Wakas

Hi, Marias! Thank you for staying with me. Hanggang sa matapos ko ito. I hope you'll learn a lot from this story. Iyon naman talaga ang target ko bukod sa iba pa. Iyon ang marami kayong matututunan na magagamit niyo sa tunay na buhay. Thank you sa pananatili, hanggang sa susunod. Gihigugma ta mo! (sent with a finger heart emoji)

*****

Wakas

Noel's POV

"Sigurado ka na ba talaga rito, dude?" Sammuel asked. Ngumiwi ako sa tanong niya. I'm more than sure about this.

"Usapang tunay na lalaki, Vergara, huwag kang makalimot," paalala niya.

I chuckled. "Since you introduced her to me, alam kong siya na ang natatanging babaeng hihintayin ko ngayon. Dito mismo sa harap ng altar habang naglalakad siya papunta sa akin," tugon ko sa lalaki gamit ang seryoso at puno ng sensiridad kong boses.

I saw that he was slowly showing a smile on his face. Kung hindi dahil sa kaniya, hinding-hindi ko makikilala si Carolina.

"Wala kang syota, 'di ba, dude?" tanong niya habang pinapanood akong naglilinis ng aking kotse. Napalingon naman ako dahil do'n.

I met Sammuel because of my mom. Magkasusyo ang pamilya namin sa negosyo. I'm not fond of having friends and wasting my time hanging with them in the club or whatever party it is.

Lumaki kasi ako sa lola ko kung saan mas mahalaga sa kanila ang magsimba at mag-serve kay God, kaysa sa ibang bagay. At iyon ang nakasanayan ko.

I befriended him because he knows how to respect my time and my lifestyle. Hindi niya ako pinipilit gawin ang mga bagay na ayaw ko. And that's why I treasure our friendship. Nakakabakla mang pakinggan, but that's the truth.

"Bakit mo natanong? Ikaw ba, mayro'n?" I asked back. I stopped cleaning my car to talk with him.

"Ikaw ang tinatanong ko. Bukod sa pag-aaral, negosyo, pagsisimba, wala ka na bang ibang pinagkakaabalahan?" I grinned.

"Ano'ng nakain mo at gan'yan ka magtanong? Nabuang naman guro ka, Sammuel," natatawa kong tugon sa kaibigan. Natawa na rin siya.

"May ipapakilala ako sa'yo. Chix, maganda't sexy. Bagtik sinaw, dude," sabi niya pa.

Bagtik sinaw means makinis, sexy, at kahit ano pang magandang katangian na makikita mo sa panlabas na anyo ng babae. That word is always used by the tambay.

"Tsk. I'm not into chix, dude, remember? Tunay na babae hanap ko, hindi kung ssino-sino lang," paalala ko rito. Umiling lamang siya.

I'm a man, but swear...ayaw ko sa chix. I mean, iyong paganda't pasexy lang ang alam. Boys have different tastes, and I also have mine. I'm into a woman—a woman of God. And the woman He allows me to marry.

"Pare, tunay na babae nga. Promise, tipo mo iyon. Pakilala ko sa'yo this Saturday. Sa mismong birthday ko, basta pumunta ka," panigurado niyang sabi sa akin.

I just nodded and smirked at him. Saka ipinagpatuloy ang aking ginagawa. 

I hope he's right about the girl he mentioned. I'd like to meet her also. Wala namang masama at mawawala kung gagawin ko man iyon.

It's Saturday, Sammuel's birthday. Gaya ng napagkasunduan namin, pumunta nga ako sa kaniyang handaan. Sanay ako sa pakikipaghalubilo, maliban ganitong uri ng okasyon. Marami masyadong tao. Hindi ko pa kilala ang mga ito, si Sammuel lamang.

I was peacefully sitting in my chair when I saw him. Lumapit siya sa akin, kaya napatayo ako sa aking pagkaupo.

"Happy birthday, dude!" salubong na bati ko sa kaniya. He gave me a smile.

"Salamat, Pare! Regalo ko?" I chuckled. Kahit kailan talaga'y may tupak ang isang 'to.

