Kabanata 6

Kabanata 6

 

"NOEL, look... I'm sorry. Nakalimutan ko lang talaga. Please hear me out. Lemme explain," pakikiusap ko sa kaniya. 

Nang makita ko siya na palabas sa silid nila kanina sa business department, agad ko siyang nilapitan para makausap. Alam kong may malaki akong kasalanan kasi hindi ako sumulpot sa usapan namin.

Napahinto siya sa kaniyang paglalakad sa hallway, saka ako hinarap na parang tamad siyang gawin iyon. He put his hands inside the pocket of his school uniform and looked me straight in the eyes. Naiilang naman ako sa titig niya, pero kailangan ko siyang makausap.

"Now, speak," walang gana niyang utos sa akin. 

Nang marinig ko ang sinabi sa akin ni Monique kahapon tungkol dito ay hinahap ko agad si Noel, kaso nabigo ako kasi hindi kami ipinagtagpo ng tadhana. Ngayon na nagkita na kami ay para akong natameme at hindi alam kung saan magsisimula. Pero kailangan kong magpaliwanag para malaman niya ang rason ko.

I cleared my throat before talking and looked at him.

"Sorry... Ang totoo, nawala ko 'yong phone ko sa bahay. I mean... hindi ko alam kong saan ko nailagay. Saka, nawala sa isip ko na inembetahan mo pala ako for a dinner. Promise, hindi ko sinadyang hindi ka siputin sa gabing iyon," mahaba kong paliwanag sa kaniya. I did everything to tell him the truth without breaking my voice. Ramdam ko pa rin ang aking kaba gawa ng titig niya.

Lahat ng sinabi ko ay totoo. Nawala ko talaga ang phone ko sa bahay, and until now, I didn't find it. Siguro, saan-saan ko inilapag iyon. I even forgot our dinner. Wala sa plano ko ang hindi siya sulputin. Honestly, I'm ready for that, pero nakaligtaan ko lang talaga. I hate it now!

Tumayo siya nang maayos sa harap ko. Napatingala naman ako kasi medyo mataas siya sa akin. He is 5'7, you know, while I'm just 5'4. 

He sighed before he responded to my explanation. "I already heard everything. Thank you for your explanation; you may go now," sabi niya, kunot naman ang aking noo.

"Noel," tawag ko ulit nang humakbang siya paalis. Binilisan ko ang aking lakad para sundan siya. Ramdam ko namang naging maliit ang bawat hakbang na kaniyang ginawa, tila nakahanda siyang pakinggan ang nais ko pang sabihin. Pero naiinis ako sa kakasunod sa bawat lakad na kaniyang ginawa. "Hoy, 'wag ka namang ganito. Ano, hindi mo ako papansinin? Parang sira 'to." Patuloy pa rin siya sa paglalakad pero ngayon malaki na ang bawat hakbang niya kaya mas lalo akong nainis. Hinabol ko siya hanggang sa makakaya ko, nang mapantanyan ko na ito ay naisipan kong unahan siya at hinarang sa paglalakad. I saw how he arched his brows of what I did. Ramdam ko ring napatingin ang ilang estudyante sa aming dalawa, pero wala akong paki roon. "Teka nga, ang oa mo. Ano ba kita?" naiinis kong tanong na agad ko ring pinagsisihan. Natikom ko agad ang aking labi sa aking nasabi.

"Yeah. Ano ba kita?" He chuckled. Pero iba ng hatid no'n sa akin, para bang pinagtatawanan niya ako na may halong galit.

Napapikit ako nang marahan bago siya muli binalingan ng tingin. Nagulat naman ako na nakatingin pa rin siya sa akin, tila inaalam ang bawat kilos na gagawin ko. Naglabas muna ako ng isang malalim na hininga bago siya kinausap ulit.

