Kabanata 9

Kabanata 9

ILANG linggo na akong hindi nagpaparamdam kay Noel mula no'ng hinatid niya ako sa amin. Naging abala na rin kasi ako sa acads ko at kailangan ko na rin magdoble sikap para sa mga demonstration ko. Tama rin 'tong desisyon ko nang sa gano'n ay hindi kami masaktan pareho. Alam kong hindi ko gusto ang mga nasabi ko sa kaniya noong nakaraan, mahal ko pa rin si Noel. Pero hindi sapat ang pagmamahal kong iyon sa kaniya para paniwalaan niya ako. Para manatili ang kung ano man ang mayro'n kami noon.

Gano'n naman dapat, 'di ba? Knowing our role and boundaries in another person's life. Hindi porket naging parte na sila minsan sa buhay natin ay may karapatan na rin tayong maging parte ng buhay nila. We should know our limitations, and that's what I'm doing right now. knowing my limitations and place in his life.

"Sayang hindi ka sumama sa amin kahapon," biglang pahiwatig ni Jeddah. Nilingon ko siya sabay ngiti nang pilit.

"Bakit naman sayang?" I mumured.

"Nandoon si Noel—"

"Ayos na rin na hindi ka sumama, kasi baka makita mo ang mga kalandian niya ro'n," agaw na sabi ni Monique sa usapan namin. Tumaas ang isang kilay ko sa aking narining. So, nasa bar siya kagabi?

"Monique..." 

Ramdam ko ang pilit na pagpigil ni Jeddah kay Monique para hindi niya masabi ang totoo. Iba naman ang hatid nito sa akin at marami na ring katanungan ang nabuo sa isip ko.

No'ng naisipan kong huwag munang kausapin at kitain si Noel ay hindi na rin ito nagparamdam sa akin. Kahit ni kunting balita sa kaniya ay wala akong narinig, ngayon lang ulit dahil sa mga kaibigan ko.

"Bakit? Totoo naman, ah. Ano ba ang tawag sa kaliwa't kanan ang babaeng na-i-table, aber?"

Lunok lang ang nagawa ko sa kanilang mga sinabi. Naagaw naman ni Samboy ang aking atensyon nang bigla itong magsalita.

"Stop it, girls. Baka way lang ni Noel 'yon para makatakas pansamantala sa mga problema niya," simple niyang sabi na pinalagan ni Jeddah.

"Sabagay, iyon din naman ang ginawa mo," inis na sabi ng dalaga.

Magkaayos na sila. No'ng kinausap namin ang dalawa ay naging daan iyon para mapag-usapan nila kung ano ang namumuong relasyon sa pagitan nila. Ang tanging alam lang namin pagkatapos no'n ay binigyan ng chance ni Jeddah si Sammuel na i-pursue siya, at hayaan munang ligawan siya ng binata saka patunayan ang sarili nito sa kaibigan.

Sa tingin ko naman... parang mas mahirap kung ano ang nangyayari sa kanila ngayon. Kasi naman, magkaibigan sila at once na may bagay na magbibigay sa kanila ng lamat hindi lang pag-ibig ang mawawala kundi pati na rin ang kanilang pagkakaibigan. Love is hard, but love is beautiful.

"Jeddah," tawag ni Sammuel sa kaniya.

"Suss, tama naman ako," pang-iinis pa niya pa rito sabay alis sa p'westong kinauupuan niya at lumapit sa akin.

"'Ga, ito naman. Hindi naman iyon ang nais kong puntuhin," suyo niya rito, saka pilit sundan kung saan ito pupunta. Natawa lang kami ni Monique sa bangayan nilang parang bata.

"Tse! Tulungan mo na lang ako rito bago pa kita masapak d'yan. Hindi na epektibo 'yang pagpapa-cute mo sa akin oy," mahabang maktol ni Jeddah sa kaniya sabay harap sa inaasikaso nitong mga instructional materials.

Nasa rest house kami ni Monique ngayon. Napagpasyahan kasi namin na rito gawin ang aming mga need ipasa sa susunod na araw para magawa talaga namin ito nang maayos at matapos agad. Busy naman si Sammuel, pero kapag kami na ang pinag-uusapan he always spends some of his time for us. Ang sweet ng prinsipe namin, 'di ba?

Madalas din kami rito sa Gitagum, kung saan parte lang din ng Cagayan de Oro. Ang ganda kasi rito, tahimik na, ang komportable pa ng paligid. Lahat green saka fresh ang hangin. Hindi naman masyadong away from the city, pero nakakawala ng stress.

I was about to focus on my laptop to finish my PowerPoint presentation when Monique approached me, which made me stop.

"Kausapin mo na kaya 'yong tao, dear," she commanded casually.

"H-ha? Para sa'n pa?" Nilingon ko siya nang bahagya saka balik atensyon sa aking ginagawa.

"Feeling ko kasi kaya nagkakagan'yan si Noel dahil sa'yo."

"Bakit? Ano ba ang ginawa ko?" I replied straightly. 

"I think he's still into you." My lips parted slowly. Napatingin naman ako sa kan'ya nang diretso. Habang ang dalawa naman ay patuloy na nagsusundutan at bangayan sa gilid.

She's just kidding me, right?