"Saka na kapag may anak ka na," pabiro kong tugon. Natawa kami pareho.

"G*go," he cursed. "Teka—iyong chix pala. Tatawagin ko muna. Caroline?!" tawag niya sa kaibigang nais niyang ipakilala.

Napahinto ako sa kaniyang pangalan. Caroline seems so sweet, like an angel. Maybe he's right: mukhang magugustuhan ko nga ang dalaga. 

Hindi pa rin mahagilap ng mata ko ang kaniyang tinatawag. Where is she?

"Farrah Caroline Mercado?" he called out again. Napakagat naman ako sa labi nang marinig ko ang kumpletong pangalan nito.

It makes me interested in knowing her more. Ewan, pero may kung ano sa akin ang nagsasabi na kailangan ko siyang makita at makilala bago matapos ang araw na ito.

"F*ck, Sammuel! I will kill you," galit na saad ng babae. 

Sa tugon niya pa lang na iyon, hindi ko na siya agad gusto. Biglang nawala ang sinabi ko kanina. I hate women who curse. But when I set my eyes on her, my world stops, and I'm willing to give her my card for exemption.

She's beautiful and wild. And that's made me lock my eyes on her.

"Easy! Sinabi ko pa naman dito sa kaibigan ko na iba ka. Grabi ka naman pa lang magmura," awat ni Sammuel dito nang makalapit na ito sa amin.

I didn't avoid looking at her. She's effortlessly pretty.

"Pake ko?" strikta niyang angal. I saw how she rolled her eyes at Sammuel. Nakakatakot siyang tumingin.

Mayamaya pa, mas lalo akong hindi makagalaw sa aking kinatatayuan nang unti-unti siyang lumingon sa akin. Ngayon ko lang naramdaman 'to, ang matameme sa harap ng babae.

She smirks when her eyes look at me. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Tingin na tila nanlalait.

"Who's your friend then? Ito? Tsk, not interested," walang gana niyang komento. Umigting ang panga ko dahil do'n.

"Ohh, basted agad? Kilalanin mo muna. Maiwan ko muna kayo, ha?" Sammuel chuckled. I remained silent. "Dude, kaya mo na 'yan," bilin niya, saka kami tinalikuran.

I cleared my throat first before breaking the silence between us. "Noel," I said as I introduced myself to her.

I offered my hand to her, but she didn't accept it. Napahiya ako sa ginawa kong iyon. God, ngayon ko pa lang narasan ang ganito.

Nanatili pa rin ang malamig na tingin sa akin ng babae. Para bang, I'm trying to solve her as a puzzle.

"Okay," tipid niyang sabi. I smirked at that. Really? "Wala ka na bang sasabihin pa? Kasi kung wala na, magpa-party na ako."

"Mind if I know you?"

"Bingi ka ba? Tinawag na ako ni Felicilda gamit ang buo kong pangalan kanina, hindi mo rinig?" Tumawa siya sa sinabi niyang iyon. I think she's drunk. "Fine. Sayang g'wapo ka pa naman sana," agap niya. "Farrah Caroline M. Mercado. You can call me anything except Caroline or my complete name 'coz I hate it. Maliwanag?" Napalunok lang ako nang napalunok.

Sumilay naman ang ngiti sa aking labi nang maisip kong sabayan siya sa kaniyang laro. I find her interesting, ha.

"Got it, Love," I sexily said. Napaawang ang bibig niya sa sinabi kong iyon.

She moved closer to me. Pakiramdam ko, hinahabol ako ng aking hininga. My eyes grew wider when she put her hands on my chess. Mas idiniin niya pa ang kaniyang sarili sa akin.

"Ugh, so smooth. But still, I'm not into a boy like you, Mister. Too formal and...boring," she replied to my ears that give me different sensations. Saka walang pasabi niya akong tinalikuran.

Damn! I hate cursing, but that woman made me do it. I closed my eyes and looked up at the ceiling. It's weird, but I know in me it's something different. It's like an answered prayer.

God, I want her. I want to make her my wife. Please, help me win that Mercado girl.

Time flies so fast, and we met again. Through Sammuel's help, I got to meet her most of the time. I worked hard in our company to save money so that I could ask her out on a date.