"Noel, sorry na," malungkot kong pakiusap. Nasa bulsa niya pa rin ang kaniyang mga kamay. Seryoso lalo ang tingin na ginawad niya sa akin, kaya ako kinabahan lalo.

Takot ang nararamdaman ko ngayon. Takot na baka dahil sa katangahan ko ay babalik na naman ang pakikitungo sa akin ni Noel. Iyong malamig, walang paki, at hindi ako kita. At iyon ang pinakaayaw ko sa lahat. Bakit ko pa kasi nakalimutan?

"Until now, Farrah, alam na alam mo pa rin kung paano ako saktan at ipahiya," walang emosyon niyang sabi na nagpakirot sa aking puso. Nasaktan siya sa hindi ko pagtupad sa usapan namin? Nakagat ko nang mariin ang pang-ibaba kong labi lalo na ng magsalita siyang muli. "Sana bago kita niyaya ng dinner, sana iniisip ko man lang na wala na pa lang tayo. You're still good at breaking promises. Excuse me," he added and left me hanging. Para akong sirang nakanganga sa sinabi niya. Simple words, but it goes deep into my heart and made it ache.

Maaga akong nagising kinabukasan, kasi maaga rin ang pasok ko sa school. Gaya ng inaasahan, ang dami na ng mga requirements at gawaing dapat naming asikasuhin, kaya mas lalo akong naging matamlay. Hindi ko pa rin kasi magawang kalimutan ang naging tagpo namin ni Noel noong nakaraang araw. Dalawang araw na ang nakalipas, pero ayaw pa rin akong tantanan nito. Dumagdag ito sa rami ng iniisip ko, kaya ang gusto ko ngayon ay magwalwal muna.

"Ayos ka lang, Dear? Nakasimangot na naman 'yang mukha mo," tanong ni Monique na nagpapukaw sa isipan kong kung saan-saan na namasyal.

Umayos ako sa aking kinatatayuan para tugunin siya. Nandito kami ngayon sa labas ng silid ni Samboy; hinihintay namin siya para sabay kaming mag-lunch. 

"Drinks and Music tayo later?"

"Ha? Marami tayong gagawin, ah. May 3 lesson plan pa tayong need asikasuhin with 9 indicators pa naman 'yon. Bakit ka nagyayaya? Ano bang mayro'n?" puno ng pagtatakang tanong niya sa akin ulit.

"Wala. Gusto ko lang mag-enjoy muna."

Sa sobrang dami ng iniisip ko ngayon, wala akong ibang nais kundi magsaya muna. Now, I understand why people love to escape from reality because it is so cruel. Iyon bang wala ka namang ibang nais kundi ang magkaroon ng masaya at maayos na buhay, pero hirap na hirap kang makamtan iyon.

"Sige, sama ako," pagsang-ayon ni Jeddah sa nais ko. Nang masabi niya iyon ay saktong lumabas si Samboy sa silid niya. Alam kong gets niya na ang pinag-uusapan namin. Nagpaalam muna siya sa mga kaibigan niya, saka kami nilapitan. He glanced at us one by one before talking.

"I'll go with you, girls. Hindi maaaring wala ako. Baka ano pang mangyari sa inyo ro'n. Hindi ako mag-iinom to make sure na safety at makauwi tayo nang maaga," mahaba niyang tugon bigla. See? Kahit hindi niya rinig lahat, alam niya na ang aminh binabalak.

Sammuel will always ensure our safety. Sa katunayan nga, hindi na bago sa amin na sasama siya sa bar na hindi iinom. He always does that, lalo na pag-alam niyang need namin ng bantay. Uupo lang siya ro'n, kakausapin at kukuwentuhan kami without drinking. It's hard to find a boy best friend like him. Kaya we are so blessed to have him.

"Wow, ang protective naman yata ng superman namin ngayon. May kailangan ka, 'no?" pang-iinis ni Monique sa kaniya na ikinatawa namin ni Jeddah.