Ni minsan ay hindi na sumagi sa isipan ko na muli pa akong mamahalin ni Noel, o mahal niya pa rin ako. Alam kong hindi na mangyayari iyon lalo na't galit ang nagawa niyang itanim sa kaniyang puso dahil sa akin. Pero nang marinig ko ang sinabi ni Monique, hindi ko naman mapigilan ang hindi umasa. Paano kung tama siya? Pero paano kung nagkakamali lang siya nang intindi? Ang hirap. Malabo.

It's already 10 in the evening nang maihatid ako ni Sammuel sa bahay namin. Matagal kasi kaming natapos dahil marami talaga kaming need na gawin lalo na't malapit na amg midterm. This is the hardest part of being an educ student, iyon bang wala ka ng time na mag-aral kasi panay bigay ng requirements at mga activities ang mga instructor nin'yo. Himala na lang kung makapag-aral pa kami. Kaya uso sa amin ang salitang 'bahala na'. Bahala na kung hindi malaki ang score, basta pasado. Bahala na kung late, basta nakapagpasa pa rin. 

Ang salitang 'bahala na' para sa akin ay pagpapakahugan ko bilang 'Bathala na'. Si Bathala na ang bahala.

When I reached my room, agad kong inilapag ang mga gamit ko at mga natapos kong projects. I get my towel after para makaligo na ako. I'm a fan of taking a bath before sleeping and reading some novels after I'm done cleaning myself. I dunno, but it feels like heaven to me, especially when you do it with good music and let yourself witness the rain flowing to your window.

I was walking slowly into my closet to get my night suits when my phone suddenly beeped. 

Agad ko itong tiningnan saka binasa ang ilan sa text na nag-pop-up sa screen ko. Napakagat naman ako sa aking labi dahil sa aking nabasa.

from Mr. Tagasundo

Let's talk pls.

F*ck, Carolina! Imy!

Kausapin mo naman ako ohh

Love, pls...

Tila nanuyo ang aking lalamunan dahil sa mga text ni Noel sa akin. Hindi ko alam kung bakit nasabi niya iyon. O, baka trip niya na naman akong inisin. O, hindi kaya'y wala lang siyang magawa sa buhay kaya niya ako binabanatan ng ganito.

Aminado akong sa loob ng ilang linggo naming hindi pagkikita ay na miss ko siya. Na miss ko ang paghatid-sundo niya sa akin. Iyong pag-aalala niya, higit sa lahat ang ngiti niyang minsan ako ang naging dahilan. Pero alam kung ang lahat ng iyon ay pagkukunwari lamang, kasi ang totoo... galit na galit sa aking ang lalaking iyon.

Bago ko inilapag ang cell phone ko sa kama ay napangiwi ako nang makita ko ang nickname niya sa contact list ko. Hanggang ngayon pala, hindi ko pa iyon napalitan. Siguro sa susunod, papalitan ko na... kasabay ang pagbura ko sa kaniyang numero.

Malaya kong nailapag ito sa kama, akmang papasok na sana ako sa loob ng banyo nang bigla naman itong tumunog. Dali-dali ko naman itong dinampot baka kasi si dad ang tatawag sa akin dahil sabi niya kanina ay tatawagan niya ako.

When I saw the name of someone who calls me on the screen, my eyes arced with confusion.

"Why are you calling?" walang emosyon kong tanong sa kabilang linya.

"Ma'am, kayo po ba si Love?" tanong ng boses lalaki. He has a husky voice, kaya nagtaka ako kung sino siya dahil hindi niya kaboses si Noel. 

I've known Noel for a long time; kaya nagtataka ako kung ba't iba ang boses ng aking kausapn.

"H-ha? Sino 'to? Ba't hawak mo phone ng ex ko?" Napakapit ako nang mariin sa hawak kong gamit panligo dahil nag-aalala ako sa dati kong kasintahan. Baka napa'no na'ng isang 'yon kaya hindi kaniya ang boses na naririnig ko.

I heard the loud music. I came to the conclusion that maybe he's inside the bar because of what I've heard. Siguro... wait—nasa bar si Noel? Na naman?

"Ma'am, bartender po ako rito sa bar na pinuntahan ni sir ngayon. Maaari po bang sunduin niyo siya rito? Lasing na lasing na po, eh. Kung anu-ano na'ng sinasabi. Hinahanap po si Love. Kayo po ba 'yon?" 

Nakahinga naman ako nang maluwag sa pagpapaliwanag ng lalaki. Pero napalunok ako nang maalala ko ang tanong niya sa akin. Is it because Noel didn't delete my nickname from his contact list that this weird man is calling me that endearment right now? Pero hindi ko na iyon pinansin pa, kasi mas nag-aalala ako sa kay Noel. 

"Saan ba'ng bar na 'yan?"

"Sa Cold Drinks po, Ma'am. Dito po sa CDO... malapit po sa Delux hotel," tugon niya. Nasa kalmadong tono pa rin ang kaniyang boses. I was about to speak again nang maunahan niya ako. "Ma'am Love, tanong ko lang po. Nag-away ba kayo ni sir?"

"Why are you asking? It's a private thing between me and him," may pagkariin kong sagot sa kausap. Narinig ko naman na napatikhim siya sa kabilang linya.

I focused myself again on him to know what exactly happens to Noel and why this guy is saying that we have a fight.

"Ah, k-kasi po... I saw him crying earlier while screaming your name," the bartender replied, that makes my heart race before ending the call.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top