"What if...ayaw ko?" she teased.

I managed to maintain a formal demeanor in front of her. Nasa club kami ngayon sa Sip & Drinks. Sammuel invited me to come, kasi nandito si Farrah. 

"Just give it a try, Miss. Promise, if you still don't like me...Ako na mismo ang lalayo sa'yo," kumbinsi ko rito. She playfully smiled at me.

"Deal! Meet me tomorrow on Old School University—I mean sa gate ng school namin. Hintayin mo ako ro'n, okay?" Lumaki naman ang ngiti ko sa pagpayag niya. But I hide my happiness inside. Ayaw kong kiligin sa harap ng babaeng gusto ko, nakakabakla.

"Thank you, Carolina. I will," I replied happily.

But my heart skips a bit when she genuinely smiles at me for the first time. Hindi normal na ngiti, kundi ngiting mas lalong nagpahulog ng loob ko sa kaniya.

"I liked it when you used to call me Carolina," she confessed. "Plus pogi points ka ro'n, Vergara," sabi niya pa. I licked my lips because it thrills me.

God, surely she's the one. Siya na talaga ang babaeng ihaharap ko sa Inyo.

"Thank you for today, Noel. I'm truly happy," she said.

"No. I should be the one to say that. Thank you, Carolina," pagtama ko. Napangiti lamang siya

Ang saya ko nang pumayag siya sa alok kong date, pero mas lalo akong sumaya nang mas nakilala ko pa ang dalaga. Hindi ko lubos aakalain na darating ako sa punto ng buhay kong ito. I mean, I didn't imagine that I'd be dating someone who wasn't my ideal type of girl.

Iba si Carolina, iba ang tama ko sa kaniya. I like cheese when I eat spaghetti, but now I'm starting to like it. And that cheese is definitely Carolina. I started to like her.

Hindi pa man siya tuluyang pumasok sa loob ng kaniyang condo, nagawa kong tawagin siya ulit.

"Carolina..." She faced me because of that.

"Yes?" Seryoso lang itong napatingin sa akin.

She's wearing a denim skirt and a top today. Actually, she loves wearing those, and it makes her hotter. Lalo na kapag nakatali ang buhok niya.

Hindi ko pa rin lubos akalain na mangyayari 'to ngayon. I used to see her every day. Lalo na't nalaman namin pareho na magkakilala ng aming pamilya dahil sa negosyo. And that's made me truly happy. Really, God made a move for this miracle. My prayers work.

Nanumbalik ang kaba ko nang hindi naputol ang titig niya sa akin. I can do this, I know.

"I...I like you," utal kong amin. She shook her head.

"Tsk. Saka mo na 'yan sabihin kong makikita mo na ang bad sides ko—"

"I already saw it. A party goer you, pasaway, lahat ng gusto nakukuha, lapitin ng lalaki, malakas uminom, at iba pa. All the negative characteristics of the girl that I hated so much, nasa sa iyo na—" She cut me off too.

"Then what's the purpose of saying you like me if ayaw mo pala sa mga katangian kong iyon?" She chuckled.

"That's the problem. Kahit iyong mga ayaw ko, nagustuhan ko na dahil sa'yo..." Natanga siya sa sinabi kong iyon. Para bang hindi niya talaga inakalang bibitawan ko ang mga 'yon ngayon mismo.

"Noel, are you confessing right now or what?

I moved closer and held her hands. Hinayaan niya naman ako sa aking ginawa. Napatingin naman siya sa kamay kong hawak niya.

"Can I be your boyfriend, Carolina?" I asked. She looked at me surprised. "God, I don't do courtship. Hindi ko alam kung paano 'yon, pero aaralin ko para sa'yo. Oo, mabilis. Pero sigurado naman ako, eh. If you'll give me a chance, liligawan kita araw-araw, Mercado," I added without avoiding my look on her beautiful face.

Nayanig naman ang aking mundo sa salitang binitawan niya bilang tugon sa aking pag-amin.

"If that's what you want, then...win me, Vergara," hamon niya na aking ikinatulala.

Hearing those from the girl with whom I talked and flexed to God made me want to scream for too much happiness.

