agatha na siya muna ang bahala sa shop. Minsan, kapag kaya pa ng oras at katawan ko ay nagta-trabaho ako at tumutulong pa rin sa kanila.
Hanggang sa dumating ang mismong araw ng tournament. Hindi ko sinabihan ang mga kaibigan at kapatid ko na may laban ako ngayong buwan. I want to surprise them when I reached the Palarong Pambasa, I hope. Ang tanging nandito lang para manood ay si Joaquin at Agatha. Nakaupo ako sa gilid ng mga mats nang mapansin ko ang banner na hawak ni Aggy: "GO BABY KULOTSKIE!"
Siraulo! Nakita kong binasa at natawa rin si Joaquin sa nakasulat doon. Napasapo ako sa noo at napailing-iling habang natatawa nang mabasa ko rin ang nalakagay. Kinuha ko saglit ang phone sa bag ko para mag-text sa kanya.
🗨️ To: Agatha
Thank you agathanginamo
💌 Agatha:
You're welcome keiranginamo rin
Natawa ako at humarap sa kanya. Mabait at mahinhin siya pero hindi sa puntong hindi siya marunong magmura. Itinaas niya ang kanyang gitnang daliri kaya mas lalo akong natawa. Nabalik lang ang atensyon ko sa phone nang makatanggap ako ng panibagong text.
💌 09*********:
GL :)
🗨️ To: 09*********
ty
💌 09*********:
Hahahahaha
Goodluck, love :)
Text niya ulit. Agad kong kinagat ang ibabang labi ko upang pigilan ang mga hindi ko alam kung bakit ganito at hindi maipaliwanag na nararamdaman pagtapos iyon mabasa. Lumingon ako sa pwesto nila at nang matanaw namin ang isa't-isa ay matamis siyang ngumiti sa'kin.
"Keira, are you good? Three minutes na lang ay simula na ng tournament? Be ready," bilin saglit sa'kin ni Coach Alec bago puntahan ang iba pang players. Agad kong ibinalik ang atensyon ko sa phone para mag-type ng reply.
🗨️ To: 09*********
Sarap mo kausap eh no
💌 09*********:
Lasang?
🗨️ To: 09*********
Lasang pafall na gagaguhin lang ako
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top