Kabanata 7

Kabanata 7 

I feel dizzy, but I tried my best to be okay. Nais kong uminom ng mainit na kape. I don't know, but I badly want it as of now. Maybe my body wants heat even though I feel warm inside. Ang init ng kape na gusto kong itempla ay siyang kasing init ng katawan ko ngayon. That f*cking rain really hit me this hard, ha?

Dahan-dahan akong bumaba sa hagdanan para hindi ako matumba, kasi feeling ko ay umiikot na ang aking mundo. Humawak ako sa gilid nito para maalalayan ko ang sarili.

Nang makababa ako, ang tanong agad ni mommy ang sumalubong sa akin.

"Oh, honey, bakit ka bumaba? Ayos ka na ba?" she asked. Ramdam ko, naman ang pag-aalala sa kaniyang boses. Bago ko pa man siya nasagot, nagulat ako sa isang rebultong nahagilap ko na siyang kaharap ko ngayon. What is he doing here?

"M-may kukunin lang ako sa kitchen, 'Mmy," tugon ko, tila walang pakialam sa nakita. Pero nais ko talagang itanong kung bakit nasa pamamahay namin siya ngayon. At bakit dito siya nakikikain ng agahan.

Pansin ko ang titig sa akin ni Noel, pero hindi ko siya inabalang tapunan man lang ng tingin. Mom stopped eating her food and looked at me straight in the eyes.

"Sana nagsabi ka, so Manang will bring it to you there," suhestiyon niya. I shook my head and sighed.

"Kaya ko naman po." I was about to give my excuse for making myself a coffee, but she talked again.

Sa paglingon ko ulit sa kaniya ay napatingin ako kay Noel, kasi nasa harap ko siya nakapwesto. Napansin kong seryoso ang tingin nito sa akin, para bang may alam na siya sa pinagsasabi ni mommy.

"Dalawang araw ka nang absent, sabi ng teacher mo need mong humabol. Kaya mo na bang pumasok bukas?" I bit my lip at her question.

"I'll try, po. I will get some coffee, muna, excuse me," tamad kong sabi saka sila tinalikuran. 

Palaisipan pa rin sa akin kung bakit siya biglaang nandito, at kausap niya si mommy ngayon. Like, wala namang okasyon pero nandito siya. Saka sila lang dalawa ni Mommy ang nag-uusap kasi usually kapag ganito, I mean, kapag nandito siya sa bahay ay sinasabihan ako ni Mommy o ng mga katulong namin. Kaya laking gulat ko na lamang na this time hindi ako na inform.

Mabilis kong tinungo ang kusina namin, saka kumuha ng tasa para makapagtempla ng kape. I used to do it every morning. Magtempla, humigop at mag-isip-isip pagkatapos. Coffee is not a person, but it can make you feel something that a person can't give to you.

Ngayon, naiintindihan ko na kung bakit maraming adik sa kape sa mundo. Kasi makapagmuni-muni ka, 'tsaka makalaya ka sa magulong mundo pansamantala.

Agad kong kinuha sa cabinet ang pure coffee na nabili ko noong nakaraang araw. I put it in my cup. Saka ko kinuha ang heater para magsalang ng tubig. Nahihilo pa rin ako, pero medyo naibsan ito nang maamoy ko ang kape. Ah, I love this smell so much. I'm pouring the hot water in my cup when I suddenly pour it into my hand.

"Aw!" daing ko dahil sa sobrang init na aking naramdaman. Mabilis ko naman itong nailayo sa akin at napahawak sa paso ko sa kanan kong kamay. Ang sakit. My eyes get watered because of my clumsy action.

"Tsk. Be careful, woman," saad bigla ng isang baritinong boses sa likuran ko na nagpatigil sa akin sa pagdaing.

Napalingon ako gawa ng aking narinig. Nakita ko naman ang seryosong awra nito na papalapit sa kinatatayuan ko. He's wearing his uniform. Papunta pa ba siya sa OSU? Or, may dinaanan lang siya rito?