"Kailan ko pa ba kayo pinabayaan? Sirang 'to," seryoso niyang tanong saka pasimpleng binatukan si Monique. Mahina lang iyon, ekspresyon lamang. Sabagay, tama naman siya.

Gaya ng napag-usapan ay pumunta nga kami sa bar. Kanina pa kami rito sa Drinks at Music at aminado akong medyo natamaan na rin ako sa alak. Gusto ko na sanang sumayaw sa dance floor with my girls, pero hindi kami pinayagan ni Sammuel kasi alam niya na kung ano ang sasapitin namin kapag nangyari iyon. 

I also feel the eyes of some boys looking at us right now. Alam ko ring ito ang dahilan kung bakit nagyayaya na si Sammuel na uuwi na kami. Gusto ko na ring umuwi pero mamaya muna.

Kinuha ko ang isang baso ng tequila na inilapag ko sa mesa. Gusto ko sanang kausapin si Jeddah, pero nag-uusap sila ni Samboy. Si Monique naman ay busy rin sa kausap niyang katabi lang namin ng p'westo. Kaya hindi na ako magtaka kung bakit nasa kaniya minsan ang mata ni Samboy, nagmamasid kasi ito.

I was about to drink my last shot when I saw a familiar man standing sa labas ng bar. I gulped hard when I saw his face, pero hindi niya ako kita.

I stood up to walk in his direction, kaso nagawa akong pigilan ni Samboy. Akala niya siguro sa dance floor ang punta ko.

"Lasing ka na, Farrah, let's go home na," utos niya sa akin na ikinatawa ko ng kunti.

"Mauna na kayo, kakausapin ko muna si Noel," tugon ko. Napatingin naman sila sa labas nang lumingon ako ro'n kung saan ko nakita si Noel.

"You sure, Far? We can stay for awhile," paniguradong tanong niya sa akin. I nodded and smiled. Kahit na pilitin man nila ay wala silang magagawa kasi ito ang nais ko.

"Ihatid mo na sila, saka magpahinga ka na rin. May masi-masi ka pa bukas ng umaga."

Yes, Sammuel is taking up criminology. Pinanindigan niya na yatang maging isang dakilang taga pagtanggol ng bayan hindi lang sa amin ng mga kaibigan niya.

"Sige, basta tumawag ka kung hindi ka pa nakauwi, ha? Susunduin kita," paalala niya pa. Hindi ko naman mapigilang hindi matuwa sa kaniyang sinabi. 

Nilingon ko muna ulit si Noel. Nandoon pa rin siya, nakatayo at tila inaaliw ang sarili na mag-isa. Bakit siya nandito? May hinihintay ba siya? Bago pa man ako mag-isip-isip ng kung ano ang nilingon ko muna ulit ang aking mga kaibigan.

"I will po. Go, take care, guys," I commanded. Napansin kong si Monique ay nakikipagk'wentuhan pa rin siya sa lalaking kakilala niya kanina. Pero nilapitan siya ni Samboy, kaya natigilan ito. 

I sighed and shook my head because of what I saw.

"Ikaw ang mag-iingat, Dear. Call us ha, kung makauwi ka na," bilin sa akin ni Jeddah. Ramdam ko naman ang pag-aalala sa kaniyang boses. 

"Yeah, sure," kaswal kong tugon, saka nila ako tinalikuran para makauwi na. Bago pa man nila ako lingunin ulit ay nagawa ko nang maglakad papunta sa kinaroroonan ni Noel sa labas ng bar.

Nang makaalis na sila, wala akong sinayang na oras at agad akong kumilos para lapitan si Noel. Kabado ako, pero kailangan ko itong indahin para kausapin siya. Siguro, daan na rin ito para humingi ulit ng tawad tungkol sa nangyari sa amin last time.

