1

"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko nang mahimasmasan na ako ulit.




"I already told you seconds ago. Now, what are you doing here in the middle of the night?"





"Ako ang naunang nagtanong."





"You're not listening. I just answered your question, Ma'am. I told you I got worried. I saw you walking down the streets, crying. Kung hindi kita binusinahan kanina ay tuloy-tuloy ka pa rin sa paglakad mo. Kung hindi ako 'yong nakakita, malamang nasa ospital ka na ngayon."





Napakunot ang noo ko nang maalala ang nangyari kanina. "That was you?" Ang liit nga naman talaga ng mundo. I didn't even recognize his car. Ngayon na lang din kami nagkita nito. Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nagbabago ang impression kong napakayabang niya. Pakialam ko kung nag-alala siya sa'kin? Ayaw ko pa rin sa kanya.




"Uh-huh."




"Then, what are you doing in the middle of the night, too? This isn't your type of place to go to," masungit kong sambit.




"I was about to pick up my cousin at a party. Because I believe he was drunk as hell right now."





"You should be there already."




"You will come with me. I can't leave you here."




"Kaya ko ang sarili ko."




"Kaya pala muntik ka nang mabangga kanina."





"Kaya ko nga ang sarili ko. Umalis ka na."





"Kenzo was right. You're stubborn."





"At hindi kita kuya para sundin ko."





"Okay." He shrugged. Umiwas na ako ng tingin at ibinaling ang atensyon sa kalangitan. Napalingon lang ako ulit kay Joaquin nang marinig ko ang pagtunog ng mga gulong ng maleta ko dahil hila-hila niya na papuntang sasakyan niya.





"Hoy! Ibalik mo 'yan sa'kin!"






"Kunin mo rito!" Nilakasan niya ang boses niya dahil medyo malayo na siya sa'kin. Wala na akong nagawa at padabog nang naglakad patungo sa kanya.





"Akin na." Inilahad ko ang kamay ko. Imbis na ibigay sa'kin ang maleta ay mahina niya akong hinila at isinakay sa shotgun seat sabay sara ng pinto. He even locked me inside! Unbelievable!





Nakita ko ring inilagay niya na sa likod ng sasakyan niya ang gamit ko. Pagkatapos ay umupo na rin siya sa driver's seat. "I may not be your brother pero hindi uubra sa'kin 'yang katigasan ng ulo mo." Mahina niyang pinitik ang noo ko.





"This is kidnapping!"





"Really?" he said sarcastically. "Your brothers are my boss, then. They told me to look after you, though." Sinimulan na niyang mag-drive.






"They what?" Takang-taka akong lumingon sa kanya ulit. Pero imbis na pansinin ako ay inuna niyang sagutin ang tawag sa phone niya. "She's with me. Don't worry," aniya. Mas lalong nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang boses ni Kuya Kenzo sa kabilang linya. Wow, what are they up to? Nagtawanan pa sila pero hindi ko na pinansin hanggang sa ibaba na lang nila ang tawag.






"Your brothers won't be home 'til next week. Business thing. They will visit you when they get back. That's what they told me. Hindi ka rin daw nagpaalam ngayon na gagabihin ka."






"Paano mo nalaman kung saan ako pupuntahan kanina? You were heading to the resort." Fuck that place.





"I saw it on your Instagram story hours ago."





Napabukas ako ng phone dahil doon. Nang makita ko ang mga stories ay binura ko agad. Nanghina na naman ako nang maalala ko ang nangyari, ang ginawa sa'kin.




Pinatay ko na lang ang phone ko ulit at walang alinlangan kong initcha na lang ang phone ko sa upuan sa likod saka ko isinandal ang sarili ko at tumingin na lang sa bintana para libangin ang sarili. "You okay?" pag-aalala na naman ni Joaquin.




"I am. Who wouldn't be?"




"You can sleep if you're tired. I'll drive you home."