"W-what are you doing here? Do you need anything?" nauutal kong tanong sa kaniya. Hindi ko naman maiwasang hindi kabahan nang unti-unti siyang humakbang papalapit sa akin.

I can't deny that my heart is beating fast. Kumbaga para akong hinabol ng aso sa sobrang bilis ng kalabog nito, mas lalo naman itong gumulo at bumilis nang bigla siyang tumigil sa aking harapan. He's an inch away from me. Amoy ko na ang bango ng kaniyang hininga at kaniyang pabango dahil sa sobrang lapit nito sa akin. Bigla naman akong napaigtad nang wala niyang pasabing inilagay ang palad niya sa aking noo.

"Dang!  You're burning hot," pag-alala niyang komento." I managed to remove his hand from me. Nagulat naman siya sa ginawa kong iyon.

"Noel, stop it. It just a fever," walang gana kong tugon saka lumayo sa kaniya. Pasimple kong binalikan ng tuon ang kape na aking tinimpla. Isang buntonghininga ang aking nagawa, habang iniisip na kasama ko siya rito ngayon.

"Tell me, Carolina... Sinuong mo ba ang malakas na ulan sa gabing 'yon?" he asked, which made me freeze. Hindi ko siya nilingon; ipinagpatuloy ko lang ang aking ginawa.

That night, yeah, that night. Feeling ko, hindi naman ako lalagnatin ng dahil lang sa ulan na iyon kasi mas nilagnat ako sa mga sinabi niya. His words are a sword, and that sword stabbed me so hard. I can't take it because it really kills me inside.

"Go back there, ipagtitimpla na lang kita," utos ko sa kaniya. Nakatalikod pa rin ako rito. I thought susunod siya sa nais ko, hindi pala.

"Just f*cking tell me!" sigaw niya na ikinalunok ko. I didn't expect that from him. Is he that mad because I have a fever? Or, galit siya kasi maaari siyang isa sa may kasalanan kung ba't ako nilagnat?

I faced him without a choice. Bagsak ang balikat ko nang makaharap ako sa kaniya. Ang sakit ng ulo ko ay mas dumoble dahil sa sigaw niya.

"Please, Noel, I have no strength to fight with you today." mahinang pakiusap ko sa kaniya. Bigla naman siyang kumalma sa sinabi kong iyon. I massage my temples gently before talking again. Damn, para akong mahihimatay dahil sa lagnat na ito. Wala talaga kong lakas para makipagtalo pa sa kaniya, para bang nais kong manahimik na lang siya at pagbigyan ako sa nais kong iwan ako rito.

"Bumalik ka na ro'n," walang gana ko pang utos, pero hindi niya pa rin ako sinunod. He even moved closer to me, and it made me uncomfortable. Ramdam kong uminit ang aking pisngi, para bang ang laki pa rin ng epekto niya sa akin.

Tiningnan niya ako na may lungkot na nakaukit sa kaniyang mga mata. Alam kong nag-aalala siya, pero ayaw kong bigyan pa iyon ng mas malalim na kahulugan kasi nakakapagod umasa.

"Kung alam ko lang na wala ka pa lang dalang kotse sa gabing yo'n, sana hindi kita hinyaang maiwan sa bar na 'yon."

"Bumalik ka na ro'n, please? I'm begging you."

"No," angal niya sa suhestiyon ko. He gulped hard and wet his lips before looking back at me. "Ikaw ang bumalik sa k'warto mo. Leave all of that; ako ang magdadala nito ro'n. I'll bring everything you need," utos niya sa akin na ikinakunot ng aking noo.

"Vergara," reklamo ko sa nais niya. Pero sa halip na makipagtalo pa siya sa akin ay nagawa niyang kunin ang hawak kong tasa saka nilagay iyon sa mesa.