Walang araw na hindi ko siya niligawan. It took me almost a year to win her sweet yes—not until I invited her again to church. Isa sa simbahan na palagi kong pinupuntahan dito sa Cagayan De Oro.

"What are you praying for? Ba't gan'yan ka makangiti?" taka niyang tanong.

Lintek na 'to, nakakabaliw pala ang umibig. Simpleng bagay lang, para ka ng sira na ngumiti-ngiti palagi.

Ewan, pero pakiramdam ko ay mababaliw na ako kay Carolina. Siya na lang lagi laman ng panalangin ko. Wala ng iba kundi ang kabutihan niya sa araw-araw.

"It's a secret, baka hindi pa magkakatotoo," I replied. Umupo ako sa tabi niya pagkatapos kong magdasal.

Maraming tao sa simbahan kaya napagdesisyunan naming dito kami sa panghuling raw maupo.

"Come on, Noel, just tell me. Malay mo, ako pa ang tutupad sa panalangin mong 'yan," pangungulit niya sa akin. Ngumisi ako dahil sa cute niyang reaction.

She didn't fail to amaze me every day. She made me fall more in love with her by being who she is and being true to herself.

I glanced at her and let out a deep breath. Ibinalik ko na namang muli ang tingin ko sa harap ng simbahan.

"I'm praying that God will allow me to be your boyfriend," pag-amin ko sa kaniya.

Nakagat niya ang kaniyang labi sa sinabi kong iyon. And it motivates me to kiss her, but not now. Hindi pa p'wede.

"Ask me first," kaswal niyang utos.

"Ha?" Kumunot ang aking noo nang masabi ko iyon.

"Sige na, dali. Ask me."

Wala akong ideya kung ano ang nais niyang ipatanong sa akin. I cursed my mind when I got it.

Slowly, I made a move to hold her hands. I'm still looking into her eyes. Ang gaganda ng mga kulay hazel niyang mata. It's so natural.

"Can I be your boyfriend, Carolina?" I nervously asked.

Kapag kaharap ko talaga siya, doon ako kinakabahan. Palagi akong kinakabahan. Her presence always thrills me. And I love it.

"Mm, ano, Panginoon? Sasagutin ko na ba?" Napaangat ang kaniyang tingin sa langit nang maitanong niya iyon. Natawa naman ako nang kaunti. But that laugh faded when she confessed something that made me emotional. "I love you," she informed me sweetly.

"It means—" He cut me off.

"Oo, sinasagot na kita," aniya.

Agad naman akong tumayo para sumigaw sana, kaso nagawa niya akong pigilan. God, I wanted to scream.

"Ye—"

"Shh, don't scream. Nasa loob pa tayo ng simbahan," pigil niya na ikinahinto ko.

Feeling ko, mababaliw na ako dahil kay Carolina. F*ck, I'm so happy. Ito ang pinakahihintay ko, ang matawag siyang akin. Thank you, God! Thank you! 

"I love you, Love. Thank you, God. Mahal ko kayong dalawa," naluluha kong sabi habang nakabangga ang noo ko sa kaniyang noo.

"Dalawa?" she asked, confused. I smirked. 

"Kayo ni God," I corrected. Mas lalo naman siyang napayakap sa akin. "You deserve the world, baby. Magsusumikap ako para sa'yo. God finally answered my prayer."

"I love you, Mahal," aniya.

"Gihugugma sab taka," I said, kissing her forehead. "I already introduced you to God, sa pamilya ko na naman ang susunod. We'll inform them na tayo na," wika ko na kaniyang ikinanganga.

Sa tanang buhay ko, mas hindi ko inasahan 'to. Kailanma'y hindi ko inaasahan na maging ganito ako kasaya. Masaya naman na ako, pero hindi ko lubos aakalain na may ikakahigit pa. I'm truly blessed and content. All praise to God!

"Wala kang pasok, Mahal?" tanong niya habang hindi siya nakatingin sa akin.

She's busy doing stuff for her reports and demonstrations. And I respect her time for that.

"Wala. I will help you make your lesson plan," I replied. Huminto siya saglit at tiningnan ako.