Hindi ko na siya nilingon at hindi ko rin pinansin ang sinabi niya. Wala na nga rin akong pakialam kung saan kami pupunta ngayon dahil iba ang nilikuan niya. Kung may balak siya sa'kin ngayon, patay siya sa tatlo. Hindi ko nga rin alam bakit ang laki ng tiwala ng mga kuya ko rito. Madalas naman kaming magkasundo sa mga bagay pero pagdating talaga kay Joaquin ay hindi.






Mayamaya'y natigil kami sa isang bar. "I'll be back," aniya matapos niyang i-park ang sasakyan. Pinanood ko siyang pumasok doon at mayamaya lang din ay may akay-akay na siyang lasing. Isinakay niya 'yon sa backseat. "Damn, this kid," aniya habang inaayos ang seatbelt nito.






"Pinsan mo?" tanong ko nang makabalik na rin siya sa tabi ko. Tumango siya at mukhang badtrip na badtrip dahil nadatnan niyang ganito kabasag ang sinundo niya.





"Hindi naman siya napaaway?" tanong ko ulit habang pinagmamasdan ang pinsan niya.




"I hope so."



"Paano kapag oo?"




"Edi hindi na siya makakaulit. Parang ikaw kapag tumakas ka pa ulit sainyo." Nagda-drive na siya ulit. Saka ko siya nalingon dahil sa sinabi niya. "Hindi ako tumakas, 'no. Nagpaalam naman ako."




"Ang sabi sa'kin ng mga kuya mo ay gagawa kayo ng thesis pero hindi mo sinabing gagabihin ka. Ngayon, ano naman ang palusot mo sa'kin? Na mag-oovernight kayo sa paggawa no'n kaya gabing-gabi na kita naabutan sa kalsada habang pauwi kunyari? Ang ganda naman ng bahay ng kagrupo mo, isang buong resort."




"Ano—"



"Oops, 'wag ka na lumaban. Talo ka na. Don't worry, hindi kita isusumbong." Putol niya agad sa'kin. This guy is already starting to get in my nerves! Sa sobrang lapit niya kay Kuya Kean ay nagiging kabunganga niya na rin. Iyong pagiging mapang-asar niya, sa sobrang lapit naman nila Kuya Kel 'yan!





"Oh, yes, of course. Or I'll break each one of your 206 bones." I sarcastically smiled and rolled my eyes at him. Narinig ko siyang natawa lang kaya umirap ako ulit. Sa kalagitnaan ng byahe namin ay narinig naming nagsasalita na ang pinsan niya habang tulog, nanghihingi ng tinapay. Gutom na 'ata. Parang gano'n din ako. Malapit na mag-alas kwatro ng umaga at mukhang nanghihingi na ng almusal ang t'yan ko.





Niyaya ko siyang mag ministop muna. Tinulungan ko rin siyang akayain ang pinsan niya pero agad niya kaming mahinang hinawi dahil kaya niya naman na raw mag-isa. Kahit ang totoo ay umeekis na ang lakad niya. He can't barely open his eyes. Para rin siyang nalutang na ewan. Gosh, ganitong-ganito rin malasing si Sol!





Sinamahan ko ang pinsan niyang maupo sa table for three habang si Joaquin ang bumibili ng pagkain namin. "Are you his new girlfriend?" tanong sa'kin ng pinsan niya. Agad akong umiling. Wala na rin akong balak pang mag-boyfriend ulit. Pero new? Huh, bet Joaquin has a lot of exes than I do.




"Bakit ka wasted? Broken ka ba?" tanong ko rin pabalik para may mapag-usapan kami habang naghihintay. "I miss her..." Sabay bagsak ng ulo niya na agad rin namang sinalo ng palad ko. "Broken nga," mahina kong sambit na lang sa sarili ko. Nakabalik na rin si Joaquin at tinabihan ang pinsan niya.





"Feed yourself." Iniangat niya ang ulo nito at pinahawak sa kanya ang spork. Cup noodles ang binili niya sa'ming dalawa. Tig-iisa rin kami ng donut.




Tahimik niyang pinagmamasdan ang pinsan niya habang minamasahe ang kanyang sentido. Hindi ko tuloy maiwasang matawa dahil nakikita ko ang sarili naming magkakaibigan sa kanilang dalawa kapag mga lasing na.