Dahan-dahan kong ihinakbang ang aking mga paa sa kinaroroonan niya nang makalabas ako ng tuluyan sa bar. Saka ko lang napansin na he's drinking a beer, I saw him holding it while he's standing. Para bang ang lalim ng iniisip niya. Nakasandal siy sa dingding ng bar at nakatingin sa daan, kasi nasa tabi ito ng daan.

Napahinto ako ng makalapit ako sa kaniya. I know he felt my presence, kasi nagawa niya akong lingunin saglit, pero hindi niya 'ko pinansin. Nang mapantayan ko siya, magsasalita na sana ako, kaso nagulat ako sa sunod niyang ginawa.

He gets something in his pocket. Una kong nakita ang isang pakete ng Malborro saka sunod niyang kinuha ang lighter. Napalunok ako, alam ko ang plano niya. Maya-maya pa ay sinindihan niya ito na para bang wala lang sa kaniya na nandito ako. Kanina pa ako gustong magsalit pero hindi ko alam kung papaano kaso hindi niya pa rin ako pinansin. Hindi ko sana siya pakikialaman, kaso hindi na natiis ng pasensya ko ang pagbuga niya ng usok mula sa sigarilyo niya na tumatama sa aking ilong. 

"You smoke again? Seriously? In front of me?" sunod-sunod kong tanong na tila nawawalan ng pasensya. I know what he's doing. Hinarap ko siya, pero nanatili pa rin siya sa gano'n puwesto habang nagsisigarilyo. "Alam na alam mo na ayaw ko ang naninigarilyo ka! Alam mong makakasama 'yan sa baga mo, ginawa mo pa rin? Tell me, Noel, lahat na lang ng ayaw ko ginagawa mo. Lahat ng 'to! Bakit, ha? Para kamuhian kita lalo—"

 Bago pa man siya nagsalita ay sinuyod niya ng tingin ang suot ko. Naka-skirt ako ng kulay white above the knee, saka ang pang-itaas ko naman ay isang croptop na kulay red saka 3 inches na heels. Napaigting pa lalo ang kaniyang panga nang ma-realize niya ang purmahan ko.

"Yes! That's the point! Para kamuhian mo ako lalo," he exclaimed. Napalunok naman ako sa kaniyang tugon. So he wants me to hate him more? Sa puntong ito ay nagawa niya na akong harapin sabay tapon sa sigarilyo niyang hindi pa nangalahati. Pero hawak niya pa rin ang bote. "Teka nga, bakit nangingialam ka sa mga ginagawa ko? Ikaw ba noon, pinapakialam kita? Remember, I asked you before not to wear something like that, nakikinig ka ba? Sinunod mo ba ako? 'Di ba, hindi?! Tapos ngayon, gusto mo... ihinto ka lahat ng ginagawa ko for you? Ginag*go mo ba ako, Carolina?" sunod-sunod niyang tanong na ikinahiya ko. 

Aminado akong nasaktan ako sa akong narinig, pero nais ko lang naman siyang sabihan na bawal at nakakasama sa kaniya ang paninigarilyo. I manage to keep myself calm to face him confidently. Nilingon ko muna ang paligid para masiguro kong may nakikinig ba sa amin, mabuti na lang at kami lang ang tao rito sa labas; malakas ang tugtog sa loob; kaya wala makakarinig sa amin.

"Noel, ang akin lang naman—" Hindi niya ulit ako hinayaang tapusin ang sasabihin ko. Kitang-kita ko ang galit na namumuo sa kaniya. Umigting ang kaniyang panga at namumula na rin ang kaniyang mga mata, siguro marami na siyang nainom.

"What? Na huwag kong gawin ang mga ayaw mo? F*ck, Mercado! Noong ako ba, no'ng nakiusap ako sa'yo na huwag mo ring gawin ang mga bagay na ayaw ko, sinunod mo? I asked you before to stop clubbing because there's a chance that you'll do the things that I hate, at nangyari nga. I asked you before to love me, to be loyal and faithful to me like I am, and even not to cheat on me. Pero ano'ng ginawa mo? You cheat! You make out with a guy who's not me! F*ck!" sigaw niya sa akin na aking ikinatakot. Napaigtad naman ako nang bigla niyang ibato ang bote na hawak niya sa dingding ng club. Mabuti na lang at walang natamaan at nakakita sa amin nang ginawa niya iyon.