"Just don't be hardheaded, please? Just go back to your room; we'll talk there," pakiusap niya sa akin. Nakagat ko naman nang mariin ang labi ko dahil sa kaniyang sinabi. Jesus Christ, I miss that sweet yet seductive voice of his.

Para akong batang sinabihan ng nanay niyang, 'wag maging matigas ang ulo nang sinunod ko ang nais na mangyari ni Noel. Bumalik ako sa k'warto gaya ng sabi niya, hindi na ako nakipagtalo pa dahil gusto ko rin naman talagang pumaroon na lang buong maghapon. Siya naman ang nag-suggest nito, kaya I should grab it as an opportunity.

Nang makabalik na ako sa silid ko ay wala na akong sinayang na oras at agad akong humiga sa aking kama. Niyakap ko naman agad ang unan kong si Stitch at naglagay ng kumot kong si Stitch din. Since I was a kid, I've been a dying fan of Stitch and Angela. Sa katunayan palagi kong inaabangan ang palabas na iyan noon at hindi ako matatahimik hangga't hindi ko iyon matatapos.

I really love Stitch; I don't know why, but his presence really caught my attention. Dahil sa dami ng iniisip ko ay dinalaw rin ako ng antok, saka napagod na rin ako sa kakahintay kay Noel na pumasok sa k'warto ko.

It took Noel almost an hour to knock on my door, and I don't know what took him so long. Hindi ko naman sinara ng lock ng k'warto ko kaya nakapasok siya agad matapos niyang kumatok. I saw a smile on his face while he was carrying a tray with something that he was preparing for me. 

Naglakad siya papunta sa kama ko nang maingat para hindi matapon ang dala niya. Kaya pala ang tagal niya sa baba, kasi hinanda niya pa ang mga ito. As he slowly walks in my direction, I smell a good scent from what he prepared, which makes me excited. Pero hindi ko iyon pinahalata.

"Can you be able to get up to eat?  Or, do you want me to feed you?" tanong niya nang mailapag niya sa table na nasa tabi ko ang tray ng pagkain na kaniyang dala. I nodded.  Agad naman akong umupo sa kama ko mula sa pagkahiga. Pero bago ko nagawa iyon ay inalalayan niya ako nang sobrang ingat. "I cooked you a sopas so that you can take your meds after," dagdag niya pang sabi nang mapansin niyang kumportable na akong nakaupo sa kama.

Inilapag niya nang marahan sa kama ko ang ihinanda niya sa akin. Nakaramdam naman ako ng tuwa nang makita ko ang mga hinanda't niluto niya. He prepares soup, milk, fruits, and medicines for me. As always, he knows me better, even in my tough moments.

"N-noel," tawag ko rito. Hindi ko maitagong na-touch ako sa ginawa niya, pero mas nangibabaw sa akin ang takot. Takot na baka umasa na naman ako ulit dahil sa mga paganito effect niya. 

"Hm? Do you want anything? May masakit ba? Tell me," natataranta niyang tanong. He stared at me, nailang naman ako sa titig niya.

I cleared my throat. Nilakasan ko ang loob ko para makapagsalita. "Why are you doing this? Look, I'm okay. Hindi ako baldado, kaya ko ang sarili ko," angal ko sa mga ginawa niya para sa akin. Masaya naman ako na ginagawa niya ang mga ito kahit hindi na kami, pero mali pa rin eh. Sobrang mali.

Tumayo siya mula sa pagkaupo niya sa kama ko. Hinimas niya ang sentido niya bago ako tugunin.

"No. You're not. And..." he paused to trail me. "I did all of these because I'm your ex," he added. Natawa naman ako ng pilit sa kaniyang tugon.

"A caring ex, ha?"

"If that's what you're thinking, then... I can't argue with your instinct," he replied, chuckling. Pero agad naman napawi ang ngiti ko nang bigla kong maalala ang paninigaw at pag-iwan niya sa akin sa bar. He was rude to me last time and is acting like he cares for me today. What is his plan for me? If this is his trap, malapit na ba akong mahulog at makulong? 