I'm here at her condo, nakaupo ako, while watching her. I love watching my girlfriend na determinado sa ginagawa niya. Gustong-gusto ko na palagi siyang abala sa kaniyang pag-aaral kaysa sa gumala at mag-party.

"Huwag na, mag-aral ka na lang para sa oral niyo bukas," pigil niya sa akin. Tumayo ako sa kinauupuan ko to help her.

Bumuntong muna ako ng hininga bago magsalita. "I insist. Turuan mo na lang ako."

Nilapitan niya naman ako at hinawakan sa mukha na parang bata. Napangiti naman ako sa ginawa niyang iyon. She's too cute and innocent if she's like this. Hell, I'm so in love with her. Sobra. 

"Ikaw talaga. Kaya mas lalo kitang love, eh."

"You forgot something special today." Napahinto siya nang masabi ko iyon. Kunot noo siyang napatingin sa akin.

Hell, sabi ko na nga ba. Nakalimutan niya. First time itong nangyari, ha.

"H-ha? W-what?"

I grabbed her waist, para mas lalo siyang mapalapit sa akin. 

"What day is it?" mahina kong tanong. Napaisip naman siya.

"Oh, God! No way?!" tili niya, hindi makapaniwala. "Sorry, Mahal, medyo na-busy ako. I didn't mean it. Bawi ako sa susunod."

Natawa lang ako. Ayos lang sa akin, worth it naman ang dahilan kung ba't niya nakalimutan. She's busy with her studies. I like that. Gusto ko na huli ako at ang relasyon namin sa priority niya...sa ngayon. As long as she's doing things for her growth and future, walang kaso iyon sa akin. I'll be an understanding partner for her. That's what my lola taught me.

Iniwan ko muna siya saglit at dumako sa mesa kung saan ko iniwan ang mga dala ko kanina. Nang mahagilap ko ang hinahanap ko, isang matamis na ngiti ang aking pinakawalan.

"Here. Lapit ka sa akin," utos ko nang lingunin ko siya. Sinunod niya naman iyon.

Nang makalapit siya, agad kong ipinakita sa kaniya ang nabili ko sa mall kanina. It caught my attention: alam kong bagay na bagay ito sa mahal ko. 

"Woah? You bought this for me?" hindi makapaniwala niyang tanong.

"Yep. Tama nga ako, bagay sa'yo," sabi ko habang inilagay ito sa kaniyang buhok.

Bagay nga. Sobrang ganda. I kissed her forehead and smiled at her. It's a hairpin. Perlas ang desinyo nitong kulay puti.

"Happy 10th, Pearl. I love you," bati ko sabay yakap ng mahigpit sa kasintahan.

"I love you, Love. Thank you," tugon niya at niyakap din ako pabalik.

That's how simple our relationship is: masaya at kontento na kami sa isa't isa. Time flies so fast; ang buwan na pag-iibigan namin ni Carolina ay umabot ng ilang taon. Akala ko no'ng una palagi naming kakayanin hanggang sa...dumating ang araw na kinakakatakutan ko.

"Noel, stop it! Ano ba?!" sigaw na pigil ni Carolina sa akin nang akma kong susuntukin ulit ang lalaking nasa likod niya.

F*ck! May nangyari sa kanila? I saw them kissing nang makalabas sila mula sa VIP room ng bar na ito. Nag-kiss sila, kita ko 'yon! What the hell!

"Tang*na, Carolina! Nagpalandi ka sa lalaking 'to? Wow! Ang galing!" I exclaimed. Napaigtad siya sa ginawa kong pagsigaw na iyon. "Ano? Masarap ba? Magaling ba siya sa kama?"

"Mahal, mali ang intindi mo. Please, hear me out. Let me explain," naiiyak niyang paliwanag at pagmamakaawa.

"Kita ko na, eh. Kitang-kita ng dalawa kong mata, ano pang kailangang i-explain do'n?"

"Love, please? I didn't kiss him or have s*x on him. Joseph, naman, sabihin mo sa kaniya ang totoo," her voice cracked. Tiningnan ko ng masama ang Joseph na sinabi niya.