"Anong pangalan mo?" tanong ko na naman sa pinsan niya.




"Raven."




"Broken din ako. Minsan shot tayo," pagyaya ko na bigla namang sinaway ni Joaquin. "Hindi 'to malakas uminom," sabi niya pa.





"Edi samahan mo. Nakainuman mo na sila Kuya at kita kong malakas kang uminom."





Napataas lang siya ng kilay sa'kin.





"What? Broken siya, oh! He needs to let out his emotions. Saka malay mo, baka may magustuhan siya sa mga kaibigan ko. Most of them are single." Nang sabihin ko 'yon ay dalawang kilay na niya ngayon ang nakataas sa'kin.





"Ang protective mo naman masyado. Ang KJ! Sa sobrang malapit mo sa mga kapatid ko, nagiging kaugali mo na! Malapit ko nang tanggapin sa sarili kong napulot lang talaga ako sa kung saan at ikaw ang tunay na kapatid nila." Hinampas ko ang likod ng kamay niya pero hindi niya pinansin.





"I don't trust you."




Napahawak ako sa dibdib ko na parang sinaksak ako ng sinabi niya. "Ang kapal ng mukha mo!" Well, ganoon din naman ako sa kanya. Nagpatuloy na lang ako sa kinakain ko. Hanggang sa maisipan na rin naming umuwi pagkatapos magtanggal ng amats ng pinsan niya.





Halos sumisikat na ang araw nang makalabas kami ng ministop. Pinicturan ko 'yon saka ko nilagay sa Instagram story ko. Mayroon ding nakaview agad pero puro numbers at dalawang letra lang ang username. Mas lalo akong na-curious kung sino 'yon. I ended up clicking its profile. I sighed when I saw it was private. Sayang naman. Hindi ko makikita kung pogi.






Saka ko lang din nalingon ang mga kasama ko nang tawagin na 'ko ni Joaquin. Sumunod na ako sa loob ng sasakyan. Gusto ko pa sanang daldalin ang pinsan niya kaso nang makita ko sa backseat ay bagsak na siya ulit. "Hindi ka pa rin ba inaantok?" tanong ng katabi ko sa'kin.






Ngumiti ako sa kanya nang bigla akong napahikab. Napatakip din ako agad ng bibig pagkatapos ay nag-unat. Inaantok na 'ko at pagod na rin ang katawan ko pero ang utak ko ay buhay na buhay pa rin. Hanggang sa makarating na lang kami sa bahay. Ako na ang kumuha ng gamit ko saka nagpaalam sa kanya.






"Thanks for the drive. 'Wag na sanang maulit." Malapad kong ngumiti kay Joaquin.





"Sino bang nagsabi sa'yong gusto ko ring maulit?"





"Well, good! I guess we both don't like each other, then."





"Glad to know."





"Okay, see you." Sinimulan ko nang humakbang sa steps ng hagdan patungong gate namin pero tumigil ako saglit. "See you never, Joaquin De Vera."




How will you fix things after it has been cut?




I've been asking that myself since...  Alam ko naman sa sarili kong mahirap nang buuin ang isang bagay na sira na. Pero mayroong parte sa sarili ko na ayaw tanggapin ang sagot na 'yon. Nakatitig lang ako sa kisame habang pinupulupot ang pulang sinulid sa hinliliit ko. Kapag nakikita ko 'to ay gusto kong isakal sa kanila.






Galit... Sama ng loob... Sakit... Gulong-gulo. Iyan ang mga emosyong hindi ako pinapatulog magda-dalawang linggo na. Hanggang ngayon ay walang tigil pa rin ang luha ko kapag naaalala ko ang nangyari sa'kin. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa ginawa nila sa'kin. Muli kong tinignan ang sinulid sa hinliliit ko.






Maybe genuine love isn't really for me after all. I always got played... And I think it's time for me to be the player. Besides, I'm a Monteza and we're good at fun and games.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top