Ngunit, wala na roon ang aking isip kundi nasa pinagsasabi niya na. Ngayon, iyon pa rin ang dahilan ng galit niya. I cheated on him. Yes, I kissed someone, but I can't have s*x with someone who's not him. Hindi ko magagawa 'yon, hinding-hindi.

I'm so in love with him, kaya hindi ko kayang ibigay ang bagay na sa kaniya ko lang dapat ibigay. Ito rin ang rason kung bakit nagpa-party ako, kasi nais kong makita ulit ang lalaking kahalikan ko noon para makausap siya at suyuing aminin niya kay Noel ang totoo. Pero ilang taon na ang lumipas, hindi ko pa rin siya ulit nakikita.

Araw-araw, araw-araw kong dala-dala ang nangyaring iyon. Walang gabi na hindi ako umiiyak nang maalala ko ang lahat. That kiss pushed Noel to break up with me. Dahil sa halik na iyon, iniwan ako ng lalaking pinakamamahal ko. Nawala si Noel, nawalan ako ng lalaking akala ko handa akong pakinggan sa lahat ng eksplanasyong mayroon ako. He left me broken, as I will always be.

I looked at him while there were tears coming out of my eyes. 

"I didn't do that. Hindi ko 'yon magagawa sa'yo. You just misinterpreted the thing you saw," naiiyak kong sabi. Hindi man lang bumasag ang boses ko dahil gusto kong sabihin sa kaniya na mali ang akala niya.

Natawa siya sa aking sinabi. Nagawa niya rin akong tingnan, pero hindi ko kita ang kunting awa sa kaniya mga mata.

"Nakita ko na nga tapos mali pa ako? How?" he asked, chuckling. Umiling-iling ako, para bang nanggigil akong sabihin sa kaniya na mali siya, maling-mali.

"We just kissed, and nothing more happened," tugon ko, mas lalo akong napaluha. I tried to manage my voice so it wouldn't crack and slowly wipe my tears using my trembling hands. 

"Really? Kiss lang pala ang nakita ko? How about he's touching you on your hips, embracing you tightly, and touching you beyond that? Nakita ko pa ngang, naliligayahan ka. Ano 'yon, namamalikmata lang ako, ha? Tell me?" Napapikit ako sa kaniyang mga sinabi. Pilit kong isara ang tainga ko sa sinabi niyang iyon. Hindi totoo ang mga sinabi niya. Hindi. 

Oo, ako ang rason ng hiwalayan namin, pero hindi ibig sabihin no'n iyon na ang tamang dahilan gaya ng sinabi niya. Handang kong harapin ang kapalit o kamuhian niya ako, pero sana naman sa tamang dahilan, hindi iyong puro mali at kasinungalingan.

"Sa maniwala ka o sa hindi, we just kissed. I kissed him to protect you," I said, crying. Iyon na yata ang desisyong hindi ko kailanman pagsisisihan. Oo, I kissed someone, but it was for his own sake. Labag sa loob ko ang humalik ng iba, pero para sa kaniya ay gagawin ko. Para sa ikaliligtas ng taong mahal na mahal ko.

"What? To protect me? Are you joking, right? Nakipaghalikan ka sa iba at you even gave yourself to that jerk man tapos niligtas mo ako? Come on, Farrah!" galit niyang tugon. Ramdam kong titindi pa ang galit niya lalo na't nakainom siya ngayon.