G*go, gusto ko siyang patayin. Kung hindi lang ako inawat ni Carolina kanina at hindi ako takot sa Diyos, kanina ko pa siya kinatay. F*ck! Mga hayop! 

"I didn't expect it from you, Mercado. Akala ko, nagbago ka na." Napayuko siya roon. That made me see her dress. Ang ikli, nakakairita! I've already talked to her about this. Ang tigas pa rin ng ulo niya! "You've gone too far, hirap mong habulin," walang emosyon kong ani.

"Noel, ma'am, please. I love you, okay?" she cried. I avoided looking at her. Hindi ko kaya. Ayaw ko ang umiiyak at nasasaktan siya.

I managed to look at her again and chuckled. "Sabi ka nang sabi na mahal mo ako, alam mo ba ang ibig sabihin n'yan? Kasi kung mahal mo ako, you didn't do this. You cheated on me, Carolina. Do'n pa lang, tapos na tayo," mahaba kong wika saka siya tinalikuran.

God, please, help me. Guide me. Huwag mo 'kong iwan, kailangan Kita...ngayon at palagi.

"Noel?! F*ck! Mahal!" she exclaimed, but I didn't waste my time facing her again.

I need to do this, Carolina. You need to learn your lesson. I hope that when we meet again, we will be more mature and committed to our relationship.

Since that day, wala na akong narinig ni kaunting balita tungkol sa kaniya. I go abroad; doon ako nag-aral ng kolehiyo.

Aminado akong nasaktan ako sa nangyari, pero mas nangingibabaw sa akin ang pagmamahal ko sa kaniya. Parang nakaukit na siya sa buhay ko, ang hirap niyang kalimutan.

She's meant for me, and so am I.

Masaya ang buhay ko sa abroad, kahit papaano. I didn't say na naka-move on na talaga ako kay Farrah. Tang*na, ang hirap niyang kalimutan. Mahal ko siya, eh. Alam ng Diyos 'yon. Pero ang sa amin, Siya na ang bahala. Sa Kaniya ko pinaubaya ang lahat.

Sa labis na pagmamahal ko kay Farrah, I even got her name tattooed on me. Nais kong alalahanin na mayroon akong siya. Wala man kami, kailanman ay wala akong planong walain o alisin siya sa buhay ko.

Hindi ako nabahala na baka mawala siya sa akin nanh tuluyan, kasi alam ko mismo sa sarili ko na akin siya. Malakas ang kapit ko kay God, palagi kong ipinagdasal na wala ng darating pang lalaki sa buhay niya kundi ako lang.

Kaya ano'ng kapit ng iba kung mayroon akong Panginoon? Sa Diyos ko siya hiningi, kaya alam kong ibabalik din siya ng Diyos sa akin sa tamang panahon.

I have realized, na hindi nakakatakot na minsan kang nawala sa buhay ng tao kapag sa Diyos ka mismo hihingi ng tulong. I always pray to God. Alam kong sa aking at sa akin pa rin ang bagsak niya. 

"Dude? Teka—kailan ka pa nakauwi?" he asked, full of confusion. I gave him a bro-hug.

Agad naman akong umupo sa hoodie ng kaniyang kotse. Alam kong nandito siya ngayon sa bar na ito, kaya pinuntahan ko na. Alam ko ring nasa loob sina Carolina, pero pakikiusapan ko si Sammuel mamaya na umaktong hindi niya pa ako nakita ngayon. May plano ako.

"Kahapon lang. Kapagod sa Europe, Pare. Walang Carolina do'n, naburyo ako," tamad kong tugon. He chuckled. 

"Woah? Akala ko ba ayaw mo na ro'n?" Inismiran ko siya.

"Wala akong sinabi, ha. Nga pala, thanks for the information."

"Wait—kaya ka ba umiwi kasi nalaman mo na wala talagang nangyari sa kanila ni Joseph? Kung hindi ko ba sinabi, hindi ka uuwi?"

Alam ko ang totoo, dati pa. Alam kong hindi ako niloko ni Carolina. Iyon ang mali ko, ang bintangan siya agad dahil sa padalos-dalos kong desisyon. I regretted that all these years. At ito na ang tamang panahon para mabawi siya, pero sa paraang gusto ko.