I stopped myself from asking that question when he moved and peeled the banana and gave it to me. 

"Here, eat it up, kiddo," alok niya sa akin. Wala sana akong balak kunin iyon, pero ginawa ko na para naman hindi masayang ang pagod niya. I took one bite, put it back on the tray, and drank the milk.

"I'm not a kid," komento ko matapos uminom ng gatas. I saw him laughing at me a little, kaya napairap ako sa kaniya.

"Baby then," seryoso niyang sagot na ikinaawang ng aking bibig. 

Marami pa kaming pinag-usapan ni Noel habang kumakain ako, pero hindi namin nagawang isali sa usapan namin ang tungkol sa nakaraan. He was just asking me some questions about my studies, and I did the same to him. He also asked me if I will pursue teaching na ba after I graduated but I just tell him that as of now, wala pa akong naisip about sa pagiging teacher ko.  Maybe I'm too focused on my studies for my future at the moment.

Nang matapos na ako sa pagkain, si Noel na rin ang nagligpit ng mga ito. Para bang alagang-alaga niya ako ngayon. Sana pala, ganito ako lagi. But I don't want to risk myself as well. Sadyang gusto ko lang na ganito siya lagi sa akin, may lagnat man ako o wala.

"I asked Jeddah about your assignments; she said na may ipapasa raw kayong lesson plan for tomorrow," basag niyang tanong sa katahimikang namamayani sa aming dalawa.

Nasa kama pa rin ako, pero nakaupo pa. Ayaw ko pang humiga, kasi kakakain ko pa lang. Habang siya, nasa study table ko na nakap'westo while he's busy scrolling on his phone.

"Yeah. I'll do that later," tamad kong Tugon. He glanced at me with a cold expression on his face.

"No. Ako na, kaya ko naman na. And I also have enough background on how to make it," aniya. Inilibot niya ang swivel chair na kaniyang inuupuan para harapin ako. I'm still shocked because of what he said.

"Noel, hindi na kailangan. Saka, 9 indicators need no'n. Business ka, hindi educ," tanggi ko sa alok ng binata. He sighed and poked the inside of his face with his mouth.

"Ngayon ka pa nahiya? Samantalang noon, pinagawa mo sa akin ang lesson plan mong may 13 indicators," he explained calmly. Nakagakat ko naman ang loob ng aking pisngi dahil nakaramdam ako ng hiya sa kaniyang itinugon.

I remember how he made my lesson plan before. Laking tuwa niya pa nga noon nang malaman niya na ang tamang proceso sa paggawa nito. Akala niya pa madali lang, iyon pala hindi. Noel was a great boyfriend way back then. Iyong tipong, wala kang problema 'pag siya ang jowa mo kasi lagi ka niyang sinasalo at tinutulungan. 'Yon nga lang, I wasted him. I cheated on him daw, kahit hindi naman talaga.

If he gives me a time to explain before and believes me, kami pa rin kaya hanggang ngayon?

"Noon 'yon kasi tayo pa—I mean, basta," wala sa sarili kong sagot sa sinabi niya. I hate myself for being like this. Iyon bang, bigla-bigla na lang akong nauutal sa tuwing siya ang kausap at kaharap ko.

He crossed his legs while holding his phone and locked his eyes on me. Napalunok naman ako ng ilang ulit dahil sa ginawa niyang pagtingin. He's more handsome and hot in my eyes. Nahinto naman ang hininga ko saglit nang suklayin niya ng kaniyang buhok saka ngumiti. Damn!

"Kung nagawa ko 'yon noon as your jowa then, gagawin ko ulit 'yon ngayon as your ex," he uttered while smiling at me. "Relax, Love, I've always got your back," he added and winked, which made me feel the butterfly that was flying freely in my stomach.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top