"H-he told me that if I didn't kiss him... he... he will punch you. Natakot ako, Noel, kaya nagawa ko 'yon. Kahit na tanungin natin siya, iyon ang totoo," I said. That's the truth. Alam kong mababaw, pero alam kong gagawin din 'yon ng iba para sa taong mahal nila.

I know that I was a coward way back then, pero nangyari lang iyon dahil si Noel na ang pinag-uusapan.

Napaatras ako nang maramdaman kong unti-unti siyang humakbang papalapit sa akin. Ipinagpatuloy ko lang iyon hanggang sa mapahinto ako dahil tumama ang likod ko sa pader. When that happens, hinawakan niya ako sa braso. Pero hindi iyon maingat, medyo may higpit. 

"I almost killed that man for you," nanggigil niyang wika. Nasa aking mga mata ang tingin niya. Ramdam ko naman ang panginginig ng aking tuhod dahil sa kaniyang ginawa. I smell the beer on his breath. I gulped hard when he smirked at me. "Handa akong makipagpatayan para sa'yo tapos... natatakot ka dahil masuntok ako? Suntok lang 'yon, Farrah, hindi ako mapapatay ng suntok ng gag*ng 'yon!"

"I'm scared!  Takot ako. Natatakot ako para sa'yo. Para sa kaligtasan mo."

"Still, you cheated on me, and you give yourself to him." Napaiyak na naman ako sa kaniyang sinabi. Kaya kong tanggapin na niloko ko siya, pero hindi ko kayang marinig na nakipagtal*k ako sa iba. I can't do that, not even once. 

Hinawakan ko ang kamay niyang nakahawak sa akin. Nanginginig ako nang magawa ko iyon. "Noel, I didn't surrender myself to him because I already made a promise that this was only for you. For the man that I loved," pagpapaintindi ko sa kaniya gamit ang namamaos kong boses.

"You already surrendered yourself to that man, sa kaniya mo na lang ipagpatuloy," walang emosyon niyang sabi saka malakas na hinablot ang kamay niyang hawak ko. Nagulat naman ako sa ginawa niyang iyon.

He turned his back at me, kaya kumilos ako agad para pigilan siya na iwan ako. Niyakap ko siya patalikod at himagulgol sa kaniya. I wanted to scream and cry at him while saying, "Love, hindi ko kaya ang gano'ng bagay kasi mahal kita. Mahal na mahal," pero hindi ko alam kung papaano kaso hindi niya naman ako kayang pakinggan.

Hindi siya umangal at nagreklamo sa yakap ko kaya nagawa ko ang magsalita. "Believe me, please. Kahit na may mangyari man sa atin ngayon, mapapatunayan ko na isa akong birhen at hindi ako gano'ng klaseng babae. Just trust me, Noel. Love, please; I'm begging you," pagmamakaawa ko sa kaniya. Pero hindi niya ako nagawang harapin, ni hindi niya ako magawang hawakan at tingnan. Iyon pa lang... alam ko ng talo na ako at hindi ko na siya ulit mapasaakin.

"Leaving you is a good decision that I made for myself. At kailanma'y hinding-hindi ko iyon pagsisisihan," sabi niya gamit ang malamig niyang boses. I cried so hard hearing it from him. From the person I love the most. Ang taong minsan na ako pinangakuan ng kasal ay hindi na ako kayang patawarin.

"Noel, please, kahit maniwala ka na lang sa akin. Kahit 'wag mo na akong kausapin pagkatapos. Just trust me,"  paos kong pagmamakaawa sa kaniya. Matutuwa na sana ako nang hawakan niya ang kamay kong nakayakap sa kaniya kaso nawala iyon nang bigla niya iyong tanggalin ng pagalit saka ako hinarap gamit ang blangko niyang ekspresyon sa mukha.

"You can please anybody... except me. Beg more. Try harder. But still, you can't ask me to praise you like others do," he said, and he left me broken and nowhere to be found.

Losing him means losing a haven. Maybe we aren't meant for each other.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top