"My heart belongs here and to her. I will win her again. That's the reason bakit ako bumalik," masaya kong saad. Napailing-iling na lamang si Sammuel habang nakangising nakatingin sa akin.

To win her and make her my wife, iyon ang palaging laman ng panalangin ko. But everything got worse, and that promise turned into something I didn't expect when Mabhel told me that I had gotten her pregnant.

Living in hell—that's how I can describe my life when that happens. I lost Farrah. I destroyed her dreams. Higit sa lahat, nawala ko siya sa buhay ko. Lahat nawala dahil sa pangyayaring iyon.

I lost myself, even though I'm still alive. Para akong paulit-ulit na pinatay. I became an alcoholic. I didn't go to church anymore. Forget and blame God for everything. It's been almost two years of suffering until Mabhel tells me the truth.

Kasagsagan iyon ng birthday ni Shanaiia, she confessed that I'm not the father of her daughter. Rex, Jeddah's suitor, is the father. Nang malaman ko iyon, nabuhayan ako. Si Carolina agad ang naisip ko. Finally, I have a new reason to build myself again. To find myself again.

Bumalik ako sa Panginoon. Nang makabalik ako, hindi Niya pa rin ako binigo. Kailanma'y hindi Niya ako binigo. Nag-aral ako ulit, engineering—my dream course. Si Carolina at Siya ang ginawa kong inspirasyon. To make a long story short, I passed and graduated. After, nag-take ako ng exam and even top the board. Nagawa ko iyon dahil sa tulong ng Panginoon at sa inspirasyon kong ipanalo ulit si Farrah.

I worked hard. Lahat ng natitira kong taon habang wala siya, hindi ko sinayang para buuin ulit ang sarili ko. Dahil alam ko kapag buo na ulit ako, ibabalik at babalik siya sa akin.

After that, akala ko ayos na. But Mabhel comes on the scene again. She died because of poison. Hanggang ngayon ay hindi pa nakikita si Rex. Mabhel confessed that to us. Nang mawala siya, sa akin niya iniwan si Nayah. Ako ang nagsilbing ama nito. At dahil kay Nayah, muli kaming nagtagpo ni Farrah.

I remember that I always prayed to God to send me people to help me win her again, si Nayah iyon. Si Nayah ang isa sa rason kung bakit masaya at umiiyak ako habang tinatanaw na papalapit sa akin ang babaeng pinakamamahal ko. God, this is really amazing. All praise to Him.

Seeing the woman of my prayer walking in the aisle right now, wearing her dream gown, made me want to scream in so much joy that God gave me. Finally, my prayer happened.

As Isaiah 60:22 says, 'When the time is right, I, the Lord, will make it happen.' 

"Ayusin mo ang sarili mo, Vergara, parating na ang chix mo." I came back to my senses when I heard that from him.

Napaayos ako nang mabilisan sa aking tuxedo. Lunok ako nang lunok habang minamasdan ang napakagandang babae sa buong buhay ko na maingat na humakbang papalapit sa akin. Her parents are assessing her. My wife. 

"I'm so nervous, Felicilda. Paano kung mag-back out siya?" kabado kong tanong habang nasa kay Carolina pa rin ang tingin.

I chose Samuel to be my best man. Itinuring ko na 'tong kapatid, eh. Malaki rin ang naitulong niya sa akin. Kung hindi dahil sa kaniya, hindi ko makikilala si Carolina.

Nahagilap ko naman si mommy na umiiyak na rin sa upuan. Hindi ko na lang siya pinatayo, baka hinatayin sa kakaiiyak. Kanina pa siya umiiyak, eh, sa bahay pa. I'm afraid that her heart can't take it.

"Mukha ka kamong timang," he teased me. "Alagaan mo, ha? Mahalin mo lang at 'wag paiyaking muli, bayad ka na sa 'kin," bilin at paalala niya ulit. Napatingin ako sa kaniya at ngumiti.

"I will, dude. Thank you," I replied, saka niya ako tinapik sa braso. I will. I always will.

Nang hindi na magsalita si Sammuel, saka ko pa narinig ang tugtog ng simbahan. 'The Falling In Love' version of Six Part Invention is playing. One of Farrah's favorite songs.

Mayamaya pa, mas lalong bumilis ang tibok ng ko nang huminto siya kasama ang mga magulang niya sa harap ko. Nagmano at niyakap ko muna ang parents niya. I even heard them whispering to take good care of their daughter. At hindi ko sisirain ang tiwala nilang iyon. Wala iyon sa plano.

Dahan-dahang inilahad ng mommy niya ang kamay niya sa akin. My hands tremble because of that. I also let my tears start to escape from my eyes.

"I'm no Taylor Swift, but I already know that you belong with me. Sa simula pa lang, baby, alam kong akin ka lang," sabi ko bigla nang mahawakan ko ang kaniyang kamay.

Hindi ko na pinansin ang pagbalik ng upo ng kaniyang mga magulang. My attention and eyes are all on her. Sa kaniya lamang.

"I love you, Love," matamis niyang sabi. I kissed her on the forehead. Kahit may belo pa siya, hindi ko 'yon pinansin.

"Masakit at hindi man madali ang nangyari sa nakaraan natin, pero iyon naman ang nagtulak para maging akin ka ngayon. Mahal kita, Carolina. Handa akong isuko ang lahat ng mayro'n ako ngayon, huwag ka lang mawala sa kin," mahaba at naiyak kong pag-amin sa kaniya I grabbed her waist so she could be closer to me. God, hindi na ako makapaghintay sa vows namin, kaya ngayon ko na lang sasabihin. "Mawala man lahat ng material na bagay na mayro'n ako, karangalan, kayamanan, at iba pa...huwag lang kayo ni God. Huwag lang ikaw," patuloy ko. Nasa mga mata niya lang ang aking tingin, walang tanggalan. "I'm always here to love you, even if it means surrendering all the valuable things I have in this world. Nakaukit ka na sa pagkatao ko, mula noon, bukas, hanggang sa ating pagtanda," I added.

Sa puntong ito, nagawa kong hawakan ng kaniyang belo. Gusto kong makita ang kabuuan ng kaniyang mukha habang umiiyak. Hindi dahil sa sakit kundi sa tuwa at labis na kaligayahan. Hindi naman nakatakas sa aking pandinig ang pag-hm ng Pari na tila pilit kaming paalalahanan na hindi pa nagsisimula ang seremonya. Natawa naman kami ni Carolina roon, pero hindi pa rin ako nagpatigil.

Sorry, Lord, saglit lang naman. Hindi na ako nakapagtimpi pa, I kissed her.

"You are my answered prayer, Pearl. God knows how much you mean to me. Mahal na mahal kita, my Mrs. Vergara," I said sweetly, sa gitna nang halikan naming dalawa. 

Parehas kaming hinahabol ang hininga. Narinig ko naman ang hiyawan sa paligid. Hindi pa nagsisimula ang kasal, pero parang tapos na dahil sa ginagawa namin ngayon.

Mas hinawakan niya lalo ang mukha ko para mailapit sa kaniya. My nose crashed into hers.

"Gihigugma ko sab ikaw, Mr. Vergara," matamis niyang tugon saka ako hinalikan sa labi. I answered her kisses passionately and with love.

On September 23, sa mismong kaarawa ko...ikinasal kami ni Carolina.

I can't ask for more. This is even more.

Masakit man ang nakaraan, at least nakilala ko siya. Ang nakaraang iyon ang ipagpapasalamat ko. Nabuo akong muli dahil sa kaniya.

Our past molded us into what we are today. I met her kung saan hindi ako buo. I met her at kung saan nasaktan ko pa siya nang todo. Pero ang nakaraang iyon ang sagot sa kung anuman ang mayroon kami ngayon.

Mas lalo kaming nagmahalan dahil sa nakaraan namin. That past—our past—saw how much we loved and prayed for each other.

Masakit at hindi man madali ang lahat ng proseso, pero at least we've met. I've met my sweet Caroline. And I will always be her loving Noel.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top